Si Duterte ba ang pinaka-banban na naging Pangulo ng Pilipinas?

Patayin ko ikaw

https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2370282 

Hindi maitatanggi na isang napaka divisive na tao si Duterte. Parang Jaworski yan eh - either you love him or hate him. At sigurado pag lumabas sa TV para magsalita, ikaw ay naka-abang sa mga sasabihin.  Crowd pleaser pagdating sa pagtatalumpati. Mahirap pumagitna dahil sa napaka-extreme at volatile na tao siya lalo na at tapos na ang termino niya. Marami nang data at evidencia para ikaw ay magdecision kung gusto mo ba siya o hindi.

Marami din ang nagsasabing si Digong ang pinakamahusay na pangulo ng Pilipinas. Kadalasan na nakikita nating comento o meme sa socmed na pumupuri kay Digong na the best ever na Presidente ay nagmumula sa isang bayaran o fake account. Marami na rin ang nagbago ang isip sa kaniya dahil sa pagbuelta niya sa kasalukuyang pangulo na si Ferdinand Marcos Jr. Maraming maaanghang na salita na binitawan lalo na sa rally ng partido ni Duterte sa Davao para iprotesta ang sinusulong na People Initiative o ang pag amienda sa Saligang Batas. Mga masasakit na salita at mga paratang na ang Pangulo ay isang bangag at mga banta na coup d'etat na maituturing nang sedition at maaaring ikapahamak ng dating pangulo. 

Dahil dito sa paglalapastangan sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr, maraming mga Pilipino ang hindi nasisiyahan sa dating pangulo. Sa isang bagong survey na lumabas tungkol sa pagpasok ng ICC sa Pilipinas, maraming Pilipino na ang pabor sa ICC. Dumagdag sa mga solid votes ng mga pinklawan ang mga disgruntled na mga loyalista na gusto nang makitang dukutin ng ICC ang dating pangulo.

Oras na rin para ating tingnan kung ano ba ang naging performance ng dating pangulo. Tama ba ang mga trolls at bayaran sa kanilang claim na ang dating Pangulong Duterte ang pinakamahusay na pangulo ng Pilipinas? O siya na ba ang pinaka walang kwentang pangulo na nakita natin sa buong buhay natin?

Kakaiba din ang pagkakapanalo ni Duterte. Hindi kilala maliban na lang sa mga taga Mindanao. Pero malakas ang charisma at crowd pleaser pagdating sa public speaking. Kahit pag magsalita putol-putol, kaya niyang kunin ang attention mo dahil madaling maintindihan. Ang mga salitang ginagamit niya ay nasa vernacular, yung lenguahe ng karaniwang Pilipino sa pang-araw araw. Hindi gumagamit ng jargon at mga salitang nakaka-mystify.

Sa Presidential Debates, nilampaso niya ang mga katungali niya. Strategic ang mga kilos tulad na lang ng pagdismantle ni Duterte kay Grace Poe na isa sa mga threats niya sa predincia. (Basahin dito kung paano niya winasak ang wasak na utak ni Poe - Paano Ginuho ni Duterte si Grace Poe na Boba? (philippinesthesickmanofasia.blogspot.com). Isang tanong lang ang sumira sa campaña ni Grace Poe. "Ano ang gagawin mo kapag ginising ka ng Defense Secretary mo dahil inatake ang Pilipinas?" Maraming nasindak sa tanong ito pero ang tanong ni Duterte ay para lang kay Grace Poe. Na-expose ang kabobohan ni Poe sa International Politics. Na expose din ang kabobohan ng ibang presidentiables kagaya nila Roxas, Binay at yung yumaong si Santiago. Kahit si Santiago hindi alam yan? Paano yan naging Legal Officer sa UN High Commission on Refugees. Dapat may konting nalalaman yan sa rules of engagement diba? Strategic talaga si Duterte at diyan ako napahanga sa kaniya.

