Tuesday, October 3, 2023

Leadership Philosophy Ni Chot Reyes Ay Walang Kalatoy-Latoy

Last two minutes na.

Sabi ko na nga ba eh. Kagaya ng maraming mga kababayan natin na nagmamando sa atin itong si Reyes ay kagaya nila na puro kayabangan lang. Ang requirement ba sa atin para maturingang leader ay maging mayabang lang? Dapat nating itaas ang standards para naman umunlad tayo. 

Ayon kay Banchot, hindi daw naaayon sa Pilipino ang Euro style dahil nababagay lang daw ito para sa mga matatangkad at wala nang panahon para yan ay pag-aralan natin. "You can't out-Euro the Euros", sabi ng magaling na coach. Talagang megamind. 

Diyan makikita na kung anong klaseng leader si Banchot. Ito yung tipikal na leader sa Pilipinas. Yung malakas lang ang boses at malakas ang loob na magmando at mag-utos. Yung mayabang na pag kinontra mo eh pepersonalin ka at aambahan ka na parang susuntukin ka.

"Sino ka para kwestyonin ang aking God-given at divine right para magpatakbo dito? Ikaw ay susunod sa aking mga utos dahil ako ang amo niyo!"

Ganyan sa atin, ang leadership ay minamana. Tayo ay mga alipin nila na na-inherit sa tatay nilang Datu at kailangan nating sumunod sa anak, ang bago nating amo. Tingnan niyo sino hinahanda ni Banchot, walang iba kung hindi yung anak niyang bakla. Nakahanda na si Josh Reyes para magmando sa national team balang araw. Kaya inaayos ni Chot Reyes ang position niya sa MVP Group para sa kasiguruhan ng anak niya dahil ang anak niya ay walang alam sa buhay at siguradong hindi kayang mabuhay sa tagilid na lupa dahil mula noon hanggang ngayon na sanga-sanga na ang bulbol ay umaasa pa rin sa mga magulang.

Bukod sa pagiging coach sa basketball, sabi ni Chot Reyes siya rin ay business coach na nagbibigay ng motivational seminars at career advise sa corporations. High level pala na motivational coach ito kaso may problema. Malaking problema. Sablay ang kaniyang philosophy.

Bakit sasabihin ni Chot Reyes na hindi nababagay sa atin ang Euro style kung hindi pa niya ito lubusang naiintindihan? Maaaring tama siya ng bahagya dahil ang mga bigs natin ay walang 3 point shooting maliban na lamang kay Kai Sotto na alam nating may tira sa labas. Hindi man siya maituturing na sharp shooter pero may tira siya sa labas at siya ay tipong hindi pababayaan makatira ng maluwag. Kung sila Junmar Fajardo at Edu, baka nga maging katawa-tawa lalo na pag alam ng mga kalaban natin na sila ay mga walang kumpiyansa na tumira sa labas eh bibigyan sila ng malaking agwat at pipiliting tumira habang hinaharangan ang mga passing lanes. May konting variation siguro sila na puedeng subukan kagaya ng pagtira lang sa malapit para mapilitan na sundan sila ng kanilang mga bantay nang sa gayon ay hindi masira ang flow ng ofensa. 

Again, masiyado yatang defeatist ang motivational speaker na ito at lagpak ang leader na ito pagdating sa communication dahil sa kaniyang defeatist na nature.

Isa sa mga bagay kung bakit madaming nati-trigger sa coach na ito ay ang kaniyang communication or lack thereof. May malaking pagkakaugnayan ang pagiging effective communicator at pagiging effective na leader. Kung poor communicator ka, maiinis at madidisillusion ang mga tao na tumitingala at umaasa sa iyong leadership. Balikan niyo ang mga bukang-bibig ng taong ito sa lead up to the FIBA World Cup at during the tournament na din. Madaming nagalit sa kaniyang "we don't need to this game," o kaya sa "its a learning experience." Importante na i-filter mo ang sasabihin mo. Bago ka humarap sa media pagisipan mabuti, ang sasabihin ko ba ay bagay na dapat malaman ng mga supporters? Ang "we don't need to win this" na statement niya ay hindi naunawaan ng mga tao. Dahil yun ang maling audience. Paano mauunawaan yan ng mga taong nagbayad ng tiket at naglaan ng oras para lang panoorin ang minamahal nilang national team tapos ang sasabihin ng coach ay we don't need to win this?

Lagpak din sa emotional intelligence ang gagong Banchot. Dahil sa mababa ang emotional intelligence ng baby boomer na ito ay laging mali-mali ang sinasabi sa harap ng media kaya maling communication ang nacoconvey sa publiko. Kaya mababa ang trust rating ng hayop na ito kaya ang lakas ng pag-boo sa kaniya ng mga fans tuwing pinapakita ang mukha niya sa monitors at pag tinatawag ng announcer ang kaniyang pangalan. Itong pag-boo sa kaniya ay nakapagbigay ng confusion sa mga manlalaro lalo na kay Jordan Clarkson na obvious na hindi niya nasusundan ang mga kaganapan. Siguro ngayon ay nagbasa-basa yan at matalino naman siya kaya malamang alam na niya na ungas si Chot Reyes.

At dahil sa kakulangan sa emotional intelligence ang naging sanhi sa kaniyang poor decision making sa laro. Bukod sa kulang siya sa karanasan dahil hindi naman siya naglaro ng basketball sa mataas na level, iyakin pa kaya laging kabobohan ang mga decision niya. Kagaya na lang noong i-substitute niya si Kai Sotto noong humahabol sila laban sa South Sudan. Nang mawala si Kai Sotto, nakahinga ng maluwag ang kabilang koponan at nakarecover. Balik ang tambak. Buti na lang bobo coach nila!

Isa pang palpak na decision ni Banchot ay ang pagbabangko niya kay Kai Sotto at Ravena laban sa Dominical Republic. Si Ravena ay matalinong point guard na nakatulong sana ng malaki dahil sa exposure niya sa international style of play pero binangko in favor of boyfriend Pogoy. At si Kai Sotto sana ang naging sagot nila sa issue ng rebounding.

Wala rin humility ang tarantadong ito dahil sa opening pa lang ng article na ito sinabi ko nang mayabang ang hudas na ito. Malaki ego nito kaya nagpumilit na siya ang mag coach sa national team eh. Ganyan lang yan. Ang humility ay isa sa mga importanteng katangian ng isang leader. Ito ay isang bagay na hindi mo makikita sa taong nagsusuot ng napakamahal na suit.

