https://indiosbravos.mixlr.com/events/2753134
Live tayo boys! 1040pm antay lang kayo pasok ako. Hindi niyo na kailangan mag sign up sa Mixlr at sa pagkakaalam ko puede gamitin FB. Anyway, yung link nasa itaas.
https://indiosbravos.mixlr.com/events/2753134
Live tayo boys! 1040pm antay lang kayo pasok ako. Hindi niyo na kailangan mag sign up sa Mixlr at sa pagkakaalam ko puede gamitin FB. Anyway, yung link nasa itaas.
![]() |
| Andres Bonifacio |
![]() |
| Depiction ng San Juan |
![]() |
| Ito kaya ang Polvorin? |
![]() |
| 75mm Krupp Mountain Gun |
![]() |
| Sino ang basketball megamind sa Pilipinas? |
Itong chemistry ay hindi sanhi ng pagkabigo ng Pilipinas sa international tournaments. Ilang beses itong inuulit-ulit sa media at laging talking point ng kung sino mang mapipiling coach. Ito ay palusot na naka-laminate na at laging nilalabas na parang Get Out Of Jail card tuwing mabibigo at magpapakita ng super diyahe na display sa mga tournaments. The best explanation is the simplest one. Ayaw na kasi nating mag analisa at mag-isip dahil sa matinding katamaran na ingrained na sa ating cultura at dala na rin ng sobrang kabobohan.
Kaya tuwing olats ang laging talking points ay lack of preparation time, lack of team chemistry. Minsan nasasali pa ang officiating sa listahan ng mga grievances at palusot ng mga poncio pilatong coach natin na brilliant tactician at basketball mastermind sa isip lang nila. Akala mo naman kung pabor sa atin ang tawag ng mga referee ay mananalo pa rin tayo. Wala ka magagawa sa superior na offensive rebounding at outside shooting ng kalaban natin. At kung wala kang magandang defensive strategy eh mas lalong sasarap ang shooting ng kahit sinong makalaban natin.
Ito isipin niyo. Lahat ng bansa ay wala rin panahon at oras na mag-ensayo at magsanay ng matagal na panahon. Ang national team ay hindi kagaya ng basketball club na naglalaro sa isang tournament at magkakasama ng matagal na panahon at may oras para magamay sa mga complicadong offensive strategy kagaya ng triangle offense. Ang Chicago Bulls ay inabot ng tatlong taon para masanay at magamay ang strategy na yan. Sa international tournaments meron ka lang 3 lingo na pagkakataon para magsanay at 4 lingo para maglaro at gamitin ang inyong mga natutunan.
Yan ang realidad ng international basketball at magagawa mo lang ay kung ano mang humanly na magagawa mo.
Ang Pilipinas kung tutuusin ay may naghahanda ng mas maaga kung ikukumpara sa ibang bansa. Itong nakaraang World Cup Basketball, sumali pa sa pocket tournaments sa China. Ginamit pa ang SEA Games para mag training. Ginamit pare-parehong players dahil may iisang pool na unti-unting binabawasan habang lumalapit ang tournament. May sapat na oras tayo na napaghandaan yan. Noong 1998 ay nagsama pa ng 2 taon.
Mas mainam na matuto ang team ng offensive strategy na makakabasag at sa mga defensive strategies na maaaring gamitin. Dapat may offensive strategy na magagamit laban sa 2-3 zone, 3-2 zone, man to man, full court press. Ang man to man at full court press ay ginagamit sa professional leagues kagaya ng PBA kaya madaling makakapag-adjust ang mga players ng Pilipinas lalo na at puro professional ang gusto nating ipadala.
Noong Jones Cup na sinalihan natin mga 2008 at ang ginamit ng basketball mastermind ay ang Megamind ng basketball sa Pilipinas na si Yeng Guiao. Yung sobrang galing na coach hindi naniniwala sa regular na starting five basta sino hugutin niya sa bench para mag start sa team niya yun na yun talagang Megamind naubos buhok sa sobrang tindi na radiation sa utak niya. Hindi niya kayang basagin ang zone defense ng kalaban kasi puro bwakaw pinadalang player kaya hindi makascore sa transition. Mga player niya kagaya ni Cyrus Baguio na inuuna porma ayaw ipasa ang bola sa una para maka-score sa fastbreak. Sobrang megamind talaga. Yan ang madami tayo mga basketball megaminds.
