Monday, February 24, 2025

Pilipinas Tumba Sa Chinese Taipei - Sabi Ko Sa Inyo Maling Sistema Ang Triangle

Ituturo daw ito ng mga kupal sa SBP sa mga bata.


Ilang beses ko ba uulit-ulitin? Maling sistema yan. Mahirap matutunan kaya hanggang ngayon sila Junmar pa rin nasa line-up at hindi makakuha ng pagkakataon mga kabataan diyan. Aasa lang tayo sa iisang player at magiging predictable ang ating opensa. Pinapadali natin sa kalaban kung paano tayo talunin eh.

Tingnan natin ang stats dahil ang mga numero ay hindi nagsisinungaling.

Nasa gawing kanan ang stats ng Pilipinas. Ikumpara niyo sa Chinese Taipei na nasa kaliwa.

Ang final score ay 91-84. Ang Chinese Taipei ay mainit sa tres pero kung susuriin ng mabuti hindi ang kanilang outside shooting ang pumatay sa atin although nabali ang likod natin sa dagger three ni Lin. Ang talagang pumatay sa atin ay ang turnovers at ang ating mahinang adjustment sa transition. May 12 points off turnovers ang Chinese Taipei at tayo ay may 5 points lang. Ano difference? Pitong puntos. Ano kalamangan ng Chinese Taipei? Pito. 

Kung ikaw ay ulol at gusto mo magdunong-dunongan sa inoman niyo, ang points off turnovers ay kung saan ang kalaban mo ay hindi nakatira at nagresulta sa wasted possession - naagaw mo ang bola, nag commit ng offensive foul or violation kagaya ng travelling, bad pass, etc at ikaw ay makascore sa transition or fastbreak yan ay bibilanging "points off turnovers". Alam naman natin na yan ang sakit ng team natin, turnovers. Mas masaklap kung hindi tayo makakabalik kaagad sa depensa para pigilan ang kabila na mag capitalize dito. At kailangan ingatan ang bawat possession at sikapin na sa bawat possession tayo ay maka-tira ng maluwag. Ang malaking kalamangan ay mabubura kung ang isang koponan ay mag-commit ng 6-7 turnovers. 

Ang turnovers ng Pilipinas laban sa Chinese Taipei ay 17. Malaking numero yan lalo na kung ikukumpara mo sa 7 na na-commit ng Chinese Taipei. Kung kaunti lang ang turnovers ng Chinese Taipei at sila ay may 48.5% 2FG shooting clip, masamang balita yan. Naidikit lang ang laban dahil kahit papaano ay maganda ang shooting ni JB sa tres na nagtapos ng 8/11 3PT shooting clip. Si Dwight Ramos naka 2 tres sa loob ng anim na tira. Dalawang players lang sa team natin ang naka-shoot sa tres.

Simple lang din naman ang basketball. Kahit hindi mo panoorin ang laro, basahin mo lang ang stats at madali mong maiintindihan ang naging takbo nito. Una kong tinitingnan ang total FGs made at attempts. 31/76 ang Chinese Taipei sa FG at ang Pilipinas ay 25/58. Diyan pa lang alam na. Sabay silipin mo yung TOs at makukumpirma ang hinala mo. Dahil kung madaming turnovers ibig sabihin bawas ang shot attempts mo at mas dumadami ang shot attempts ng kalaban. Kahit sabihin mo na 6 lang ang diperensya, malaking bagay yan.

Pero bakit ang Pilipinas prone sa turnovers? Dahil sa matagal ko nang sinasabi. Marami sa team natin ang hindi fit sa sistema. At sa klase ng sistemang ginagamit natin, magtatagal ang problema na ito. Oo, sa panahon ni Chot ito na problema, turnovers. Yan dribble drive magreresulta sa turnovers yan kung organisado at mabilis sa help defense ang kalaban. Kay Cone naman, ang triangle offense ay mahirap talaga matutunan. Kaya masdan niyo yung reliance ni Cone sa tatlo niyang player - JB, Thompson at Ramos. Ang tatlong ito ay babad sa laro. At masamang bagay yan kung isa lang sa kanila ang bumubuhat sa team. Kumpara mo bench scoring kasi ang Chinese Taipei may 42 points kumpara sa atin na may 17 lang. Kung wala ang tatlong yan o inaalat ibig sabihin walang kwenta ang opensa natin. At hindi niya kaya pagpahingahin ang isa sa kanila kasi mapapako tayo.

