Bakit Hindi Binigyan Ng Asylum Si Digong Ng China?

 


https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2746570

Totoong nanghingi ng asylum si Digong sa China. Bakit? Kasi takot yan mapunta sa ICC. Alam niya na sa edad niyang iyan kung siya ay mapunta doon ay mahihirapan siya dahil malalayo siya sa pamilya niya. At lalong-lalo na hindi niya mamamandohan ang kaniyang partido na talagang may interest pa rin siya. Yan mga paghahamon niya sa ICC yan ay yabang lang. Ang totoo ay urong bayag niyan si Digong-niyo.

Pero bakit siya hindi binigyan ng asylum ng China? 

Dahil hindi makakatulong sa China ang pagbibigay ng asylum sa dating pangulo. Lalabas na duwag at magiging pugante pa ang demonio. Hindi magandang gamiting poster boy para sa mga DDS na mga tuta ng China. Pagtatawanan lang ng mga BBM bloggers ang kanilang poon. Mas epektibo kung si Digong ay i-detain at dahil sa ICC para mas madaling i-spin, kulayan at gawaan ng drama. Mas madali para sa kanilang agenda ang magkaroon ng martyr sa para sa gustong mangyari ng China sa West Philippine Sea. 

Kaya nakita naman natin ang takbo ng kanilang naratibo sa drama na yan. Nagpapakalat sila ng mga pekeng write up na ipopost ng mga nagpapanggap na abogado para ilako ang angulo na illegal ang pagbigay ng gobierno kay Digong sa ICC. Pinalalabas nila na kidnapping ang nangyari dahil hindi sumunod sa Rome Statute 59 kung saan ay dapat dumaan muna sa Korte Suprema at binigyan ng TRO ang demonio para hindi agad-agad isasakay sa eroplano. Tapos uulit-ulitin ito ng mga abogadong tabla-talo kagaya nila Medialdea na nagmukhang gago sa harap ng mga ICC judges. Lalo tuloy naipit at napasama ang kanilang poon. At yan ang bagay na inaasahan ng China mangyari - ayaw nilang mabigyan ng TRO si Tatay at ipadala sa The Hague para isubo sa mga tangang DDS ang naratibong kidnapping at ito ang gamiting depensa ni Medialdea na nagmukhang tanga para lalong madiin ang poon at tumagal ang bakasyon sa The Hague. Hindi naman sa China magagalit ang mga DDS eh, kay BBM.

Ang mahalagang nangyari dito ay meron na silang martyr. Win-win para sa China ito dahil ngayon na-consolidate ang mga DDS at marami sa mga candidato nila na mga puppet ay tumaas ang chansa na manalo sa nalalapit na halalan. Mga walang pag-asang manalo noon kagaya nila Ipe ay kumakatok na sa Magic 12. Number one si Bong Go at nabuhayan si Bato Dela Rosa. Lumalapit naman si Marcoleta. Mas marami nang kaalyado na sympathetic sa poon na kaibigan ng China, mas lalong matutupad ang mga policia na pabor sa China. 

Kung mamatay man doon si Tatay Demon ay mas lalong panalo yan para sa kanila. May nakahanda silang mga storya at naratibo na uulit-ulitin ng mga kanilang mga fake news peddlers. Mga istorya na ikakalat sa social media para galitin at pakilusin ang mga bobong taga-hanga ng poon para guluhin ang bansa. Pag nagkagulo ang bansa at distracted si BBM, kikilos ang China para kunin ang Palawan. Hindi ako magugulat kung kukunin din nila ang Davao. Ano ba magagawa ng mundo diyan? Eh mga taga-punas lang ang Pilipinas ng tae ng ibang lahi. Walang bansa na lalaban sa China para ipagtanggol tayo. Walang handa na pumasok sa WWIII para lang sa atin. At tatahimik lang ang mundo habang ang mga teritoryo natin ay dahan-dahang inaagaw. Sigurado may mga pag-kondena na matatanggap ang China pero hanggang diyan lang yan. Alam ng China na walang papalag sa kanila kahit America.

Makauwi man si Digong, sakali man magkaroon ng milagro ay win pa rin sa China yan. Dahil ngayon pahiya ang admin ni BBM at lalong lalakas ang puersa ni Digong-niyo. Kung mangyari ito bagong ang 2028 Halalan ay talagang mayayari ang Administrasyon ni BBM. Siguradong ipapahukay ang dating Pangulo at itatapon ni Sara sa West Philippine Sea. Ang Pilipinas naman ay magkakaroon ng Pangulo na talagang may malaking sakit sa pagiisip. Talagang kaduda-duda ang katinuan ni Sarah Duterte.

Ang pagkaka detain kay Digong sa ICC ay nagbigay din ng pagkakataon ni Sarah na magbago ng imahe. Hindi na Sarah Baliw ang tingin sa kaniya. Nakatingala ulit ang mga DDS sa kaniya at inaasahang magdadala ng mga Duterte sa mga laban. Limot na nila yung siraulong babae na nagawawala sa FB live at nagsasalita ng kung ano anong hindi maganda. Naibalik niya ang simpatiya ng mga tao sa kaniya.

Hindi si Digong kalaban ni BBM sa chess. Si Digong ay pawn lamang ni Xi. Matatawag na Queen Sacrifice ang ginawa kay Digong para sa siguradong check mate si BBM.  


Comments

Popular posts from this blog

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Mga Tibo - May titi ba kayo?