Maging Japan, Hindi Singapore


Para umunlad ang ating economia, lagi tayong tumitingin sa ibang bansa at gayahin ang kanilang mga policies at practices. Isang bansa na laging ginagaya at minimithi nating tumabasan ay ang Singapore. Kahit ang kanilang sistema ng gobierno ay nais nating kopyahin kung tayo ay magshift sa parliamentary system. Pero ang dapat nating tandaan ay bawat bansa ay may pagkakaiba depende sa pinagdaanan ng kasaysayan ng bansa, kultura at relihiyon. Halimbawa, may Sharia Law ang Singapore at naka-ayon sa Koran ang kanilang batas. Itong ganitong uri ng batas ay hindi matatanggap ng mga mamamayang Pilipino. Kahit mga Muslim ay siguradong mababadtrip dito.

May isang bansa na talagang dapat nating gayahin at pamarisan. Disiplinado ang mga tao, well trained sa lahat ng aspeto, malinis ang kapaligiran nila, pasensyoso at ang mga local council nila alam ang ginagawa. Ito ang Japan. 

Tayo na isang developing country ay magbebeneficio ng husto kapag matutunan natin ang policies na ginagamit ng Japan. Tingnan natin kung paano sila mag develop ng infrastructure na hindi nakakasira sa kapaligiran, mataas na standard sa education system, sistemang pangkalusugan, innovation sa teknolohiya at makabagong pamamaraan sa pagnenegosyo (na walang halong panggogoyo kagaya ng style na dinala dito ng mga Inchek). 

Puro tayo Singapore nang Singapore eh malayong malayo at malaki ang pagkakaiba ng bansa natin sa Singapore. Oo, malaki ang economia nila at mas pinagkakatiwalaan sa buong mundo (least corrupt). Ang economia ng Singapore ay umaasa ng malaki sa exports lalo na sa electronics, chemical at services. Malaking financial center at may malakas na banking sector kung saan maraming mga multinational corporations ang naka-base. Kaso kumpara sa atin ang Singapore ay maliit na bansa kaya mas madaling mandohin. Marami din constraints sila pero mas madali nila ma-manage yan dahil sa liit ng bansa nila. Tayo mamandohin natin napakadaming tao na may iba't-ibang lenguahe at cultura. National language na nga lang di na tayo magkasundo lalo na mga Cebuano na bitter na bitter sa pagkakapili sa Tagalog na gawing pangunahing wika. 

Kagaya ng Singapore, maaaring amiendahin natin ang ating Saligang Batas nang sa gayon ay makapag introduce tayo ng incentivo nang maging kaakit-akit tayo para sa mga mangangalakal kagaya ng mga tax incentives, funding para sa research and development. 

Isa pa, nag focus ang bansa natin sa services oriented at mahina ang infrastructure natin para supportahan ang industrialisation. Lalo na ngayon kawawa tayo dahil maraming ulol na nagpapa-uto sa mga neo liberal economic advisers at binibili ang kanilang walang kwentang climate change narrative. Hindi tayo uubra kung i-apply natin mga climate change policies. Hindi puede umasa ang economiya natin sa mga remittances ng OFW's at ibuo backbone ng economiya natin sa mga domestic helpers, caregivers at nurses lang. Magiging bansa tayo ng mga chimay.

At habang wala tayong industria, wala tayong kakayahan na makipag-gera sa China kahit na sa tingin natin ay mas malaki ang bayag natin. Kahit ano pa tapang natin, kung walang industria at walang mga pagawaan, talo tayo. Kaya wag na natin galitin ang China. Kasi sila babanggain lang nila mga barco natin, lumpo na tayo agad. Kahit mawasak barco nila, may factory sila para gumawa ng panibagong barco at marami silang mga barco na mabilis mai-dedeploy kung nasaan ang action. Tayo, pagdedebatehan pa sa senado at dadaan pa sa mahabang proceso bago pirmahan ang contrata para sa paggawa ng bagong barco. At aabutin pa yan ng dalawang taon bago makarating sa atin at dadaan pa sa mahabang training ang crew na mag operate ng barco na yan bago gamitin at palulubugin ulit ng China.

