Sisihan Portion - Da Recap of Pilipinas Contra Sa Angola

Ang ating agimat.

At malapit na akong maka trifecta. Bigo ang Pilipinas laban sa Angola sa FIBA World Cup 2023. Sadyang mas malakas ang mga manlalaro ng Angola na ginamit ang kanilang laki at lakas sa ilalim at husay sa pagbuslo ng mga tres para tayo ay talunin. Mautak din ang kanilang coach compara sa coach Banchot natin na walang alam sa basketball na ewan ko ba kung bakit hindi siya tinatablan ng hiya.

Pagusapan at pagaralan natin ang kanilang laban para maunawaan natin kung bakit tayo kinulang. Sa pamamagitan ng statistics ng laban, may silver lining ang lahat kahit sa basketball. Kung hindi man tayo manalo sa laban, panalo pa rin tayo dahil natuto tayo mag analyze. Kaya tuwing may mga laban, punta agad sa website para kunin ang game stats. Basahing maigi ang mga figures. Panoorin ulit ang laro para makita niyo ibang mga bagay kagaya ng mga player movements. Iba kasi pag binase mo lang sa unang viewing mo dahil na-dazzle ka sa magagandang galawan. Sa second viewing makikita mo na ang ibang kapalpakan.

1st Quarter

First quarter pa lang ay dehado na tayo sa offensive rebounds. Kahit na natapos ang first quarter na pabor sa Pilipinas sa score na 19 - 12, ang Angola ay nakakuha kaagad ng 9 offensive rebounds. Dahil dito mas madaming shot attempts ang Angola kung bibilangin niyo ang 2nd chance opportunities. Ang Angola ay may 20 shot attempts, mas madami ng tatlo sa Pilipinas na may 17 shot attempts lamang. Sadyang maalat lang ang Angola sa first quarter. Dito pa lang ay na-remediohan na dapat ni Coach Banchot ang issue natin - kailangan kontrolin ang rebounds at mas maging efficient sa offense. Dapat bawasan ang turnovers at sa bawat play ay makatira tayo. 

Simple ang strategy ng Angola, ipitin at pahirapan si Jordan Clarkson na siyang offensive weapon natin. Kailangan mag step up ang mga kakampi niya kagaya nila Ramos, Fajardo at Edu. Hirap na hirap si Clarkson dahil malaki na nga nagbabantay sa kaniya, may nag aabang pa na dalawang 6'11 na forwards sa ilalim. Yan ang palatandaan na may mahusay na scouting, gameplan at tactical ang coaching staff ng Angola.

2nd Quarter

Sa second quarter, ginanahan na ang Angola at nag settle kaagad sila. Kagaya sa first quarter mas madaming shot attempts ang Angola na may 18 kumpara sa Pilipinas na may 16 lang. Nakakatira din ng maluwag ang Angola sa tres na may 11 attempts kumpara sa ating 7. Sa 11 attempts nila sa tres sila ay buenas na nakakuha ng 5 three pointers samantalang tayo naka dalawa lang. 

Nagpakita ang Angola ng high IQ at napaka efficient na basketball. Ang fastbreak points din bukod sa successful three pointers ang nagbalik sa kanila sa laban. Ang zone defense nila ay epektibo para pigilan ang Pilipinas na may Jordan Clarkson na mahilig umatake at mahina ang perimeter shooting.

Diciplinado din ang Angola sa defensa na walang napuntang Pilipino sa foul line. 100% naman ang Angola sa free throws. At epektibo ang stifling defense nila napressure at napiliting magcommit ng 6 na turnovers ang Pilipinas.

Pero kahit papaano ay bumawi naman tayo sa offensive rebounding. Nakakuha tayo ng 4 kumpara sa Angola na may 3. Yan ay dahil sa presence ng 7'3 na si Kai Sotto. Kaya ang palusot ni Banchot na walang favorable match-ups si Kai Sotto laban sa Dominican Republic ay basurang mabaho. Patunay lamang na ang 7'3 ay good match up kahit anong araw pagdating sa basketball.