Asa ka pa na may creativity ng gagong ito. Wala siya nito. Walang karanasan sa paglalaro ng basketball kaya saan siya huhugot ng creativity para masolusyonan ang mga problema ng team? Hindi nga magbigay ng oras para pagaralan ang ginagawa ng mga kalaban kagaya ng Euro style! Talagang walang creativity ito! At dahil sa tinatamad siyang aralin ang Euro style, hindi rin niya alam kung paano solusyonan ito! At pabalik-balik tayo sa problema nang natatalo. Kahit matalo ka ng 30 o 7 puntos, pareho pa rin na talo yan!

Problem solving skills lang meron ito. Not!

Lagpak lalo! Ilang ulit na ba nangyari yan na hindi natin madepensehan ang mga European teams? Ilang beses na tayong tinalo ng Angola sa parehong sistema na ginamit nila sa atin at wala tayo solusyon doon? Kung ikaw ay fanboy ni Chot na ipipilit na may problem solving skills ang amo niyo, wala na akong magagawa sa iyo dahil ikaw ay isang gunggong! Walang gamot sa kagunggongan! Dapat sa iyo ibaon ng buhay bwisit!

Ayon sa Wikipedia ang integrity ay - The practice of being honest and showing a consistent and uncompromising adherence to strong moral principles ang values.

Tingnan nga natin. 

Honest. Wala. Madaming tinatago at ayaw magpakatotoo. Ayaw pa rin aminin hanggang ngayon na siya ang nagpatalsik kay Tab kagaya ng ginawa niyang pagpapatalsik kay Toroman.

Ang moral principles at values naman niya ay ang moral principles at values na pinapakita ng mga ruling class sa Pilipinas. Yung may double standard na laging sinisigawan maliliit na tao pero mabait sa mga taong tinuturing nila na mga kapantay nila. Ito yung mga taong makikita mong nangaalipusta sa mga kawawang security guards sa atin at iba naman ang magiging position pag makaharap sa similar na situation kung ang taong nakabangga nila ay Mestizo o Chinoy. 

Walang kwenta ito putanginang ito.

Wala na rin tayo maaasahan sa SBP. Ang samahang ito ay binubuo ng mga taong kagaya ni Chot Reyes. Mga taong walang vision, karanasan at totoong kakayahan. Matulog na lang tayo. 


Sunday, September 24, 2023

Andres Bonifacio Nahuli sa Binabalak na Kalokohan


Alam niyo ba na si Andres Bonifacio ay namulitika lang sa Cavite? Matapos niyang matalo sa election ay nagpatawag ng meeting kasama ang ibang mga oficiales ng Katipunan para lumagda sa tinatawag na Naic Military Agreement. Nang biglang dumating si Emilio Aguinaldo at sila ay nataranta, si Andres Bonifacio ay muntik pa mahulog sa hagdanan sa pagmamadali. Makinig mamaya sa https://indiosbravos.mixlr.com/events/2755770


Gilas sa Asiad

 https://indiosbravos.mixlr.com/events/2753134

Live tayo boys! 1040pm antay lang kayo pasok ako. Hindi niyo na kailangan mag sign up sa Mixlr at sa pagkakaalam ko puede gamitin FB. Anyway, yung link nasa itaas.


Monday, September 18, 2023

Ang Matinding Kapalpakan ni Andres Bonifacio - Bakit ang Pinaglabanan ay Pinagtalunan?

Andres Bonifacio

Para sa mga nanood ng Bonifacio: Unang Pangulo ni Robin Padilla, malamang nakita niyo eksena sa labanan sa San Juan kung saan nanalo ang puersa ni Andres Bonifacio laban sa mga Kastila. Paano kung sabihin ko sa inyo na embellished at puro kabalbalan lang pala ang pelicula na yun? Ang totoong nangyari sa San Juan noong Agosto 30 1896 ay hindi nauwi sa tagumpay, kung hindi sa isang pagkakalampaso. Isang super diyahe na pagkakalat ng mga pangkat ni Andres Bonifacio na nagresulta sa pagkakabuwag ng Katipunan sa Manila at pagkakatuldok sa tinatawag na Manila Uprising. Handa na ba mga tissue niyo?

Preludio Sa Isang Malaking Kapalpakan Ng Supremo


Dahil ang Katipunan ay malapit nangatunton, napilitan ng iba't-ibang sangunian ng Katipunan na lumantad na at simulan ang Revolucion sa pamamagitan ng sabay-sabay na pag atake sa Intramuros. Noong una ay tinutulan ito ng iba't-ibang sangunian ng Katipunan upang iconsulta muna kay Dr Jose Rizal. Alam naman natin ang nangyari, tinutulan din ni Rizal dahil sa kakulangan ng armas. Si Antonio Luna ay nilapitan din na tumanggi din na may kasama pang pang-aasar. Ano daw ba ang gagamitin natin laban sa mga Kastila? Mga ipin natin? Marami silang mga ilustrado at mayayaman na nilapitan upang makahingi ng suporta pero lahat ay pinagsarahan lang sila ng pinto. Sa sobrang asar ni Bonifacio at Emilio Jacinto ay nagplano sila na ipasubo ang mga ito. Bagay na tatalakayin ko sa susunod na articulo. Pero noong Agosto 24 1896 sa isang pagpupulong-pulong sa may Balintawak, nagpasya na simulan ang uprising sa Agosto 30 1896. May mga hudyat na ibibigay para malaman nila na oras na ng pag-atake. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Pagpatay ng ilaw sa Luneta para sa mga Katipunero sa lalawigan ng Cavite dahil ang mga ilaw sa Luneta ay matatanaw kung ikaw ay nasa mataas o elevated position na malapit sa baybayin ng Cavite.
  • Ang pagputok ng cañon para sa mga nasa surrounding areas ng Manila dahil sila lang naman ang makakadinig ng pagsabog ng cañon. 
  • Pagpapalipad ng lobo para sa mga taga Nueva Ecija at Bulacan na mag iintay sa Polo (Valenzuela).

Dapat natin i-assume na ang pagpapalipad ng lobo ay magsisilbing unang hudyat para kumilos ang mga taohan ni General Vicente Fernandez, na nag volunteer na magdadala ng hukbo mula Laguna para kunin ang Manila Electrico na nagbibigay ng koryente para sa mga ilaw sa Luneta. Sino pa ba ang magpapalipad ng lobo? Walang iba kung hindi ang Supremo.