Sa nakaraang World Cup Basketball ang ating basketball genius na si Chot Reyes puro na naman chemistry ang palusot. Eh kung titingnan mo mabuti ang dahilan ng pagkatalo nila ay dahil sa individual errors. Walang kinalaman sa chemistry. Ang gusto ata ng basketball scientist na si Chot Reyes ay magsuot ng labcoat ang mga players at magtimpla ng mga chemical sa court eh.
Individual errors, uulitin ko. At ang individual errors ay sanhi ng low basketball IQ ng mga player. Kung tutuusin ay hindi naman kasalanan ng mga basketball megaminds natin yan. Yan ang kasalanan basketball culture sa Pilipinas na dapat i-correct ng basketball governing body kagaya ng SBP. Balikan niyo grassroots at gabayan ng mabuti mga kabataan at coaches. Diyan manggagaling future players at balang araw maging totoong mga megaminds ng basketball ang mga hudas na yan.
Matapos ang pagkabigo ng Team USA contra sa Alemania (Germany), isang local Filipino sports reporter ang nagtanong kay US coach Steve Kerr kung mas mainam ba na mag practice ng mas matagal. Sagot ni Steve Kerr ay unrealistic ang magsama-sama at mag practice ng mas mahabang panahon.
Yan ang matagal ko nang sinasabi dito. Ang paniniwala natin na ang susi sa isang matagumpay na tournament ay isang napakahabang preparation mapa-Asian Games man or World Cup Qualifiers. Tayo lang sa buong mundo ang gumagawa nito. Ang ibang bansa na-mamanage na mag assemble ng competitive na team ilang lingo bago magumpisa ang tournament gamit mga amateur players at nilalampaso mga players natin na puro professional na naghanda ng dalawang taon.
Ang resulta, super diyahe na laro, nagkalat ng tae parang mga hindi professional players, nabanat ng husto at nagmukhang uugod-ugod. Ang yayabang pa ng mga coaches na mo mga master tacticians sa basketball, todo ang marketing talagang may slogan pa, logo at sangkatutak na TV spots. Tapos resulta bokya.
Tapos sisisihin ang kawawang PBA na naturingang the oldest pay for play basketball loop sa Asia. Matapos mag sakripisyo, nag adjust ng schedule, pagbibigay daan, tumuwad pwet para turbuhin ng mga gunggong ay siya pang nasisi at lahat ng hintuturo na may tae sa dulo parang nagkamot ng pwet mga naninisi ay nakaturo lahat sa PBA. Kawawa naman!
Pagbintangan kaagad ang PBA na kesyo hindi nagpahiram ng players ng mas maaga kahit na mahabang panahon na nga binigay para ipagamit ang top players nila o outdated na ang style of play dahil professional rules ang nakasanayan ng mga players natin eh ano pa ba inaasahan niyo mga gung-gong talaga namang pro league ang PBA ano ba magagawa niyo eh kayo naman ang gusto ng mga professional players in the first place, diba?
Yan kasi ang problema eh kung walang maka-identify ng totoong problema. Bukod sa pinaka-obvious na problema na puro mga pisot pinapadala. Alam na nga natin na mas pisikal ang laro sa international game tapos magpapadala ng mga undersized na players. Importante pa rin na ma-identify natin ang problema. At base sa sagot ni Steve Kerr, na-identify na natin ang isa sa mga problema. Ngayon, isa-isahin natin ang iba pang mga problema.
