Mga Artistang Pinoy Hindi Makasakay sa Woke Train sa Hollywood


https://indiosbravos.mixlr.com/events/3339454 - Live Tayo Dito

Tayo pa naman ang pinakamayabang na bansa sa totoo lang. Tayo yung gusgusin na kamaganak niyo tuwing may family reunion tapos saksakan ng yabang. Ang mga taong mapagmalaki kadalasan ang may pinakamalaking baho na tinatago. Nagmamalaki tayo para pagtakpan ang mga bagay na hindi maganda at nakakahiya.

Lagi nating pinagmamalaki na tayo ay masayahin at laging nakangiti. Pero ang totoo, tayo ay mga inggitero at yung ngiti na yan kadalasan ay ngisi pala. Isang senyales din ng kabobohan ang pangiti-ngiti kahit na napapaligiran ng basura. Ang taong nakangiti sa gitna ng kahirapan ay isang tamad na tinanggap na ang kaniyang kalagayan at wala na siyang balak na ayusin ang kaniyang kapalaran. Tingnan mo mga holdaper at rapist, ngumingiti din mga yan. At kung sino man nagsabi na ang Pilipinas ang pinakamasayahing bansa ay nanlilinlang sa atin. Tayo ang bansa sa Asya na pinagtatawanan ng ating mga kapitbahay. Kahit China na ilang beses nang pinuri ni Digong-Niyo, ngayon ay nilalaglag na ang poon ng mga DDS. 

Ano ba pinagmamalaki natin na ngayon eh bagsak na bagsak tayo? Ang antas ng educasyon natin ay bagsak na din, nasa ilalim na tayo malapit na tayo maunahan ng Camdodia. Daming bobo sa atin makikita ninyo na mawawala mga investors sa atin. Bakit sila magtayo ng hub sa bansa na kulang sa talino ang workforce? At ang matatalino natin lumalayas, sa ibang bansa nagpupunta at doon napapakinabangan ang kanilang husay. Sa atin ang mga trabaho na nakukuha natin ay mga call center lang para sa mga taong ayaw gumamit ng utak. Mawawala din yan kasi ang Pinoy walang customer service puro masusungit mga tao sa atin kaya sino ba gagong nagsabing masayahin tayo? Walang empathy mga tao sa atin kaya paano masisiyahan sa trabahong customer service? Subukan mo tawagan telco mo at magreklamo sa bill mo wala kang makukuha at agents na makakausap mo mga walang kwenta kausap.

Magiingat din sa Pinoy na umiiyak. Tignan ng maigi baka mamaya yan pala ay iyak buwaya. Madami niyan mga nag iiyak buwaya sa show ni Tulfo. Yung mga ang tatapang akala mo tigre nung wala pa sa Tulfo ang storya niya pero pagdating doon eh nagiging maamong tupa. Madami din makikita mo mga pulitikong nagiiyak-iyakan lalo na pag may nakapaligid na mga miembro ng media na may mga dalang camera. Magiiyak-iyakan mga yan pagbumisita sa mga biktima ng mga sakuna na kadalasan ay kasalanan ng mga pulitikong namamahala sa lugar na yan. Sari-sari pa namang mga trahedya ang nangyayari sa atin na madali naman talaga maiwasan kung may malasakit at karunungan lang ang mga nakaupo. Pero ano ba aasahan sa mga animal na yan eh mga dynasty lang yan na ang bibigyan ng importansya ay protektahan ang puesto nila.

Aminin natin sa ating sarili na tayo ay walang kwenta na talaga. Hindi na tayo pinapansin ngayon ng international community. Kahit nga America walang pake-alam kung may magpasabog ng atomic bomb sa atin dahil tingnan mo aggression na ginagawa nila sa teritoryo natin talagang inaasar ang China. Ok lang sa America yan kasi kung magalit ang China ang theatre of war ay sa Pinas gaganapin at sigurado tayo na naman ang bida.

Tingnan niyo ngayon sa Hollywood maraming mga artista ngayon na mula sa ibang lahi ang nabibigyan ng pagkakataon na masali sa mga pelikula. Nabibigyan ngayon ng exposure at representacion ang kanilang bansa. May mga artista na galing sa India, China, Japan at sari-saring mga Hispanics. Tayo na may mga kaibigan matalik ni Uncle Sam, laging handang sumali sa laban ni Uncle Sam at hinulma ang utak para ibigin at sambahin si Uncle Sam ay hindi kasali.

May kinalaman kaya ang hindi kaaya-ayang reputation ng bansa natin? Hindi naman siguro petty ang mga yan. Gusto nga nila mga mahihirap na bansa na may ginagawang maganda sa sining. Madaming mga pelikula na mula sa Afghanistan at Syria na kanilang nai-fefeature. May mga kababaihang director na mula sa Middle Eastern countries ang nabibigyan ng oportunidad pero bakit sila ang nauuna at hindi Pinoy na matagal nang kumakatok sa Hollywood?

Ok, aminin natin na ang ibang pelikula natin ay walang kalatoy-latoy at walang kwenta tayo pagdating sa casting. Mahilig tayo sa mga mestiso at mestisa na laging ginagawang lead sa mga feature natin pero ang mga yan nakuha lang na artista dahil ang masa nagagandahan sa mga may lahing puti. Walang acting talent. Matalas ang mata at mapanuri ang mga film critics sa ibang bansa sigurado naman makikita nila na ang acting ng mga artista sa atin ay walang latoy.

Tingnan niyo mga Pakistani at Indians nagkalat na sa Hollywood at may mga regular na trabaho na sa pelicula. Maraming Koreano na din at tinatangkilik ang Kpop. May mga Vietnamese at Cambodians at siempre hindi mawawala mga Thais. Madaming Africans, Afghans at Middle Easterns. Pinoy lang ang hindi nakasali sa train na yan dahil ang mga bansa nila at movie industry nila ay nakapag produce ng mga magaganda at makabuluhang pelikula. At ang kanilang mga actor at director ay nakapagpatunay na ng kanilang kakayahan sa sining at kultura.




Comments

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?