Monday, August 28, 2023

Sisihan Portion - Da Recap of Pilipinas Contra Sa Angola

Ang ating agimat.

At malapit na akong maka trifecta. Bigo ang Pilipinas laban sa Angola sa FIBA World Cup 2023. Sadyang mas malakas ang mga manlalaro ng Angola na ginamit ang kanilang laki at lakas sa ilalim at husay sa pagbuslo ng mga tres para tayo ay talunin. Mautak din ang kanilang coach compara sa coach Banchot natin na walang alam sa basketball na ewan ko ba kung bakit hindi siya tinatablan ng hiya.

Pagusapan at pagaralan natin ang kanilang laban para maunawaan natin kung bakit tayo kinulang. Sa pamamagitan ng statistics ng laban, may silver lining ang lahat kahit sa basketball. Kung hindi man tayo manalo sa laban, panalo pa rin tayo dahil natuto tayo mag analyze. Kaya tuwing may mga laban, punta agad sa website para kunin ang game stats. Basahing maigi ang mga figures. Panoorin ulit ang laro para makita niyo ibang mga bagay kagaya ng mga player movements. Iba kasi pag binase mo lang sa unang viewing mo dahil na-dazzle ka sa magagandang galawan. Sa second viewing makikita mo na ang ibang kapalpakan.

1st Quarter

First quarter pa lang ay dehado na tayo sa offensive rebounds. Kahit na natapos ang first quarter na pabor sa Pilipinas sa score na 19 - 12, ang Angola ay nakakuha kaagad ng 9 offensive rebounds. Dahil dito mas madaming shot attempts ang Angola kung bibilangin niyo ang 2nd chance opportunities. Ang Angola ay may 20 shot attempts, mas madami ng tatlo sa Pilipinas na may 17 shot attempts lamang. Sadyang maalat lang ang Angola sa first quarter. Dito pa lang ay na-remediohan na dapat ni Coach Banchot ang issue natin - kailangan kontrolin ang rebounds at mas maging efficient sa offense. Dapat bawasan ang turnovers at sa bawat play ay makatira tayo. 

Simple ang strategy ng Angola, ipitin at pahirapan si Jordan Clarkson na siyang offensive weapon natin. Kailangan mag step up ang mga kakampi niya kagaya nila Ramos, Fajardo at Edu. Hirap na hirap si Clarkson dahil malaki na nga nagbabantay sa kaniya, may nag aabang pa na dalawang 6'11 na forwards sa ilalim. Yan ang palatandaan na may mahusay na scouting, gameplan at tactical ang coaching staff ng Angola.

2nd Quarter

Sa second quarter, ginanahan na ang Angola at nag settle kaagad sila. Kagaya sa first quarter mas madaming shot attempts ang Angola na may 18 kumpara sa Pilipinas na may 16 lang. Nakakatira din ng maluwag ang Angola sa tres na may 11 attempts kumpara sa ating 7. Sa 11 attempts nila sa tres sila ay buenas na nakakuha ng 5 three pointers samantalang tayo naka dalawa lang. 

Nagpakita ang Angola ng high IQ at napaka efficient na basketball. Ang fastbreak points din bukod sa successful three pointers ang nagbalik sa kanila sa laban. Ang zone defense nila ay epektibo para pigilan ang Pilipinas na may Jordan Clarkson na mahilig umatake at mahina ang perimeter shooting.

Diciplinado din ang Angola sa defensa na walang napuntang Pilipino sa foul line. 100% naman ang Angola sa free throws. At epektibo ang stifling defense nila napressure at napiliting magcommit ng 6 na turnovers ang Pilipinas.

Pero kahit papaano ay bumawi naman tayo sa offensive rebounding. Nakakuha tayo ng 4 kumpara sa Angola na may 3. Yan ay dahil sa presence ng 7'3 na si Kai Sotto. Kaya ang palusot ni Banchot na walang favorable match-ups si Kai Sotto laban sa Dominican Republic ay basurang mabaho. Patunay lamang na ang 7'3 ay good match up kahit anong araw pagdating sa basketball.

3rd Quarter

Hindi natin maungusan ang Angola dahil pa rin sa limitadong field goal attempts. Hindi pa rin natin ma-control ang mga turnovers at nadaigan na naman tayo sa offensive rebounding. May 6 na offensive rebounds ang Angola at tayo ay naka 2 lang. Hindi rin mabasag ang defensa ng Angola dahil sa dikitan at organisadong defensa laban sa mga perimeter shooters natin kaya nakakuha lang ang Pilipinas ng 1 three pointer habang ang Angola ay naka 2.

Kung anong magandang laro ang pinakita ni CJ Perez sa 1st Quarter ay naglaho na dahil sa 2 turnovers na na-commit niya. Nag capitalize ang Angola sa turn overs na nag resulta sa mga fast break points samantalang tayo naman ay bokya dito.

