Posts

Bakit Ayaw ng masa kay Alan Peter Cayetano?

Image
Padre Damaso o si Bongbong Marcos? Kakaiba din ang memory ng mga Pinoy ano. Parang kailan lang minumura ng mga tao itong si Alan Peter Cayetano dahil sa kasali siya sa listahan ng mga nabiyayaan ni Napoles tapos biglang naging santo kasi dikit nang dikit kay Digong. Biglang naging Mr Clean, burado mga katanungan dahil sumuporta kay Duterte. Puede ka pala gumawa ng kagaguhan at kademonyohan pero yan ay biglang malilinis basta itaas mo ang iyong mga kamao kasama si Tatay Digong. Suportahan mo lang ang mga panukala ni Digong, absuelto lahat ng kademoniohan na nagawa mo. Yan si Cayetano. Matagal ko na din pinagiisipan kung ano ba talaga ang deal nito. Noong 2015 ay lumuhod yan kay Duterte para pumayag na tumakbong pangulo at siya ang kuning ka-tandem niya bilang bise presidente. Pahayag pa nga ni Duterte noon na naawa lang daw siya kay Cayetano kaya pumayag siya kasi mabait naman daw. Loco din eh. Pero kung trapo ang paguusapan, itong si Cayetano talagang sukdulan. Kahit si Satanas kab...

DENR ay Pugad ng mga Ungas

Image
Ang buhangin sa Manila Bay ay natural na maitim at halos kakulay na ng buhangin sa tabi ng vulcan. Kaya ano na naman itong naisipan ng mga magagaling na scientist ng administracion ni Duterte at tinambakan nila ng dolomite yan para gawing Boracay? Isang malaking aksaya ng pera at katontohan yan maniwala kayo. Bigyan niyo ng isang taon at ang buhangin na yan na hinahangaan niyo ngayon ay mangingitim ulit na parang kili-kili ng bakla. Alam niyo ba ang erosion? Ang alon ay kakainin yang buhangin na yan at hihilahin papunta sa laot. At habang dumadating ang alon ay may dala rin itong mga buhangin. Ang buhangin na ito ay itim kasi yun ang natural na kulay ng buhangin diyan. Gamitin niyo ngayon ang mga utak biya niyo. Isang taon lang tapos na yan at mas mapapabilis yan pag bumagyo pa. Siguro kung ang pera na ginastos diyan ay pinambili na lang ng transistor radio na sinasabi ng Pangulo para sa home schooling ng mga mahihirap na estudiante nakatulong pang tunay. Biro lang, walang quenta na su...

Pilipinas ang Original Bully sa South China Sea

Image
Walang duda na ang China ay bully. Ginagamit ng China ang lakas ng kanilang navy at ang higanteng economia nila. Wala na tayong laban dahil talagang kulelat ang ating mga lumulatang na lata. Pinabayaan talaga ni Cory Aquino at lahat ng mga sumunod na presidente natin. Kahit isigaw pa natin na naging panalo tayo sa Court of Arbitration, wala naman tayong magagawa dahil mahina ang ating NAVY compara sa China. Bully nga ang China, yan ang totoo. Pero alam niyo ba na ang Pilipinas ang unang bully sa region natin? Kailangan balikan natin ang naging ugali ng Pilipinas pagkatapos ng WW2. Tayo ang original bully sa South China Sea. Ang lahat ng kakupalan na ginagawa ng China ngayon sa South China Sea, ay una na nating ginawa pagkatapos ng WW2. Ang yayabang talaga natin noon dahil katabi natin si Uncle Sam. Pilipinas at America ang original kupal. Oo, bully ang Pilipinas noon at yan ang totoo! Sino unang nang-angkin ng isla sa Spratlys Islands at nagtayo ng infrastructures diyan? Pilipinas. May...