Isa sa mga obvious issues sa players natin ay ang low basketball IQ. Ang mga turnovers at errors na kino-commit ng mga players natin ay hindi resulta ng lack of preparation time. Ito ay resulta ng low basketball IQ. Mahina ang basketball instinct at abilidad na mag adapt sa iba't-ibang situation. Resulta ito marahil ng mahinang basketball foundation sa ating bansa. Masdan niyo mga naglalaro sa mga paliga sa atin, doon niyo malalaman ang sagot. May mga paliga na ang mga taong nanonood ng laro ay nakapalibot na sa loob ng playing court. Hindi ngayon magamit ng mga players ang buong court. May mga ring na tabingi. Akala niyo mahahasa kayo sa ring na tabingi? May mga court na hindi sumusunod sa regulations kagaya ng ibang court na mas malayo ang three point line, may iba naman na mas malapit nag three point line. May mga court na mas mababa etc. Tapos mga teams walang proper coaching. Si tropa lang nag co-coach o kung sinong mayabang na taga bario nila. May mga referee na walang alam sa rules, pito lang ng pito. Nasasanay sa one on one plays ang mga players at hindi napopromote ang team basketball. Yan po kaya mababa IQ. At yan ang grassroots natin. Pag akyat nila sa UAAP ay marami na silang bad habits na dala buhat sa paglalaro sa mga mabababang liga na pinanggalingan nila. At minsan ang mga bad habits na yan ay mahirap nang alisin. Kung ang mga players natin mataas ang basketball IQ ay magiging competitive tayo kahit paghandaan ang Olympics ng dalawang lingo lang.
May isang palusot si Banchot Reyes kung bakit natalo tayo sa SEA Games laban sa Indonesia. Tinago daw ng Indonesia yung import nila na si Marques Bolden. Isang search lang sa YouTube at lalabas ang mga clips ni Marques Bolden. Ang daming clips na lalabas lalo na sa college games niya. Mahina mag analyze ang PBA coaches ng scouting. Kahit mag scout mga yan, naka focus lang sila sa individual abilities ng isang player. Pustahan tayo hindi sila maka-basa ng mga tendencies ng isang team. Kaya nga noong laban contra sa Dominicana hindi nila alam kung ano gagawin pag full court press sila. Tatlong inbounding errors na commit natin dahil sa poor reaction sa mga defensive changes. Nagsayang pa ng pera para ipadala si Tim Cone sa Dominican Republic para mag masid doon. Baka ibang team ang pinakita sa kaniya. Siguro sa dami din ng mga laro ng Pilipinas bago dumating sa World Cup ay napadali ang scouting sa atin. Alam niyo na naman, 2023 kaya marami nang paraan para mag scout. Tayo lang yata ang hindi marunong.
Sinabi ko na noon ito at hindi ako titigil kakasabi nito. Banban mga coaches natin dahil sa walang karanasan sa basketball. Mga hindi naglaro ng basketball sa mataas na level pero sila magtuturo sa atin ng basketball. Ano pa ba aasahan mo? Si Josh Reyes ang naatasang magbigay ng coaching sa offensive strategy ng team? Ano alam niya? Pagdating sa international game, na alam nating wala siyang karanasan, saan siya huhugot ng karunungan? Huhugot siya ng tae sa tumbong niya?
Hindi rin uubra yung napaka-complicated na basketball tactics kagaya ng ginawa ni Tim Cone noon sa Philippine Centennial team kung saan nag triangle offense sila. Kaya dalawang taon naghanda ang team na yun, napa-away pa sa US dahil nilalampaso ng mga college teams. Tapos tuwang-tuwa na nung makapanalo laban sa isang college team din.
Triangle offense? Hindi talaga puede yan kaya napipilitan maghanda ng matagal eh. Puede lang yan sa mga club teams na magsasama ng matagal at naglalaro lang iisang liga. Yung Chicago Bulls inabot ng tatlong taon bago nila nagamay yan. At pinatay ang triangle offense ng zone defense. Walang nangyari sa 2 taon na preparation ni Tim Cone.
At yang small ball na pinipilit ni Chot Reyes. Ilang beses nang sinalpak yan sa mukha niya na hindi yan uubra! Pero pilit ng pilit! Ngayon, gusto na naman sumingit sa eksena, mang-susulsul na naman sa national team. Puede ba siyang lumayas na sa pag coach ng national team habang buhay? Napatunayan na niya na banban coach siya eh kaya puede ba ano pa ba ang kailangan niyang patunayan eh alam na nating lahat na banban siya?