4th Quarter

Pinakita na ng Angola ang kanilang class sa huling yugto ng laban. Alam na nila ang tendency ng Pilipinas na naglalaho at nagigiba sa 4th Quarter lalo na sa huling 6 minutes. Pagaralan niyo stats at history natin. Ito ang sumpa natin sa ilalim ng mga local coaches. Dahil sa tendency na rin ni Banchot na ibabad ang mga starters niya kaya pagdating ng 4th Quarter ay bumababa na ang form at pumapasok na ang fatigue.

Importante talaga na alagaan ang mga player at huwag hayaang mag-peak ng maaga. Alam niyo naman nangyayari pag nag peak ang player, bumababa na ang form nito kaya susi ay mahusay na player rotation.

Lumobo ang kalamangan ng 14 points at nagunahan na papunta sa exit ang mga fans dahil alam nilang wala na. Bino-boo nila pag nakikita ang mukha ni Banchot sa screen dahil alam naman  ng lahat na yan ang sumpa ng Pilipinas National Team mula nang umepal siya at paalisin si Tab Baldwin. Huwag na tayo magkunwari.

Maalat na ang mga kamay ng Pilipinas sa 3 points. Sa 7 na attempts sa rainbow territory at walang naibuslo. Inalat na din ang Angola sa tres pero sila ay nakabutas ng 2 sa 8 attempts including the dagger in the last 2 minutes kung saan naghahabol tayo. Nabuhayan naman tayo nang ipasok si Kai Sotto at sa wakas ay pinasok na rin si Rhenz Abando kung kaya nakahabol tayo para maibaba ng 5 ang kalamangan. Kaso biglang nakashoot sa tres ang Angola sa susunod na possession mga 45 seconds na lang nag natitira sa laro dahil sa kabobohan ni Pogoy na boyfriend ni Banchot nang iwanan niya sa wings ang Angolan para i-double team ang centro ng Angola. Nang makita niya na si Pogoy ay wala na sa puesto niya, alam niya kaagad na walang bantay yung shooter nila sa wings kaya nag crosscourt pass para sa isang matalim na punyal sa puso natin. 

It's A Wrap!

Ang mga Angolans ay may magandang distribution ng puntos. Sa koponan nila lima ang naka-double digits sa scoring. Maganda din ang rotation nila dahil si Goncalves at Bruno Fernando lang ang naglaro ng 31 minutes.

Sa Pilipinas naman may magandang ball movement na at may konting fluidity. Mahina lang ang decision making na kung maiiwasan sana ay baka palarin naman sa susunod. Naka-recognize din ng magandang match up kung saan pinostehan ng mas matangkad na si Pogoy si Dundao na nagresulta sa ilang puntos noong 3rd Quarter. Ito naman ay agad na naremediyohan ng Angola at pinalitan ng mas matangkad at mas malakas na guard. 

Matagal din bago nag zone defense ang Pilipinas dahil inaararo sila ng tatlong malalaki sa ilalim. Nang mag zone defense naman ang Pilipinas ay pinaulanan tayo ng mga tres dahil mabagal tayo mag react sa defensa at maganda ang positioning ng mga shooters nila.

Pinasok si Kai Sotto noong 3rd Quarter at doon nagkaroon tayo ng chansa sa mga rebounds at nag iba dynamics ng ofensa ng Angola. Yan kahiligan ni Banchot sa small ball boggles the mind. May Ferrari ka na pero minamaneho mo na parang Sarao. 

Malaking bagay experience nila Sotto, Abando, Edu at Ramos sa paglalaro sa mga liga sa labas ng Pilipinas na gumagamit ng international rules. Kung sila ang ibabad para suportahan si Clarkson baka nagiba ang kapalaran natin. Ang high IQ basketball ni Abando ay pinamalas niya sa larong ito. Kung pinasok lang ng mas maaga eh di baka maagang nakahabol or baka hindi pa tayo natambakan. Maganda ang lateral movements niya at kumikilos nang wala ang bola. Hindi niya kailangan mag crave sa bola para maging effective.

Dapat si Ravena ay huwag nagbabasa ng social media dahil apektado ang laro at diskarte niya. May isang possession na ayaw niya mag dribble siguro iniisip niya na i-criticize siya at sabihin puro siya dribble. Kailangan mo rin mag dribble kaysa naman sa parang tuod, hindi siya nakaposition ng mabuti para maghanap ng mapapasahan. Nakakasira ng IQ ang makinig sa mga obobs sa social media.

Si Clarkson ang talisman ng Pilipinas. Maganda ang ginagawa niya na pinapasa niya ang bola sa mga kakampi niya pag na-attract niya ang mga defenders. All around ang performance niya at kung wala siya sa team natin ay malamang tambak tayo at matagal nang naguwian ang mga tao. Hindi rin tama obserbasyon ng ibang mga bobo sa social media na siya ay bwakaw. Yun ay stratehiya ni Banchot at hindi gumagalaw mga kakampi niya. Kita niyo sa larong ito pag naka puesto ng mabuti mga kakampi niya pinapasa niya. Makaka-average ba yan ng 7 assists per game kung bwakaw? Kung wala rin si Clarkson sa team baka nauwi na naman sa rambol dahil ang ilalagay ni Banchot pag wala mga de calidad na player katulad niya ay mga batang hamog na kagaya na lang nila Abueva.

