DepEd Secretary at VP Sara May Solution Sa Learning Poverty?



Ang totoong mga adik ay itong mga patay na patay sa mga Duterte. Napaka inconsistent kasi eh. Galit sila sa mga kriminal, pero magbubulag-bulagan sa mga violations ng mga Duterte. At pabor pa na gumamit ng karahasan para malinis ang mga adik. 

Galit kay Trillanes at Penot dahil binenta daw ang Spratly's territory natin sa China, pero hindi pumalag nang halos tumuwad si Duterte sa China kahit wala naman tayo napala. Binigyan pa nga ng covid, pero ok lang din walang palag sa China. 

Nasusuka daw sa mga political dynasty, pero sumasamba sa mga Duterte at handa pang iluklok yung anak kahit incompetent. 

Eh kayong mga DDS pala ang mga adik eh.

Sa awa ng Diyos ay nauto ng mga Marcos itong si Sarah na saka na mag presidente at maging running mate na lang ni BBM. Sa surveys ay may maliit ng kalamangan si Sarah Duterte kay BBM. Tiyak na nanalo si Sarah kung hindi siya naging problem bitch ng tatay niya at umandar ang PMS. Parang spoiled brat na babae na maninindigan sa lalaking ayaw ng kaniyang tatay.

Isipin niyo na lang kung anong klaseng kapalpakan ang policy na ginawa nito at kapahamakan na idudulot sa mga kawawang Pilipino kung hindi nila ito naloko? Siguro lahat kayo ang nag mamarcha na sa ilalim ng araw na may hawak na baril na kahoy at sumusunod sa utos ng mga bullies at taong gago na mga cadet officers. May kakilala nga ako noong high school na gumulong-gulong sa bangin dahil sa mga katarantaduhang mga demands ng mga officers na gusto lang mag power trip at inutusan kaming umakyat ng bundok.  

Kung titingnan ninyo ang mga projects ng OVP, makikita niyo na tayong mga Pilipino ay nagpapalibing ng pera. Perang hindi na maibabalik pa. Pera na napupunta sa mga indigent ay perang nawaldas na at hindi na natin makikita pa ulit. 

Puro walang kwenta mga proyekto ng OVP. Isa sa mga walang kwentang proyekto niya na talagang proud na proud siya ay ang mga outreach programs kagaya ng pagpapalibing at hatid sundo ng mga putangina sa pupuntahan nila.

Hindi dapat binibigyan ng budget ang OVP dahil ito ay aksaya ng pera. Wala dapat Office of the Vice President. Nasimulan lang ito dahil sa pagka-epal ni Leni. Ang VP ay spare tire lang at kung ang VP ay bibigyan ng katungkulan, eh di magtrabaho sila. Pero kung wala silang maitutulong dahil sa kakulangan ng experience nila mas mabuti pang manahimik sa bahay. Ganon naman talaga dapat. Kaysa ganito na nagaaksaya tayo ng pera para may pangpalibing at panghatid sundo. Alam niyo magkano inabot yan? Million. Million na salapi na hindi na natin makikita ulit. Ok lang sana kung napunta sa high profile investments na magbibigay ng trabaho sa madami. Hindi eh. Pangpalibing lang at pang hatid sundo. Limas ang pera!

Ganitong klase ng mga projects ng mga kasalukuyang namumuno sa atin. Puro pang Kapwa Ko, Mahal Ko. Yan ang trato nila sa atin. Walang suporta na ibibigay sa atin para matuto tayo hanggang sa magkasakit tayo ayan pumila kayo sa mga Malasakit Center natin. Sandali na lang naman ang paghihirap niyo sa pagpila dahil tatanggalin kayo sa data base nila pag ikaw ay natigok na. 

Ang gusto pa ngang position noong una ay DND Secretary. Gusto pa niya i-bypass yung mga heneral at mga taong may karunongan sa political science eh. Anong inaakala niya na kaya niya yang trabaho na yan? Ano yan fake it until you make it? May Dunning-Kruger Syndrome ba itong si Sarah? Hindi niya maunawaan yung kakulangan at limitacion niya. Kahit mga kamalian niya hindi rin niya siguradong maunawaan. 

Mahirap din talaga kalagayan ng Pangulo kapag siningil ka na. Ayun nilagay sa Dep Ed ang VP. Wala pa rin nagagawa hanggang ngayon. Nakakapag alala ito dahil sa na-identify na may learning deficiencies ang ating mga kabataan. Ayon sa pagaaral ng World Bank, 80% ng mga Grade 4, 5 at 9 ay hindi man lang umabot sa minimum proficiency. Ibig sabihin niyan, bumababa ang kalidad ng mga future graduates natin. Mas lalo tayong hindi makakakuha ng mga investors sa Pilipinas dahil sa mababa ang talent pool natin.

Napagalaman din na ang mga teaching methods na ginagamit ng mga guro sa atin ay makaluma na. Ano gagawin ng Dep Ed para maagapan ito? Mag marcha sa ilalim ng araw na may hawak na baril na kahoy?

Ang solution dito dapat si BBM habang maaga ay sibakin si VP Sarah bilang Dep Ed secretary at maglagay ng proper na Dep Ed secretary na alam ang ginagawa nila. Hindi yung ang pinagtutuunan lang ng pansin ay yung mga insurgencies na hindi naman niya trabaho. Hirap kasi sa mga martilyo lahat na lang ng bagay ay pako. Ngayon kung magagalit si Tatay, ano ngayon? Eh kahit ano naman gawin niya ay pinipintasan siya. Puede si BBM magpauso ng bagong department na hindi makaka apekto sa ekonomiya, bigyan ng maliit na budget. Kung talagang mahal ni BBM ang bansa natin at mahal niya anak niya na siguradong gusto niyang maging presidente din balang araw, ngayon pa lang gumawa siya ng policies na makakatulong sa lahat. 

Pakinggan dito ang podcast natin - https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2385097


Comments

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?

Masahol talaga ang mga tibo