Idagdag niyo pa na marami sa atin manlalaro ang kulang sa fundamentals at mababa ang basketball IQ. Numero unong requirement sa TRIANGLE OFFENSE ang pagkakaroon ng mataas na basketball IQ. Kaya nga hindi ito ideal na ituro sa mga bata. Kailangan din matuklasan natin ang mga klase ng turnovers na kadalasan ginagawa ng mga manlalaro natin. Isa sa madalas ko makita ay catching/receiving/passing turnovers. Pinapasa ng alanganin (pinapaligiran ng mga bantay), mashadong malakas o mataas, na-iintercept, hindi marunong mag protecta ng pasa ang papasahan etc. Ito ang kadalasang nangyayari lalo na sa mga local players na natuto lang ng basketball sa tabi-tabi at dala-dala ang lahat ng bad habits sa FIBA.

Sa obserbasyon ko rin nakikita ko na kadalasang nangyayari mga turnovers sa mga full court press defense. Lalo na kung walang natural ball handler ang sistema at yan ay kayang ma-exploit ng kalaban. Madami din errors dahil sa intercepted passes. Kadalasan yan nangyayari sa atin kung nabantayan ng mabuti ang mga passing lanes natin at ang mga nasa loob ay hindi sanay sa sistema at mababa IQ.

Kaya naman pala kailangan ibabad yung tatlong players na pinagkakatiwalaan niya dahil mas lalong tatatas ang turnovers pag pinasok mga hindi sanay. Hanggang kailan ito? Hindi yata ito conducive para matuto mga bagong players lalo na ang youth. Nakakatakot isipin na pagdating ng sunod na FIBA World Cup naglalaro pa rin si JB, Fajardo at Japeth. Tapos bangko pa rin sila Oftana, Quiambao at Tamayo.

Sunday, December 29, 2024

Philippine Mens National Football Team - Unang Panalo Sa Semis ng Mitsubishi Cup At Unang Panalo Laban Sa Matinding Contrapelo Na Thailand!

Goal!

December 28, 2024, ay araw na hindi natin malilimutan. Ito ang pinakabago sa mga milestones ng ating Pambansang Koponan sa Mens Football. Sa araw na ito ay tinalo natin ang Thailand. Unang panalo natin sa semis ng AFF Mitsubishi Cup (na dating Suzuki Cup) at unang panalo din natin sa Thailand. 

Sa larong ito ay nag emerge din ang bagong hometown hero na si Sandro Reyes. Tubong Marinduque na natuto ng football sa Pilipinas na kasalukuyang naglalaro sa Greuther Furth sa 2 Bundesliga (2nd division ng German football). Ito ang maipagmamalaki natin na producto ng bayan natin na maaaring maging role model ng milyon-milyong kabataang Pilipino. Marami ang susunod sa yapak ng batang ito at ipagdasal natin ang kaniyang tagumpay sa international career niya. 

Electric ang unang goal sa laban na ito na dumating sa 33rd minute ng first half. Sa counterattack nagmula ang isang magandang through ball ni Sandro Reyes para kay Monis na rumaragasa sa kanan. Naharangan siya ng mabilis na Thai defense at kanyang binalik ang bola sa tumatakbong si Reyes sa gitna na agad na pinosisyon ang pala sa kanyang kaliwa at tinira ito mula sa labas ng box at nahanap ang goal. Isang eksena na kinatuwa ng maraming nanonood at nagbigay buhay sa ating team. 

Sa umpisa pa lang ng laban ay kinokontrol natin ang possession. Isang bagay din na aking kinagulat dahil ang Thailand ang karaniwang kumokontrol ang possession. Kilala sila sa kanilang tiki-taka style at mabilis na one touch passing. Ito ay patunay sa magandang preparasyon ng ating koponan koponan. 

Bago matapos ang 1st Half ng laban ay nakakuha ng goal ang Thailand mula sa mabilis na counter- attack. Isang magandang cross na nahanap ang paa ni number 21 Suphanan Bureerat para sa equalizing goal na nagpatahimik sa home crowd sa RMS. 

Pagpasok ng 2nd Half ay agad na bumira ang Thailand kaso tumama sa cross bar. Sinundan ng isa pang attempt na lumampas naman sa cross bar. May isa pang counterattack na nagmula sa isang cross sa right side na hindi nai-convert ng Thai attacker. May mga anim na scoring chances ang Thailand na hindi nagresulta sa goal.

