Ang Realidad Ng Basketball Natin


Matapos ang pagkabigo ng Team USA contra sa Alemania (Germany), isang local Filipino sports reporter ang nagtanong kay US coach Steve Kerr kung mas mainam ba na mag practice ng mas matagal. Sagot ni Steve Kerr ay unrealistic ang magsama-sama at mag practice ng mas mahabang panahon. 

Yan ang matagal ko nang sinasabi dito. Ang paniniwala natin na ang susi sa isang matagumpay na tournament ay isang napakahabang preparation mapa-Asian Games man or World Cup Qualifiers. Tayo lang sa buong mundo ang gumagawa nito. Ang ibang bansa na-mamanage na mag assemble ng competitive na team ilang lingo bago magumpisa ang tournament gamit mga amateur players at nilalampaso mga players natin na puro professional na naghanda ng dalawang taon. 

Ang resulta, super diyahe na laro, nagkalat ng tae parang mga hindi professional players, nabanat ng husto at nagmukhang uugod-ugod. Ang yayabang pa ng mga coaches na mo mga master tacticians sa basketball, todo ang marketing talagang may slogan pa, logo at sangkatutak na TV spots. Tapos resulta bokya. 

Tapos sisisihin ang kawawang PBA na naturingang the oldest pay for play basketball loop sa Asia. Matapos mag sakripisyo, nag adjust ng schedule, pagbibigay daan, tumuwad pwet para turbuhin ng mga gunggong ay siya pang nasisi at lahat ng hintuturo na may tae sa dulo parang nagkamot ng pwet mga naninisi ay nakaturo lahat sa PBA. Kawawa naman!

Pagbintangan kaagad ang PBA na kesyo hindi nagpahiram ng players ng mas maaga kahit na mahabang panahon na nga binigay para ipagamit ang top players nila o outdated na ang style of play dahil professional rules ang nakasanayan ng mga players natin eh ano pa ba inaasahan niyo mga gung-gong talaga namang pro league ang PBA ano ba magagawa niyo eh kayo naman ang gusto ng mga professional players in the first place, diba?

Yan kasi ang problema eh kung walang maka-identify ng totoong problema. Bukod sa pinaka-obvious na problema na puro mga pisot pinapadala. Alam na nga natin na mas pisikal ang laro sa international game tapos magpapadala ng mga undersized na players. Importante pa rin na ma-identify natin ang problema. At base sa sagot ni Steve Kerr, na-identify na natin ang isa sa mga problema. Ngayon, isa-isahin natin ang iba pang mga problema.

Bago tayo pumunta sa ibang issues, pag-usapan pa natin ang preparation time. Hindi talaga ito realistic. Kita niyo naman yung ibang players natin na naglalaro sa ibang bansa kagaya ng Japan at South Korea ay hindi makakasali sa Asian Games. Kung hindi tayo nag export ng mga players sa mga liga sa ibang bansa ay hindi natin makikita ito. Panahon natin para maintindihan na ang Asian Games ay sadiyang wala sa calendar of events ng FIBA. Hindi ito sanctioned kaya ang mga liga ay hindi obligado na magpadala ng players diyan. Akala niyo ba ang ibang bansa naghahanda ng kasing tagal natin? Nagsasama lang sila pag available na mga players nila mula Europe, NBA, Australia, South America etc. Ang Gilas Pilipinas na hinawakan ni Reyes ay taon nag practice yan. Malaking pool yan tapos nag-eensayo kahit off season. Sinakripisyo na nila mga vacation nila. Wala pa rin. Kaya puede ba maging realistic naman tayo?

Low Basketball IQ

Isa sa mga obvious issues sa players natin ay ang low basketball IQ. Ang mga turnovers at errors na kino-commit ng mga players natin ay hindi resulta ng lack of preparation time. Ito ay resulta ng low basketball IQ. Mahina ang basketball instinct at abilidad na mag adapt sa iba't-ibang situation. Resulta ito marahil ng mahinang basketball foundation sa ating bansa. Masdan niyo mga naglalaro sa mga paliga sa atin, doon niyo malalaman ang sagot. May mga paliga na ang mga taong nanonood ng laro ay nakapalibot na sa loob ng playing court. Hindi ngayon magamit ng mga players ang buong court. May mga ring na tabingi. Akala niyo mahahasa kayo sa ring na tabingi? May mga court na hindi sumusunod sa regulations kagaya ng ibang court na mas malayo ang three point line, may iba naman na mas malapit nag three point line. May mga court na mas mababa etc. Tapos mga teams walang proper coaching. Si tropa lang nag co-coach o kung sinong mayabang na taga bario nila. May mga referee na walang alam sa rules, pito lang ng pito. Nasasanay sa one on one plays ang mga players at hindi napopromote ang team basketball. Yan po kaya mababa IQ. At yan ang grassroots natin. Pag akyat nila sa UAAP ay marami na silang bad habits na dala buhat sa paglalaro sa mga mabababang liga na pinanggalingan nila. At minsan ang mga bad habits na yan ay mahirap nang alisin. Kung ang mga players natin mataas ang basketball IQ ay magiging competitive tayo kahit paghandaan ang Olympics ng dalawang lingo lang.