Nag-assign ng apat na mga heneral ang Supremo sa Manila. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Vicente Fernandez - Nag-voluntario na magpapadala ng 1000 mga taohan para atakihin ang Manila Electrico at patayin ang mga ilaw sa Luneta. Hindi siya nakarating sa Manila noong Agosto 29 1896.
  • Aguedo Del Rosario - Hindi nakarating sa Manila.
  • Gregorio Coronel - Hindi rin nakarating sa Manila.
  • Ramon Bernardo - Naghintay sa Sta Mesa at nakasagupa ang mga taohan ni Heneral Echaluche na pinadala para tulungan ang mga tropa na nasa Polvorin na inatake ng 800 na Katipunero sa pamumuno ni Andres Bonifacio at Emilio Jacinto.

Agosto 29 1896 dakong alas 3 ng hapon ay nakatanggap ng liham mula sa Supremo si Pio Del Pilar. Nakasaad sa liham na ipunin niya ang kanyang mga tauhan bandang alas 8 ng gabi at ipagtipon-tipon sa may Libingan Ng Mga Ingles sa Makati. Dito ay kanilang hihintayin ang mga Katipunero na magmumula sa Tapusi, Montalban, San Mateo at Morong. Pagdating ng mga puersa na ito ay sabay-sabay silang magtutungo sa San Juan del Monte. Nag-antay sila hanggang alas 3 y media ng umaga at walang dumating na anino. Basahin mo pa mamaya at makikita niyo kung ano nangyari sa mga taga Katipunero na inaantay nila Pio del Pilar. Magugulat kayo.


Depiction ng San Juan

Samantala, hindi nakarating si Heneral Vicente Fernandez at kanyang mga taohan na magpapatay dapat ng ilaw sa Luneta. Maaring hindi niya nahikayat ang kanyang mga kababarrio upang sumama sa pagaaklas dahil sa kakulangan ng armas at walang matinong plano. Hindi natin masisisi, noong una pa lang ay marami nang tumutol sa maagang paguumpisa ng revolucion. Hindi ka talaga makakakuha ng simpatiya at suporta kung hindi mo makukumbinsi ang sino man na may kakayahan kang ipanalo ang  revolucion. Kaya kahit pa magpalipad ng lobo ang Supremo ay walang mga hukbo na kikilos para atakihin ang Manila Electrico at mapatay ang ilaw sa Luneta at Intramuros, bagay na iniintay ng mga nasa lalawigan ng Cavite.

Si Pio del Pilar naman ay parang gago na pinulutan ng mga lamok sa paghihintay kasama mga tropa niya sa may Libingan ng mga Ingles. May hawak pa silang mga sulo at nagmukhang mga mokong. Naglakbay siya patungong San Juan del Monte para makakuha ng balita mula kay Andres Bonifacio pero lalo siyang nalito ng bandang alas 10 ng gabi nakarating siya kung saan nakatambay ang Supremo at mga kasamahan nito sa may San Juan at inutusan siya ng Supremo na bumalik sa Culi-Culi at intayin ang mga tropa ni Heneral Vicente Fernandez. "Hanapin mo ang mga tropa ni Fernandez at magsanib puersa kayo para sabay-sabay niyong atakihin ang Manila Electrico. Doon ay putulin niyo ang koryente para mataranta ang mga taga-Intramuros at mapatay ang ilaw sa Luneta. Muwahahahaha!", utos ng Supremo. Kasama din ng Supremo ang mga taohan na galing San Mateo, Morong at Montalban! Kasama na pala niya mga taohan doon na kanina pa nila iniintay sa may Libingan Ng Mga Ingles, bakit hindi man lang siya nagpadala ng tao na magsasabi or magbibigay ng mensahe para alam nila? Madali lang naman magpadala ng taohan para naman nakakilos na sila at malaman nila kung may nagbago sa mga plano. Hindi naman kagaya ngayon na isang text lang ok na. Noon, pag sinabing maghintay ka sa ilalim ng puno ng kawayan eh maghihintay ka talaga. Kapag hindi nakita ni anino mo, assume na lang na namatay ka na kaya siguraduhin mo na may burol para sa iyo. Ganyan sa sinaunang panahon noong wala pa ang teknolohiya na alam natin ngayon.

"Gagong Supremo, kanina pa kami nagmumukhang gago eh kasama na pala niya mga inaantay namin!"

Lumalabas talaga ang kahinaan ng Supremo sa pag organize ng malaking event. Mahusay lang siya mag organize ng isang samahan kagaya ng Katipunan at mangolekta ng contribucion pero ang tactica sa pakikipag gera ay ibang usapan na. Kung may mababago sa plano mo, dapat ipagbigay alam mo kaagad sa mga taohan mo na umaasa sa iyo.

Pagdating Ng Mga Kasamahan Galing Santolan, Naghappy-Happy Muna


Nakailang enquentro ang Supremo at kanyang mga kasama sa Mandaluyong sa kanilang paglalakad papuntang San Juan. Plano nila ay mag hook sa San Juan at atakihin ang Intramuros mula sa Silangan. Ang mga taohan naman nila Pio del Pilar, Heneral Vicente Fernandez at mga taga Morong, Laguna, San Mateo (na hindi alam ni Pio del Pilar ay kasama na pala ng Supremo papuntang San Juan) ay susugod sa centro at ang mga taga Cavite ay sa kanlurang bahagi ng Intramuros poposition.

Sa mga enquentro ng Supremo na tumagal din ng ilang oras ay nakakuha sila ng ilang mga riple (rifles mga pare ko). Maliit na detachment lamang na may 2 o apat na guardia ang nakasagupa nila pero talagang piniga sila dito dahil sa kakulangan nila sa armas. Kaya bukod sa mga enquentro, maglalakbay pa sila on foot. Kung sa mapa ngayon kung titingnan ay malapit lang at nararating natin gamit ang pampublikong sasakyan, noong panahon ay iikotin pa nila. Ang dating short cut ay magiging long cut pa para lang maiwasan ang ibang mga detachments. Kailangan maiwasan nila ang detection. Hindi ako magugulat kung magbaligtad pa sila ng kasuotan para hindi "mamatanda". Only legends will know. Nang makarating sila ng San Juan ay nagpahinga sila dala ng matinding pagod at gutom.

