Monologue Ni Jo Koy sa Golden Globes


At natupad ang inaabangan ng lahat ng mga hambog Pinoys na makita ang Pambansang Comediante natin na si Jo Koy na maging host ng Golden Globes. Bilang host siya ay obligadong magbigay ng monologue kung saan kanyang pagtitripan ang mga panauhin na binubuo ng mga who's-who ng industria ng pinilakang tabing. Mga taong kagaya nila Brad Pitt, Ben Affleck, directors, producers at writers. Mahirap na trabaho yan at talagang nakakanerbyos nga naman kahit ikaw ay batikang stand-up comic, ibang crowd na ito na siguradong pahihirapan ka. Susi dito ang pagiging matapang at matatag. Magtiwala sa materiales na meron ka, paghandaang mabuti at pagdating ng takdang oras hindi ka matitinag at kahit sandali hindi ka dapat mag alangan sa mga linya mo ito ay dapat mong ihatid ng walang hesitasyon. 

Yun nga lang, pumiyok siya at yun ang kaniyang kinasira dahil yung ilang sandali na nagpakita siya ng kahinaan ang maaalala ng media. Maganda naman ang kabuuan, yun lang may ilang saglit na sinisi pa niya mga taga-sulat ng jokes niya. Oras na ikaw ay magpakita nang kahinaan at pagaalinlangan, ikaw ay pagdududahan ng iyong audience. Mawawala ang confidence mo at ikaw ay magmumukhang tanga.

Maayos naman ang pagkakaumpisa ng kaniyang monologue. Kaso parang hindi siya sanay sa tuksuhan. Itong yung istilo ng comedy kung saan ang host eh pagtitripan ang kahit sinong miembro ng audience. Kagaya ng ginagawa ni Ricky Gervais at Chris Rock. Kung naaalala niyo napikon pa si Will Smith at sinampal si Chris Rock ng pagtripan ang kalbong asawa niya. Nakita natin na noong gabing yun, hindi istilo ni Jo Koy ang roasting na talagang domain nila Ricky Gervais, Dave Chapelle at Chris Rock.  

Habang naghahanda siya para sa event at hindi na niya nagustuhan ang mga jokes dahil sa malayo sa kaniyang istilo, kinuha niya sana itong pagkakataon para magsulat ng jokes na bagay sa kaniyang istilo. Marami siyang pagkukuhanan ng inspirasyon. Kadalasan sa mga jokes ay nagmula sa mga mapapait na karanasan o malungkot na pangyayari. Therapy yan at diyan kadalasan kumukuha ang tao ng inspirasyon.

Ang mga kagaya nila Eddie Murphy at Dave Chapelle ay ginagawang jokes ang mga bagay na kagaya ng karanasan nila sa racism. May mga gumagawa ng jokes tungkol sa mga digmaan at current events. Kahit AIDS at cancer ay mga crowd favourites. At sino ba naman ang hindi natatawa sa mga pag mga bakla na ang gagamiting materiales? Abnormal ka na pag ikaw ay hindi matawa diyan. 

At madami sa mga Americano lalo na sa Hollywood ay mga abnormal. Hindi nila nagustuhan ng pagtripan na ni Jo Koy yung Barbie at may reference nga sa "big boobs." Sila din yung mga animal na hindi nagugustuhan ang mga jokes tungkol sa mga bakla. Gusto nga nila ipatigil si Dave Chapelle. May mga tarantado pa nga na nagtatrabaho sa Netflix na nag resign dahil sa pagsuporta ng Netflix kay Dave Chapelle. 

Kaya dapat si Jo Koy naghanda ng mga jokes para banatan mga Americano. Dapat talaga ipaalala sa kanila ang mga kagaguhan nila at karahasang ginawa nila sa Pilipinas.

Ito ang ilan sa mga naisip kong ideas para kay Jo Koy sa susunod na mag host siya ng ganitong klaseng events.

Fil-Am War 

Yan ang forgotten war ng America. Ang gera na kanilang kinahihiya. Ano na nangyari sa mga woke doon bakit hindi nila ito bigyan pansin? Hanggang ngayon ay hindi pa humihingi ng paumanhin mga gagong Americano sa atin. Hindi pa nila ina-acknowledge. Walang pelicula, wala sa comics, wala sa mga awit nila. Talagang binura nila ito sa kanilang ala-ala. Tinuturo kaya nila ito sa kanilang escuela?