May pag-asa pa naman ang Pinas kung tatalunin natin ang Italy at mananalo Dominican Republic sa Day 3 ng group stage. Tingnan niyo rin lagi ang game stats at pagaralan ito para naman  gumana mga utak biya ninyo. Huwag maging utak biya na puro dunks, dribble at porma lang ang tinitingnan. Tingnan niyo rin ang numbers para tumaas ang inyong basketball IQ. Kung hindi matutulad kayo kila Banchot Reyes at Yeng Guiao at yan ang ayaw na ayaw nating mangyari.

Finally, natalo din tayo sa coaching. Mabagal mag adjust - noong inaararo tayo sa ilalim, hindi mag zone. Noong nag zone defense naman, hindi i-modify para mahabol mga shooters. Puede naman 3-2 zone para covered lahat ng area lalo na maraming spot up shooters. Siguro nag Google muna kung anong stratehiya gagamitin niya kasi wala talaga siyang alam. Hindi talaga uubra ang PBA coach na outdated ang mga methods at bulok ang philosophy. Kahit si Tim Cone pa ilagay niyo diyan, pareho lang resulta niyan. Huwag niyo na rin ipilit si Yeng Guiao dahil noong 2019 FIBA World Cup, yan si kalbo ang coach at dead last tayo. Dead last din ang Rain or Shine niya sa isang tournament na sinalihan nila kung saan pinagtatalo sila ng mga University teams. Siya rin ang salarin kung bakit hindi makapasok mga foreign coaches sa atin - sampong taon nang presidente ng BCAP si Guiao.


 


Sunday, August 27, 2023

Sisihan Portion - Bakit Natalo Ang Pilipinas Contra Sa Dominicana


Kagaya ng inaasahan ay nagwagi ang Dominicana sa enquentro natin para sa unang laban sa Group A ng FIBA World Cup 2023 sa score na 87-81. Nagpakita ng resilience ang Dominican Republic na at one point sa umpisa ng 4th Quarter ay parang makakasilat pa ang Pilipinas.

Nagdominate ang Dominican Republic sa rebounds at ang kanilang go-to guy na si Karl Anthony Towns, bagamat nahirapan sa kaniyang opensa dahil pinaghandaan ng Pilipinas ay nakatulong pa rin ng malaki dahil sa kaniyang 15 of 16 free throws. Ang hindi napaghandaan ng mabuti ng Pilipinas ay ang supporting players ni Towns na may magandang distribution ng points. 

Napigilan ng Dominican Republic ang Pilipinas na ma-control ang laban sa pag limit ng shot attempts at pinilit ang Pilipinas na mag commit ng maraming turn overs. Ang Pilipinas ay nakakuha lamang ng 53 field goal attempts at natalo din sa rebounding lalo na sa offensive rebounding kung saan ang Dominican Republic ay may 17 at ang Pilipinas ay nakakamit lang ng 3.

Ang go-to guy ng Pilipinas na si Jordan Clarkson ang bumuhat sa Pilipinas at nagtala ng 28 puntos at 7 rebounds at 7 assists. Talagang binuhos niya ang puso niya at lahat ng makakaya ngunit kinulang pa rin. 

Focal point ng offense ng Pilipinas si Clarkson. Sa lahat ng possession ang bola ay nasa kamay ni Clarkson para siya maging epektibo samantalang ang mga kasama niya ay nakatingin lang at nakatayo sa malayo para mabigyan ng space si Clarkson para mag operate at mag generate ng puntos. Kung wala si Clarkson ang Pilipinas ay natambakan dahil kung i-menos mo ang puntos at puntos na nakuha sa kaniyang assist ay siguradong sa kangkungan na naman nagswimming ang ating koponan. Tingnan mo si Reyes mukhang pagong mahilig talaga sa kangkong ang gago.

Ang offensive strategy ng Pinas - ibigay ang bola kay Clarkson at tumabi kayo, manood at siya ay hangaan. Ang akala naman ng mga bobong Galis fans, bwakaw si Clarkson. Hindi niya kasalanan yun. Ang sisihin ay si Banchot Reyes. Kung wala si Clarkson, tambak tayo malamang sa malamang. Dahil ang style na ginamit nila ay ang style na ginagamit ni Reyes noon pa at ito ang dribble drive. Ang kinaibahan lang, kung bakit mas successful ang strategy na ito ay dahil si Clarkson ay binayayaan ng superior na one on one skills. Sa kamay ni Clarkson, puede ang dribble drive offense at ISO dahil maganda handles niya at superior ang athletic ability. Pero inefficient na strategy yan. Ginagamit lang ang ISO tuwing dying seconds ng isang quarter para hindi na mag time out. Hindi ito magandang gamitin sa buong laro na gawing bread and butter. At diyan naging predictable ang ating ofensa. Ang ginawa ng Dominican Republic ay pinahirapan si Clarkson na makakuha ng maluwag na tira. At nagwagi sila na hindi ma-involve sa opensa ang ibang mga kasama niya lalo na mga PBA players na hindi marunong kumilos na wala ang bola.