Ang Pilipinas naman ay nag-iba ng tactica. Gusto nilang umatake sa gawing kaliwa para mapunta ay bola ay Rublico. Si Rublico ay hindi naglalaro sa kaniyang natural na position sa Left Midfield o Left Wing. Siya ay natural na defender at hindi attacker. Pero dahil sa kaniyang angking husay sa dribbling ay ginagamit siya na attacker. Pinapaboran din niya ang kaniyang kanang paa kaya kahit mabilis siya ay naaabutan siya ng mga Thai defenders dahil may tendency na pumasok sa gitna para gamitin ang kaniyang kanang paa. Marahil ay nagkaroon ng dilemma ang coaching staff dahil ang RB ay kuha na ni Tabinas. Huwag tayo magugulat na makita si Rublico sa RM at ilagay naman si Mariona sa LM sa 2nd leg sa Thailand bukas 30 ng Deciembre.

Ang game winner ay dumating sa 4th minute ng injury time sa isang indirect free kick ni Bailey na na-header ni Tabinas papunta kay Kike Linares na kanya naman nai-header patungo sa bottom corner ng far post. Isang eksena na nagpasabog sa mumunting stadium natin. Pagkatapos ng header ay agad na umatake ang Thailand na napigilan ng 2 heroic saves ni Quincy Kammeraad. 

At nang dumating ang panghuling pito ng laro ay napaluha ang marami sa mga taga suporta ng football. Napigilan ko naman na umiyak kahit na pumipiyok na ang boses ko. Hindi rin agad na naghanap ng labasan ang mga tao at nanatiling nakatayo sa stands. Marahil ay kanilang sinisigurado na hindi sila nananaginip o hinihintay na dumaan ang national team sa harapan nila para makawayan at mapasalamatan sa isang gabing hindi malilimutan.

Ang unang pagtatagpo ng Pilipinas at Thailand ay may magandang resulta na. Hindi pa tapos ang laban dahil may huling laban sa Thailand at may kalamangan tayo na kailangan natin alagaan kung tayo ay papasok sa Finals ng AFF Mitsubishi Cup.

                                                                             ***** 

Sa wakas at hindi na Azkals ang kanilang monicker. Hindi sa wala akong respeto sa mga asong kalye, mahal na mahal ko ang mga asong kalye at dalangin ko ay balang araw wala na tayong makitang aso na pagala-gala sa kalye na walang matirahan at walang makain. Mas pipiliin ko pa ang mga aspin sa imported na aso. Ang aspin ay matalino at matapat at talagang mapagmahal. 

Pero sa football, ang nickname na Azkals na sobrang bakya na. Ang corny pa ng logo na ginawa para dito. Tuwing nakikita ko yan ay lagi akong naduduwal at nilalayo ko ang mata ko para iwasan at hindi makita ang walang kwentang disenyo ng logo. Itong Azkals na logo din ay palatandaan na likas na mapagsamantala ang ating mga kababayan. Ginawa nila mga t-shirt at kung ano ano pang mga merchandise para kumita ng pera pero walang naibabalik na contribution sa football. Tingnan niyo nangyari sa suporta ng MVP Group at mga TV networks. Nasaan na? Wala na. Kahit may importanteng laban ang national team, walang TV coverage. Ganon din sa womens team na lumahok sa Womens World Cup. Ang mga taga-subaybay sa ating bayan ay nagkukumahog na makahanap ng coverage dahil ni isang TV network ay walang coverage.

Pag basketball walang problema kahit saang sulok may streaming at ang mga TV networks ay nagpapatayan sa bidding para makakuha ng rights.

Ang approach ng PFF (Philippine Football Federation) noong 2010 ay pasikatin ang national team para suportahan ng mga tao ang football. Dahil sa mababang quality ng manlalaro na nanggagaling sa youth level, alam natin na hindi uubra sa region pa lang natin na pinapaligiran tayo ng mga football fanatics. Kaya ang ginawa nilang strategy ay magrecruit ng mga manlalaro sa Europa na may dugong Pinoy. Sa pamamagitan nito naging competitive ang ating national team na binansagang Azkals at nagkaroon ng following. 

Ngayon ay 2024 na at nakailang AFF Suzuki Cups na at 4 na semis appearances pero wala pa rin trophy na gusto makita ng mga potential sponsors sa atin para suportahan. May domestic league na rin na noong umpisa ay libre lang ang entrance pero walang nanonood. 

