Gusto Mo Ba'ng Ma-Arnie Tuadles?

(Psst, may radio din nito - https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2715377)

Sino nakaka-alala sa linyang "Gusto mo ba'ng ma-Arnie Tuadles"? 

Ang linya na yan na title din ng ating articulo ay binitawan ni Willie Revillame nang mag-away sila ni Richard Gomez sa Star Olympics mga bandang 2002-2003. Sobrang tagal na at hindi na maalala ng mga tao. Reklamo yan ni Richard Gomez nang tutukan siya ng baril ni Willie Revillame. Wala na akong mahanap na link nito sa mga pahayagan. Pero ito ay totoong nangyari at nais kong ipaalam ito sa inyong mga bobotante para naman hindi ito mabaon sa limot. Nangyari talaga ito.

Maraming controversia itong si Willie Revillame at ilang beses nagpakita ng nakakasukang paguugali sa telebisyon. Mga contestant na babae na binabastos niya at tinatanong mga mga malalaswang tanong. Mga jokes na inappropriate na naging dahilan ng kaniyang pagkaka-suspende sa ilang noon time shows na kaniyang hino-host. Mga kawalan ng respeto hindi lang sa kaniyang audience pati na rin sa mga naging co-host niya kagaya ni Mahal nang tanongin niya ito kung virgin pa siya live on air pa. 

Itong ulol na ito ay ngayon tatakbo bilang senador at umiikot na siya sa ilang mga programa kung saan umiinit ang ulo niya pag hindi niya masagot mga simpleng tanong tungkol sa kaniyang plataporma at mga pinaplano niyang bill na ipapasa niya. Ngayon pa lang ay wala nang idea ang ulol at ang mga challenging questions sa kaniya ng mga host ay binabalik niya ng pabalandra sa mga nagtatanong sa kaniya. Kumulo talaga nag dugo niya na parang gusto na niyang bunutan ng baril at tanong kung gusto ba nilang ma-Arnie Tuadles na. 

Panginoong Quiboloy, Anak ni Satanas, gabayan niyo po ako sa aking matinding pagsubok!


Poverty ang gusto niyang tutukan at makatulong daw sa mga mahihirap dahil sa kaniyang programa ito ay kaniyang nakikita. Marami daw siya tinutulongan at nais niya tumulong pa ng mas madaming tao kaya siya ay papasok sa senado pero hindi niya mapatunayan kung talagang naiintindihan ba niya ang issue at walang mailatag na plano. 

Kung gusto niya tumulong sa mga mahihirap at solusyonan ang poverty o kahirapan eh dapat kaya niyang i-define kung ano ang poverty at artikuladong maipaliwag ang lahat ng mga bagay na sanhi nito at kung sino ang mga naaapektuhan. Higit sa lahat dapat ay may solusyon siya at kaya niyang i-detalye kung paano niya ipapatupad ang kaniyang plano kung talagang nais nga niya makatulong sa maraming mahihirap. 

Gago siya kung ang isasagot niya ay huwag muna siya tanongin kasi hindi pa nga siya nananalo. Kung may sinceridad talaga siya, ngayon pa lang ay talagang pinagaralan niya ang issue at may plano siya. Baka sa interpolation magalit siya sa mga mambabara sa kaniya talagang mapapahiya siya doon. Titiklop siya na parang makahiya. Pero sa kapal ng mukha ng gagong ito hindi ito tinatablan ng hiya dahil talaga nga namang sobrang walang hiya yan kaya nga yumaman.

Ang poverty para sa inyong mga ulol ay ang isang estado kung saan ang kalagayan ng isang tao o communidad ay nakakaranas ng matinding kahirapan dahil sa walang magandang hanap buhay, walang access sa malinis na tubig, sapat na makakain, hindi maabot ng mga serbisyo ng gobyerno, walang malapit na ospital o doctor at talagang kaawa-awa na kalagayan. 

Kaya ba niya matukoy kung bakit may mga tao sa atin na nakakaranas ng ganitong pamumuhay? Malamang hindi dahil ogag nga siya. Yan si Willie walang empathy yan. Halata naman kung paano niya tratuhin ang mga staff niya. Director nga ng noon time show niya na bulok minumura niya sa ere, paano pa kaya yung mga maliliit na tao? Mismong mga katrabaho niya hindi niya kayang pakisamahan. Si Bayani Agbayani nga binugbog yang gagong Willie na yan sa MTB kaya si Bayani hindi makakatapak sa mga shows ni Willie. Ang alam lang ni Willie ay gumapang sa mga boss niya at dilaan mga paa nila. Kaya ganon siya sa mga taong sa tingin niya ay nasa ilalim niya na mina-mata niya at kinagagalitan niya pag hindi sila lumuhod sa harapan niya kagaya ng ginagawa niya sa mga boss niya.

Kung sinasabi niya naman na kailangan niya muna manalo bago siya magisip ng paraan para malabanan ang kahirapan eh tarantadong putangina niya hindi ba ito ang gagamitin niyang stratehiya dapat? Kahit nangangampanya pa lang siya eh dapat handa siya pagusapan yan at laging ready to fire kapag tanongin ng mga challenging questions ng mga mamahayag. 

Pero ang totoo niyan eh alam niya na walang pag-asa ang Pilipinas. Kasi ang kahirapan ay parte na ng buhay natin at hindi na mawawala yan. Halimbawa mag pasa ka ng bill na itaas ang pinakamababang pasahod o minimum wage. Gawin natin P1000 kada araw. Tataas ang inflation niyan kasi ang mga negosyante ipapasa nila ang pagtaas ng pasahod sa mga consumers. Ang basic goods and services ay tataas din. Tataas ang presyo ng pamasahe, pagkain, koryente etc. Kahit lady's drinks sa beerhouse eh tataas din. Pucha ngayon pa lang nasa P400 na ang isang ladies eh di todas ang tatay niyo. 