Kawawang Kai Sotto naman, dahil sa coach na banban ay nasisira ang kaniyang pangarap na ma-scout ng NBA scouts. Ito sana ang pagkakataon niya na ma-showcase ang kaniyang kakayahan kaso may coach na banban. Sa isa't kalahating minuto na naglaro siya ay hindi sapat na content para makita siya ng scouts at mapatunayan niya ang kaniyang sarili. Kawawa naman ang bata at hindi napagbigyan. Magandang player rotation sana at naiwasan din foul trouble kay Clarkson.

May mga players na nagpakita ng magandang laro sa first half kagaya ni Kiefer Ravena at Rhenz Abando kaso ang player rotation ay hindi forte ni Reyes at itong weakness na ito ay sakit niya noon pa. Nagtataka lang ako kung sakit ito, bakit hanggang ngayon buhay pa siya? Wala talagang IQ si Reyes at hindi niya ma-recognize ang player na may mataas na IQ kagaya ni Abando na dahil sa magandang pagbasa niya ng situation ay nakakuha ng magandang pasa mula kay Clarkson at sinalpak niya ang bola para tapusin ang 2nd Half. Pagkatapos niyan wala na, hindi na binalik ang mga players niya. Nag stick lang kay Thompson na ilang beses binigay sa kalaban ang bola.

Hindi rin maganda ang reaction ng Pilipinas sa full court press ng Dominican Republic. Tatlong beses naka-intercept ng bola ang Dominican Republic. Sa isang pagkakataon din ay inabutan ng 5 seconds violation si Clarkson dahil hindi marunong pumosition ang mga receiver. Kaya kung si Tim Cone ay ginastosan ng SBP ng pamasahe at pang-hotel sa pagpunta sa Centra America para pag-aralan ang tendencies ng Dominicana, itong lahat ay perang nasayang. Nasayang lang din dahil sa tagal nang coach ni Banchot ay hindi pa rin napaghandaan ng mabuti ang kaniyang mga players kung paano talunin ang full court press defense. Yung perang ginamit ni Cone para mag scout ng kalaban ay binigay na lang sana nila sa mga putachini sa Cubao.

Siguradong pinanood ng Angola ang laban na yan at ngayon alam na nila kung ano ang gagawin ng Pilipinas laban sa kanila - Ibigay kay Clarkson ang bola at siya nang bahala. Kaya kung ako coach ng Angola isa lang ang gagawin ko - pahirapan si Clarkson na bumuslo nang bumuslo kahit pa maka 30 puntos at huwag isali sa laro ang kaniyang mga kasama.

Tuesday, August 22, 2023

Tatlong Itlog Ang Prediction Ko Para Sa Pilipinas Sa Nalalapit Na 2023 FIBA World Cup

Don't worry guys. Learning experience ito para sa anak ko
na siyang sasalba sa ating lahat ok?

Itlog na maalat. Tatlo, hindi lang iisa. Busog tayo sa betlog ngayon at pag makita niyo mukha ni Banchot ay mag power up muna at bumuwelo ng mabuti at suntukin niyo sa mukha hanggang mahimatay ang putangina.

Base sa mga tune up games nila laban sa Montenegro at Mexico ay mahihirapan ang mga tarantadong Galis laban sa Dominican Republic. Tatambakan sila sa 3rd quarter at magpaparang manok na tinirador yan si Banchot Reyes. 

Laban sa Italy, sisiw ang mga Galisin na yan dahil 2nd quarter pa lang ay panalo na ang mga Italiano. Magkakalat lahat ng mga ogag natin at walang solusyon na mahahanap si Banchot, itaga niyo sa bato. Average lead ng Italy ang 22 points. Magkakalat na naman ang mga super diyahe. Dahil ang ating magaling na coach ay magyayabang sa media, paandarin ang pagiging taklesa niya at mangiinsulto pa ng kalaban sabay bitaw na naman ng learning experience.

Ipapasok na ang hurumentadong si Pogoy at isang viral video na naman dahil madadaigan ng mga Angolans at yan ang hindi matatangap ng mga yan. 

Matapos ang successful (not!) hosting ng ating bansa tayo ay mabibigyan ng long time ban. Me love you long time ang isisigaw ni Banchot pero keri lang yan sa kanya dahil makapal pa sa goma ang mukhang butas butas ng putangina. Last hosting na ng bansa at to make matters worse nag qualify pa ang Indonesia sa Olympics. 

Lunukin natin ang maalat ng betlog ni Banchot. Ready na rin kunin ni Josh Reyes ang reigns, yes Reyes Dynasty ito handa na tayo sa itlog na maalat.