Oras na para ayusin ng PFF ang football sa atin. Palakasin ang grassroots, magdagdag ng mga stadiums at infrastructures para sa football at palakasin ang domestic league. Ito ang mga bagay na hindi nagawa ng nakaraang PFF leadership. Sana ngayon ay may makita na tayong mga pagbabago.

Monday, December 2, 2024

Bakit Kailangan Matuloy Ang Impeachment Laban Kay Inday



Kumalat ang balita na nagpadala ng text message si Presidente Marcos Jr sa congreso na inuutusan silang itigal ang impeachment ng Bise President Sarah Duterte. Ito ay balitang ikina-dismaya ng marami na nag invest ng kanilang oras at emosyon sa budget hearings sa Senado at Congreso. Ito din ay pagbabalewala sa mga natuklasang pagmamalabis ng Office of the Vice President sa confidential funds at paglalapastangan ng Bise Presidente sa kaniyang posisyon at tungkulin. 

Hindi puede yung magbait-baitan ngayon lalo na kung mga Duterte ang mga katunggali mo. Siguradong gaganti ang mga Duterte kung ngayon pa lang ay hindi mo na tatapusin ang mga yan. Kung hahayaan niyang makabalik yan sa 2028 at may solid na voter base ang mga yan. Tandaan na sa 2022 Presidential Survey ay nangunguna si Sarah Duterte kaya lumapit ang mga Marcos para sa isang aliyansa na nagresulta sa landslide victory ni BBM bilang presidente at Sarah Duterte bilang bise presidente.

Maraming mga masasakit na salita ang binitawan ni Sarah laban sa Pangulo at ang kaniyang asawa na si Lisa Araneta Marcos. Kailan lang ay binantaan niya ang buhay ng magasawa kung kaya naman naglabas ng strongly worded statement ang Pangulo at sinabi niyang lalabanan niya ito. Pero ngayon, ang pangulo ay umaatras na. Inutusan pa ang Congreso na itigil ang hinahandang impeachment case laban kay Sarah. Kung pakulo lang ito ng Pangulo, isang Machiavellian strategy, eh parang malamyang strategy ito. Kung magkamali siya dito ano kaya ang puedeng mangyari?

Sa 2028 Elections Mananalo Si Sarah Duterte!

Nako po! Palpak ang Mach ni BBM. Natalo ang manok niyang si Martin at hindi nagkaroon ng unity ang mga anti Duterte. Nagpakawala mga Duterte ng mga candidatong maghahati ng boto. Tumakbo din si Raffy Tulfo at sila lang ni Sarah Duterte ang nagdikitan ng laban at nanaig si Sarah habang pang-apat lang si Martin. Diyos ko po!

Hindi lang yan, Bise Presidente na si Bong Go.

Hindi pa na-inaugurate si Sarah ay pinatodas na si Franz Castro. Kawawang komyunista yan pinakilos ng mga Duterte ang kanilang mga killer. Sobra inis ni Sarah sa taong yan dahil yan ang tormentor niya sa budget hearing. Tinodas ng riding in tandem at natagpuang nakalublob sa lubak na puno ng tubig ulan at gasolina. Nakalabas pa panty habang nakasubasob sa lubak ang gaga. Talagang una nguso nang siya ay tamaan ng tinga sa batok. Naalarma naman ang ICC pero sabi ng Tatay Digong fuck you punta kayo dito mga ulol. Pusit pala ha?

Natodas din yung isang Tiktoker na bakla na tormentor din ni Sarah sa budget hearing. Yung baklang duling na sinabihan ni Digong na yung kamay panay ang kumpas pag nagsasalita. Pinalo sa ulo habang nagti-Tiktok. Live sa Tiktok pagkakapaslang talagang headline news. Sobrang gigil talaga ng pumalo sa ulo niya sumirit yung dugo sa ilong at lalong naduling. Kumalat pa mga screenshots ng pagkalagot niya.

Lumabas naman ang bagong matrix ni Tatay Digong at ngayon maraming mga bagong pangalan ang nadagdag. Lahat ng mga congresista na nang-api kay Sarah ay mga drug lords na sa bagong matrix. Isa-isang nawawala at tumatakas patungong Estados Unidos at Europa. Kahit saan basta malayo kay Duterte. May mga makukulong at matotodas doon. Ang saklap. 