Ang mga kalaban natin gumagamit lang ng simpleng offensive strategy. Fluid ang offense nila gamit mga players na sakto sa international game at may mataas na basketball IQ. Mga bagay na hindi natin ginagamit at sadiyang hindi kayang matutunan at maituro ng mga coach natin. Dagdag niyo pa na may SBP tayo na expert sa politica, yes politica lang ang kaya nila at walang totoong plano para i-uplift ang grassroots at tulungan ang coaches sa grassroots level.
Bigyan ng tamang exposure ang mga amateur players natin. Sa SEA Games at Asian Games at ano mang non FIBA sanctioned event, ipadala ang mga amateur players. Hindi na natin kailangan mga PBA players ay istorbohin ang mga schedule nila. Mag payoff din yan sa hinaharap. Tingnan niyo si Tab walang takot na gamitin mga amateur players. Mga prima donna PBA coaches na akala mo kung sinong mga master tacticians eh hindi makaporma pag hindi superstars hinawakan.
Ito puntahan niyo marami na akong nasulat tungkol sa coaching at grassroots development program natin - https://philippinesthesickmanofasia.blogspot.com/2023/08/bakit-wala-na-tayong-pagasa-sa.html
May mga nasabi din ako sa coaching at BCAP na talagang pahirap sa buhay natin noon pa - https://philippinesthesickmanofasia.blogspot.com/2022/07/wala-asenso-basketball-dahil-sa-bcap.html
Ang dahilan kaya nagpumilit siya na magmando ng National Team ay dahil sa taas ng kanyang pride. Ayaw niya aminin na may mas mahusay mag coach sa kaniya at banyaga pa. Di niya matanggap yan siguro dahil na rin sa hindi siya umubra sa basketball noong kabataan niya kaya pinasok niya coaching na lang kasi matalino daw siya. Ayun, kulang sa karanasan kaya walang mahugot pag natatalo na sa isang encuentro at kalaban mas well trained, mas matatangkad at may mas mahusay na coach. Gusto niya lang na siya ang kilalanin na pinakamagaling na coach sa Pilipinas at makarinig ng papuri sa mga counterparts na coach.
Kung hindi mataas ang pride niya sana naiwasan niya na humantong dito na iniinsulto siya at pinagtatawanan. Siya sana ay nagresign habang may panahon pa! Sana ay ipinaubaya niya sa iba ang trabaho na hindi na niya kayang gampanan! Mahirap man tanggapin, sadiyang hindi siya ang nararapat na mag-mando ng National Team dahil sa wala siyang sapat na karanasan at talino para dalhin ang Pambansang Koponan natin sa Basketball! Ngunit talagang pinilit niya ang gusto niya at talagang siya ay may nais patunayan! Ginusto niya yan tapos ngayon iiyak na siya?
At ugaling Dilawan na anihin ang ano mang tinanim ng iba. Maganda na takbo ng National Team sa pamamalakad ni Toroman, umepal siya. Ganon din nangyari nang hawakan ni Baldwin ang National Team at umepal na naman siya. May pattern eh hindi talaga maikakaila.
Importante din na siya ay nasa SBP para sa kasiguruhan ng tagumpay ng anak niya na balang araw ay pinapangarap niya na malagpasan siya. Hinaharangan nila mga players na nais mag coach. Ang mga retired basketball players dapat ang nagco-coach dahil yan ang natural progression nila. Pag retiro ng isang dating manlalaro sila ay dapat nagtuturo. Ipinapasa nila ang mga natutunan nila at kung maaari ay magbigay at mag introduce ng bagong innovation sa laro. Eh paano mag progress ang mga kabataan kung ang coach ay walang alam?
Sana ito ay magsilbing aral sa mga kagaya ni Chot Reyes at ng SBP na siyang tagapamahala sa lahat ng basketball affairs ng Pilipinas. Huwag mashadong ma-pride. Kasalanan yan, nasa biblia kaya yan! Sana ay may natutunan si Chot Reyes dito at magsilbing learning experience na kanyang susundin at hindi na niya ipipilit ang sarili niya sa National Team upang tayo ay muling bwisitin!
