Pilipinas Tumba Sa Chinese Taipei - Sabi Ko Sa Inyo Maling Sistema Ang Triangle

Ituturo daw ito ng mga kupal sa SBP sa mga bata.


Ilang beses ko ba uulit-ulitin? Maling sistema yan. Mahirap matutunan kaya hanggang ngayon sila Junmar pa rin nasa line-up at hindi makakuha ng pagkakataon mga kabataan diyan. Aasa lang tayo sa iisang player at magiging predictable ang ating opensa. Pinapadali natin sa kalaban kung paano tayo talunin eh.

Tingnan natin ang stats dahil ang mga numero ay hindi nagsisinungaling.

Nasa gawing kanan ang stats ng Pilipinas. Ikumpara niyo sa Chinese Taipei na nasa kaliwa.

Ang final score ay 91-84. Ang Chinese Taipei ay mainit sa tres pero kung susuriin ng mabuti hindi ang kanilang outside shooting ang pumatay sa atin although nabali ang likod natin sa dagger three ni Lin. Ang talagang pumatay sa atin ay ang turnovers at ang ating mahinang adjustment sa transition. May 12 points off turnovers ang Chinese Taipei at tayo ay may 5 points lang. Ano difference? Pitong puntos. Ano kalamangan ng Chinese Taipei? Pito. 

Kung ikaw ay ulol at gusto mo magdunong-dunongan sa inoman niyo, ang points off turnovers ay kung saan ang kalaban mo ay hindi nakatira at nagresulta sa wasted possession - naagaw mo ang bola, nag commit ng offensive foul or violation kagaya ng travelling, bad pass, etc at ikaw ay makascore sa transition or fastbreak yan ay bibilanging "points off turnovers". Alam naman natin na yan ang sakit ng team natin, turnovers. Mas masaklap kung hindi tayo makakabalik kaagad sa depensa para pigilan ang kabila na mag capitalize dito. At kailangan ingatan ang bawat possession at sikapin na sa bawat possession tayo ay maka-tira ng maluwag. Ang malaking kalamangan ay mabubura kung ang isang koponan ay mag-commit ng 6-7 turnovers. 

Ang turnovers ng Pilipinas laban sa Chinese Taipei ay 17. Malaking numero yan lalo na kung ikukumpara mo sa 7 na na-commit ng Chinese Taipei. Kung kaunti lang ang turnovers ng Chinese Taipei at sila ay may 48.5% 2FG shooting clip, masamang balita yan. Naidikit lang ang laban dahil kahit papaano ay maganda ang shooting ni JB sa tres na nagtapos ng 8/11 3PT shooting clip. Si Dwight Ramos naka 2 tres sa loob ng anim na tira. Dalawang players lang sa team natin ang naka-shoot sa tres.

Simple lang din naman ang basketball. Kahit hindi mo panoorin ang laro, basahin mo lang ang stats at madali mong maiintindihan ang naging takbo nito. Una kong tinitingnan ang total FGs made at attempts. 31/76 ang Chinese Taipei sa FG at ang Pilipinas ay 25/58. Diyan pa lang alam na. Sabay silipin mo yung TOs at makukumpirma ang hinala mo. Dahil kung madaming turnovers ibig sabihin bawas ang shot attempts mo at mas dumadami ang shot attempts ng kalaban. Kahit sabihin mo na 6 lang ang diperensya, malaking bagay yan.

Pero bakit ang Pilipinas prone sa turnovers? Dahil sa matagal ko nang sinasabi. Marami sa team natin ang hindi fit sa sistema. At sa klase ng sistemang ginagamit natin, magtatagal ang problema na ito. Oo, sa panahon ni Chot ito na problema, turnovers. Yan dribble drive magreresulta sa turnovers yan kung organisado at mabilis sa help defense ang kalaban. Kay Cone naman, ang triangle offense ay mahirap talaga matutunan. Kaya masdan niyo yung reliance ni Cone sa tatlo niyang player - JB, Thompson at Ramos. Ang tatlong ito ay babad sa laro. At masamang bagay yan kung isa lang sa kanila ang bumubuhat sa team. Kumpara mo bench scoring kasi ang Chinese Taipei may 42 points kumpara sa atin na may 17 lang. Kung wala ang tatlong yan o inaalat ibig sabihin walang kwenta ang opensa natin. At hindi niya kaya pagpahingahin ang isa sa kanila kasi mapapako tayo.

Idagdag niyo pa na marami sa atin manlalaro ang kulang sa fundamentals at mababa ang basketball IQ. Numero unong requirement sa basketball ang pagkakaroon ng mataas na basketball IQ. Kaya nga hindi ito ideal na ituro sa mga bata. Kailangan ma-identify natin ang mga klase ng turnovers na kadalasan ginagawa ng mga manlalaro natin. Isa sa madalas ko makita at catching/receiving/passing turnovers. Pinapasa ng alanganin (pinapaligiran ng mga bantay), mashadong malakas o mataas, na-iintercept, hindi marunong mag protecta ng pasa ang papasahan etc. Ito ang kadalasang nangyayari lalo na sa mga local players na natuto lang ng basketball sa tabi-tabi at dala-dala ang lahat ng bad habits sa FIBA.

Sa obserbasyon ko rin nakikita ko na kadalasang nangyayari mga turnovers sa mga full court press defense. Lalo na kung walang natural ball handler ang sistema at yan ay kayang ma-exploit ng kalaban. Madami din errors dahil sa intercepted passes. Kadalasan yan nangyayari sa atin kung nabantayan ng mabuti ang mga passing lanes natin at ang mga nasa loob ay hindi sanay sa sistema at mababa IQ.

Kaya naman pala kailangan ibabad yung tatlong players na pinagkakatiwalaan niya dahil mas lalong tatatas ang turnovers pag pinasok mga hindi sanay. Hanggang kailan ito? Hindi yata ito conducive para matuto mga bagong players lalo na ang youth. Nakakatakot isipin na pagdating ng sunod na FIBA World Cup naglalaro pa rin si JB, Fajardo at Japeth. Tapos bangko pa rin sila Oftana, Quiambao at Tamayo.

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Mga Tibo - May titi ba kayo?