Pilipinas contra Iraq - Isang boring na engkwentro!


Wala nang mas boboring pa sa isang football match kung saan ang isang koponan ay nagpunta lang sa laban para magkalat ng katarantaduhan. Yan ang nakikita natin pag nakakalaban natin noon ang mga bansa na kagaya ng Cambodia at Laos. Talagang gusto lang nila mang-asar. Siempre tayo na mga World Class at powerhouse ay talagang kinatatakutan ng mga bansang yan diba? Kaya naman pag ang isang powerhouse team sa football na kagaya natin ay naglalaro na parang mga tapakan, eh nakakahiya yan diba?

Nitong nakaraang Viernes ika-22 ng Marso taong 2024, isang powerhouse team na kagaya natin, ang Pilipinas na umaabot sa Third-Round ng AFC World Cup Qualifiers kahit na walang development program, walang matinong domestic league, walang training facilities, walang grass roots development at walang pake sa football, ay nagpapakita ng kabanbanan laban sa mga minnows na Iraq! Anong klaseng kagaguhan ito? Anong klaseng kataksilan sa bayan ang ginagawa ng ating football team na maglaro ng wala ang puso ha? 

Puera biro, masakit talaga sa mata ang laro ng ating Pambansang Koponan sa Football. Pero yan ang klase ng laro na kaya nating ipakita ngayon dahil diyan talaga ang estado natin. Sa katunayan, mas malala pa diyan kung hindi tayo nagrerecruit ng mga Fil-Foreign dahil sa Pilipinas, sa kahit anong larangan ay hindi natin alam kung paano mag develop ng sarili nating talento. Yan ang napapala sa sistema ng palakasan, dynasty, politica, katamaran at corruption.

84 minutes sa laban, walang ginawa ang Pilipinas kung hindi ilagay ang sampung player nila sa harap ng goalkeeper natin. Ang instructions nila ay sipain palayo ang bola sa nagiisang striker at sana palarin na siya ay maka-goal. Kung hindi, ok na yun basta ilayo ang bola sa goal ng kalaban. Masakit sa mata yan. Sa football kailangan mo maka-goal para manalo. At yan ang ginawa nila. Maraming heroic saves ang mga defenders at goalkeeper natin na si Neil Etheridge. Pero sa 84th minute, nakagoal din ang Iraq sa husay ni Muhanad Ali. Yun lang ang kailangan nila para makuha nila ang 3 points at panalo.

Ito ang dapat natin tandaan. Kahit anong heroics ang gawin ng ating defenders, lalo na ang goalkeeper natin ang maaalala lang ng mga tao ay kung sino ang nakagoal. 

https://indiosbravos.mixlr.com/events/3280456


Comments

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?