Pweh!

Bakit Wala Na Tayong Pagasa Sa Basketball

Ang kwento ni Raul Dillo ay isang magandang halimbawa ng kapalpakan ng Pinoy sa basketball. Basahin niyo ito at pagkatapos makikita ninyo na bukod sa maigsi biyas natin, tayo rin ay sa kasamaang palad ay utak dilis.

Manghihinayang ka talaga sa wasted opportunity natin sa kagaya ni Raul Dillo. Kahit naging varsity player ng University of the East si Raul Dillo,  nang siya ay lumuwas ng Manila para mag try out sa mga unibersidad, huli na ang lahat para sa kaniya dahil hindi siya naturuan ng tamang paglalaro sa basketball habang maaga. Nakuha pa rin siya ng UE pero dahil sa dami ng obob na coach sa atin ay walang makapagturo at motivate sa kaniya para mag improve ang laro at dahil ang kanyang laro sa level na mapapakinabangan ng national team at kahit isang gahamang team sa PBA. Kahit si Tim Cone ay hindi na-enganyo na i-draft siya.

In fact, walang nag draft sa kaniya sa PBA. Nakapaglaro lang siya professionally nang i-recruit siya ng San Juan Knights sa MBA, isa pang bulok na liga na hindi tumagal. 

Paano nangyari na may isang Raul Dillo na may tangkad na 7'3 sa bansang iilan lang ang mga taong may tangkad na 6'5 noong dekada nobenta? Paano nangyari na may taong ganyan katangkad na madaling mag stand out sa crowd ay hindi naipadala sa Manila ng mas maaga at bigyan kaagad ng scholarship sa nagdadamihang eskwelahan doon para maisali sa basketball program nila?

Program ba kamo? Ano yan?

Yan ang problema. Walang programa noon. Kahit ngayon may programa daw pero ang totoo ningas cogon lang ang mga programa. Puro salitang hangin at bugang utot sa tumbong ng baklang tinurbo ng pinakapangit na demonyo sa impierno. Hanggang diyan lang ang salitang yan.

Raul Dillo

Siguro naman noong 13 years old si Raul Dillo ay nangingibabaw kaagad ito kung kasama niya puro pisot na 4'11 at siya ay parang puno ng kawayan pag katabi mga kaedaran niya. Siguro naman napansin agad yan ng mga local officials sa lugar nila sa Masbate ano? 

Pero wala kasi walang programa sa basketball ang Pilipinas noon. At ito ang practice na prevalent hanggang ngayon. Ayaw ko sana sabihin pero ito ay cultura na natin. Naging cultura dahil sa behavior nating mga Pilipino na ipaubaya ang lahat sa mga abugado at negosyante ang lahat ng bagay na maiisip mo. 

Tingnan niyo na lang lahat ng mga sports association sa bansa natin puro abugado at negosyante ang ginagawang presidente. Mula cycling, athletics, swimming, volleyball at basketball. Ang mga association heads niyan ay abugado o negosyante.

Balikan muna natin si Raul Dillo. 

Nang lumuwas si Raul Dillo sa Manila, pumunta siya sa unang unibersidad na malapit sa kaniya. Di ko na matandaan kung ano pangalan ng unibersidad pero ayon sa kwento ay nagtanong siya sa guardia kung maaari ba siyang mag enroll at sumali sa varsity team. Tulad ng inaasahan ang sabi ng bobong sikyu, "Tapos na ang enrollment sa susunod na taon ka na lang bumalik." Yan ang sabi niya sa 7'3 na kapre na nasa harapan niya.

Nang kunin siya ng UE, walang basketball program ang UE kaya wala silang programa para kay Raul Dillo na may magbibigay sa kaniya ng suporta at tutulong na pagsanayin siya at turuan sa lalong madaling panahon para maging dominating na centro sa bansa ng mga bansot na 6'5 centers. Wala pa sila Asi Taulava niyan ha at pag sinabing center ang ihaharap sa iyo ay mga kagaya nila Jerry Codinera at Benjie Paras na mga 6'4 at 6'5 lang. 

Ayun walang nangyari kay Raul Dillo.

Kung may basketball program lang tayo noon eh di siguro matagal na natin na dominate ang Asia at noon pa tayo nakabalik sa World Basketball Championships (FIBA World Cup).

Hanggang ngayon ay wala pa rin programa ang Pilipinas. May attempt sa basketball program kagaya ng ginawa ni Rajko Toroman noong 2013 pero lahat ng iyan ay wala na kasi ang SBP ay pinapatakbo na parang CEOish ng isang baklang negosyante na walang alam sa basketball kaya paniwalang-paniwala sa kagaya ni Banchot Reyes.

Walang programa na kagaya sa ibang bansa na may grassroots program, developmental coach, coach training, IQ training etc. Dito sa atin basta ikaw ay mayabang at maraming kakilala ikaw ay magiging coach. Tingnan niyo kagaya ni Ryan Gregorio na dating video editor lang pero dahil kaibigan si Eric Altamirano ay nagkaroon ng career sa coaching. 