Sa lahat din ng tumatakbong presidente noong 2016, siya lang ang naka identify na ang traffic sa atin ay sanhi ng kawalan ng railway system. Kahit ilang kalsada, tulay at fly overs ang ipagawa natin, iisa lang ang bagsakan niya kaya traffic pa rin. Madami nang election ang nagdaan at ni isang presidente ay hindi inaddress ang issue na yan kahit sa pangako man lamang. 

Isa din sa mga campaign promises niya ay papatayin ang mga drug addict. Hindi ako gaanong nag-alala dito. Hindi dahil sa hindi ako durugista. Pero hindi ko sineseryoso ang mga ganitong salita lalo na mula sa taong gustong akitin ang masa at makuha ang boto natin. Napansin ko na rin na isa siyang populist. Ganito magsalita mga populist.

Hindi naman ako umaasang may mangyayari sa sinasabi niyang pagpalit ng gobierno sa federalismo. Hindi niya naman ma-articulate yan lalo na noong miting de avanse niya. May kaunting kahilingan naman ako na ito ay unti-unting ilalantad matapos na pagaralan ng mga mambabatas. Hindi ito bagay na binibigla. Basta wait and see kung ano ba yan federalismo na yan, hindi naman yan mataas sa listahan ko. Ang importante sa akin ay ang railway system. Kapag hindi ito masimulan ngayon, magiging unlivable ang Manila. 

At siempre, hindi completo ang campaña kung walang halong pagbabanta sa China at pagtatanggol sa karangalan ng Inang Bayan. Ayon kay Digong, siya ay mag jetski at itatanim ang bandera ng Pilipinas. 

Dumating ang araw at siya ang nagwagi at naging Pangulo ng Pilipinas.

Sa isa namang talumpati bago siya iproclama at maging ganap na Pangulo ng Pilipinas, binantaan niya ang mga adik na magbago na kung hindi may mangyayari sa kanilang hindi kanais-nais. Nang maiproclama ang matanda may mga 700K na adik ang kusang loob na sumuko sa kani-kanilang mga precinto at municipio. Natuwa naman ako at nakita ko ang potential, may pangulo tayo na nirerespeto at kinatatakutan ng mga tao. Hindi nagtagal ang tuwa ko nang malaman kong pinauwi ang mga adik na ito sa kani-kanilang mga tahanan. Walang plano ang pangulo na ito. Isa na naman itong tao na mainit lang ang pagbuga pero mabaho ang hininga. Walang plano ang mokong. Yung mga adik na pinauwi at magbabagsakan dahil inexpose lang nila ang sarili nila. Siguradong maraming pulis na nakasaksi sa kanila na kusang loob na sumuko at ang mga pulis na ito ay mga kasama sa drug trade. Marami yan sa mga kapulisan mga sangkot sa droga. Kung malinis ang kapulisan eh di wala na sanang droga. Ganon lang kasimple yan.

Kung matinong tao siya, bago niya habulin mga mamamayan na lulong sa droga kailangan niya muna ayusin ang kapulisan. Wala ba nagsabi sa kaniya na ang PNP ay puno ng mga scalawags at mga walang kwentang tao? May iilang matitinong pulis at alam kong mabubuting tao pero ang reputation nila ay nasisira ng mga demonio diyan? Sino dito hindi nakakakilala ng pulis na hindi mayabang at sangkot sa iba't-ibang klase ng katarantaduhan sa comunidad ninyo? Carnapping, prostitution, gun running, ring leaders ng mga tumbador, sugalan, pangongotong at kung ano ano pang klase ng kademonyohan. Sino dito tarantado na itatanggi yan ha? Daming pulis diyan na ang trip ay mag power trip. Kaya kung matinong tao si Duterte at matalino siya, ang unang lilinisin ay ang PNP. 