Dahil nangangampanya pa lang naman siya eh puede niya yan gawing pangako para iboto siya. Yan ang plataporma niya kung may utak siya, itaas ang minimum wage para patas sa lahat. Tanggal ang kahirapan! Bobo. Kapag nanalo na siya subukan niya ipasa. Siguradong hindi yan uubra at talagang pagtatawanan siya ng mga baboy sa senado lalo na kapag hindi niya masagot ang mga tanong sa kaniya. Kailangan din niya matutunan ang mga drafting legislative language sa tulong ng Senate Legislative Technical Affairs Bureau. Siguradong susungitan niya mga tao doon pag sumabog ulo niya dahil hindi magkasya sa maliit na bao ng ulo niya ang lahat ng mga bagong kaalaman sa problemang pinasukan niya. Sasabihin niya sa sarili niya, "Gusto ko lang naman magnakaw eh, kailangan ko pa ba gawin ito?"

Kung wala siyang idea, puede siyang lumapit sa mga mahihirap para maintindihan niya ang kanilang pangangailangan. Tama naman sabi ni Willie sa babaeng nagtanong sa kaniya kung anong bill gagawin niya, tapos sinagot niya ng "Ikaw anong bill ang gagawin mo?" Parang gago kasi ang tono niya eh. Halatang naasiwa. Kung na-phrase niya ng maayos yun na parang nagpapakumbaba siya para maintindihan kung ano ang kailangan ng mamamayang Pilipino eh di sana marami pang naki-simpatiya sa kaniya. Ang mga mamamayan kasi ay puedeng panggalingan ng legislation - mga negosyante, manggagawa, mahihirap, magsasaka, consumers, trade unions at ibang mga individual at grupo. Itong mga taong ito ay maaaring lapitan. Ogag lang siya at talagang wala siyang empathy. Antipatiko at pambansang kupal. Kaya nga maraming ayaw na makita si Willie na manalo kasi pambansang kupaloid nga.

Puede niya subukan yung bill na magtataas ng minimum wage. Ipagtanggol niya. Kapag di niya masagot yung mga tanong tungkol sa issue ng inflation, shempre mangyayari yan eh di isip siya ng bagong panukalang batas. Pero may madaling sagot sa inflation. Puede niyang sabihin na hindi naman ganon itataas ng inflation at dahil mataas na minimum wage, may panggastos na ang mga mahihirap. Puede niya samahan ng panukalang batas na ipagbabawal ang mga businesses na itaas presyo ng goods and services. Kasi sa totoo lang malaki naman kinikita ng mga negosyo na yan lalo na Jollibee na ang daily wage ng isang crew ang katumbas ng presyo ng spaghetti - eh ilang spaghetti nabebenta ng Jollibee sa isang araw.

Sabayan pa niya ng batas na gawing libre ang pagpapagamot. Hanap siya ng paraan na ang gobierno magbabayad sa healthcare kagaya ng healthcare sa ibang bansa. Yan ang mga panukalang batas na tutulong sa mahihirap. Kung totoo talaga na gusto niyang tumulong sa mahihirap. Panoorin ko nga kung saan aabot itong panukala ni Willie. Baka sa first reading pa lang eh mapahiya na siya. Buti na lang kasing kapal ni Robinhood ang mukha nito. Kapag pumasa ito at maging legislation sisimsimin ko betlog niya at iipitin ko ilong ko sa mabahong tumbong niya kahit may masinghot ako na mga tae-tae na lupa-lupa.

Idagdag din niya panukalang batas na tuwing may inflation ay itataas din ang minimum wage kasabay ng inflation. Kung ang inflation ay 4%, itaas minimum wage ng 2-4% din para hindi ramdam ang inflation. Tingnan natin kung kaya niyang ipasa. Baka magalit yung mga boss niya na lagi niyang chinuchupa kahit mapanghi mga betlog sinisimsim niya para lang sa pera.

Kopyahin niya rin yung natalakay natin sa blog na ito - Kasambahay Bill. Yan bill na yan na magbibigay ng protection sa mga kasambahay laban sa mga mapang-abusong amo. Mga busangos na amo na walang karapatang kumuha ng kasambahay. Mga taong kagaya niya. Busangos na dapat ina-Arnie Tuadles. Yung mayabang na masarap bigyan ng sakit ng katawan. Mga kupal na kung umasta akala mo siga pero pag patulan mo na puro lang ingay ng boses. Putanginang kupal ito pag nakita ko ito babalasahin ko katawan nito. Gagawin kong pang-tali ng kambing ang leeg nito.

Maraming ideas kung talagang mahihirap ang nasa puso mo dahil totoo ang damdamin at malapit ka talaga sa mahihirap. At kung ikaw ay hudas na demonio, walang ideas na papasok sa isip mo at kitang-kita ang iyong pagpapanggap na nakakasuka talaga. Hindi nga kapanipaniwala yung kwento niya na galing siya sa hirap kasi ang alam kong mga galing sa hirap pag yumaman eh hindi nagiging matapobre - Manny Pacquiao, Chiquito, Pokwang. Bihira lang yung mga nagiging demonio pag yumaman at kadalasan sa mag taong yan eh bumabagsak din dahil binabalikan ng karma. 

Kaya tama na ang pagpapakitang tao, Willie Revillame. Alam namin kung ano ka putangina mo, matalo ka sana. Sabi nga ni Palito sa pelikulang Walang Matigas Na Buto Sa Gutom Na Aso, "Sa darating na halalan, sa kangkungan ka pupulutin!" 

Comments

Popular posts from this blog

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Mga Tibo - May titi ba kayo?