Kaya wag na kayo aasa sa basketball kung ang nagpapatakbo ay mga negosyante lang at abugado. Wala tayong mapapala diyan. Baka in 20 years time ang national team coach ay Reyes pa rin ang apilyido - yung anak ni Banchot Reyes na si Josh Reyes dahil balita ko yang gagong yan ay coach ng youth team at hinahanda na mag take over sa tatay niyang Banchot.

Sunday, August 14, 2022

Buhol Buhol Na SBP, Style Bulok Talaga!


At si Alfrancis Chua ay binigyan ng position ng SBP bilang executive advisor. Ano ang ginagawa ng isang executive advisor? Ayon sa magulong sagot ng PBA Commissioner na si Willie Marcial ay "parang consultant na may ngipin." Pweh!

Dagdag pa ni Marcial na isa sa mga tungkulin niya ay "kausapin ang mga players kung ano ang mgagawa at kung ano ang plano."

Diyan pa lang set niyo na expectations niyo sa isang super diyahe na resulta. Magulo ito, magulo. Bakit nga pala si Willie Marcial ang tinatanong ng Spin.com at hindi yung mafioso na na-appoint bilang executive advisor? Bakit kahit si Mafia Chua ay hindi rin kaya i-articulate kung ano ang tungkulin niya ngayon sa SBP. Tipikal na tipikal na pagkilos ng mga taong natutulog sa pansitan. 

Tingnan niyo na lang ang SBP ay piniling spokesperson si Sonny Barrios at ang daming kapalpakan agad na pinagsasabi sa media. Sinisi niya si Tab Baldwin sa mga debacle ng Galis Pilipinas. At kaliwa't-kanan ang media interviews ng mga ibang SBP officials at coaches na salungat sa position ng SBP. Yung spokesperson ngayon puro excuses ang ginagawa. Bakit ka nag appoint ng spokesperson pero kung sino sino naman ang humaharap sa media? 

Kagaya na lang ng sinabi ni Banchot na hindi naman daw mahalaga ang laban sa Lebanon. Daming nagalit. Ang sama kasi ng dating na parang ang coaching staff ay walang pake sa mga laro. Dapat bago sila humarap sa media at magusap-usap sila para maging consistent ang kanilang messaging. At bigyan ng instructions na kapag hindi nila alam ang sagot ay tumahimik na lang at sabihing tanong mo si Barrios kasi siya ang spokesperson.

Ngayon, sana masagot ni Barrios kung ano nga talaga ang katungkulan nitong si Mafia Chua.

Thursday, July 14, 2022

Wala Asenso Basketball Dahil sa BCAP


Ang BCAP ang totoong hadlang sa pag-asenso ng basketball sa Pilipinas. Samahan ng mga hudas ito sa totoo lang. Sila ang dapat na paluin at tsinelasin natin para umasenso at sumaya ang buhay natin. Pag-aralan niyo ang kasaysayan ng BCAP o Basketball Coaches Association of the Philippines at sila ang humadlang sa mga mahuhusay na coaches na makapagtrabaho sa ating bansa. 

Binuo yan noong late 1980s para kuno protektahan ang welfare ng mga banban coaches sa bansa natin. Sila ang sisiguro na hindi maeepalan ang mga banban coaches ng mga mas mahuhusay at experiensadong coaches galing sa America. Papayag lang sila sa isang condition - na ang coach na papasok ay nasa Division I ng NCAA sa America o dating NBA coach na  makakatulong sa pagkakaroon ng transfer of technology. Pag nakuha na nila ang gusto nila, echefuera na yung coach at pasok ang banban coach na Pinoy.

Tingnan niyo nangyari kay Tab Baldwin at Rajko Toroman. Ginamit lang sila para maka-qualify sa main tournament at pag pasok na, insert Banchot. Wala naman transfer of technology na nangyayari kasi ang ginagamit pa rin na tactica at philosophy ay kay Banchot. Yung dribble drive pa rin, all guard line up at internal politics. Wala tayong napala!

Alam niyo ba na noong 1990s ay dinala ni Tim Cone ang BCAP sa Korte Suprema? Oo, dahil ang totoo ay sukang-suka si Steven Uytengsu sa politica ng mga local insecure at banban coaches sa atin. Kaya dinemanda nila mga gagong yan noong 1990 para payagan si Tim Cone na mag coach sa PBA. 

Did you know that Tim Cone took BCAP to Supreme Court back in the 90s? (tiebreakertimes.com.ph)

Mga coaches na hinarangan ng mga animal na BCAP na yan ay sila Bobby Parks, Scott Woolpert, Bill Bayno at Ron Jacobs! Hindi naman sa kapakanan ng mga Pilipino ang layunin ng BCAP. Ang BCAP ay para lang protektahan ang position ng mga bobo sa basketball. Tingnan niyo kung nasaan na mga naging presidente ng BCAP kagaya nila Narvasa, Alfrancis Chua at Yeng Guiao. May nakita ba kayong coaching clinic na spearhead ng BCAP? Wala. Pero ang mga taong yan ay may matataas na position na sa PBA. 