3rd Quarter

Hindi natin maungusan ang Angola dahil pa rin sa limitadong field goal attempts. Hindi pa rin natin ma-control ang mga turnovers at nadaigan na naman tayo sa offensive rebounding. May 6 na offensive rebounds ang Angola at tayo ay naka 2 lang. Hindi rin mabasag ang defensa ng Angola dahil sa dikitan at organisadong defensa laban sa mga perimeter shooters natin kaya nakakuha lang ang Pilipinas ng 1 three pointer habang ang Angola ay naka 2.

Kung anong magandang laro ang pinakita ni CJ Perez sa 1st Quarter ay naglaho na dahil sa 2 turnovers na na-commit niya. Nag capitalize ang Angola sa turn overs na nag resulta sa mga fast break points samantalang tayo naman ay bokya dito.

4th Quarter

Pinakita na ng Angola ang kanilang class sa huling yugto ng laban. Alam na nila ang tendency ng Pilipinas na naglalaho at nagigiba sa 4th Quarter lalo na sa huling 6 minutes. Pagaralan niyo stats at history natin. Ito ang sumpa natin sa ilalim ng mga local coaches. Dahil sa tendency na rin ni Banchot na ibabad ang mga starters niya kaya pagdating ng 4th Quarter ay bumababa na ang form at pumapasok na ang fatigue.

Importante talaga na alagaan ang mga player at huwag hayaang mag-peak ng maaga. Alam niyo naman nangyayari pag nag peak ang player, bumababa na ang form nito kaya susi ay mahusay na player rotation.

Lumobo ang kalamangan ng 14 points at nagunahan na papunta sa exit ang mga fans dahil alam nilang wala na. Bino-boo nila pag nakikita ang mukha ni Banchot sa screen dahil alam naman  ng lahat na yan ang sumpa ng Pilipinas National Team mula nang umepal siya at paalisin si Tab Baldwin. Huwag na tayo magkunwari.

Maalat na ang mga kamay ng Pilipinas sa 3 points. Sa 7 na attempts sa rainbow territory at walang naibuslo. Inalat na din ang Angola sa tres pero sila ay nakabutas ng 2 sa 8 attempts including the dagger in the last 2 minutes kung saan naghahabol tayo. Nabuhayan naman tayo nang ipasok si Kai Sotto at sa wakas ay pinasok na rin si Rhenz Abando kung kaya nakahabol tayo para maibaba ng 5 ang kalamangan. Kaso biglang nakashoot sa tres ang Angola sa susunod na possession mga 45 seconds na lang nag natitira sa laro dahil sa kabobohan ni Pogoy na boyfriend ni Banchot nang iwanan niya sa wings ang Angolan para i-double team ang centro ng Angola. Nang makita niya na si Pogoy ay wala na sa puesto niya, alam niya kaagad na walang bantay yung shooter nila sa wings kaya nag crosscourt pass para sa isang matalim na punyal sa puso natin. 

It's A Wrap!

Ang mga Angolans ay may magandang distribution ng puntos. Sa koponan nila lima ang naka-double digits sa scoring. Maganda din ang rotation nila dahil si Goncalves at Bruno Fernando lang ang naglaro ng 31 minutes.

Sa Pilipinas naman may magandang ball movement na at may konting fluidity. Mahina lang ang decision making na kung maiiwasan sana ay baka palarin naman sa susunod. Naka-recognize din ng magandang match up kung saan pinostehan ng mas matangkad na si Pogoy si Dundao na nagresulta sa ilang puntos noong 3rd Quarter. Ito naman ay agad na naremediyohan ng Angola at pinalitan ng mas matangkad at mas malakas na guard. 

Matagal din bago nag zone defense ang Pilipinas dahil inaararo sila ng tatlong malalaki sa ilalim. Nang mag zone defense naman ang Pilipinas ay pinaulanan tayo ng mga tres dahil mabagal tayo mag react sa defensa at maganda ang positioning ng mga shooters nila.

Pinasok si Kai Sotto noong 3rd Quarter at doon nagkaroon tayo ng chansa sa mga rebounds at nag iba dynamics ng ofensa ng Angola. Yan kahiligan ni Banchot sa small ball boggles the mind. May Ferrari ka na pero minamaneho mo na parang Sarao. 

