![]() |
| Andres Bonifacio |
Para sa mga nanood ng Bonifacio: Unang Pangulo ni Robin Padilla, malamang nakita niyo eksena sa labanan sa San Juan kung saan nanalo ang puersa ni Andres Bonifacio laban sa mga Kastila. Paano kung sabihin ko sa inyo na embellished at puro kabalbalan lang pala ang pelicula na yun? Ang totoong nangyari sa San Juan noong Agosto 30 1896 ay hindi nauwi sa tagumpay, kung hindi sa isang pagkakalampaso. Isang super diyahe na pagkakalat ng mga pangkat ni Andres Bonifacio na nagresulta sa pagkakabuwag ng Katipunan sa Manila at pagkakatuldok sa tinatawag na Manila Uprising. Handa na ba mga tissue niyo?
Preludio Sa Isang Malaking Kapalpakan Ng Supremo
Dahil ang Katipunan ay malapit nangatunton, napilitan ng iba't-ibang sangunian ng Katipunan na lumantad na at simulan ang Revolucion sa pamamagitan ng sabay-sabay na pag atake sa Intramuros. Noong una ay tinutulan ito ng iba't-ibang sangunian ng Katipunan upang iconsulta muna kay Dr Jose Rizal. Alam naman natin ang nangyari, tinutulan din ni Rizal dahil sa kakulangan ng armas. Si Antonio Luna ay nilapitan din na tumanggi din na may kasama pang pang-aasar. Ano daw ba ang gagamitin natin laban sa mga Kastila? Mga ipin natin? Marami silang mga ilustrado at mayayaman na nilapitan upang makahingi ng suporta pero lahat ay pinagsarahan lang sila ng pinto. Sa sobrang asar ni Bonifacio at Emilio Jacinto ay nagplano sila na ipasubo ang mga ito. Bagay na tatalakayin ko sa susunod na articulo. Pero noong Agosto 24 1896 sa isang pagpupulong-pulong sa may Balintawak, nagpasya na simulan ang uprising sa Agosto 30 1896. May mga hudyat na ibibigay para malaman nila na oras na ng pag-atake. Ito ay ang mga sumusunod:
- Pagpatay ng ilaw sa Luneta para sa mga Katipunero sa lalawigan ng Cavite dahil ang mga ilaw sa Luneta ay matatanaw kung ikaw ay nasa mataas o elevated position na malapit sa baybayin ng Cavite.
- Ang pagputok ng cañon para sa mga nasa surrounding areas ng Manila dahil sila lang naman ang makakadinig ng pagsabog ng cañon.
- Pagpapalipad ng lobo para sa mga taga Nueva Ecija at Bulacan na mag iintay sa Polo (Valenzuela).
Dapat natin i-assume na ang pagpapalipad ng lobo ay magsisilbing unang hudyat para kumilos ang mga taohan ni General Vicente Fernandez, na nag volunteer na magdadala ng hukbo mula Laguna para kunin ang Manila Electrico na nagbibigay ng koryente para sa mga ilaw sa Luneta. Sino pa ba ang magpapalipad ng lobo? Walang iba kung hindi ang Supremo.
Nag-assign ng apat na mga heneral ang Supremo sa Manila. Ito ay ang mga sumusunod:
- Vicente Fernandez - Nag-voluntario na magpapadala ng 1000 mga taohan para atakihin ang Manila Electrico at patayin ang mga ilaw sa Luneta. Hindi siya nakarating sa Manila noong Agosto 29 1896.
- Aguedo Del Rosario - Hindi nakarating sa Manila.
- Gregorio Coronel - Hindi rin nakarating sa Manila.
- Ramon Bernardo - Naghintay sa Sta Mesa at nakasagupa ang mga taohan ni Heneral Echaluche na pinadala para tulungan ang mga tropa na nasa Polvorin na inatake ng 800 na Katipunero sa pamumuno ni Andres Bonifacio at Emilio Jacinto.
Agosto 29 1896 dakong alas 3 ng hapon ay nakatanggap ng liham mula sa Supremo si Pio Del Pilar. Nakasaad sa liham na ipunin niya ang kanyang mga tauhan bandang alas 8 ng gabi at ipagtipon-tipon sa may Libingan Ng Mga Ingles sa Makati. Dito ay kanilang hihintayin ang mga Katipunero na magmumula sa Tapusi, Montalban, San Mateo at Morong. Pagdating ng mga puersa na ito ay sabay-sabay silang magtutungo sa San Juan del Monte. Nag-antay sila hanggang alas 3 y media ng umaga at walang dumating na anino. Basahin mo pa mamaya at makikita niyo kung ano nangyari sa mga taga Katipunero na inaantay nila Pio del Pilar. Magugulat kayo.