Ay oo nga pala kinuwestyon nila yung coaching clinics ni Tab Baldwin - BCAP questions Tab Baldwin's clinics in latest statement (tiebreakertimes.com.ph) 

At mag balat sibuyas pag makakarinig ng mga kritisismo - BCAP condemns Baldwin's 'suggestions' for PH basketball: 'We are being underestimated' (tiebreakertimes.com.ph)

Kita niyo na kung anong klaseng organisasyon ito? Puro lang mga abugado ito na na-infiltrate ang basketball. Walang maitutulong sa buhay natin at walang madudulot na mabuti para sa sport ng basketball. 

Kaya tuwing magpapakita kayo ng disgust sa mga kabulastugan ni Chot Reyes, wag niyo kalimutan na murahin ang BCAP!

Saturday, July 2, 2022

Ang Talambuhay ni Banchot Reyes


Nagagalit ang mga Pinklawan dahil daw sa dynasty na binubuo ng mga Duterte at Marcos sa larangan ng politica pero tahimik naman sa dynasty na binubuo ni Reyes sa basketball. Tila yata mga Reyes lang ang may alam sa basketball sa bansa kahit na alam naman natin na banban at archaic na ang style ni Banchot. 

Si Banchot Reyes ay nagumpisa bilang assistant coach ni Tim Cone sa Alaska at kapatid ni Jun Reyes. Naging instrumento si Banchot para makuha ng Alaska si Jun Reyes ngunit hindi na umangat sa pagiging back up point guard ang dating star player ng Ateneo.

Matapos ang ilang taon ay naging head coach si Banchot Reyes ng Sta Lucia. Nagpakita ng talas at abilidad sa coaching si Banchot. Hindi rin nagtagal ay lumabas ang mga ilang nakakadudang mga galaw itong si Chot Reyes. Nagiging animated ito sa sidelines at nagiging side show ng makulay na PBA. Agaw eksena ang mga pag mumura sa mga referees at pagtatatalon-talon na parang palakang gago tuwing may tawag ang referees na hindi niya nagustuhan. Sinabayan pa niya ito ng mga makulay na pananamit na talagang nakakasilaw at nakaka-distract kaya ang mga gagong players niya ay nagkakamali sa court. Malaki ang contribution ng mga unnecessary antics ng coach na ito sa mga sunod-sunod na pagkatalo ng Sta Lucia. Hindi nagtagal ay naka-apekto ito sa moral ng mga players. At dumating ang araw na talagang naubos na ang pasensya ni Banchot at binato niya si Jun Limpot ng upuan habang sinesermonan niya ang kaniyang mga players sa dugout matapos ang isang nakakahiyang pagkatalo. 

The next day pumunta si Banchot sa practice at iisa lang ang player na nadatnan niya - si Chris Jackson. Nagkaroon ng mutiny sa Sta Lucia sa pangunguna ni Gerry Esplana. Umaksyon ang kanilang management at agad na pinatalsik ang napaka-husay na coach. Bumalik ang sigla ng Sta Lucia at nagpapanalo na ulit sila ng mga laro.

Akala ko talaga noon na mahusay na coach si Reyes. 2003 si Reyes ay coach ng Coca Cola. Matibay at formidable ang Coca Cola at maganda ang sistema ni Chot Reyes sa koponan na yun. Sobrang disiplinado ng mga players lalo na sila Hatfield at Abuda at talagang napahanga ako sa kakayanan ni Reyes na mag coach ng isang koponan. Isa ang Coke sa mga teams na contenders noong 2003-2005 sa PBA. 

Ang BAP naman ay nagkagulo-gulo dahil sa kapalpakan. Matapos matalo ang RP Team na kinabibilangan ng mga hindi kilalang amateur players sa isang exhibition match laban sa ParaƱaque Jets na binubuo naman ng mga celebrities at ex-basketball players ay nagalit ang POC na pinamumunuan ni Babalu Cojuanco. Talagang bumulusok ang ilang ni Babalu Cojuanco nang gawing katatawanan ang RP Team na tinalo ng Jets niya talagang super diyahe sila! 

Nais buwagin ng POC ang BAP at bumuo ng panibagong association ngunit ayaw pumayag ni Joey Lina na head naman ng BAP. Ayon sa kaniya ay labag sa saligang batas ang binabalak na gawin ng mga basketball stakeholders na kinabibilangan ng PBA, PB:, UAAP at NCAA. Dahil dito nabigyan ng suspensyon ang BAP ng Pilipinas. Na-ban din ng mga dalawang taon ang Pilipinas kaya hindi makasali sa mga international tournaments. Nang matapos ang gulo ay nabuo ang SBP at si Banchot Reyes ang napiling coach ng Team Pilipinas. 

