Ang Talambuhay ni Banchot Reyes
Nagagalit ang mga Pinklawan dahil daw sa dynasty na binubuo ng mga Duterte at Marcos sa larangan ng politica pero tahimik naman sa dynasty na binubuo ni Reyes sa basketball. Tila yata mga Reyes lang ang may alam sa basketball sa bansa kahit na alam naman natin na banban at archaic na ang style ni Banchot.
Si Banchot Reyes ay nagumpisa bilang assistant coach ni Tim Cone sa Alaska at kapatid ni Jun Reyes. Naging instrumento si Banchot para makuha ng Alaska si Jun Reyes ngunit hindi na umangat sa pagiging back up point guard ang dating star player ng Ateneo.
Matapos ang ilang taon ay naging head coach si Banchot Reyes ng Sta Lucia. Nagpakita ng talas at abilidad sa coaching si Banchot. Hindi rin nagtagal ay lumabas ang mga ilang nakakadudang mga galaw itong si Chot Reyes. Nagiging animated ito sa sidelines at nagiging side show ng makulay na PBA. Agaw eksena ang mga pag mumura sa mga referees at pagtatatalon-talon na parang palakang gago tuwing may tawag ang referees na hindi niya nagustuhan. Sinabayan pa niya ito ng mga makulay na pananamit na talagang nakakasilaw at nakaka-distract kaya ang mga gagong players niya ay nagkakamali sa court. Malaki ang contribution ng mga unnecessary antics ng coach na ito sa mga sunod-sunod na pagkatalo ng Sta Lucia. Hindi nagtagal ay naka-apekto ito sa moral ng mga players. At dumating ang araw na talagang naubos na ang pasensya ni Banchot at binato niya si Jun Limpot ng upuan habang sinesermonan niya ang kaniyang mga players sa dugout matapos ang isang nakakahiyang pagkatalo.
The next day pumunta si Banchot sa practice at iisa lang ang player na nadatnan niya - si Chris Jackson. Nagkaroon ng mutiny sa Sta Lucia sa pangunguna ni Gerry Esplana. Umaksyon ang kanilang management at agad na pinatalsik ang napaka-husay na coach. Bumalik ang sigla ng Sta Lucia at nagpapanalo na ulit sila ng mga laro.
Akala ko talaga noon na mahusay na coach si Reyes. 2003 si Reyes ay coach ng Coca Cola. Matibay at formidable ang Coca Cola at maganda ang sistema ni Chot Reyes sa koponan na yun. Sobrang disiplinado ng mga players lalo na sila Hatfield at Abuda at talagang napahanga ako sa kakayanan ni Reyes na mag coach ng isang koponan. Isa ang Coke sa mga teams na contenders noong 2003-2005 sa PBA.
Ang BAP naman ay nagkagulo-gulo dahil sa kapalpakan. Matapos matalo ang RP Team na kinabibilangan ng mga hindi kilalang amateur players sa isang exhibition match laban sa ParaƱaque Jets na binubuo naman ng mga celebrities at ex-basketball players ay nagalit ang POC na pinamumunuan ni Babalu Cojuanco. Talagang bumulusok ang ilang ni Babalu Cojuanco nang gawing katatawanan ang RP Team na tinalo ng Jets niya talagang super diyahe sila!
Nais buwagin ng POC ang BAP at bumuo ng panibagong association ngunit ayaw pumayag ni Joey Lina na head naman ng BAP. Ayon sa kaniya ay labag sa saligang batas ang binabalak na gawin ng mga basketball stakeholders na kinabibilangan ng PBA, PB:, UAAP at NCAA. Dahil dito nabigyan ng suspensyon ang BAP ng Pilipinas. Na-ban din ng mga dalawang taon ang Pilipinas kaya hindi makasali sa mga international tournaments. Nang matapos ang gulo ay nabuo ang SBP at si Banchot Reyes ang napiling coach ng Team Pilipinas.
Mahusay ang presentation ni Banchot. May short term goal, may long term goal, claro ang concise ang plano niya. Siya ang napilling coach ng Team Pilipinas para sa darating na FIBA Asia 2007 na qualifying tournament para sa FIBA World Basketball.
Dito na nakita ang eccentric, ineffective at walang kwentang antics ni Banchot. Ang nakikita natin na pagmamaktol niya sa sidelines ay pinakita niya sa buong mundo! Yung mga makukulay na polo niya at neck tie na parang borloloy sa jeep na Sarao. Natalo tayo sa importanteng laro laban ang Jordan dahil na-technical siya sa huling limang minuto ng 4th Quarter dahil sa kanyang pagtatalon-talon na parang baklang dinaya ng boypren! Si Queenito Henson pa nga sinisi niya yung Greek referee! That Greek referee!