Forget it! Dapat magbago tayo ng behavior muna diyan sa South China Sea. Tahimik muna at dahan-dahang palakasin ang sandatahan natin, palakasin ang economia, industria, pagbawalin ang Tiktok, matuto ng disiplina, palawakin ang utak, palakasin ang education system etc, etc bago tayo magmayabang diyan. 

Anyway, balik tayo sa topic.

Bakit Japan? 

Dahil lahat ng gawin ng Japan ay swabeng-swabe. Kung gusto natin umunlad sa lahat ng bagay - pangpalakasan, agricultura, research and development at iba pa - tumingin tayo sa Japan at alamin natin kung ano ang ginagawa nila na hindi natin ginagawa.

Ngayon ang Japan naging posible ang pagangat na ganyan dahil sa kanilang kultura. Na wala tayo. At hindi maituturo sa atin. Imposibleng makita na bawat isang Pilipino at magkakaroon ng katangian na katulad ng loyalty. Anong kababalaghan yang loyalty? Wala yan sa vocabulario ng mga Pilipino. Yung umutang nga sa iyo noon, ngayon ay sinisiraan ka na. Paano natin maituturo ang loyalty diyan?

Isa pang katangian ng mga Hapon na wala tayo ay ang honor. Ano yun? Sa isang Pinoy yang salitang yan ay papasok sa isang tenga at lalabas sa kabila. Tingnan mo na nga lang mga mambabatas natin puro your honor kung i-address pero mga walang bahid ng dangal. Lahat mga magnanakaw at ang hilig sa mga kabit. 

Importante din ang disiplina at diyan kilala ang mga Hapon. Kahit saan sa mundo pinamamalas nila ang kanilang disiplina. Ang Pinoy wala niyan. Tingnan mo na nga lang kung saan-saan umiihi. Lagyan mo ng karatula na nakasulat "Bawal Umihi" at automatic diyan iihi. Kung swerte ka tataehan pa nila yan. Ano yan sino ka para sabihan ako na huwag umihi dito? How dare you take away my god given right na umihi kahit saan ko gusto? Nagsabi naman ako ng tabi-tabi po, kaya umalis na yung nuno sa punso kahit ihian ko paa niya ok lang.

May Pinoy nga na nakaimbento ng makina na tumatakbo gamit ang tubig pero ano nangyari? Inimbita sa senate investigation yung engineer na yun at sabi nila John OsmeƱa, "Kikita ba ang gobierno diyan?" Anong klaseng tanong yan? Natural kikita ang gobierno at lahat ng mga Pilipino ay makikinabang sa imbension na ito. Pero walang nangyari at balita ko yung engineer ay nasa Alemania na. Hintayin niyo maubos lahat ng langis sa mundo saka ilalabas yan ng BMW o Mercedes Benz. Natural walang pero ang hampas lupang Pinoy di makakabili niyan. Salamat sa mga dishonorable senators of the Republic of the Philippines at masisiguro ang atin pagiging hampas lupa sa mundo.

Pero maaring maging posible pa rin na tayo ay magtagumpay sa ibang bagay. Sa sports o pangpalakasan, kung ang mga decision makers na pipiliin natin ay may katangian na kagaya ng mga Hapon eh makakakita tayo ng mga magagandang pagbabago. Kung itutuloy-tuloy natin ang programa yan ay maaaring maging kultura na exponentially ating palalawakin. Magkakahawaan ng mabubuting katangian at asal.

Matagal na proseso yan pero kung tayo ay maging tapat sa ating vision yan ay ating makikita. 

Pero kung Singapore? Mahirap na gayahin at pag magaya pa, baka mas lalo tayong maging corrupt. Sa Singapore ang kanilang GDP ay controlado lang ng iilang familia. Parang sa Pinas na rin pala ano?

https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2341079

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?