AFP Gusto Kontrolin ang Social Media

Image
Ang balat-sibuyas na Lt Gen Gilbert Gapay ay nagpahayag na dapat isali ang pag-gamit ng social media sa scope ng Anti-Terrorism Bill. Parang ginagawa sa China na hindi puedeng sabihin na mukhang tae ng kambing si Xi. Sa Pinas naman hindi na puedeng sabihin gago si Bong Go at bobo si Bato. Balat-sibuyas.  Naalala ko tuloy sinabi ni Bato sa isang drug lord na pa-drug lord, drug lord pero naduduwag naman. Ganon din siya pumasok sa politica pero balat-sibuyas.  Suggestion ko kay Lt Gen Gapay ay ito: Alisin niyo na lang FB may Weibo naman. Tapos kung sino mag comment ng di niyo magustuhan, puntahan niyo sa bahay nila at galit na tadyakan ninyo pinto nila. Tapos suntukin mo mukha ng keyboard warrior kasi talagang napikon ka diba? Suntukin mo at sabihin mo tokhang lang. Durugin mo lahat ng ipin kasi nabadtrip ka talaga sa sinabi eh hindi mo talaga nagustuhan. Nasaktan damdamin mo. Sampalin mo nanay niya at saksakin yung aso niya. Talagang napikon ka diba? Sikmuraan mo pa. At pagkatap...

Paano Ginuho ni Duterte si Grace Poe na Boba?

Image
Gigising ako! Naalala ko noong Presidential Debate nagtanong si Duterte para lang kay Grace Poe. Ang tanong ni Duterte ay "Ikaw ang presidente ng Pilipinas at sa disoras ng gabi ay ginising ka ng Defense Secretary mo para sabihin sa iyo na tayo ay inatake. Ano ang gagawin mo?"  Si Grace Poe ay tatanga-tanga talaga at tulad ng inaasahan ay nagkalat. Nangangapa siya ng tamang maisasagot, nanginginig pa ang boses. Nataranta yung tarantada at balisang-balisa talaga kaya dinaan na lang niya sa biro at sinabing siya daw ay GIGISING. Walang kwenta ang delivery niya kaya plakda ang mukha niya. Pinagmukha siyang tanga ni Duterte para ma-expose ang katangahan niya at mawala ang tiwala ng mga botante sa kanya. Si Poe kasi ang isa sa mga popular na presidentiable at ang strategy ay nag-tagumpay! Ang tanong ni Duterte ay political science question na alam niyang hindi kayang sagutin ni Grace Poe. Masasagot yan ng mga kagaya ni Randy David or mga taong may military background. Kahit yung i...

Nakakahiya Naman Sa Mga Balat-Sibuyas

Image
Tito, Vic and Joey with Ritchie Reyes Talagang nabasag na ang pula ni Tito Sotto, Bong Go at Bato Dela Rosa kaya naman nakaisip silang gumawa ng walang kwentang resolution na Anti-Terror Law. Ito ay batas para protektahan ang pride ng mga gagong senador at ng walang kwentang administracion ni Duterte sa mga pambabatikos. Ngayon nga na litaw na litaw ang kapalpakan at pagka incompetent ng Duterte admin, kailangan nila ng Anti-Terror Law para macontrol ang pambabatikos at pamumuna. Sabi nga sa akin ng kilala kong abogado na huwag muna ako mambabatikos sa pamahalaan dahil delikado ang provisions ng panukala. Kay Tito Sotto naman ang naging catalyst nito ay ang pagkabuhay ng Pepsi Paloma Rape Suicide. Noon na wala pang social media, ito ay napapagusapan lang sa mga inuman at pag tinulog na ng mga lasenggo paggising kinabukasan limot na. Hindi na ito nagkakaroon ng pakpak na nagiging national topic. Pero dahil sa social media, nagkaroon na ito ng iba't ibang anyo. Na-link na sa kanta ng...

Ah, Basta Duterte Pa Rin!

Image
Si Pangulong Duterte ay makaluma ang pamamaraan pagdating sa pag responde sa COVID 19 pandemic kaya nga naman lahat ng kapalpakan na maaaring mangyari sa kanyang pamumuno ay nangyari talaga.  Ang mga DDS naman ay napatunayan ang kanilang pagkainutil. Live with the sword, die by the sword. Talagang hanggang sa huling hininga pagtatanggol sa kanilang Tatay ang mananalasa. Total devotion sa messiah. Delikado yan paano kung ang demonio ay magpanggap na messiah? Ah, basta Duterte pa rin! Himayin natin isa-isa ang mga solusyon ng pamahalaan at mga naging resulta nito. Bago dumating ang COVID 19 sa ating bansa, nag anunsyo ang pangulo na tayong mga Pilipino ay hindi dapat mabahala dahil ang COVID 19 ay sasampalin niya lang. Tawanan ang mga DDS at buong suporta pa rin sa Tatay nila. Ang galing talaga ni Tatay! Sa harap ng adversidad, walang takot. Yan ang Tatay ko!  May mga concerned na gusto malaman kung anong action ang gagawin ng gobierno para mapanatiling COVID free ang Pilipinas....