Gold Sa Asian Games Basketball Kaya Ba Nating Ulitin?

Pilipinas

Magdiwang ngayon sa tagumpay ng ating Pambansang koponan sa basketball. Ito ay pinaghirapan at ito ay karapat-dapat. Hindi natin ito inaasahan at ang ating koponan at lubos-lubusan ang pinagtagumpay sa Asian Games Basketball. Pero kaya ba nating ulitin?

Isa sa mga napatunayan ng koponan natin na dinadala ni Tim Cone ay hindi kailangan ang matagalang paghahanda na laging inuulit-ulit sa media, sports analyst at mga basketball stakeholders kagaya ng SBP. 

Yan ang matagal ko nang sinasabi! Basta may maayos na leadership, kahit anong tournament salihan natin makakahanap tayo ng paraan na manalo. Basta wala nang mga Chot Reyes at Yeng Guiao, makakaasa tayo ng tagumpay.

Pero importante na maintindihan din natin na ang Asian Games basketball ay non bearing na para sa mga East Asians kagaya ng China, Japan at Korea. Tayo ay nagkaroon ng advantage dahil kahit hindi pa Team A natin naipada, ang mga kalaban naman natin ay mga Team B players ng kani-kanilang bansa. Ang kalahati ng ating teams ay nag representa sa nakaraang Basketball World Cup nitong Setiembre lamang at lahat ay mga professionals. 

Ang Iran ay nasa rebuilding phase at binubuo ng mga kabataan. Kahit natalo natin sila, binuhos natin ang laro na naging malaking tulong para sa development ng kanilang mga players. Aasahan natin na ang mga manlalaro ng Iran na ito ang magpapahirap sa atin sa susunod na mga taon habang ang mga players ng Gilas Pilipinas na nakakuha ng experience sa tournament na ito ay mag reretiro na. Ang mga players na sunod na sasabak ay walang experience kaya lagi tayo nasa rebuilding stage.

Umpisa na ng mga liga sa Japan, South Korea, Taiwan at China kaya hindi pinalahok ang pinakamahusay na manlalaro nila. Ang mga nakatapat natin ay mga university students. Oo, mga bata. Malaking disruption naman ang dinulot nito sa domestic league sa bansa natin kagaya ng PBA na napiliting ilipat sa Noviembre and umpisa ng liga.

Kailangan talaga natin i-reexamine ang Asian Games Basketball. Ang Asian Games Basketball (at SEA Games Basketball at Jones Cup) dapat ay ginagamit natin na tournament para makakuha ng experience ang mga Youth Teams. Dapat mga Under 23 pinapadala natin diyan. Hindi siya importanteng tournament sa basketball dahil hindi naman yan path para sa Olympics at Basketball World Cup. Kaya ang East Asian Countries ay hindi nagkukumahog para dito. Tayo lang. Siguro secreto na pinagtatawanan tayo ng mga basketball federations nila.

Bakit wala tayong mas sustainable na program o sistema kung saan makakapagpadala tayo ng mga youth teams o tawagin nating Team B kung saan ang mga manlalaro na ito ay makakakuha ng mahalagang karanasan sa paglalaro at makatulong sa development nila? Kaya nga sobrang dominante ng mga batch ng players noong 1987-1989 kagaya nila Benjie Paras, Hector Calma, Allan Caidic, Patrimonio, Magsanoc atbp dahil sa paglalaro sa international tournaments dito sa Asia. Ito ang programa na dapat natin balikan at hindi yung programa na sinet-up ni Banchot Reyes noong 2007. 

Oo, ang blueprint ng programa natin ay nagmula kay Mr Learning Experience - Banchot Reyes. Kabahan tayong lahat! Kahit nag resign na sa pagcocoach ng national team ang ungas na yan, patuloy na naghahasik ng lagim ang kaniyang banban system na sinusunod natin dahil walang critical na nagtatanong at nagchachallenge sa bulok na sistema na yan!

Nakikita niyo na ba ang problema? Nakikita niyo na ba kung bakit ang mga kabataan natin sa basketball ay kulelat at hilaw na hilaw pag akyat sa pro leagues? Nakikita niyo na rin ba kung bakit hindi tayo pinapansin ng mga scouts para maglaro sa NBA at Europa? Nakikita niyo na rin ba kung bakit kapag makaharap na natin ang totoong national teams ng Japan, South Korea at mga Middle Eastern countries ay nilalampaso tayo?


Comments

  1. Sarap kantutin n Elle Villanueva sa harap ni Derick Minolestaryo habang nag chuchupaan sila ni alden Bitchards

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?