Mahusay ang presentation ni Banchot. May short term goal, may long term goal, claro ang concise ang plano niya. Siya ang napilling coach ng Team Pilipinas para sa darating na FIBA Asia 2007 na qualifying tournament para sa FIBA World Basketball. 

Dito na nakita ang eccentric, ineffective at walang kwentang antics ni Banchot. Ang nakikita natin na pagmamaktol niya sa sidelines ay pinakita niya sa buong mundo! Yung mga makukulay na polo niya at neck tie na parang borloloy sa jeep na Sarao. Natalo tayo sa importanteng laro laban ang Jordan dahil na-technical siya sa huling limang minuto ng 4th Quarter dahil sa kanyang pagtatalon-talon na parang baklang dinaya ng boypren! Si Queenito Henson pa nga sinisi niya yung Greek referee! That Greek referee!

Sa 2007 FIBA Qualifiers nakita natin ang pag-angat ng mga bansa sa Gitnang Silangan na noon ay nilalampaso natin. Ang istilo ni Chot Reyes at kahit sinong coach na kunin kagaya ni Yeng Guiao ay hindi na umuubra. Kailangan talaga ng basketball program na dapat ay sinimulan natin noon pa. Natuwa naman ang marami at dininggin ng SBP o Samahang Basketball ng Pilipinas ang dasal ng napakaraming basketball fantards sa bansa at naglatag ng kanilang long term program.

Una, kinuha si Rajko Toroman para maging coach ng Team Pilipinas. Kailangan baguhin ang istilo ng laro kaya nararapat na may foreign coach na magtuturo sa atin nito dahil aminado na ang SBP na walang kwenta ang mga local coaches.

Pangalawa, pinagtipon-tipon ang mga magagaling na batang players mula sa amateur ranks na magsasama sa mahabang panahon para mag representa sa Pilipinas sa larangan ng basketball. Hindi muna mag aapply sa PBA draft para may pool ng players na laging available pagkailangan na gamay ang larong pang international.

Pangatlo, mag naturalize ng 7 footer para punan ang position na wala tayo. Maiigsi ang biyas ng mga Pinoy kaya kailangan magbayad ng Americano na 7 footer kasi marami naman sila niyan.

Lahat ng iyan ay nagbubunga na, pipitasin na lang pero biglang umepal na naman si Chot Reyes. Pinatalsik si Toroman para si Chot Reyes ang aani sa lahat ng pinaghirapan ni Toroman. Balik na naman tayo sa dati na bara-bara dribble drive. Mas masaklap pa ay mga hindi marunong mag depensa. Nahilo sila sa sobrang bilis magpasahan ng bola ang kalaban! 

Nakalaban ng Pinas ang Australia sa isang qualifying tournament at dahil sa sobrang frustrated ang mga Pinoy na tinatambakan na ay nauwi sa suntukan. Ang mga kinuhang players ni Chot ay mga paborito niya na kagaya nila Pogoy at Abueva na mga undersized at ineffective na players na walang ibang alam na gawin kung hindi manggulo. Ayun si Pogoy naniko ng 6'10 na player at ginantihan siya ng isang malakas na siko nadurog lahat ng tigyawat niya at plakda siya sa sahig. Nauwi sa isang nakakahiyang rambulan at muntik pa ma-ban ang Pilipinas. Ang catalyst ng gulo ay si Chot Reyes na nahuli sa camera na inuutusan mga players niya na "put their ass on the floor." Ayun literal nga si Pogoy dinikit yung tumbong niya sa sahig sa isang nakakahiya at super diyahe na eksena. 

Pinalitan na naman ng SBP si Reyes at akala natin ay hindi na natin makikita ang nakakabwisit na kapalpakan niya. Pasok si Tab Baldwin na matagal na pinapanalangin ng mga Pilipino para baguhin ang kapalaran ng ating basketball team pero napakalaki talaga ng titi ng guardian angel ni Banchot at balik na naman siya. Pinatalsik si Tab at ang naging resulta ay silver medal sa SEA Games! Sa SEA Games na trono natin. Natalo tayo ni Rajko Toroman at ng Indonesia na hindi mahilig sa basketball! Itong SBP talaga naniniwala na ako na sila ang Samahan ng mga Bobo sa Pilipinas!

At yan po ang talambuhay ni Banchot Reyes. Ang pinakamasaklap diyan ay hindi pa diyan nagtatapos ang kaniyang talambuhay. Ito ay kasalukuyang sinusulat pa. Naka-line up din ang kaniyang anak para sa habang buhay na pang-eepal sa basketball natin. Saklap talaga.

Classic Catch 22 - Kawawang Pilipinas Ang Bansa Ng Mga Ugok!

Sa kalaunan, kawawa ang taong bayan. Naging laruan lamang ng mga tarantado at gagong bugok ang bayan natin. Ayaw natin sa Duterte, ngayon ka...