PBA May Taning Na! At Charles Barkley Inalipusta Ang Pinoy Basketball!


Kawawang PBA may taning na. Ilang mabahong hinga na lang at magtatapos na ang kasaysayan ng mga ulol. 

At bakit naman ganyan si Charles Barkley sobra naman kung mang-alipusta! May punto ba siya?

Sama-sama tayo mga enlightened ones! 

https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2432667

Malapit nang maglaho kagaya ng mga dinosaur ang PBA na matagal nang naghihingalo at humihinga na lang sa tulong ng life support na bigay ng mga siraulong kumpanya na nagpapatakbo ng liga na ito. Nauna na si Uytengsu at ang Alaska na bumitaw, walang takers ang Alaska dahil wala nang ibang may sira ang ulo na gustong sumakay sa palubog na bapor.

Isipin niyo yan, Alaska na isa sa mga legendary teams sa PBA at isa sa mga nakamit ang pambihirang Grandslam, ay bumitaw na.

Bakit ka sasakay sa palubog na bapor? Bakit ka tatakbo sa loob ng bahay na nasusunog? Palubog ang bapor, maghahanap ka ng salbabida. Nasusunog ang bahay, ikaw ay tatakbo sa labas ay ililigtas ang iyong sarili. Ganon lang kasimple. Ang PBA ang bulok at naaagnas na. Matagal nang paulit-ulit ang sirang plaka na liga na yan na wala nang kakwenta-kwenta. Sukang-suka na ang mga tao sa liga na yan at kitang-kita naman ang ginagawang panloloko! 

Mga rookies ay iniiwasan ang PBA na parang taong grasa na may covid. Mga fans ay hindi bumibili ng ticket para manood ng live game dahil boring, walang kalidad, puro game fixing at gaya-gaya sa NBA. Yung logo nga parang logo ng NBA, halatang-halata naman. Walang originality, walang kwenta, burat parang titing supot na binurat! Malapit nang mawala ang bulok na liga! Sa TV naman bagsak din ang viewership. Halos magmakaawa nga ang mga tarantado na may pumulot sa kanila na parang tae na binalot sa diyaryo. Kaya lang nasa TV pa ang walang kwentang produkto na yan ay dahil si Manay Vaklah ay may TV station.

Ang mga teams ay kokonti lang dapat dahil konti lang naman ang mga mayayaman sa Pinas na may kakayahan na magpatakbo ng basketball team. 95% ng GDP ng bansa natin nung nakaraang taon ay pinaghatian lang naman ng pitong pamilya sa Manila. Pitong pamilya lang. Sa 12 teams sa PBA, tatlo diyan ay hawak ni Manay Vaklah at tatlo naman kay Babalu. Ang ibang teams mga farm teams na lang na walang interes manalo sa PBA. Gusto lang nila ibenta mga first round picks nila kapalit mga baldado at laos na player na inunat ng mga teams ni Manay Vaklah at Babalu. Ganon lang yan!

Kung bibitawan ni Babalu at Manay Vaklah ang ibang teams nila, magiging mga hampas lupa ang maraming players at staff ng mga teams na mawawala dahil sinong siraulo ang sasalo? Eh puro hampas lupa na tayo sa Pinas iilan lang ang mayayaman sa atin diba? Sa tingin niyo ba papayag ang PBA na bumili ng teams ang mga taga Hong Kong at China sa atin? Ayaw nila niyan. Gusto nila sila-sila lang ang yayaman sa Pinas.

Kaya sige, sunugin na yang bulok na liga na yan. Walang kwenta yan!

CHARLES BARKLEY INALIPUSTA ANG PINOY BASKETBALL

Si Barkley naman ginawa na namang katatawanan ang abilidad ng Pinoy sa basketball. Sa isang basketball program sa America, kausap ni Barkley ang isang courtside reporter. Nang banggitin ng courtside reporter na si Charlie Haynes na siya ay naging MVP sa isang Filipino basketball league sa America, tinanong ni Barkley kung ilang Pinoy na ba ang na-draft sa NBA. Ito ay sinundan ng malakas na tawanan at sinundutan pa ni Shaq na yung courtside reporter na si Charlie Haynes ay si Manny Black-iao. Halos gumuho ang studio sa halakhakan.

Tulad ng inaasahan, nagbalat sibuyas ang mga kababayan natin na nasaktan sa mga sinabi ni Barkley. May mga hinalintulad ang kawalan ni Barkley ng NBA championship ring sa kawalan ng representativo ng mga Pilipino sa NBA draft. Nakalimutan ata ng ilang mga sumugod kay Barkley na si Charles Barkley ay miembro ng basketball Hall of Fame. 

Masakit naman kasi ang gawing joke yun dahil ang Pinoy ay matagal nang nagbabasketball at tumatangkilik sa NBA pero hanggang ngayon ay wala pa rin NBA player. Naunahan pa tayo ng Japan na magkaroon ng NBA player. Tayo? Umaga, tanghalian at hapunan ay basketball. Bakit?


Kasi banban ang Pinoy sa basketball. Akala lang natin magaling tayo pero sa totoo lang banban tayo. Yung mga Pinoy nga na nagpupunta sa ibang bansa akala nila sila mag dominate sa basketball court pero pag naglaro na bansot na binubutata ng mga bata tapos katawa-tawa mga galawan. Parang mga hinagis na palaka, yan ang totoo. Hindi kasi maganda ang foundation, walang proper na training. Mga bata tinuturuan na kaagad ng kagaguhan sa court kagaya ng mga panggugulang at pandadaya. Paano matuto niyan? Ginagaya pa mga NBA player na mahilig sa acrobatic moves pero hindi makashoot ng open jumpshot. At walang jumpshot! Walang NBA scouts na nagsasayang ng oras magpunta sa atin. Daming imports na labas pasok sa bansa natin pero ni isa sa kanila ay hindi nag rekomenda sa mga scouts sa NBA na tumingin sa Pinas kasi alam nila mahilig lang tayo sa basketball pero ang basketball walang hilig sa atin. 

Kaya masanay na kayo dahil lagi tayong pipintasan hanggat hindi tayo mag improve. Isa pa, bakit pa nagpapakaloko sa basketball eh hindi na naman nag add value yan sa buhay natin? Wala na tayong napapala diyan eh. Yung PBA nga wala nang napapala at malapit nang malagutan. Mag basketball lang para sa fitness, pero huwag na magpaka-sira ng ulo diyan. Huwag na tangkilikin ang PBA at yang mga basketball courts sa mga baranggay na yan gawin na lang 7-Eleven mga yan para naman makatulong sa ekonomiya yan. Gastos lang yan ginagawang billboard ng mga spoiled brats na local politicians sa mga lugar nila. Alisin na yan. Tama na. Sobra na.

Paano pa pag pagtripan tayo ni Shaq sa kaniyang Shaqting a fool? Baka marami sa inyo ay atakihin na sa puso at mawala na sa mundong ito.

Comments

  1. Puro kamalditahan lang ang makikita mo. Antataray pang mag angas ang karamihan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan mga kababayan natin pag mag balat sibuyas

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?