Siempre, informed ang mga DDS salamat sa rejuvenated na mga DDS bloggers. Balik na din ang SMNI at nakalaya na si Quiboloy. Lagot si General Torre druglord na sa matrix. Siempre mainit na papanoorin ang bagong senate enquiry sa pangunguna ni Robin at Bato kung saan kanilang tinutugis na si General Torre at Martin Romualdez na mga drug lords. Ipapatawag din ang dating pangulong si BBM. Diyos ko umpisa pa lang ng kalbaryo. Parang Disney lang ang EDSA 86 kumpara dito. Kung noong 1986 sila ay pinalayas, ngayon hindi sila makakalabas ng bansa para pagdusahan ito.

At dahil nakalabas na si demoniong Quiboloy, back to regular programming sa kulto. Mas maraming sariwang babae na inihahanda para sa kaniya at ipagdiwang ang kaniyang paglaya. Bubukadkarin ang kanilang mga bulaklak ng DOM na putanginang diyos daw pero bakit ganon amoy ng betlog ang panghi? May diyos ba na mapanghi betlog at hininga? Pero salamat sa mga Duterte nakalaya na si Quiboloy at binasura na mga kaso laban sa kaniya.

Tinodas na rin si Alice Guo.

Isa-isang nagbalikan ang mga Pogo. Magdadatingan ulit mga taga mainland para ipagpatuloy kanilang mga illegal na actividades. Nasabi ko na ba na Bise Presidente na si Bong Go? Go ulit ang mga illegal na negosyo. Kawawang Pilipinas. Tayo naman magkakasakit sa sobrang pasakit na bigay sa atin ng Davao group kaya ayun pumipila na tayo sa mga Malasakit Centre ni Bong Go yung putanginang pekeng Pinoy na may mahabang baba! Pweh!

Si Trillanes naman ay talagang tutuldukan na at balik kulungan si De Lima. Kung anong pagkakamali ng mga Duterte noon ay hindi na mauulit. Hindi na rin nila bibitawan ang puesto na yan at sisiguradihin nila na sila lang ang hahawak ng Malacañang. Sa sobrang dilim ng kanilang pamamahala matatakot ang mga gagong yan na bumaba sa puesto at bueltahan talaga sila ng susunod na leon na kakain sa kanila. Buti na lang kuting yung nakaupo ngayon. Meow. 

Bubuhayin din ulit ang PEDEA Leaks at muling kakaladkarin si BBM at Liza Araneta Marcos. Sisirain din ang political career ni Zandro Marcos. Mas malala pa sa EDSA ito maniwala kayo. Hihimatayin naman si Imelda Marcos dahil biglang ipapahukay ang mga labi ng dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani.

Itutuloy ko pa ba? 

Kaya ngayon alam niyo na kung bakit importante na matuloy ang impeachment ni VP Sarah. Dahil siguradong gaganti ang mga Duterte at mg taga Davao.

Meow ulit.

Monday, November 25, 2024

Pilipinas vs New Zealand Asia Cup Basketball Qualifiers 2024


Siempre masaya tayo at nakaisa din sa New Zealand na matagal na nating tormentors sa international basketball. Mas lalong lumakas ang paniniwala natin sa sistema ni Tim Cone na triangle offense. Maganda siempre ang magkaroon ng sistema ang ating team para matigil na yung kalat-kalat na laro natin na nakaka-frustrate panoorin at laging nagbibigay ng nakakadismayang resulta. Sa ilalim ng triangle offense maganda ang spacing ng ating mga players at na-encourage ang mga players natin na gumamit ng diskarte. Ang mahirap lang sa triangle offense kaya hindi ito ginagamit ng mga teams ay mahirap itong matutunan. Kung ang Chicago Bulls ay inabot ng tatlong taon para magamay ito, papaano pa kaya sa national team? 

Sa triangle offense importante ang familiarity. Dapat na regular na nagsasanay ang koponan at matagal na magkakasama. Bobo ka na kung hindi mo pa rin maintindihan kung bakit hindi ito nababagay sa national team at walang national team na gagamitin itong sistema puera lang ang Pilipinas kasi special tayo. 