![]() |
| Depiction ng San Juan |
Si Pio del Pilar naman ay parang gago na pinulutan ng mga lamok sa paghihintay kasama mga tropa niya sa may Libingan ng mga Ingles. May hawak pa silang mga sulo at nagmukhang mga mokong. Naglakbay siya patungong San Juan del Monte para makakuha ng balita mula kay Andres Bonifacio pero lalo siyang nalito ng bandang alas 10 ng gabi nakarating siya kung saan nakatambay ang Supremo at mga kasamahan nito sa may San Juan at inutusan siya ng Supremo na bumalik sa Culi-Culi at intayin ang mga tropa ni Heneral Vicente Fernandez. "Hanapin mo ang mga tropa ni Fernandez at magsanib puersa kayo para sabay-sabay niyong atakihin ang Manila Electrico. Doon ay putulin niyo ang koryente para mataranta ang mga taga-Intramuros at mapatay ang ilaw sa Luneta. Muwahahahaha!", utos ng Supremo. Kasama din ng Supremo ang mga taohan na galing San Mateo, Morong at Montalban! Kasama na pala niya mga taohan doon na kanina pa nila iniintay sa may Libingan Ng Mga Ingles, bakit hindi man lang siya nagpadala ng tao na magsasabi or magbibigay ng mensahe para alam nila? Madali lang naman magpadala ng taohan para naman nakakilos na sila at malaman nila kung may nagbago sa mga plano. Hindi naman kagaya ngayon na isang text lang ok na. Noon, pag sinabing maghintay ka sa ilalim ng puno ng kawayan eh maghihintay ka talaga. Kapag hindi nakita ni anino mo, assume na lang na namatay ka na kaya siguraduhin mo na may burol para sa iyo. Ganyan sa sinaunang panahon noong wala pa ang teknolohiya na alam natin ngayon.
"Gagong Supremo, kanina pa kami nagmumukhang gago eh kasama na pala niya mga inaantay namin!"
Lumalabas talaga ang kahinaan ng Supremo sa pag organize ng malaking event. Mahusay lang siya mag organize ng isang samahan kagaya ng Katipunan at mangolekta ng contribucion pero ang tactica sa pakikipag gera ay ibang usapan na. Kung may mababago sa plano mo, dapat ipagbigay alam mo kaagad sa mga taohan mo na umaasa sa iyo.
Pagdating Ng Mga Kasamahan Galing Santolan, Naghappy-Happy Muna
Nakailang enquentro ang Supremo at kanyang mga kasama sa Mandaluyong sa kanilang paglalakad papuntang San Juan. Plano nila ay mag hook sa San Juan at atakihin ang Intramuros mula sa Silangan. Ang mga taohan naman nila Pio del Pilar, Heneral Vicente Fernandez at mga taga Morong, Laguna, San Mateo (na hindi alam ni Pio del Pilar ay kasama na pala ng Supremo papuntang San Juan) ay susugod sa centro at ang mga taga Cavite ay sa kanlurang bahagi ng Intramuros poposition.
Sa mga enquentro ng Supremo na tumagal din ng ilang oras ay nakakuha sila ng ilang mga riple (rifles mga pare ko). Maliit na detachment lamang na may 2 o apat na guardia ang nakasagupa nila pero talagang piniga sila dito dahil sa kakulangan nila sa armas. Kaya bukod sa mga enquentro, maglalakbay pa sila on foot. Kung sa mapa ngayon kung titingnan ay malapit lang at nararating natin gamit ang pampublikong sasakyan, noong panahon ay iikotin pa nila. Ang dating short cut ay magiging long cut pa para lang maiwasan ang ibang mga detachments. Kailangan maiwasan nila ang detection. Hindi ako magugulat kung magbaligtad pa sila ng kasuotan para hindi "mamatanda". Only legends will know. Nang makarating sila ng San Juan ay nagpahinga sila dala ng matinding pagod at gutom.
