Philippine Mens National Football Team Nilampaso ng Iraq. Buhok nila ay nagparang mop ng janitor!


https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2407554

At nagkatagpo ulit ang ating Philippine Mens National Team at Iraq. Sa ating home game, tayo ay natalo sa score na 5-0. Masakit talaga pero kailangan natin tanggapin ang ganyang resulta. Ganyan sa football. Ganyan din ang buhay. Kung hindi mo paghahandaan ang isang bagay, ikaw ay makakaranas ng pagdurusa. 

Ang Philippine Mens National Team at ang supporters nito ay sinampal sa mukha ng mapait na katotohanan. Katotohanan na matagal na natin alam at kung ikaw naman ay bobo, ito ay katotohanan na iyong kinagulat.

Noong 2010 matapos maganap ang tinatawag na "Miracle in Hanoi", nabigyan ang PFF (Philippine Football Federation) ng pagkakataon na ayusin ang football. Dumating ang mga fans at sponsors. Pero sa halip na gamitin ito para buhayin ang football at magsimula ng development, walang nangyari kasi ang responsibilidad na ito ay napunta sa mga napaka incompetent na pamumuno. Mga taong wala talagang idea.

Nagfocus din masiyado sa FIFA World Rankings, hinahabol natin kung ano itataas natin sa rankings kahit na alam naman nating hindi yun totoong reflection ng strength ng ating football dahil nagtatalo din tayo sa mga bansang mas mababa sa atin sa world rankings. Hanggang sa nagsawa ang mga tao sa football dahil walang content na maibigay sa masa, libre lang ang games sa domestic league pero walang nanonood at wala nang nanonood sa mga home games kahit na importante ang laban. Natatalo din tayo sa mga bansa na winasak ng gera kahit ilang Fil-Foreigner pa ang ilagay natin sa team. Hindi na kayang pagtakpan pa ng PFF ang kanilang pagkukulang sa Philippine Football. 

14 years ang nakalipas at nandoon pa rin tayo. Wala pa ring matinong domestic league, walang matinong structure at walang youth development. Ang mens national team ganon din ang womens national team ay umaasa lang sa makukuha nilang talent overseas. Ano pa saysay niyan para sa atin kung ang talent ay kukunin din pala sa ibang bansa? 

Gusto niyo mabuhay football? Kailangan natin ng hometown hero. Para magkaroon ng hometown hero, kailangan may totoong development sa ating bansa. Kahit abutin ng dalawampung taon ay hihintayin natin pero kailangan makita natin na magumpisa ito ngayon na.

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?