Sa 2007 FIBA Qualifiers nakita natin ang pag-angat ng mga bansa sa Gitnang Silangan na noon ay nilalampaso natin. Ang istilo ni Chot Reyes at kahit sinong coach na kunin kagaya ni Yeng Guiao ay hindi na umuubra. Kailangan talaga ng basketball program na dapat ay sinimulan natin noon pa. Natuwa naman ang marami at dininggin ng SBP o Samahang Basketball ng Pilipinas ang dasal ng napakaraming basketball fantards sa bansa at naglatag ng kanilang long term program.
Una, kinuha si Rajko Toroman para maging coach ng Team Pilipinas. Kailangan baguhin ang istilo ng laro kaya nararapat na may foreign coach na magtuturo sa atin nito dahil aminado na ang SBP na walang kwenta ang mga local coaches.
Pangalawa, pinagtipon-tipon ang mga magagaling na batang players mula sa amateur ranks na magsasama sa mahabang panahon para mag representa sa Pilipinas sa larangan ng basketball. Hindi muna mag aapply sa PBA draft para may pool ng players na laging available pagkailangan na gamay ang larong pang international.
Pangatlo, mag naturalize ng 7 footer para punan ang position na wala tayo. Maiigsi ang biyas ng mga Pinoy kaya kailangan magbayad ng Americano na 7 footer kasi marami naman sila niyan.
Lahat ng iyan ay nagbubunga na, pipitasin na lang pero biglang umepal na naman si Chot Reyes. Pinatalsik si Toroman para si Chot Reyes ang aani sa lahat ng pinaghirapan ni Toroman. Balik na naman tayo sa dati na bara-bara dribble drive. Mas masaklap pa ay mga hindi marunong mag depensa. Nahilo sila sa sobrang bilis magpasahan ng bola ang kalaban!
Nakalaban ng Pinas ang Australia sa isang qualifying tournament at dahil sa sobrang frustrated ang mga Pinoy na tinatambakan na ay nauwi sa suntukan. Ang mga kinuhang players ni Chot ay mga paborito niya na kagaya nila Pogoy at Abueva na mga undersized at ineffective na players na walang ibang alam na gawin kung hindi manggulo. Ayun si Pogoy naniko ng 6'10 na player at ginantihan siya ng isang malakas na siko nadurog lahat ng tigyawat niya at plakda siya sa sahig. Nauwi sa isang nakakahiyang rambulan at muntik pa ma-ban ang Pilipinas. Ang catalyst ng gulo ay si Chot Reyes na nahuli sa camera na inuutusan mga players niya na "put their ass on the floor." Ayun literal nga si Pogoy dinikit yung tumbong niya sa sahig sa isang nakakahiya at super diyahe na eksena.
Pinalitan na naman ng SBP si Reyes at akala natin ay hindi na natin makikita ang nakakabwisit na kapalpakan niya. Pasok si Tab Baldwin na matagal na pinapanalangin ng mga Pilipino para baguhin ang kapalaran ng ating basketball team pero napakalaki talaga ng titi ng guardian angel ni Banchot at balik na naman siya. Pinatalsik si Tab at ang naging resulta ay silver medal sa SEA Games! Sa SEA Games na trono natin. Natalo tayo ni Rajko Toroman at ng Indonesia na hindi mahilig sa basketball! Itong SBP talaga naniniwala na ako na sila ang Samahan ng mga Bobo sa Pilipinas!
At yan po ang talambuhay ni Banchot Reyes. Ang pinakamasaklap diyan ay hindi pa diyan nagtatapos ang kaniyang talambuhay. Ito ay kasalukuyang sinusulat pa. Naka-line up din ang kaniyang anak para sa habang buhay na pang-eepal sa basketball natin. Saklap talaga.
Bossing Clocks musta na. lupit nitong article mo. haha. Matindi talaga itong kapit ni Banchot. Sobrang layo naman ng coaching style kina Baldwin at Cone. Yung run and gun style nya wala ring improvement.
ReplyDeleteHuwag ding kalimutan na nagdesisyon at pinagmulta din ng mga high ranking officials ng FIBA si Coach Choke Banchot Reyes sa nangyaring suntukan at rambulan sa halagang 1.3 Million in Philippine Pesos at napatunayang siya ay isang talunan at pikon!!! dahil napatunayang siya ang nag instigate ng suntukan at rambulan laban sa Australia dahil very obvious na talagang hindi siya makaporma pati na rin yung mga bata niya sa Australia dahil kahit magkayod marino pa sila hanggang 4th Quarter ay hindi na sila mananalo dahil lampas 30 puntos na ang tambak nila.
ReplyDeleteEh tangina kakampuke yan si Choke Reyes, check mo. Nahahawa tayo sa pagiging talunan ni Lutang Ina.
ReplyDelete