Tingnan natin ang mga disadvantage ng triangle offense:

Mahirap maintindihan at kailangan ng mataas na basketball IQ. Hindi tuloy napili mga bobo kagaya nila Pogoy. Buti na lang. Si Pogoy yung patalo noon sa laban natin ng Angola sa FIBA World Cup kung saan iniwan niya yung player sa corner para mag-double team. Nabasa ng Angola at binigay libreng-libreng 3-point specialist para sa dagger. Kasalanan ni Pogoy yun kaya tayo natalo doon. Mababa kasi ang basketball IQ niya. Mayabang lang at malakas kay Banchot kaya laging pinipili sa national team kahit marami namang hamak na mas magaling. Hindi niya maiintindihan ang triangle offense at nababagay siya sa bobong style ni Banchot.

Maraming memorization na kakailanganin. Kaya di uubra mga bobo sa ropor at utak biya na players. Ngayon, ito ang offense na ituturo sa youth teams natin. Hindi ito nirerekomenda ng mga coaches. Ang daming pattern at actions na kailangan isa-ulo. Ito ang dahilan kung bakit kahit sa SEA Games dinadala ni Cone mga professional cagers kasi kailangan niya mga players na kabisado na ito. Hindi mabibigyan mga youth players sa sistema na ito. Mapapahiya ang mga youth teams natin sa international competition. 

Kailangan ng well-rounded players para ito tumalab. Yung mga hindi marunong pumasa at mga players na mahirap basahin kagaya ng tatakbo tapos titigil hindi uubra dito. Kailangan mo players na fundamentally sound. 

Dapat exceptional din ang mga players na nagpapatakbo nito. Jordan, Bryant, Pippen, Rodman, Gasol, O'Neal. Sa Alaska naman Lastimosa, Abarrientos, Hawkins. Kaya hindi puede mga Pogoy at Abueva diyan. Doon sila sa iskwater makipagsuntukan na lang sila!

May mga advantages din naman kagaya ng positionless o kaya interchangeable ang positions. Yung current line up ng Pilipinas sa laban nila ng New Zealand ay walang natural point guard. May centro pa rin shempre at malaking tulong ang ating 7'3 na Kai Sotto na hindi na-utilize ng mabuti ni Banchot. Ang centro kadalasan nasa ilalim pero puede rin lumabas. 

Continuous din ang opense sa ilalim ng triangle offense kaya pag ang naglalaro sa loob ay gamay ito eh nagmumukhang may magandang sistema talaga tayo. Lahat din ng players ay involved sa laro dahil sa maraming pasahan at nadedevelop ang basketball IQ ng isang manlalaro.

Ngayon mag recap tayo sa Pilipinas vs New Zealand kung saan nagwagi ang pambansang koponan natin. Dikit ang laban at nanalo tayo ng mga kalamangan na apat na puntos. 

Nagpapanalo sa atin yung rebounding. Nakakuha tayo ng 44 rebounds at ang NZ 31 lang. 16 diyan ay offensive rebounds at nakatulong yan para lamangan natin sila sa second chance points. Natalo nila tayo sa 3pt field goal percentage. May 51.4% sila kumpara sa ating 29.6%. 18 ng 35 3pt attempts nila ay success. Tayo 8 lang naibuslo sa tres out of 37 attempts. Muntik na tayo madali doon buti na lang maganda shooting natin sa free throw line at maraming 2nd chance points. 

Gumagana na ba talaga ang triangle offense? Maaga pa para malaman natin. Makikita natin yan pag dating sa tournament proper kung saan ang mga national teams ay magpapadala ng mga top players nila. Diyan natin masusubukan ang sistema natin.


Ito pala mas mahabang recap sa basketball game na yan -Philippines vs New Zealand

Monday, November 4, 2024

Latest Podcast Episodes Natin


Ano Endgame Ni Hontiveros Dito Kay Quiboloy?

 https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2592489

Ang Dami Nang Tanga At Kupal Sa Politica Dadagdag Ka Pa

https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2593470

Aminin Niyo Na. Bumoto Kayo Kay Duterte Dahil Gusto Niyo Mamatay Kaming Mga Indios

https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2600547

Hindi Lang Droga Sumira Sa Pamilya Ng Mga OFWs

https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2601183

Tuesday, October 22, 2024

Monday, September 23, 2024

Classic Catch 22 - Kawawang Pilipinas Ang Bansa Ng Mga Ugok!

Sa kalaunan, kawawa ang taong bayan. Naging laruan lamang ng mga tarantado at gagong bugok ang bayan natin. Ayaw natin sa Duterte, ngayon ka...