Malaking bagay experience nila Sotto, Abando, Edu at Ramos sa paglalaro sa mga liga sa labas ng Pilipinas na gumagamit ng international rules. Kung sila ang ibabad para suportahan si Clarkson baka nagiba ang kapalaran natin. Ang high IQ basketball ni Abando ay pinamalas niya sa larong ito. Kung pinasok lang ng mas maaga eh di baka maagang nakahabol or baka hindi pa tayo natambakan. Maganda ang lateral movements niya at kumikilos nang wala ang bola. Hindi niya kailangan mag crave sa bola para maging effective.

Dapat si Ravena ay huwag nagbabasa ng social media dahil apektado ang laro at diskarte niya. May isang possession na ayaw niya mag dribble siguro iniisip niya na i-criticize siya at sabihin puro siya dribble. Kailangan mo rin mag dribble kaysa naman sa parang tuod, hindi siya nakaposition ng mabuti para maghanap ng mapapasahan. Nakakasira ng IQ ang makinig sa mga obobs sa social media.

Si Clarkson ang talisman ng Pilipinas. Maganda ang ginagawa niya na pinapasa niya ang bola sa mga kakampi niya pag na-attract niya ang mga defenders. All around ang performance niya at kung wala siya sa team natin ay malamang tambak tayo at matagal nang naguwian ang mga tao. Hindi rin tama obserbasyon ng ibang mga bobo sa social media na siya ay bwakaw. Yun ay stratehiya ni Banchot at hindi gumagalaw mga kakampi niya. Kita niyo sa larong ito pag naka puesto ng mabuti mga kakampi niya pinapasa niya. Makaka-average ba yan ng 7 assists per game kung bwakaw? Kung wala rin si Clarkson sa team baka nauwi na naman sa rambol dahil ang ilalagay ni Banchot pag wala mga de calidad na player katulad niya ay mga batang hamog na kagaya na lang nila Abueva.

May pag-asa pa naman ang Pinas kung tatalunin natin ang Italy at mananalo Dominican Republic sa Day 3 ng group stage. Tingnan niyo rin lagi ang game stats at pagaralan ito para naman  gumana mga utak biya ninyo. Huwag maging utak biya na puro dunks, dribble at porma lang ang tinitingnan. Tingnan niyo rin ang numbers para tumaas ang inyong basketball IQ. Kung hindi matutulad kayo kila Banchot Reyes at Yeng Guiao at yan ang ayaw na ayaw nating mangyari.

Finally, natalo din tayo sa coaching. Mabagal mag adjust - noong inaararo tayo sa ilalim, hindi mag zone. Noong nag zone defense naman, hindi i-modify para mahabol mga shooters. Puede naman 3-2 zone para covered lahat ng area lalo na maraming spot up shooters. Siguro nag Google muna kung anong stratehiya gagamitin niya kasi wala talaga siyang alam. Hindi talaga uubra ang PBA coach na outdated ang mga methods at bulok ang philosophy. Kahit si Tim Cone pa ilagay niyo diyan, pareho lang resulta niyan. Huwag niyo na rin ipilit si Yeng Guiao dahil noong 2019 FIBA World Cup, yan si kalbo ang coach at dead last tayo. Dead last din ang Rain or Shine niya sa isang tournament na sinalihan nila kung saan pinagtatalo sila ng mga University teams. Siya rin ang salarin kung bakit hindi makapasok mga foreign coaches sa atin - sampong taon nang presidente ng BCAP si Guiao.


 


Comments

  1. Idol putangina mo ka! akala ko patay ka na! bakit ngayon ka lang ulit bumalik? Every once in a while binibisita ko tong blog mo kasi naghihintay ako sa mga bagong posts mo. Since 2009 avid reader mo na kong hayup ka dahil sa mga walang prenong bitawan mo. Keep up the good work and post more! hahaha labyu clockworks! welcome back!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Akala ko nga rin namatay ako. Hahaha. Na-busy ako sa radio pre. Kaya pansin niyo toned down na rin mga sulat ko hahaha. Salamat bro.

      Delete
  2. Ang sakit sa ulo panoorin ng game. Nabaliwala ang ibang players akala ko pa naman may play talaga. Ang ending eh puro iso kay Clarkson ang laro

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mahina kasi bumasa si Reyes at hindi marunong magbalasa ng players. Pag may player na nagiinit, pinapaupo. Hilig pa ipasok yung paborito niya si Pogoy na walang ginawa kung hindi magkalat.

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?