Hindi nagtagal, bandang alas onse ng gabi ng 29 Agosto 1896, ay dumating ang mga kasamahan nila na galing sa Santolan. Binubuo ng mga 300 katao at may dalang 17 riple at pistol. Para sa mga Katipunero na namumulube sa mga kagamitang pang-digmaan, ang pagkakataong ito ay kanilang ipinagdiwang. Nagkaroon ng salo-salo at usap-usapan. At pag sinabi nating salo-salo at usap-usapan, ibig kong sabihin ay inuman at lasingan. Ano pa ba ang gagawin ng mga Tunay na Lalake bago sumabak sa patayan? Ikaw ba aakyat ka ng ligaw ng hindi umiinom ng konting alak para magbigay sa iyo ng lakas loob? Tingnan mo nga si Chiz Escudero sinusukahan yung bahay ng nanay ni Heart Evangelista dahil dumadalaw sa kanila nang senglot at amoy chico ang hininga. Nakakahiya naman kasi ipakita pagmumukha niyang may hawig sa bayawak na dumadalaw sa pamamahay ng isang napakagandang binibini na kagaya ni Heart. Isang binibini na ang sarap turukan ng titi sa puki at pigain ang kaniyang mani. Tapos aasungot lang kagaya niya na mukhang bayawak at kilalang pamilyado na. Kailangan mo talagang maglasing! Sa kaso ni Bonifacio, ikaw ay makikipagsagupaan sa isang higante na maaring ikamatay mo ay mabuti nang itulak ka ng alak para mag amok ka na lang at hindi manaig ang takot.


Ito kaya ang Polvorin?

Tandaan niyo na may usapan na sa bandang alas dose, pagpatak ng 30 Agosto, ay magbibigay ng hudyat ang Supremo para sa mga Katipuneros sa ibang lalawigan. Sa puntong ito, hindi pa alam ng Supremo na hindi pa nakaposicion ang mga taohan ni Heneral Fernandez. Hindi niya alam kung nasaan si Heneral Fernandez at hindi niya alam kung ano ang posicion ng ibang mga kasamahan niya.

Hindi rin alam ng Supremo kung saan naroroon sila Aguedo del Rosario at Gregorio Coronel na parehong hindi nakarating sa Maynila. Mukhang walang alam sa coordinacion si Bonifacio. Maaring alam niya na nakaposicion na si Heneral Ramon Bernardo sa may Sta Mesa dahil hindi naman kalayuan ang Sta Mesa sa San Juan.

Ayon sa memorias ni Santiago Alvarez, nakausap niya ang isa sa mga kasamahan ng Supremo sa San Juan na si Genaro delos Reyes. "Nagkaroon ng konting paguusap-usap at pamamahinga at ganon na lamang ang pagkagulantang ng Supremo nang tingnan niya ang kanyang orasan ay alas quatro na pala ng madaling araw!" Yan ang salaysay ni Genaro delos Reyes na first hand eye witness na nagpapatunay na ang Supremo ay nakatulog noong gabi ng Agosto 29 1896. Tumitigas pa siguro ang titi niya at naninikit ang kanyang brip sa wet dreams nang biglang tumilaok ang bwisit na manok, kaya napatingin sa kanyang orasan at ayun alas quatro na pala ng madaling araw! Lumipas na ang oras na kanilang hinihintay! Namuti na ang mga mata nila Aguinaldo sa kakahintay sa Tulay ng Marulas, napigtas na ang suelas ng tsinelas ni Pio del Pilar sa paglalakad mula Libingan ng mga Ingles hanggang San Juan at pabalik sa Libingan ng mga Ingles at pinagpyestahan ng mga lamok sila Heneral Ramon Bernardo sa may Sta Mesa. Ang lahat nang iyan ay dahil lang sa kakahintay sa kanya. Sa kabwisitan, iniutos ni Mr Atapang Atao na hulihin ang putanginang manok na bumulabog sa mahimbing na tulog para katayin. Sila ay nagsalo-salo sa masarap na tinola na niluto ng binabaeng si Semilio, este si Emilio Jacinto pala. Sarap talaga magluto ni bestie.

Samantala, si Heneral Ramon Bernardo at mga kasamahan niya ay nagaantay sa pagdating ng Supremo para sabay silang aatake sa Intramuros. Hindi dumating ang Supremo. Kagaya ni Pio del Pilar na naghihintay sa Libingan ng mga Ingles, Emilio Aguinaldo na nagaantay sa Tulay ng Marulas (naghihintay sa pagpatay ng ilaw sa Luneta), si Ramon Bernardo ay nag antay sa wala dahil ang Supremo nalasing at nakatulog hindi malayo sa simbahan ng Santuario del Rosario na nasa kalsada ng Blumentritt na ngayon.

Inabutan na ng umaga ng Agosto 30 1896 si Heneral Bernardo sa Sta Mesa at sila ay nakabanggaan ang isang maliit na destakamento na patungong El Deposito. Kinalaban ito ng hukbo ni Heneral Bernardo at madali nila itong na natalo. Hinabol nila ito nang biglang lumabas ang mga caballero na pinangungunahan ng Español na si Heneral Echaluche. Super diyahe ang pagkakatalo ni Heneral Bernardo at kanyang mga kasamahan na walang binatbat sa lakas ng puersa na dala ni Echaluche. Nagkawatak-watak ang mga taohan ni Bernardo at sila ay nagsipagtakbuhan sa iba-ibang direksyon. Si Heneral Bernardo at ilang mga kasama niya ay nagtungo sa Del Monte.

Ang pangkat naman ni Pio del Pilar na nagaantay sa Libingan ng mga Ingles sa bandang Makati ay nagwatak-watak na din. Nagkaniya-kaniyang uwi at matapang na hinarap kanilang mga may bahay na asar na asar sa kanila kasi nagmukha lang silang mga gago. Pero naguumpisa pa lamang ang kalbaryo nila dahil ilang oras pagkatapos magsiuwian ng mga taga Makati at ibang surrounding areas ay may pumutok ang labanan sa San Juan na babago sa kani-kanilang kapalaran.

Uwian Na! Uwian Na! Not So Fast!


Balikan natin ng ilang sandali bago ang enquentro na nag-disperse sa mga taohan ni Heneral Bernardo. Silipin natin ang ginagawa ng Supremo sa may San Juan. 

Matapos ang masarap na almusal ay nagpasiya ang Supremo na dalhin ang kaniyang mga kasamahan kasama ng mga taga Santolan pabalik sa Balara para magumpisa ulit ng plano. Back to the drawing board dahil bigo at bulilyaso ang lakad nila. Hindi natadhana na sila ay lulusob sa Intramuros. Magiintay muna ang Inang Bayan para sa inaasam na kalayaan.

Sumisilip pa lamang ang araw nang sila ay naglalakad hindi malayo sa Polvorin patungo ng Balara. Ang Polvorin sa San Juan ay isang gunpowder arsenal. Kung bakit hindi ito ang unang inatake bago pumunta sa Intramuros ay isang palaisipan. Gunpowder arsenal ito, meaning may mga armas dito at sila ay nangangailangan ng armas para sa matagumpay na paghihimagsik.

