Bakit Ang Daming Bopols Sa Pinas?


Ang kaka-Ingles natin ang nagpapabobo sa atin. Ingles ang ginagamit na mode of instruction sa mga paaralan. Salita din ito na ginagamit sa mga pahayagan at sa telebisyon. Ito rin ang ginagamit na lenguahe sa Saligang Batas. Pinagmamalaki natin na tayo ay pangalawang bansa na maraming English speakers. Pagmagmalaki tayo akala mo kung sinong mga hari na may malaking corona sa ulo pero nakatayo naman sa mataas na imbakan ng basura.

Eh ano ngayon kung tayo rin ang pinakabopols?

Ayon sa bagong pagaaral na ginawa ng World Bank, 80% ng mga magaaral sa atin ay hindi bihasa sa kaalam. Sa madaling salita, ang mga kabataan ngayon ay mga utak buris. Mga Ompong Galapong, may ulo pero walang tapon! Masama yan para sa hinaharap ng ating bansa. Itong report na ito ginagamit ito ng mga investors para malaman kung maganda ba mag-negosyo sa bansa natin. Kung makita nila ang report na ito, hindi sila pupunta dito para mag set up kaya asahan niyo na magaalisan ang mga trabaho na nasa atin ngayon dahil baba ang kalidad ng work force. Puro bobo ang nakasalang!

Bukod sa bulok na curriculum, kakulangan ng silid aralan at mababang kalidad na pagtuturo ay may malaking contribucion ang pagpilit na mag Ingles sa buhay natin!

Bakit Ingles ka ng Ingles? 

Dahil sa America. Ang orientacion ng educacion sa bansa natin ay pang America hanggang ngayon na matagal na nating nakamit ang ating kalayaan, hindi natin inayon sa kultura nating mga Pilipino. Eh kung tutuusin dapat Español ang pangalawang lenguahe sa atin kung hindi lingua franca. Kaya di natin maunawaan ang kasaysayan at nakaraan ng bansa natin dahil sa kaka-English! Hindi nga natin mai-translate mula sa Español ang halos 95% na mga documento sa national library kasi puro Inglesero mga tao sa atin. At ang pinaka masaklap sa lahat, Ingles na nga ng Ingles, ang hina naman ng comprehension. Marami sa atin mahina pagkakaintindi sa Ingles kasi wala sa puso natin yan eh. Kaya maraming nuances na hindi natin maintindihan o maipaliwanag o maihayag. 

Tingnan niyo ang daming bobo sa ropor diyan pagdating sa Math. Bakit? Kasi ang instructions nasa wikang Ingles. Hindi na nga makaintindi ng simpleng instructions tapos mathematical theory pa? At mababa overall ang rate natin kumpara sa Asia. Ang hihina ng mga kabataan na pumapasok sa colegio dahil ang napapansin ng mga educators ay karamihan sa kanila puro bobo. Hindi marunong mangatwiran, hindi makabuo ng matinong pangungusap. Sa kaka-Taglish pa ng mga gago hindi nila maipaliwanag ng mabuti ang nais nilang sabihin, hindi rin sila makaintindi ng English, Tagalog, Taglish o kung ano mang wika ang naimbento nila! Ang bobo ng mga kabataan! Tingnan niyo lang mga comments sa mga maiinit na issues na pinagtatalakayan at basahing maigi mga pinagsusulat ng mga bobong kabataan natin at makikita niyo sinasabi ko.

Yan ang resulta ng kabiguan ng Department of Education na siguruhin na maging bihasa sa Tagalog ang mga mag-aaral. Dagdag mo pa yung mga insecure na mga Cebuano na ayaw na ayaw matuto ng Tagalog. Asar na asar sila kasi na Tagalog ang napiling Pambansang Wika na gagamitin sa pagtuturo at negosyo. Pinilit nila Ingles kaya ayan ang gulo-gulo ng isipan natin ngayon. Sa sobrang gulo, kahit sila naging katawa-tawa mag Ingles at nang punahin at pintasan sila ni Gloria Diaz na isang Cebuana nagalit sila at na persona non grata pa. At may army tayo ng mga bobong tao. Kung may gera lang ng pabobohan eh mananalo tayo at tayo ang magiging powerhouse. 

Ito ang talagang problema, mahina ang kakayahan natin sa komunikasyon. Kaya ayan ang bilis mag-init ang ulo ng mga tao sa atin pag naguusap-usap. Wala nga makaunawa ng pag-uyam pag may gumagamit nito biglang nag-iinit ulo ng kausap. Ano ang pag-uyam? Sarcasm yun, gago! Tanga, bobo, gago!

