DENR ay Pugad ng mga Ungas
Ang buhangin sa Manila Bay ay natural na maitim at halos kakulay na ng buhangin sa tabi ng vulcan. Kaya ano na naman itong naisipan ng mga magagaling na scientist ng administracion ni Duterte at tinambakan nila ng dolomite yan para gawing Boracay? Isang malaking aksaya ng pera at katontohan yan maniwala kayo. Bigyan niyo ng isang taon at ang buhangin na yan na hinahangaan niyo ngayon ay mangingitim ulit na parang kili-kili ng bakla.
Alam niyo ba ang erosion? Ang alon ay kakainin yang buhangin na yan at hihilahin papunta sa laot. At habang dumadating ang alon ay may dala rin itong mga buhangin. Ang buhangin na ito ay itim kasi yun ang natural na kulay ng buhangin diyan. Gamitin niyo ngayon ang mga utak biya niyo. Isang taon lang tapos na yan at mas mapapabilis yan pag bumagyo pa.
Siguro kung ang pera na ginastos diyan ay pinambili na lang ng transistor radio na sinasabi ng Pangulo para sa home schooling ng mga mahihirap na estudiante nakatulong pang tunay. Biro lang, walang quenta na suggestion din yun. Ang pera na yun na aabot sa P389 million ay nasayang lang talaga. Sino mga kumita? Sino pa eh di ang mga mining corporations. Hindi nga nagdaan sa bidding yan. Sigurado tiba-tiba sila at tumatawa papunta sa banco. Tawa ng tawa din ang putangina Alan Peter Cayetano na may investments diyan.
Sabi nga ng isang bobo na nakausap ko, bakit sa Dubai wala naman nag rereklamo sa reclaimed area nila. Wala naman nagrereklamo kasi marami sila buhangin. Tayo, kinuha natin yung dolomite sa bundok. Tinapyas ang bundok, pinutol mga puno at sinira para pagandahin ang isang mabasurang lugar sa Manila! Kasi wala nang gumagamit ng utak ngayon sa Pilipinas!
At bakit naniniwala ang mga DDS na environmentally safe itong proyekto na ito? Ano ngayon kung sinabi ng DENR na safe ito? Hindi ba nila naisip na ang mga decision makers sa DENR ay hindi naman mga environmental scientists? Puro sundalo diyan! Ginagawa lang nilang gatasan ang mga agencia ng gobierno! Walang alam sa siyensiya ang mga yan dahil ang sinasamba lang ng mga ulol sa DENR ay pera!
Kailan ba inaalang-alang ng DENR ang kalikasan? Punta kayo sa Camiguin makikita niyo mga natural spring na ginawang swimming pool ng mga bobo sa DENR. Punta kayo sa Rizal para makita niyo ang mga burol na pinatag. Lagay lang ang habol ng mga gago diyan. Wala namang naitalaga diyan na environmental scientist. Lahat ng mga nagdaang pangulo, nilalagay ang mga taong pinagutangan nila ng pera para sa campaƱa nila sa mga not so importante government agencies para diyan sila makapangulimbat at mabawi ang mga ginastos nila. Yan ang totoo!
Ang daming species ng mga hayop sa Alcoy, Cebu ang nawalan ng habitat para lang hukayin ang mga dolomite na dudurugin at gawing buhangin para sa pagpapaganda ng Imperial Manila. Wala ba nag aalang-alang para sa mga hayop natin? Iba kasi ang utak ng Pinoy, mga utak biya.
Kawawang mga Cebuano na galit na galit sa Manila. Tinapyas ang mga bundok nila para pagandahin ang Imperial Manila. Ano kaya masasabi nila ngayon? Ito ang masasabi nila - may probe ngayon ng mga oficiales sa Cebu na ayon sa kanila ay walang pahintulot ang pag extract ng dolomite sa Alcoy. Kasalukuyang iniimbestigahan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ang issue na ito. Ayon sa provincial board member na si John Borgonia ay aalamin nila kung may permit ba ang mga nag extract at nag supply ng dolomite sa Imperial Manila at kung paano ito nakalusot sa ilalim ng ilong nila nang hindi nila nalalaman!
Basahin niyo dito kung ayaw niyo maniwala - https://www.cnnphilippines.com/news/2020/9/4/Cebu-local-officials-demand-probe-dolomite-extraction-Manila-Bay-.html
Sobrang asar nila ano ha?
Sabi naman ng mga DDS ay mapapaganda daw ang Manila Bay at mawawala na daw ang mga basura. Tingnan niyo pagka-utak biya nila. Ang basura sa Manila Bay ay nagmula sa inland Manila. Madaming batis at ilog diyan. Sa pangpang ng mga batis at ilog na yan ay nakatira ang napakaraming squatter na mga walang diciplina at mga utak biya kagaya ng mga DDS. Sila ang nagtatapon ng basura sa mga tubig at ang mga basura at lulutang at dadaloy papunta sa Manila Bay. Kaya kahit tambakan niyo ng tone-toneladang dolomite yan, babaho at dudumi pa rin yan kung ang ugat ng problema ay hindi nahahanapan ng tamang solucion!
Ngayon, kung ang pera na ginastos sa pagtambak ng dolomite sa Manila Bay ay ginamit na lang sa mas makakabuting proyekto, sana wala ang issue na ito. Kung tinabi na lang ang pera para pambili ng vaccine kung sakaling may madevelop na at maging available, may pondo na tayo para madistribute na sa ating mga kababayan at maumpisahan na ang herd immunity. Huwag niyo sabihing matagal nang na-approve ang project na yan sa Manila Bay dahil binigyan ng emergency powers ang Pangulo para mag realign ng budget kaya bakit yan hindi kinansela? Kinansela dapat yan dahil walang quenta! O hindi maikansela dahil sasama ang loob ng mga stakeholders sa proyekto na walang quenta? Involved ba ang China diyan?
Comments
Post a Comment