Sila ay namataan ng mga guardia ng nasabing gusali at sila ay sinigawan. Naririnig nila ang alingawngaw ng paulit-ulit na "Alto" ng mga guardiang sumisigaw pero mas nangibabaw ang masayang tawanan at kwentuhan. Patuloy sa pagsigaw ang mga guardia ngunit dedma lang ang malaking grupo ng mga kalalakihan. Kanila itong pinaputokan upang makuha ang kanilang attencion.

Biglang uminit ang ulo ng mga Katipunero at sila ay nagsilapitan. Nakakasindak na laki ng puersa ang tumambad sa harap ng Polvorin bagamat hindi lalagpas sa trenta ang taohan ng Supremo na may hawak na baril at lahat ay may armas na itak at sibat lamang.  Ang Polvorin ay may 65 na artillerymen sa ilalim ng pamumuno ni Capitan Rimbaud at lahat armado. 

Ang mga Katipunero ay may puersa ng 2000 katao na binubuo ng mga binatilyo at matatanda at lahat ay nakasuot ng pananamit na karaniwang sinusuot ng mga nagtatrabaho sa bukid. Sila ay pinamumunuan ng Supremo Andres Bonifacio at Emilio Jacinto.

Marahil ay ito na ang napapagusapang pagaalsa. Noon ay bulong-bulong lang, ngayon ay malakas na sigaw na.

Hindi nagtagal ay nagsimula din ang putukan. Dahil ang mga Español ay protektado ng matibay na pader, hindi kinaya ng mga Katipunero na agawin ang position. Lalong lalo na at problema ng Katipunan ang armas. Siguro ilang putok lang ay ubos na ang bala, puro ligaw pa ang mga tira! Ayon sa mga tala, walang nasugatang Español sa labanan. Di nagtagal ay dumating ang puersa ni Heneral Echaluche na bukod sa malaking contingent ng cavalry ay kasama pa ang infanteria ng 70th Regiment at may dalang mountain guns tulad ng 75mm Krupp at dito na natapos ang Katipunan sa Maynila. 

Madaling nagapi ang mga Katipuneros ng Maynila. Nagkagulo-gulo at nataranta ang mga taohan ni Andres Bonifacio. "Magkaniya-kaniya kayo ng ligtas," ang huling sigaw ng Supremo sa labanang ito at parang mga bola ng bilyar na sumabog matapos ang malakas na pagkakasargo ng matinik at experiensadong manlalaro ng bilyar at nagsipagtakbuhan sa iba't-ibang direksyon. May mga nagsipagtago sa mg kabahayanan malapit sa Polvorin at may malaking grupo naman na may mga baril ang nagsipagtago sa likod ng malaking bakod ng Vista Alegre at dito ay patuloy sila na namamaril ng mga kalaban para alagaan ang kanilang posicion. Sinundan ang mga nasa Vista Alegre ng mga infanteria sa utos ni Heneral Echaluche at patuloy na binomba ang posicion ng mga Katipunero. Hindi nagtagal ay inabandona ng mga Katipunero ang Vista Alegre. Ang mga Katipunero naman na nagsipagtago sa mga bahay-bahay ay isa-isang dinakip o tinodas ng mga puersa ni Echaluche sa ilalim ng command ni Capitan Olegario Diaz. Ang mga kawawang Katipunero na tumawid sa ilog ng San Juan ay hinarangan ng mga cavalleros at nagapi matapos ang maikli pero matinding bakbakan.

75mm Krupp Mountain Gun

Matindi na ang sikat ng araw ng matapos ang labanan. Nakakalat pa ang mga nasa 95 na bangkay ng mga Katipuneros sa kalsada. Sa mga Kastila naman ay may 15 na sugatan na madaling naagapan. Umabot ng isang araw pa at hindi pa rin naililigpit kung saan bumagsak ang kanilang mga katawan ng Katipuneros. Nakita ito ng isang negosyanteng Briton na naging historiador din nang siya ay mapadaan sa San Juan del Monte. Sinulat niya ang kaniyang nasaksihan: "The rebel slain had not yet been removed. We came across them everywhere - in the fields and in the gutters of the highroad. Old men and youth had joined in the scrimmage and, with one exception, every corpse we saw was attired in the usual working dress (of peasants)."

Malayo na ang Supremo, Emilio Jacinto at iba pa nilang mga kasamahan na nakatakas sa San Juan. Marahil ay namamahinga na sa ilalim ng punong kahoy at nagpapagaling ng sugat, kung may sugat man. Naisip kaya ng Supremo na marahil ay hindi tamang decision ang atakihin ang Polvorin ng walang sapat na kagamitan at magandang pagpaplano? Paano na lang kung natuloy ang pagatake sa Intramuros - makaligtas pa rin kaya ako sakaling natuloy ito? Handa ba ako na mamuno? Paano kung mawalan ng tiwala ang mga taong ito na handang magbuwis buhay para sa akin? Nararapat lang na bigyan ko sila ng kasiguruhan na ang sakripisyo nila ay mapapalitan ng tagumpay para sa Inang Bayan.

Nako, bakit ba kasi ako nakatulog? Blessing ba o curse? Kung hindi ako nakatulog, malamang magiging pataba na ako sa lupa ngayon dahil Polvorin lang di ko makuha, Intramuros pa kaya?

"Paano ngayon itong mga magbubukid na kasama ko na nagpunit ng cedula nila? Pagdududahan ang mga yan kapag hindi na nila maipakita ang cedula nila sa mga autoridad. Mukhang nailagay ko sa peligro ang mga buhay nila ah? He he he. Saan kaya sila pupunta? Siguro titira na lang kaming lahat sa yungib. Meron akong alam sa bandang Tapusi. Malamig doon at malayo sa mga Kastila. Puede kami mabuhay doon ng 200 taon kagaya na lang ng ginawa ni Dagohoy. Aba, baka makilala rin ang aking kilusan sa tagal ng pagaaklas! Gawin ko pa 300 taon para mahirap basagin. Hindi makakalimutan ang pangalan ko sa kasaysayan ng ating bayan! He he he."

"Paano na pala yung mukhang tanga na pabalik-balik sa campo ko kagabi? Ano ba pangalan ng hudas na yun? Si Pio del Pilar ayun! Ano kaya nangyari doon? Baka tumuloy siya sa Intramuros. Sana magdala siya ng cañon. Mahirap pala pag wala kang sapat na armas. Teka, nakalimutan ko pala maghanap ng cañon ano? Dahil sabi ko magpapaputok ako ng cañon bilang isa sa mga hudyatan. Nayari na. Sana hindi sila dinampot dahil mukhang naalerto ang Intramuros dahil sa ingay na ginawa ko." 

