Bakit Wala Na Tayong Pagasa Sa Basketball

Ang kwento ni Raul Dillo ay isang magandang halimbawa ng kapalpakan ng Pinoy sa basketball. Basahin niyo ito at pagkatapos makikita ninyo na bukod sa maigsi biyas natin, tayo rin ay sa kasamaang palad ay utak dilis.

Manghihinayang ka talaga sa wasted opportunity natin sa kagaya ni Raul Dillo. Kahit naging varsity player ng University of the East si Raul Dillo,  nang siya ay lumuwas ng Manila para mag try out sa mga unibersidad, huli na ang lahat para sa kaniya dahil hindi siya naturuan ng tamang paglalaro sa basketball habang maaga. Nakuha pa rin siya ng UE pero dahil sa dami ng obob na coach sa atin ay walang makapagturo at motivate sa kaniya para mag improve ang laro at dahil ang kanyang laro sa level na mapapakinabangan ng national team at kahit isang gahamang team sa PBA. Kahit si Tim Cone ay hindi na-enganyo na i-draft siya.

In fact, walang nag draft sa kaniya sa PBA. Nakapaglaro lang siya professionally nang i-recruit siya ng San Juan Knights sa MBA, isa pang bulok na liga na hindi tumagal. 

Paano nangyari na may isang Raul Dillo na may tangkad na 7'3 sa bansang iilan lang ang mga taong may tangkad na 6'5 noong dekada nobenta? Paano nangyari na may taong ganyan katangkad na madaling mag stand out sa crowd ay hindi naipadala sa Manila ng mas maaga at bigyan kaagad ng scholarship sa nagdadamihang eskwelahan doon para maisali sa basketball program nila?

Program ba kamo? Ano yan?

Yan ang problema. Walang programa noon. Kahit ngayon may programa daw pero ang totoo ningas cogon lang ang mga programa. Puro salitang hangin at bugang utot sa tumbong ng baklang tinurbo ng pinakapangit na demonyo sa impierno. Hanggang diyan lang ang salitang yan.

Raul Dillo

Siguro naman noong 13 years old si Raul Dillo ay nangingibabaw kaagad ito kung kasama niya puro pisot na 4'11 at siya ay parang puno ng kawayan pag katabi mga kaedaran niya. Siguro naman napansin agad yan ng mga local officials sa lugar nila sa Masbate ano? 

Pero wala kasi walang programa sa basketball ang Pilipinas noon. At ito ang practice na prevalent hanggang ngayon. Ayaw ko sana sabihin pero ito ay cultura na natin. Naging cultura dahil sa behavior nating mga Pilipino na ipaubaya ang lahat sa mga abugado at negosyante ang lahat ng bagay na maiisip mo. 

Tingnan niyo na lang lahat ng mga sports association sa bansa natin puro abugado at negosyante ang ginagawang presidente. Mula cycling, athletics, swimming, volleyball at basketball. Ang mga association heads niyan ay abugado o negosyante.

Balikan muna natin si Raul Dillo. 

Nang lumuwas si Raul Dillo sa Manila, pumunta siya sa unang unibersidad na malapit sa kaniya. Di ko na matandaan kung ano pangalan ng unibersidad pero ayon sa kwento ay nagtanong siya sa guardia kung maaari ba siyang mag enroll at sumali sa varsity team. Tulad ng inaasahan ang sabi ng bobong sikyu, "Tapos na ang enrollment sa susunod na taon ka na lang bumalik." Yan ang sabi niya sa 7'3 na kapre na nasa harapan niya.

Nang kunin siya ng UE, walang basketball program ang UE kaya wala silang programa para kay Raul Dillo na may magbibigay sa kaniya ng suporta at tutulong na pagsanayin siya at turuan sa lalong madaling panahon para maging dominating na centro sa bansa ng mga bansot na 6'5 centers. Wala pa sila Asi Taulava niyan ha at pag sinabing center ang ihaharap sa iyo ay mga kagaya nila Jerry Codinera at Benjie Paras na mga 6'4 at 6'5 lang. 

Ayun walang nangyari kay Raul Dillo.

Kung may basketball program lang tayo noon eh di siguro matagal na natin na dominate ang Asia at noon pa tayo nakabalik sa World Basketball Championships (FIBA World Cup).

Hanggang ngayon ay wala pa rin programa ang Pilipinas. May attempt sa basketball program kagaya ng ginawa ni Rajko Toroman noong 2013 pero lahat ng iyan ay wala na kasi ang SBP ay pinapatakbo na parang CEOish ng isang baklang negosyante na walang alam sa basketball kaya paniwalang-paniwala sa kagaya ni Banchot Reyes.

Walang programa na kagaya sa ibang bansa na may grassroots program, developmental coach, coach training, IQ training etc. Dito sa atin basta ikaw ay mayabang at maraming kakilala ikaw ay magiging coach. Tingnan niyo kagaya ni Ryan Gregorio na dating video editor lang pero dahil kaibigan si Eric Altamirano ay nagkaroon ng career sa coaching. 

Kaya wag na kayo aasa sa basketball kung ang nagpapatakbo ay mga negosyante lang at abugado. Wala tayong mapapala diyan. Baka in 20 years time ang national team coach ay Reyes pa rin ang apilyido - yung anak ni Banchot Reyes na si Josh Reyes dahil balita ko yang gagong yan ay coach ng youth team at hinahanda na mag take over sa tatay niyang Banchot.

Comments

  1. Huwag na nating asahan yan... kaso may mga kababayan pa rin tayong taeng tae na nagpapaka Michael Jordan at Lebron James kahit mga bansot, huwag na lang sa height.. sa grassroots na lang eh o diba.. dyan na nga lang wala kang aasahan sa height pa kaya. Isa pa dyan huwag ka ng lumayo sa PBA na lang marami pa rin nanonood kahit sa TV kaya siguradong tuloy tuloy pa rin yan eere.. may mga nagpapaloko pa rin eh.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?