Mag-ingat din sa papuri sa Gilas Pilipinas sa kanilang tagumpay laban sa China dahil ang papuri ay nakakalasing sa mga taong kagaya ni Reyes na mataas ang pride at baka maisipang umisa pa. Baka magnasang maka-ulit. Sana talaga ay hindi na siya bumalik at araw-araw ating ulit-ulitin - siya ang pinakabobong coach ng basketball na nakita natin sa buong buhay natin mula ngayon hanggang sa susunod na buhay! Kaya sana ay huwag na siya mag balik at mag enjoy siya sa kaniyang pagretiro.
Pweh!
https://indiosbravos.mixlr.com/events/2693235
Live tayo mga pare ko!
930pm diyan
Dami magagandang kanta at shempre paguusapan natin ang FIBA World Cup Campaign ng Pinas at ang pag resign ni Chot Reyes!
![]() |
| Boss, ito na tumbong ko. Madumi yan. |
Kalimutan niyo na yang Olympic slot na yan. Dadaan na naman tayo sa mata ng karayom para makasali diyan. Hayaan niyo may pagkakataon tayo para diyan pero first things first - kailangan ng pagbabago sa SBP at alisin mga hinayupak na yan lahat diyan mula coach at mga assistants niya hanggang sa pamunuan kagaya nila Panlilio. Alisin ang Bobong Mafia sa SBP.
Dinala tayo ng South Sudan sa escuela at pinakitaan tayo ng fluid basketball at disciplined defense. NBA veterans ang iba sa line up ng South Sudan kaya alam na natin na mas lamang ang basketball program nila sa atin ng ilang taon. Hindi lang alam yan ng mga mang-mang sa bayan natin karamihan sa kanila mga Ginebra fans.
Bobong supot talaga mga fans ng Ginebra. Nabubwisit ako makita mga comments nila na pakalat-kalat sa socmed. Malalaman mo na bobong Ginebra fan yan pag nag cocomment na ipalit si Cone na coach, si Brownlee na lang sana piniling naturalised player at ibabad si Thompson na walang ginawa sa court kung hindi magkalat.
Maaga pa lang sa laban ay hindi na makaporma ang Pilipinas. Natapos ang First Half na may lamang na 18 puntos ang mga bisita. Humabol sa 4th Quarter at naibaba sa 4 ang kalamangan matapos ang alley-oop dunk ni Sotto may 7 minuto pang natitira sa laban.
Pero katulad ng inaasahan pagpatak ng 6 na minuto sa 4th Quarter ay laging naglalaho ang Pilipinas dahil sa mga katangahan ni Banchot Reyes. Inalis si Kai Sotto at nag small ball na naman. Pag pinasok na si Pogoy, tapos na ang lahat. Tuwing nasa court si Pogoy puro kasamaan nangyayari sa atin. Ang team natin ay nagiging mga tarantadong super diyahe tuwing nasa loob ng court si Pogoy. Siya ang pinaka-mababa ang basketball IQ sa team natin. Yan ang laging umiiwan sa mga perimeter shooters ng kalaban at laging nagcocommit ng mga unnecessary fouls at errant passes. Sa susunod na international event kahit si Banchot Reyes ay wala na, mag protesta kayo pag makita niyo pangalan ni Pogoy sa line-up.
At ano ba itong sobrang bilib si Banchot sa small ball? Humahabol na tayo kasi naglagay tayo ng mataas na front line tapos pinasok si Pogoy para mag small ball ulit at yun naglalaho ang lahat ng mga pinaghirapan natin. Lagi yan. Review niyo ulit mga laban nila sa 4th Quarter tuwing 6 minutes pag nag shift tayo sa small ball nasisira ang lahat. Yan kasi gameplan ni Banchot. Mag small ball sa final 6 minutes. Hindi talaga puede pero pinipilit pa rin.
Sobrang bobo talaga.
Kapag si Banchot Reyes pa rin ang coach huwag na tayong umasa. Boycott niyo na lahat ng mga actividades ng mga Galis Pilipinas. Yan na lang ang magagawa natin para makakita ng totoong progress.
Sa kalaunan, kawawa ang taong bayan. Naging laruan lamang ng mga tarantado at gagong bugok ang bayan natin. Ayaw natin sa Duterte, ngayon ka...