(Magkukrus ulit ang landas nila sa Cavite dahil ang mga Katipuneros sa Maynila ay nag-alsa balutan papunta sa Cavite at yan ay tatalakayin natin sa susunod na articulo).

Maraming bagay na bumabagabag sa isip niya. 

Ang mga karagdagang tanong din na dapat niyang isipin ay:

"Bakit biglang nagpakita ang isang napakalakas na puersa? Alam ba nila na kami ay susugod? Siguro dapat pinutol ko yung cable sa Polvorin nang sa gayon ay hindi nakapagpadala ng telegrama at nakahingi ng saklolo ang Polvorin sa Intramuros? Sa laki ng puersa na nagpakita maaaring nakapagpadala nga ng mensahe ang Polvorin. May cañon pa ang mga gago! O ako yung gago? Bakit di ko naisip na putulin yun? Nako si Heneral Bernardo ay nasa Sta Mesa noong mga oras na yun at hindi kami nakapagkita. Sana ay nasa mas mabuti siyang kapalaran at hindi sana siya nakasalubong ng mga taohan ni Echaluche na pinadala sa San Juan para tirisin kami dahil sa aking kapalpakan. Tsk, napahamak si Heneral Bernardo dahil sa akin. Bobo ba ako?"







Sources:

A Trilogy of Wars - Marconi M Dioso, Chapter 8, p. 70-71

La Insurreccion en Filipinas, p.69

Katipunan At Ang Himagsikan - Santiago Alvarez

Light of Liberty - Jim Richardson












Saturday, September 16, 2023

Walang Kinalaman Ang Chemistry

Sino ang basketball megamind sa Pilipinas?

Itong chemistry ay hindi sanhi ng pagkabigo ng Pilipinas sa international tournaments. Ilang beses itong inuulit-ulit sa media at laging talking point ng kung sino mang mapipiling coach. Ito ay palusot na naka-laminate na at laging nilalabas na parang Get Out Of Jail card tuwing mabibigo at magpapakita ng super diyahe na display sa mga tournaments. The best explanation is the simplest one. Ayaw na kasi nating mag analisa at mag-isip dahil sa matinding katamaran na ingrained na sa ating cultura at dala na rin ng sobrang kabobohan.

Kaya tuwing olats ang laging talking points ay lack of preparation time, lack of team chemistry. Minsan nasasali pa ang officiating sa listahan ng mga grievances at palusot ng mga poncio pilatong coach natin na brilliant tactician at basketball mastermind sa isip lang nila. Akala mo naman kung pabor sa atin ang tawag ng mga referee ay mananalo pa rin tayo. Wala ka magagawa sa superior na offensive rebounding at outside shooting ng kalaban natin. At kung wala kang magandang defensive strategy eh mas lalong sasarap ang shooting ng kahit sinong makalaban natin.

Ito isipin niyo. Lahat ng bansa ay wala rin panahon at oras na mag-ensayo at magsanay ng matagal na panahon. Ang national team ay hindi kagaya ng basketball club na naglalaro sa isang tournament at magkakasama ng matagal na panahon at may oras para magamay sa mga complicadong offensive strategy kagaya ng triangle offense. Ang Chicago Bulls ay inabot ng tatlong taon para masanay at magamay ang strategy na yan. Sa international tournaments meron ka lang 3 lingo na pagkakataon para magsanay at 4 lingo para maglaro at gamitin ang inyong mga natutunan.

Yan ang realidad ng international basketball at magagawa mo lang ay kung ano mang humanly na magagawa mo. 

Ang Pilipinas kung tutuusin ay may naghahanda ng mas maaga kung ikukumpara sa ibang bansa. Itong nakaraang World Cup Basketball, sumali pa sa pocket tournaments sa China. Ginamit pa ang SEA Games para mag training. Ginamit pare-parehong players dahil may iisang pool na unti-unting binabawasan habang lumalapit ang tournament. May sapat na oras tayo na napaghandaan yan. Noong 1998 ay nagsama pa ng 2 taon.

Mas mainam na matuto ang team ng offensive strategy na makakabasag at sa mga defensive strategies na maaaring gamitin. Dapat may offensive strategy na magagamit laban sa 2-3 zone, 3-2 zone, man to man, full court press. Ang man to man at full court press ay ginagamit sa professional leagues kagaya ng PBA kaya madaling makakapag-adjust ang mga players ng Pilipinas lalo na at puro professional ang gusto nating ipadala.

Noong Jones Cup na sinalihan natin mga 2008 at ang ginamit ng basketball mastermind ay ang Megamind ng basketball sa Pilipinas na si Yeng Guiao. Yung sobrang galing na coach hindi naniniwala sa regular na starting five basta sino hugutin niya sa bench para mag start sa team niya yun na yun talagang Megamind naubos buhok sa sobrang tindi na radiation sa utak niya. Hindi niya kayang basagin ang zone defense ng kalaban kasi puro bwakaw pinadalang player kaya hindi makascore sa transition. Mga player niya kagaya ni Cyrus Baguio na inuuna porma ayaw ipasa ang bola sa una para maka-score sa fastbreak. Sobrang megamind talaga. Yan ang madami tayo mga basketball megaminds.

Sa nakaraang World Cup Basketball ang ating basketball genius na si Chot Reyes puro na naman chemistry ang palusot. Eh kung titingnan mo mabuti ang dahilan ng pagkatalo nila ay dahil sa individual errors. Walang kinalaman sa chemistry. Ang gusto ata ng basketball scientist na si Chot Reyes ay magsuot ng labcoat ang mga players at magtimpla ng mga chemical sa court eh. 

Individual errors, uulitin ko. At ang individual errors ay sanhi ng low basketball IQ ng mga player. Kung tutuusin ay hindi naman kasalanan ng mga basketball megaminds natin yan. Yan ang kasalanan basketball culture sa Pilipinas na dapat i-correct ng basketball governing body kagaya ng SBP. Balikan niyo grassroots at gabayan ng mabuti mga kabataan at coaches. Diyan manggagaling future players at balang araw maging totoong mga megaminds ng basketball ang mga hudas na yan. 



