Sisihan Portion - Bakit Natalo Ang Pilipinas Contra Sa Dominicana


Kagaya ng inaasahan ay nagwagi ang Dominicana sa enquentro natin para sa unang laban sa Group A ng FIBA World Cup 2023 sa score na 87-81. Nagpakita ng resilience ang Dominican Republic na at one point sa umpisa ng 4th Quarter ay parang makakasilat pa ang Pilipinas.

Nagdominate ang Dominican Republic sa rebounds at ang kanilang go-to guy na si Karl Anthony Towns, bagamat nahirapan sa kaniyang opensa dahil pinaghandaan ng Pilipinas ay nakatulong pa rin ng malaki dahil sa kaniyang 15 of 16 free throws. Ang hindi napaghandaan ng mabuti ng Pilipinas ay ang supporting players ni Towns na may magandang distribution ng points. 

Napigilan ng Dominican Republic ang Pilipinas na ma-control ang laban sa pag limit ng shot attempts at pinilit ang Pilipinas na mag commit ng maraming turn overs. Ang Pilipinas ay nakakuha lamang ng 53 field goal attempts at natalo din sa rebounding lalo na sa offensive rebounding kung saan ang Dominican Republic ay may 17 at ang Pilipinas ay nakakamit lang ng 3.

Ang go-to guy ng Pilipinas na si Jordan Clarkson ang bumuhat sa Pilipinas at nagtala ng 28 puntos at 7 rebounds at 7 assists. Talagang binuhos niya ang puso niya at lahat ng makakaya ngunit kinulang pa rin. 

Focal point ng offense ng Pilipinas si Clarkson. Sa lahat ng possession ang bola ay nasa kamay ni Clarkson para siya maging epektibo samantalang ang mga kasama niya ay nakatingin lang at nakatayo sa malayo para mabigyan ng space si Clarkson para mag operate at mag generate ng puntos. Kung wala si Clarkson ang Pilipinas ay natambakan dahil kung i-menos mo ang puntos at puntos na nakuha sa kaniyang assist ay siguradong sa kangkungan na naman nagswimming ang ating koponan. Tingnan mo si Reyes mukhang pagong mahilig talaga sa kangkong ang gago.

Ang offensive strategy ng Pinas - ibigay ang bola kay Clarkson at tumabi kayo, manood at siya ay hangaan. Ang akala naman ng mga bobong Galis fans, bwakaw si Clarkson. Hindi niya kasalanan yun. Ang sisihin ay si Banchot Reyes. Kung wala si Clarkson, tambak tayo malamang sa malamang. Dahil ang style na ginamit nila ay ang style na ginagamit ni Reyes noon pa at ito ang dribble drive. Ang kinaibahan lang, kung bakit mas successful ang strategy na ito ay dahil si Clarkson ay binayayaan ng superior na one on one skills. Sa kamay ni Clarkson, puede ang dribble drive offense at ISO dahil maganda handles niya at superior ang athletic ability. Pero inefficient na strategy yan. Ginagamit lang ang ISO tuwing dying seconds ng isang quarter para hindi na mag time out. Hindi ito magandang gamitin sa buong laro na gawing bread and butter. At diyan naging predictable ang ating ofensa. Ang ginawa ng Dominican Republic ay pinahirapan si Clarkson na makakuha ng maluwag na tira. At nagwagi sila na hindi ma-involve sa opensa ang ibang mga kasama niya lalo na mga PBA players na hindi marunong kumilos na wala ang bola.

Kawawang Kai Sotto naman, dahil sa coach na banban ay nasisira ang kaniyang pangarap na ma-scout ng NBA scouts. Ito sana ang pagkakataon niya na ma-showcase ang kaniyang kakayahan kaso may coach na banban. Sa isa't kalahating minuto na naglaro siya ay hindi sapat na content para makita siya ng scouts at mapatunayan niya ang kaniyang sarili. Kawawa naman ang bata at hindi napagbigyan. Magandang player rotation sana at naiwasan din foul trouble kay Clarkson.

May mga players na nagpakita ng magandang laro sa first half kagaya ni Kiefer Ravena at Rhenz Abando kaso ang player rotation ay hindi forte ni Reyes at itong weakness na ito ay sakit niya noon pa. Nagtataka lang ako kung sakit ito, bakit hanggang ngayon buhay pa siya? Wala talagang IQ si Reyes at hindi niya ma-recognize ang player na may mataas na IQ kagaya ni Abando na dahil sa magandang pagbasa niya ng situation ay nakakuha ng magandang pasa mula kay Clarkson at sinalpak niya ang bola para tapusin ang 2nd Half. Pagkatapos niyan wala na, hindi na binalik ang mga players niya. Nag stick lang kay Thompson na ilang beses binigay sa kalaban ang bola.

Hindi rin maganda ang reaction ng Pilipinas sa full court press ng Dominican Republic. Tatlong beses naka-intercept ng bola ang Dominican Republic. Sa isang pagkakataon din ay inabutan ng 5 seconds violation si Clarkson dahil hindi marunong pumosition ang mga receiver. Kaya kung si Tim Cone ay ginastosan ng SBP ng pamasahe at pang-hotel sa pagpunta sa Centra America para pag-aralan ang tendencies ng Dominicana, itong lahat ay perang nasayang. Nasayang lang din dahil sa tagal nang coach ni Banchot ay hindi pa rin napaghandaan ng mabuti ang kaniyang mga players kung paano talunin ang full court press defense. Yung perang ginamit ni Cone para mag scout ng kalaban ay binigay na lang sana nila sa mga putachini sa Cubao.

Siguradong pinanood ng Angola ang laban na yan at ngayon alam na nila kung ano ang gagawin ng Pilipinas laban sa kanila - Ibigay kay Clarkson ang bola at siya nang bahala. Kaya kung ako coach ng Angola isa lang ang gagawin ko - pahirapan si Clarkson na bumuslo nang bumuslo kahit pa maka 30 puntos at huwag isali sa laro ang kaniyang mga kasama.

Comments

  1. welcome back bossing clocks..haha..talagang banban itong si Chot. Hindi ko ba alam bakit hindi mapalit-palitan itong si Bnachot. Pwede naman si Tim Cone na 'di hamak na mas magaling mag rotate ng players.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dahil mga ogag nasa SBP. Isa pang engot yan si Tim Cone. Tandaan niyo na noong 1998 nag coach yan ng Centennial Team at kulelat sa Asian Games pa lang. Lalo na ngayon na mas malalakas na ang kalaban.

      Delete
    2. sabagay tama ka, ito sanang si Coach Tab ok na eh, kaso hinaluan ng pulitika. Malakas yata talaga kapit ni Banchot kay Panlilio

      Delete
    3. Oo, yan si Panlilio isa pa yan na dapat alisin diyan.

      Delete
  2. Welcome back boss clocks.👌

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat bossing sana mag enjoy ka sa articulo natin hehehe

      Delete
    2. clocks nasa australia ka pa din baka may kumpanya ka na kunin mo ako

      Delete
    3. Hayaan mo pag meron na ako companya kunin kita. Hahaha kaso ngayon empleyado pa rin eh.

      Delete
  3. clocks nasa australia ka pa din baka may company ka na kunin mo ako

    ReplyDelete
    Replies
    1. ei bossing same here, baka need mo ng VA kahit pang part time na lng hehe

      Delete
    2. Bwahaha sensya na mga tol wala pa eh. Pero madali naman mag apply dito subukan niyo lang. Dami trabaho naka-advertise online.

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?