Maraming bobong DDS. Maraming bobong Dilawan o Pinklawan. Maraming bobong Loyalista din! Hanapin lang ang mga maiinit na talakayang pang-politica at sasakit ulo niyo, matatawa at maiinis sa mga pangangatwiran ng mga sumasali sa comments section. Ang hina-hina pa ng pagkakaintindi sa politica at foreign policy. Kadalasan pa ng mga pinagbabasehan ng argumento nila ay base sa haka-haka, marites at bugso ng damdamin. Kaya ang pinagsasabi ay walang latoy at nakakainit lalo ng ulo! Idagdag ko pa na puro biased kaya kahit may magandang argumento yung katunggali ay walang napupulot na aral kasi magmamatigas lang sa baluktot na paniniwala. Talagang ang sarap ibaon mga ulo sa buhangin!

Ang mga kababaihan naman puro Tiktok na lang. Magsasayaw sa Tiktok kahit kita na yung kaluluwa nila. Ang lalaki nga ng mga dyoga, utak dilis naman! At pag mag Ingles na, sa umpisa akala mo ang bagsik tapos mauutal at susundan na ng Tagalog. Wala nang diwa yung sinasabi at wala nang saysay. Pero yung dyoga ang lalaki. Ewan ko ba kung dahil ba sa formalin sa isda o ginagamit na fertilizer sa mga imported na pechay galing China. Kung ano man yun, sige lang kain pa ng pechay pero sana matuto din magbasa ng aklat para magising mga natutulog na utak. Sayang eh.

School ID ng Pinoy na Estudiante.

Wala na rin gaanong nagsusulat ng mga nobela. Yung National Bookstore naging tindahan ng lapis at pentel na lang. Puntahan mo libro at ang konti ng makikita mo. Kahit sa bangketa wala ka na makikitang mga magazine. Noong dekada 80 hanggang 90 may mga komiks at magasin pa. Maraming nagbabasa kahit longky may mabibiling magasin kagaya ng Kislap. Mga matatanda may Liwayway at para sa mga bata maraming komiks. Ngayon wala na! Dahil sa bumubobong sambayanan!

Sino nga naman magsusulat pa eh hindi na makabuo ng talata mga ugok ngayon paano pa kaya magsusulat ng isang articulo sa magasin o magsulat ng isang nobela na kahit may 130 na pahina man lang. At kung meron man, walang audience dahil ang bayan natin ay napuno na ng mga ugok at utak biya. 

Kaya yun yung mga kurso at programa sa pagaaral sa atin puro nursing at caregiving. Naging training ground tayo ng mga katulong at amuyong na nagsasanay paano maghugas ng pwet at maglinis ng tae sa ibang bansa. Walang kumuha ng kurso sa siyensiya at engineering. And de-calidad na educacion para sa mga may pera na lang.

Sandali na lang ang Pinas at talagang magiging cesspool tayo at imbakan ng tae. Walang papasok na foreign investors sa atin dahil na lang sa bobong workforce, katatakot-takot na gastusan sa training at magiging liability pag gumawa ng kapalpakan sa trabaho. Dagdag pa yung kakulangan sa infrastructure at napakamahal na koryente. Mataas pa tax at talamak ang corruption kahit saan ka lumingon may mangongotong sa iyo. Tapos trapik, mainit, puro malls, walang mga puno, puro tae, madaming iskwater at beerhouse. Kaya sandali na lang ang Pinas at magiging failed state na talaga. Malulunod talaga sa kumunoy ng kumukulong tae.

Huwag din kalimutan na ang kasalukuyang kalihim ng Department of Education ay si Sarah Duterte na walang karanasan sa pagtuturo. Ang prioridad niya ay labanan ang comunismo na malayo sa katungkulan niya bilang kalihim ng Dep Ed. Kung ganyan ang situacion natin, walang problem solver at makakagawa ng magandang initiativo at sisimulan ang pagiisip ng paraan para iangat ang antas ng educacion sa bansa natin ay siguradong mabilis ang pagbulusok natin pababa at tuluyang maging isang FAILED STATE.

Pero ok lang dumami mga bopols kasi magaling naman tayo mag Ingles. 

Comments

  1. Tamad Kasi mga pilipino.

    ReplyDelete
  2. Pano... Karamihan kasi sa mga Pilipino gusto instant kagad... ayaw magtyaga..

    ReplyDelete
  3. Malnutrisyon Ang samhi Ng kabobohan.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?