Tuesday, September 12, 2023

Ang Realidad Ng Basketball Natin


Matapos ang pagkabigo ng Team USA contra sa Alemania (Germany), isang local Filipino sports reporter ang nagtanong kay US coach Steve Kerr kung mas mainam ba na mag practice ng mas matagal. Sagot ni Steve Kerr ay unrealistic ang magsama-sama at mag practice ng mas mahabang panahon. 

Yan ang matagal ko nang sinasabi dito. Ang paniniwala natin na ang susi sa isang matagumpay na tournament ay isang napakahabang preparation mapa-Asian Games man or World Cup Qualifiers. Tayo lang sa buong mundo ang gumagawa nito. Ang ibang bansa na-mamanage na mag assemble ng competitive na team ilang lingo bago magumpisa ang tournament gamit mga amateur players at nilalampaso mga players natin na puro professional na naghanda ng dalawang taon. 

Ang resulta, super diyahe na laro, nagkalat ng tae parang mga hindi professional players, nabanat ng husto at nagmukhang uugod-ugod. Ang yayabang pa ng mga coaches na mo mga master tacticians sa basketball, todo ang marketing talagang may slogan pa, logo at sangkatutak na TV spots. Tapos resulta bokya. 

Tapos sisisihin ang kawawang PBA na naturingang the oldest pay for play basketball loop sa Asia. Matapos mag sakripisyo, nag adjust ng schedule, pagbibigay daan, tumuwad pwet para turbuhin ng mga gunggong ay siya pang nasisi at lahat ng hintuturo na may tae sa dulo parang nagkamot ng pwet mga naninisi ay nakaturo lahat sa PBA. Kawawa naman!

Pagbintangan kaagad ang PBA na kesyo hindi nagpahiram ng players ng mas maaga kahit na mahabang panahon na nga binigay para ipagamit ang top players nila o outdated na ang style of play dahil professional rules ang nakasanayan ng mga players natin eh ano pa ba inaasahan niyo mga gung-gong talaga namang pro league ang PBA ano ba magagawa niyo eh kayo naman ang gusto ng mga professional players in the first place, diba?

Yan kasi ang problema eh kung walang maka-identify ng totoong problema. Bukod sa pinaka-obvious na problema na puro mga pisot pinapadala. Alam na nga natin na mas pisikal ang laro sa international game tapos magpapadala ng mga undersized na players. Importante pa rin na ma-identify natin ang problema. At base sa sagot ni Steve Kerr, na-identify na natin ang isa sa mga problema. Ngayon, isa-isahin natin ang iba pang mga problema.

Bago tayo pumunta sa ibang issues, pag-usapan pa natin ang preparation time. Hindi talaga ito realistic. Kita niyo naman yung ibang players natin na naglalaro sa ibang bansa kagaya ng Japan at South Korea ay hindi makakasali sa Asian Games. Kung hindi tayo nag export ng mga players sa mga liga sa ibang bansa ay hindi natin makikita ito. Panahon natin para maintindihan na ang Asian Games ay sadiyang wala sa calendar of events ng FIBA. Hindi ito sanctioned kaya ang mga liga ay hindi obligado na magpadala ng players diyan. Akala niyo ba ang ibang bansa naghahanda ng kasing tagal natin? Nagsasama lang sila pag available na mga players nila mula Europe, NBA, Australia, South America etc. Ang Gilas Pilipinas na hinawakan ni Reyes ay taon nag practice yan. Malaking pool yan tapos nag-eensayo kahit off season. Sinakripisyo na nila mga vacation nila. Wala pa rin. Kaya puede ba maging realistic naman tayo?

Low Basketball IQ

Isa sa mga obvious issues sa players natin ay ang low basketball IQ. Ang mga turnovers at errors na kino-commit ng mga players natin ay hindi resulta ng lack of preparation time. Ito ay resulta ng low basketball IQ. Mahina ang basketball instinct at abilidad na mag adapt sa iba't-ibang situation. Resulta ito marahil ng mahinang basketball foundation sa ating bansa. Masdan niyo mga naglalaro sa mga paliga sa atin, doon niyo malalaman ang sagot. May mga paliga na ang mga taong nanonood ng laro ay nakapalibot na sa loob ng playing court. Hindi ngayon magamit ng mga players ang buong court. May mga ring na tabingi. Akala niyo mahahasa kayo sa ring na tabingi? May mga court na hindi sumusunod sa regulations kagaya ng ibang court na mas malayo ang three point line, may iba naman na mas malapit nag three point line. May mga court na mas mababa etc. Tapos mga teams walang proper coaching. Si tropa lang nag co-coach o kung sinong mayabang na taga bario nila. May mga referee na walang alam sa rules, pito lang ng pito. Nasasanay sa one on one plays ang mga players at hindi napopromote ang team basketball. Yan po kaya mababa IQ. At yan ang grassroots natin. Pag akyat nila sa UAAP ay marami na silang bad habits na dala buhat sa paglalaro sa mga mabababang liga na pinanggalingan nila. At minsan ang mga bad habits na yan ay mahirap nang alisin. Kung ang mga players natin mataas ang basketball IQ ay magiging competitive tayo kahit paghandaan ang Olympics ng dalawang lingo lang.

Poor Scouting

May isang palusot si Banchot Reyes kung bakit natalo tayo sa SEA Games laban sa Indonesia. Tinago daw ng Indonesia yung import nila na si Marques Bolden. Isang search lang sa YouTube at lalabas ang mga clips ni Marques Bolden. Ang daming clips na lalabas lalo na sa college games niya. Mahina mag analyze ang PBA coaches ng scouting. Kahit mag scout mga yan, naka focus lang sila sa individual abilities ng isang player. Pustahan tayo hindi sila maka-basa ng mga tendencies ng isang team. Kaya nga noong laban contra sa Dominicana hindi nila alam kung ano gagawin pag full court press sila. Tatlong inbounding errors na commit natin dahil sa poor reaction sa mga defensive changes. Nagsayang pa ng pera para ipadala si Tim Cone sa Dominican Republic para mag masid doon. Baka ibang team ang pinakita sa kaniya. Siguro sa dami din ng mga laro ng Pilipinas bago dumating sa World Cup ay napadali ang scouting sa atin. Alam niyo na naman, 2023 kaya marami nang paraan para mag scout. Tayo lang yata ang hindi marunong.

Poor Coaching

Sinabi ko na noon ito at hindi ako titigil kakasabi nito. Banban mga coaches natin dahil sa walang karanasan sa basketball. Mga hindi naglaro ng basketball sa mataas na level pero sila magtuturo sa atin ng basketball. Ano pa ba aasahan mo? Si Josh Reyes ang naatasang magbigay ng coaching sa offensive strategy ng team? Ano alam niya? Pagdating sa international game, na alam nating wala siyang karanasan, saan siya huhugot ng karunungan? Huhugot siya ng tae sa tumbong niya?