Ngayon kung ano man ang talino ni Bato, hindi naman niya kayang linisin ang PNP niya. Kasi madami na siya naging kaibigan sa PNP kaya paano niya sisantehin kaibigan niya magkakasamaan pa sila ng loob? Gusto ko siyang Senador kasi mahusay mag-identify ng problema at magiging useful sa pag ayos ng batas. Sana lang huwag siyang masira dahil sa amo niyang ungas.

Sino ba sumira sa drug war ng administrasyon ni Duterte? Mga pulis din. Binigyan pa ng lisensya na maging judge, jury at executioner itong mga pulis na ito dahil sa operation Tokhang. Mas lalong na amplify ang kademonyohan nila. Naniniwala din ako na kulang sa suporta ang mga pulis. Madaming karumal-dumal na krimen din ang nasasaksihan ng mga yan na siguradong makaka-apekto psychologically at emotionally. May sapat na stress leave ba sila? Mainam ba na tuwing anim na buwan at dadaan sa re-evaluation? Pumasok sila sa PNP na punong-puno ng ideals, kakainin lang ng sistema at matutulad sa mga seniors na corrupt. Kultura na yan. Kaya kailangan alisin mga matatanda diyan lalo na yung mga reklamo. Alisin yung mga may lamat na para mawala ang kultura ng corruption. Napaka-corrupt na institution yan! Sana naman si Senador Dela Rosa ay ayusin ang PNP na minamahal niya.

May mga infrastructure projects naman na nagawa noong panahon niya pero yung mga importanteng big ticket infras ay mga proyekto ng nakaraang admin. Mga proyekto ni Penoy, Diyos na mahabagin! Yung subway project na ginagawa ng Japan sa Manila ay kay Penoy. Kine-credit grab lang ng mga bayarang vloggers at influencers ni Duterte na walang hanap kung hindi likes. Yung Mindanao Railway na pinangako ni Digong mula sa loans galing sa China ay naglaho na. Bago niyo sisihin si BBM, yung mga projects na yun ay kinansela na panahon pa ni Tatay Digong niyo.

Ewan ko na lang kung isasama niyo yung pogo sites sa Cavite. Yun ay walang kwenta at hindi nakakatulong sa economia.

Sa foreign policy, hit and miss si Tatay Digong niyo. Tama na kaibiganin ang China at lumayo sa America. Sa tagal nating treaty partner ang America, wala tayong napala diyan. Kabobohan din na awayin ang higanteng China na malapit sa atin. Maganda din ang pivot sa Russia na isang magandang maging partner. Mas transparent at hindi prone sa double talk kagaya ng America at to some extent, China.

Sumira naman kay Duterte itong position niya sa West Philippine Sea. Masterstroke na sana yung tagumpay ng pakikipagusap sa China para ayusin ang kapalpakan ni Abnoy. Matapos ang meeting ng Tatay Digong niyo sa presidente ng China, nakabalik ulit ang mga mangingisda natin sa fishing grounds natin. Everybody happy. Kaso nasobrahan naman siya sa pagpuri sa China. Nag mistulan siyang pokpok na binibigay ang sarili niya ng lubusan. Hindi man lang magpakipot ng kahit konti. Wala talaga tayong napala at ang pagkakaibigan na yan ay walang napuntahan. Buti pa ang Vietnam na naka-attract ng magandang projects mula sa China. Ang Indonesia naman may bullet train na sila mula sa loans galing sa China. Tayo yung Mindanao Rail na pinagmamalaki ni Digong sa kaniyang Build, Build, Build ay naging abo. Ano ginawa nila na hindi natin ginawa? Tumuwad naman si Tatay Digong niyo pero bakit hindi nagbunga?

Maraming mga kilala ko na bumoto kay Duterte ay nagsisi dahil sa kaniyang position sa West Philippine Sea at yung partnership sa China na hindi nagdulot ng mabuti sa atin. Binigay mo na ang kamay mo, kinuha pa ang braso mo. Yan ay dahil sa hindi marunong sa negotiation ang Tatay Digong niyo. Kaya nagmukha talaga siyang tuta ng China. 