Hindi nagtagal, bandang alas onse ng gabi ng 29 Agosto 1896, ay dumating ang mga kasamahan nila na galing sa Santolan. Binubuo ng mga 300 katao at may dalang 17 riple at pistol. Para sa mga Katipunero na namumulube sa mga kagamitang pang-digmaan, ang pagkakataong ito ay kanilang ipinagdiwang. Nagkaroon ng salo-salo at usap-usapan. At pag sinabi nating salo-salo at usap-usapan, ibig kong sabihin ay inuman at lasingan. Ano pa ba ang gagawin ng mga Tunay na Lalake bago sumabak sa patayan? Ikaw ba aakyat ka ng ligaw ng hindi umiinom ng konting alak para magbigay sa iyo ng lakas loob? Tingnan mo nga si Chiz Escudero sinusukahan yung bahay ng nanay ni Heart Evangelista dahil dumadalaw sa kanila nang senglot at amoy chico ang hininga. Nakakahiya naman kasi ipakita pagmumukha niyang may hawig sa bayawak na dumadalaw sa pamamahay ng isang napakagandang binibini na kagaya ni Heart. Isang binibini na ang sarap turukan ng titi sa puki at pigain ang kaniyang mani. Tapos aasungot lang kagaya niya na mukhang bayawak at kilalang pamilyado na. Kailangan mo talagang maglasing! Sa kaso ni Bonifacio, ikaw ay makikipagsagupaan sa isang higante na maaring ikamatay mo ay mabuti nang itulak ka ng alak para mag amok ka na lang at hindi manaig ang takot.
![]() |
| Ito kaya ang Polvorin? |
Hindi rin alam ng Supremo kung saan naroroon sila Aguedo del Rosario at Gregorio Coronel na parehong hindi nakarating sa Maynila. Mukhang walang alam sa coordinacion si Bonifacio. Maaring alam niya na nakaposicion na si Heneral Ramon Bernardo sa may Sta Mesa dahil hindi naman kalayuan ang Sta Mesa sa San Juan.
Ayon sa memorias ni Santiago Alvarez, nakausap niya ang isa sa mga kasamahan ng Supremo sa San Juan na si Genaro delos Reyes. "Nagkaroon ng konting paguusap-usap at pamamahinga at ganon na lamang ang pagkagulantang ng Supremo nang tingnan niya ang kanyang orasan ay alas quatro na pala ng madaling araw!" Yan ang salaysay ni Genaro delos Reyes na first hand eye witness na nagpapatunay na ang Supremo ay nakatulog noong gabi ng Agosto 29 1896. Tumitigas pa siguro ang titi niya at naninikit ang kanyang brip sa wet dreams nang biglang tumilaok ang bwisit na manok, kaya napatingin sa kanyang orasan at ayun alas quatro na pala ng madaling araw! Lumipas na ang oras na kanilang hinihintay! Namuti na ang mga mata nila Aguinaldo sa kakahintay sa Tulay ng Marulas, napigtas na ang suelas ng tsinelas ni Pio del Pilar sa paglalakad mula Libingan ng mga Ingles hanggang San Juan at pabalik sa Libingan ng mga Ingles at pinagpyestahan ng mga lamok sila Heneral Ramon Bernardo sa may Sta Mesa. Ang lahat nang iyan ay dahil lang sa kakahintay sa kanya. Sa kabwisitan, iniutos ni Mr Atapang Atao na hulihin ang putanginang manok na bumulabog sa mahimbing na tulog para katayin. Sila ay nagsalo-salo sa masarap na tinola na niluto ng binabaeng si Semilio, este si Emilio Jacinto pala. Sarap talaga magluto ni bestie.
Samantala, si Heneral Ramon Bernardo at mga kasamahan niya ay nagaantay sa pagdating ng Supremo para sabay silang aatake sa Intramuros. Hindi dumating ang Supremo. Kagaya ni Pio del Pilar na naghihintay sa Libingan ng mga Ingles, Emilio Aguinaldo na nagaantay sa Tulay ng Marulas (naghihintay sa pagpatay ng ilaw sa Luneta), si Ramon Bernardo ay nag antay sa wala dahil ang Supremo nalasing at nakatulog hindi malayo sa simbahan ng Santuario del Rosario na nasa kalsada ng Blumentritt na ngayon.
Inabutan na ng umaga ng Agosto 30 1896 si Heneral Bernardo sa Sta Mesa at sila ay nakabanggaan ang isang maliit na destakamento na patungong El Deposito. Kinalaban ito ng hukbo ni Heneral Bernardo at madali nila itong na natalo. Hinabol nila ito nang biglang lumabas ang mga caballero na pinangungunahan ng Español na si Heneral Echaluche. Super diyahe ang pagkakatalo ni Heneral Bernardo at kanyang mga kasamahan na walang binatbat sa lakas ng puersa na dala ni Echaluche. Nagkawatak-watak ang mga taohan ni Bernardo at sila ay nagsipagtakbuhan sa iba-ibang direksyon. Si Heneral Bernardo at ilang mga kasama niya ay nagtungo sa Del Monte.
Uwian Na! Uwian Na! Not So Fast!
![]() |
| 75mm Krupp Mountain Gun |