Hindi rin uubra yung napaka-complicated na basketball tactics kagaya ng ginawa ni Tim Cone noon sa Philippine Centennial team kung saan nag triangle offense sila. Kaya dalawang taon naghanda ang team na yun, napa-away pa sa US dahil nilalampaso ng mga college teams. Tapos tuwang-tuwa na nung makapanalo laban sa isang college team din. 

Triangle offense? Hindi talaga puede yan kaya napipilitan maghanda ng matagal eh. Puede lang yan sa mga club teams na magsasama ng matagal at naglalaro lang iisang liga. Yung Chicago Bulls inabot ng tatlong taon bago nila nagamay yan. At pinatay ang triangle offense ng zone defense. Walang nangyari sa 2 taon na preparation ni Tim Cone. 

At yang small ball na pinipilit ni Chot Reyes. Ilang beses nang sinalpak yan sa mukha niya na hindi yan uubra! Pero pilit ng pilit! Ngayon, gusto na naman sumingit sa eksena, mang-susulsul na naman sa national team. Puede ba siyang lumayas na sa pag coach ng national team habang buhay? Napatunayan na niya na banban coach siya eh kaya puede ba ano pa ba ang kailangan niyang patunayan eh alam na nating lahat na banban siya?

Ang mga kalaban natin gumagamit lang ng simpleng offensive strategy. Fluid ang offense nila gamit mga players na sakto sa international game at may mataas na basketball IQ. Mga bagay na hindi natin ginagamit at sadiyang hindi kayang matutunan at maituro ng mga coach natin. Dagdag niyo pa na may SBP tayo na expert sa politica, yes politica lang ang kaya nila at walang totoong plano para i-uplift ang grassroots at tulungan ang coaches sa grassroots level.

Lack of Exposure 

Bigyan ng tamang exposure ang mga amateur players natin. Sa SEA Games at Asian Games at ano mang non FIBA sanctioned event, ipadala ang mga amateur players. Hindi na natin kailangan mga PBA players ay istorbohin ang mga schedule nila. Mag payoff din yan sa hinaharap. Tingnan niyo si Tab walang takot na gamitin mga amateur players. Mga prima donna PBA coaches na akala mo kung sinong mga master tacticians eh hindi makaporma pag hindi superstars hinawakan.

Ito puntahan niyo marami na akong nasulat tungkol sa coaching at grassroots development program natin - https://philippinesthesickmanofasia.blogspot.com/2023/08/bakit-wala-na-tayong-pagasa-sa.html

May mga nasabi din ako sa coaching at BCAP na talagang pahirap sa buhay natin noon pa - https://philippinesthesickmanofasia.blogspot.com/2022/07/wala-asenso-basketball-dahil-sa-bcap.html



Monday, September 4, 2023

Ang Taas Ng Pride Ni Chot Reyes


Ang dahilan kaya nagpumilit siya na magmando ng National Team ay dahil sa taas ng kanyang pride. Ayaw niya aminin na may mas mahusay mag coach sa kaniya at banyaga pa. Di niya matanggap yan siguro dahil na rin sa hindi siya umubra sa basketball noong kabataan niya kaya pinasok niya coaching na lang kasi matalino daw siya. Ayun, kulang sa karanasan kaya walang mahugot pag natatalo na sa isang encuentro at kalaban mas well trained, mas matatangkad at may mas mahusay na coach. Gusto niya lang na siya ang kilalanin na pinakamagaling na coach sa Pilipinas at makarinig ng papuri sa mga counterparts na coach. 

Kung hindi mataas ang pride niya sana naiwasan niya na humantong dito na iniinsulto siya at pinagtatawanan. Siya sana ay nagresign habang may panahon pa! Sana ay ipinaubaya niya sa iba ang trabaho na hindi na niya kayang gampanan! Mahirap man tanggapin, sadiyang hindi siya ang nararapat na mag-mando ng National Team dahil sa wala siyang sapat na karanasan at talino para dalhin ang Pambansang Koponan natin sa Basketball! Ngunit talagang pinilit niya ang gusto niya at talagang siya ay may nais patunayan! Ginusto niya yan tapos ngayon iiyak na siya?

At ugaling Dilawan na anihin ang ano mang tinanim ng iba. Maganda na takbo ng National Team sa pamamalakad ni Toroman, umepal siya. Ganon din nangyari nang hawakan ni Baldwin ang National Team at umepal na naman siya. May pattern eh hindi talaga maikakaila. 

Importante din na siya ay nasa SBP para sa kasiguruhan ng tagumpay ng anak niya na balang araw ay pinapangarap niya na malagpasan siya. Hinaharangan nila mga players na nais mag coach. Ang mga retired basketball players dapat ang nagco-coach dahil yan ang natural progression nila. Pag retiro ng isang dating manlalaro sila ay dapat nagtuturo. Ipinapasa nila ang mga natutunan nila at kung maaari ay magbigay at mag introduce ng bagong innovation sa laro. Eh paano mag progress ang mga kabataan kung ang coach ay walang alam? 

Sana ito ay magsilbing aral sa mga kagaya ni Chot Reyes at ng SBP na siyang tagapamahala sa lahat ng basketball affairs ng Pilipinas. Huwag mashadong ma-pride. Kasalanan yan, nasa biblia kaya yan! Sana ay may natutunan si Chot Reyes dito at magsilbing learning experience na kanyang susundin at hindi na niya ipipilit ang sarili niya sa National Team upang tayo ay muling bwisitin!

Mag-ingat din sa papuri sa Gilas Pilipinas sa kanilang tagumpay laban sa China dahil ang papuri ay nakakalasing sa mga taong kagaya ni Reyes na mataas ang pride at baka maisipang umisa pa. Baka magnasang maka-ulit. Sana talaga ay hindi na siya bumalik at araw-araw ating ulit-ulitin - siya ang pinakabobong coach ng basketball na nakita natin sa buong buhay natin mula ngayon hanggang sa susunod na buhay! Kaya sana ay huwag na siya mag balik at mag enjoy siya sa kaniyang pagretiro.

Pweh!

Classic Catch 22 - Kawawang Pilipinas Ang Bansa Ng Mga Ugok!

Sa kalaunan, kawawa ang taong bayan. Naging laruan lamang ng mga tarantado at gagong bugok ang bayan natin. Ayaw natin sa Duterte, ngayon ka...