Poor Scouting

May isang palusot si Banchot Reyes kung bakit natalo tayo sa SEA Games laban sa Indonesia. Tinago daw ng Indonesia yung import nila na si Marques Bolden. Isang search lang sa YouTube at lalabas ang mga clips ni Marques Bolden. Ang daming clips na lalabas lalo na sa college games niya. Mahina mag analyze ang PBA coaches ng scouting. Kahit mag scout mga yan, naka focus lang sila sa individual abilities ng isang player. Pustahan tayo hindi sila maka-basa ng mga tendencies ng isang team. Kaya nga noong laban contra sa Dominicana hindi nila alam kung ano gagawin pag full court press sila. Tatlong inbounding errors na commit natin dahil sa poor reaction sa mga defensive changes. Nagsayang pa ng pera para ipadala si Tim Cone sa Dominican Republic para mag masid doon. Baka ibang team ang pinakita sa kaniya. Siguro sa dami din ng mga laro ng Pilipinas bago dumating sa World Cup ay napadali ang scouting sa atin. Alam niyo na naman, 2023 kaya marami nang paraan para mag scout. Tayo lang yata ang hindi marunong.

Poor Coaching

Sinabi ko na noon ito at hindi ako titigil kakasabi nito. Banban mga coaches natin dahil sa walang karanasan sa basketball. Mga hindi naglaro ng basketball sa mataas na level pero sila magtuturo sa atin ng basketball. Ano pa ba aasahan mo? Si Josh Reyes ang naatasang magbigay ng coaching sa offensive strategy ng team? Ano alam niya? Pagdating sa international game, na alam nating wala siyang karanasan, saan siya huhugot ng karunungan? Huhugot siya ng tae sa tumbong niya?

Hindi rin uubra yung napaka-complicated na basketball tactics kagaya ng ginawa ni Tim Cone noon sa Philippine Centennial team kung saan nag triangle offense sila. Kaya dalawang taon naghanda ang team na yun, napa-away pa sa US dahil nilalampaso ng mga college teams. Tapos tuwang-tuwa na nung makapanalo laban sa isang college team din. 

Triangle offense? Hindi talaga puede yan kaya napipilitan maghanda ng matagal eh. Puede lang yan sa mga club teams na magsasama ng matagal at naglalaro lang iisang liga. Yung Chicago Bulls inabot ng tatlong taon bago nila nagamay yan. At pinatay ang triangle offense ng zone defense. Walang nangyari sa 2 taon na preparation ni Tim Cone. 

At yang small ball na pinipilit ni Chot Reyes. Ilang beses nang sinalpak yan sa mukha niya na hindi yan uubra! Pero pilit ng pilit! Ngayon, gusto na naman sumingit sa eksena, mang-susulsul na naman sa national team. Puede ba siyang lumayas na sa pag coach ng national team habang buhay? Napatunayan na niya na banban coach siya eh kaya puede ba ano pa ba ang kailangan niyang patunayan eh alam na nating lahat na banban siya?

Ang mga kalaban natin gumagamit lang ng simpleng offensive strategy. Fluid ang offense nila gamit mga players na sakto sa international game at may mataas na basketball IQ. Mga bagay na hindi natin ginagamit at sadiyang hindi kayang matutunan at maituro ng mga coach natin. Dagdag niyo pa na may SBP tayo na expert sa politica, yes politica lang ang kaya nila at walang totoong plano para i-uplift ang grassroots at tulungan ang coaches sa grassroots level.

Lack of Exposure 

Bigyan ng tamang exposure ang mga amateur players natin. Sa SEA Games at Asian Games at ano mang non FIBA sanctioned event, ipadala ang mga amateur players. Hindi na natin kailangan mga PBA players ay istorbohin ang mga schedule nila. Mag payoff din yan sa hinaharap. Tingnan niyo si Tab walang takot na gamitin mga amateur players. Mga prima donna PBA coaches na akala mo kung sinong mga master tacticians eh hindi makaporma pag hindi superstars hinawakan.

Ito puntahan niyo marami na akong nasulat tungkol sa coaching at grassroots development program natin - https://philippinesthesickmanofasia.blogspot.com/2023/08/bakit-wala-na-tayong-pagasa-sa.html

May mga nasabi din ako sa coaching at BCAP na talagang pahirap sa buhay natin noon pa - https://philippinesthesickmanofasia.blogspot.com/2022/07/wala-asenso-basketball-dahil-sa-bcap.html



Comments

  1. Sayang talaga ang preparation ni Choke. Isipin mo close door practices daw tapos ang ending ay small head rotation at halos iso play lang kay Clarkson.

    Ang kay coach Tab tama rin. Natapakan lang masyado ang pride ng SBP kaya pinulitika at binalik si Choke.

    ReplyDelete
  2. Napaka bobo talaga ni Banchot tama ka! Naaasar ako sa gagong yan!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?