Magandang pagkakataon yan para mabigyan pansin ang Fil-Am War. Kahit masakit sa ating mga Pinoy ang gera na yan, goldmine yan ng magagandang materiales. Puede niya gawing katatawanan yung water torture na ginagamit ng mga sundalong Americano sa mga Pilipino. Baka yan pa maging inspirasyon ng mga Americano na gumawa ng pelicula sa Fil-Am War. 

Sa gerang ito din nabuo ang CIA. Dito natuto at nagdevelop ng makabagong pamamaraan sa espionage. Maraming mga pekeng sulat ang kumalat noon para lituhin ang mga sandatahan natin. Hindi ako magugulat kung ang pagaaway ni Antonio Luna at Felipe Buencamino ay obra ng mga Americano. Nakikita natin ang istilo na yan ngayon na kanilang minamasahe si Pangulong Marcos Jr at na-isolate si VP Sara Duterte. Matagal na tayong tinatrabaho ng CIA. Yung EDSA People Power na yan, CIA nasa likod niyan. Siguradong gugulong sila sa katatawa at lolobo ang sipon ni George Clooney.

Paboritong Puta ng mga Americano ang Pilipinas 

Wasak na wasak ang puki ng Pilipinas kung tayo lang ay naging puta. Nangangayayat na at natutulog sa ilalim ng tulay, naghihintay na dalawin ng kamatayan sa matinding sakit na AIDS. 

Yan ang magandang linyahan na puede niya gamitin. Talagang aatakehin sa puso si Oprah nito!

Sobrang loyal natin sa mga Americano na kahit winasak nila ang Unang Republica na tinaguyod ng ating Founding Fathers na sila Aguinaldo, Mabini, Buencamino, Paterno at iba pa. Tinakwil natin ang mga taong nagsakripisyo at patuloy natin silang binabastos kagaya nila Aguinaldo at nilagay natin ang mga bayani sa pedestal kagaya nila Bonifacio at Luna - mga taong walang quality na dapat tularan nating mga Pinoy kasi sila ang mga inendorsong bayani ng mga Americano. Mga bayani na safe sambahin kasi mga incompetent at may masasamang ugali na wawasak sa atin at maglalagay sa atin sa kapahamakan.

Na-indoctrinate talaga tayo at natuto tayo na sila lang ang sambahin, magalit sa mga Kastila, ikahiya ang sariling lahi at ihian ang sarili nating paa. English ng English gusto maging Americano. Nagpapaputi at nahuhumaling sa mga tisoy at tisay. Sa mga beauty pageants puro mestiza ang sinasali kahit na hindi na mukhang Pinay, na insecure tuloy mga Pinay noong nag host ang Pilipinas ng beauty pageant kaya napagawa ng magandang awitin ang Hotdog na pinamagatang Ikaw Ang Miss Universe.

Tingnan niyo naman nangyari sa Olongapo nang magtayo ng base militar diyan mga Americano. Dumami mga puta diyan at mga tisoy at tisay na iniwan nila. Diyan din sinilang ang Pinoy Rock na ngayon ay Pinoy Cock pag makita mo quality ng mga banda ngayon na inutot ng Juan Dela Cruz.

Pero siempre, naging professional dugyot na puta tayo basta mga Americano na eh lagi tayong tutuwad. Kahit na yung tumbong natin pink na pink na sa kakaturbo ng mga Americano dahil naubos na yung balat.

At yan ang magandang segue habang namumulupot sa katatawa si Jada Pinkett para sa....

South China Sea

Nako papalakpak na si Steve Soderbergh dito dahil sa makatotohanan ang lahat. Oo, ito na naman mga Americano nangungupal na naman sa South East Asia. Set up niya muna na ang South China Sea ang hinahanda ng mga Americano na bagong theatre of war na pagkakakitaan ng mga Americano. Nandiyan ang nagiinit na tension ng China - Taiwan, China - Japan at China - Pilipinas. Nasa likod ng lahat ng iyan ang mga Americano na may mahabang sungay.