Isa pang nakakabahala sa Tatay Digong niyo ay kaniyang kahinaang umintindi sa science. Hindi nga yata naniniwala yan sa science. Tingnan niyo yang kagaguhan ng Dolomite Beach na laging binibisita ng mga iskwater sa Manila. Mga taong hindi makaintindi kung gaano kaganda ang bayan niya. Laging nakatingala sa ibang lugar, naiinggit sa Copacabana Beach sa Rio at gusto nila itapat doon. Hindi uubra ang artificial beach diyan sa Manila Bay dahil ang buhangin ay malambot. Kakainin lang yan ng alon at yan ay high maintenance. Saan tayo kukuha ng buhangin diyan? Hindi naman tayo kagaya ng Saudi Arabia na maraming buhangin. Alam niyo ba na tinapyas pa nila yung bundok sa Cebu para durugin mga bato doon at gawing dolomite? Alam niyo kung sino yung may walang katapusang supply ng buhangin? Si Tatay Digong niyo. Puro buhangin ang utak.

Aksaya ng pera ito! Yan ang problema sa bayan natin yung mga matatalinong tao ay nagsipag-ibang bayan na at natitira sa atin yung mga engineer na bobo sa ropor. Kung hindi nagsialisan yung mga totoong matatalino eh hindi makakakuha ng trabaho mga ungas na engineer kuno na yan na nagplano ng Dolomite Beach na yan. Kwarta lang ang habol ng mga hinayupak na yan. Kung hindi nagsialisan mga matatalino sa atin, yang mga hinayupak na yan siguradong call center ang bagsak.

Lalong nakumpirma na simple lang magisip itong si Digong nang dumating ang Covid sa bansa natin. Maraming pagkakataon na napigilan niya pagpasok ng Covid. Isara mga paliparan natin sa mga galing sa mainland China kung saan nagmumula ang Covid. Pero no! Dahil sa ayaw niyang masira ang pagiibigan nila ni Xie, shi shi siya ng shi shi, yes master, bukas ang Pilipinas sa China. Madami akong mga kaibigan ako na namatay sa Covid na yan.

Mahina sa plano pero magaling pagdating sa kwarta. Ayan mga alipores niya pinagkakitaan pa yung pandemiya. Dumating itong pharmaly issue na kinasangkutan ng maraming mga kabigan niya lalo na itong gagong Bong Go na ito. Sino ba ang namatay at sinabihan itong gagong ito na kaya niyang maging pangulo? Hindi nga siya masikmura ng mga tao! Umiyak pa siya nang malamang hindi niya magiging running mate si Sarah, isa pang siraulo na akala niya puede din siyang maging pangulo balang araw. Lahat na lang nag ambisiyon maging pangulo dahil sa sobrang baba ng standards na sinimulan ng Tatay Digong niyo.

Kung ito yung strongman na hinahanap natin, ito na ang weakest strongman sa kasaysayan ng mundo.

Yan ang Tatay Digong niyo. Salamat na lang at natapos din. Walang plano. Magaling lang sa pangangampaña at paano pagkakwartahan ang kahit anong bagay. Kaya pala sa campaña niya ay hindi niya kayang i-articulate yung sinasabi niyang federalismo. Hindi niya maipaliwanag kung anong klaseng federalismo ang i-aapply sa Pilipinas at kung paano ito i-aapply. Hanggang salita lang at walang pinag-iba sa mga nagdaang pangulo na puro pangako. In short, isang trapo.

Pero siya ba ang pinaka-banban na naging Pangulo ng Pilipinas? Hindi. Pinaka-banban pa rin si Corazon. Walang tatalo doon. Buti na lang naligo si Tatay Digong niyo kung hindi naging magkasing amoy na sila ni Corazon na naliligo sa Pasig River sa likod ng Malacañang. 



Comments

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?