Tapos ipasok niya ang Pilipinas bilang mga pisot, payat at lampang mayabang na laging lumilingon para siguruhin na nandiyan lang sa malapit si Kuya America. At pag alam na niyang nandiyan lang si Kuya America, eh mangbubully at gagawa ng kayabangan. Aasarin yung mga mas malalaking bata na gusto niyang awayin tapos pag binatukan, "Kuya America, o!" 

Pilipinas naman ang unang nang-agaw ng teritoryo diyan sa Spratley's. Wala naman yan sa mapa natin. Kasama kasi natin ang America kaya ang lakas ng loob natin noong 60s habang mahina pa ang China, Vietnam, Indonesia at Taiwan. Tayo ang nangunguha ng teritoryo at nagpagawa ng mga structures diyan kahit alam nating may ibang claimants at questionable ang claims natin. Pero ngayon na weak assed bitches na tayo at wala na tayo magagawa sa ginagawa ng China na ginagawa naman natin noon eh nagsusumbong na tayo sa UNCLOS. 

Ngayon balik tayo sa America at nandiyan na naman sila para guluhin ang South China Sea at nag seset up na para sa panibagong proxy war ng America. Nerbiyos na nerbiyos na ang Singapore at ibang mga kapitbahay natin sa South China Sea na siguradong gusto nila makitang magulpi tayo ng China at ang America na duwag ay hindi na makakalapit diyan kagaya ng ginawa nila sa Ukraine. Asan na ang America ngayon na ang Ukraine ay natatalo na? Sigurado tayo ay iiwanan ng America dahil sa Military Defense Treaty na lagi nating hawak, walang obligation ang America na sumaklolo sa atin kung ang atake ay magmumula sa kanluran. Ang nakasulat lang sa Mutual Defense Treaty, sasaklolo ang mga Americano pag ang atake ay manggaling sa silangan. Sino ba nasa silangan? America, Guam at Hawaii. 

Puede na niya sabihan ang kaniyang audience na mag hunos dili. "Calm down, calm down because theres more."

Ang Nangyari sa Batibot 

Talagang mukhang isang pagtitipon ng mga sira-ulo ang Golden Globes sa katatawa tapos dadagdagan pa ng isang kwento ng kakupalan ng America sa Pilipinas. Hindi lang kakupalan sa politica at pagpapahirap sa ating ekonomiya, pati sa mga pangangailangan ng mga kabataang Pilipino ay binastos ng mga Americano!

Alam niyo ba kung bakit nawala si Pong Pagong at Kiko Matsing? Dahil sa Childrens Television Workshop na producer ng Sesame Street. 

Lingid sa kaalaman ng mga Pilipino, si Pong Pagong at Kiko Matsing ay mga custom made na puppets na ginawa sa New York para gamitin sa pang-bata na programa sa telebisyon na ang pangalan ay Sesame. Nagkasunduan ang Philippine Children's Television Foundation (PCTF) at Children's Television Workshop (CTW) at naisip nilang gumawa ng programa na para sa kabataang Pilipino. Pinahiram nila si Pong Pagong at Kiko Matsing.

Nang ma-cancel ang Sesame ng CTW, pinahintulutan nilang gamitin sila Pong Pagong at Kiko Matsing sa pinalit na programa sa Sesame na pinangalanang Batibot. Hindi nagtagal ay umani ng mga papuri ang Batibot sa mga international festivals at award giving bodies para sa programa sa television para sa mga bata. Nakakuha pa ng contrata ang PCTF sa Indonesia para sa TV rights. Dito nabadtrip ang CTW kaya binawi nila si Pong Pagong at Kiko Matsing. Malaking dagok ito sa PCTF at hindi na nila naibalik ang dating tagumpay ng Batibot hanggang sa ma-cancel na din ito.

Talagang hindi magpapadaig ang CTW at America. Mayabang ang kalbong agila na ito. Kung hindi pa mabulunan sa katatawa si Spike Lee ewan ko na lang.

Ito ang klase ng mga jokes na magugustuhan ng mga Americano. Ang katotohanan tungkol sa bansa at gobierno nila. Sa susunod na stand up niya dito siya bumawi.

Pakinggan niyo rin dito ang live show natin tungkol sa monologue ni Jo Koy sa Golden Globes

https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2335596





Comments

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?