Discaya Probe - Elite Preservation Sa Senate Blue Ribbon Committee

Mga biktima ng sistema.

Ang nakita natin kanina sa Senate Blue Ribbon Committee na pinamunuan ni Rodent Marcoleta ay isang halimbawa ng zarzuela! Ang mga Discaya ay muling humarap sa Senado upang sumagot sa mga katanungan na makakatulong sa imbestigasyon ukol sa flood control scandal na nagkakahalaga sa mahigit P100 billion. Ang mga Discaya ay nagmamayari ng maraming construction firms, may 40 na mamahaling sasakyan at na-involve sa maraming proyekto sa gobierno - and iba ay mga ghost contracts. 

Ayon sa clown show kanina, pinilit daw sila na magbigay ng 10-25% cut sa mga congresista at ilang opisyales ng DPWH para matuloy ang mga proyekto. Pinangalanan nila ang ilan sa mga matataas na opisyales kabilang di umano si Speaker Martin Romualdez at Rep. Zaldy Co.

Ngayon itong si Rodent Marcoleta, na senador na bugok na bayan natin, ay binigyan ng provisional immunity ang mga Discaya. Ito ay bagay na kinabahala ng maraming taga subaybay sa kaso dahil ngayon may duda na ang marami kung totoo ba na gusto ng Senado na malaman ang katotohanan o ginagamit na naman ng Senado ang kapangyarihan nila para maproektahan ang isang political faction. At alam niyo na kung anong faction yan. Yung faction ng mga barbaro sa Davao!

Ito ang strategic interest ng mga Discaya:

  • Umiwas sa pagkakasakdal.
  • Protektahan and mga Duterte at kanilang kaalyado sa pagkakasangkot at i-direkta sa mga karibal nila.
  • Preservation ng yaman at status ng mga Discaya habang tumutulong sa imbestigasyon.

Si Vice Presidente Sarah Duterte naman ay nagmukhang propeta na tuloy dahil ang mga nilabas na rebelasyon ng mga Discaya ay nagpapatunay sa mga claims ni Sarah Duterte. Ang mga Discaya pa sa depensa nila ay pinapalabas na biktima sila ng sistema! Tinutugma ng Senate Blue Ribbon Committee sa position ng mga Duterte. Kung hindi ka tonto, makikita mo na ito ay orchestrated! Isang zarzuela!

Ang committee pa kanina ay nagfocus sa pagiging biktima ng mga Discaya sa halip na magkaroon ng full-spectrum accountability. Anong playbook kaya ang pinangagalingan nito? Parang nakalimutan nang itanong ang pagkakasangkot ng mga Discaya sa bid rigging. Nagkaroon ba ng amnesia ang senado? 2016 nagsimulang magpayaman ang mga Discaya sa mga government projects. Maraming contrata ang napanalunan ng mga Discaya, walang mga tanong na magpapatibay at magbibigay ng linaw dito!

Walang nagtatanong sa kaugnayan ng familia ni Bong Go sa mga Discaya? Nagpartner ang CLTG, na pagaari ng tatay ni Bong Go sa mga Discaya noong 2017. Limang infrastructure projects ang ginawa nila sa Davao na nagkakahalaga ng P816 million noong panahong si Bong Go ay may position na Special Assistant to the President. Ang CLTG ay mula sa initials ni Gago - Christopher Lawrence Tesoro Go. Si Bong Go ang vice chair ng nasabing committee na nag iimbestiga sa flood control scandal at kanina ay walang katanungan tungkol sa mga partnerships na ito! Walang dumikdik sa mga Discaya kung paano sila umangat sa administrasyon ni Duterte, walang nagbanggit kung paano nila dinaya ang bidding at sinong mga politico ang nilapitan nila para matupad ang mga ito.

Deliberate shielding ang nangyari. Ang katahimikan ng committee kay Bong Go, Duterte, detalye ng bid rigging ay nakakabingi! Isang clown show, scripted absolution at hindi ito imbestigasyon!

Discaya maging state witnesses?

May pivot ngayon ang mga Discaya para tumestigo. Maging state witness. Tetestigo sila laban sa DPWH engineers na humihingi sa kanila ng kickback, mga bumiktima sa kanila at shempre tatayong testigo laban kila Romualdez, Zaldy Co at Roman Romula na lahat ay mga critiko at kalaban sa politico ng mga Duterte! At wala ni-isang Duterte aligned personality ang nilaglag kanina! Hindi ba nakakapagtaka yan?

Kahit ibalik ng mga Discaya ang mga ninakaw nila sa gobyerno at mabigyan sila ng magaang parusa bilang reward sa pagtestigo eh para ka pa ring sinampal sa mukha ng mga gagong ito! Yan ang katumbas ng pagkabulok ng sistema natin na naging parte sila? Kunwari iniimbestigahan ng mga elitista, pero may political shielding. 

Narrative laundering ito at hindi na whistleblowing. Pinoposition ang mga Discaya para maging pawns laban kay Romualdez. At wala akong pakialam sa Romualdez na yan. Managot sila ni Zaldy Co pero dapat din may ulo ng mga kaalyado ni Duterte na gugulong lalo na yung ulo ni Gago na kahit procurement sa Navy ay pinakialam niya kasama ng asawa niya! At ngayon protectado mga Duterte at naging propeta pa si Sarah Duterte na may parehong initials ni Sarah Discaya.

Hindi tayo papayag sa manipulation na ito. Ang nakita natin sa Senado ay isang blueprint for elite preservation. Mag rebrand na whistleblowers ang mga Discaya while shielding the very machinery that enabled their rise. Sa kalaunan, mauulit pa rin ang kapalpakan, magpapatuloy ang nakawan, nariyan pa rin mga kawatan at ikaw ay hampas lupa na!

Kailangan pa daw ng maraming flood control projects at evac centers. CLTG ang bahala sa pagpapagawa may construction company sila magaling daw.

Ganito rin nangyari noon kay Erap. Oo magnanakaw yun, pero ang pinakinggan natin ay isang magnanakaw din yung putanginang Chavit Singson na anak ng jueteng din. Kagaya ni Gloria, si Chavit na mismo may sabi ay anak din ng jueteng! Ano napala natin? Nakalaya si Erap, nakaupo pa rin anak ni Erap na naipakulong sa kasong plunder at graft, nakalaya din kagaya ng tatay, si Chavit ay kupal pa rin sa Ilocos, si Gloria nagwheelchair pero ngayon di na niya kailangan kasi dismissed na mga kaso. Mauulit pa rin at mas lalong lalala ang system rot sa bansa natin.

Ang tanging pag-asa natin ay nakasalalay sa binubuong independent commission na mag probe sa flood control scandal. Ang commission ay separate sa gobierno at bibigyan ng full authority to investigate anyone - even lawmakers. Bakit dito na tumakas si CLTG papunta sa The Hague kasama ni Hairy Shokwe. Baka magtumbungan sila sa The Hague kasi malamig doon at sobrang mahal ng kumot kaya para hindi sila ginawin sa gabi ni Hairy Shokwe ay magtutumbungan sila na parang mga asong galisin sa imbakan ng basura. Dapat yan sa mga walang kwentang tao ang makaranas na paghihirap para naman pagsisihan nila mga pagpapahirap na ginagawa nila sa mga Pilipino.

At uulitin ko, kahit si Romualdez at Co at kanilang mga kaalyado ay makasuhan, dapat din na may makasuhan na mga Duterte allies kung hindi, isang zarzuela lang yan na walang kahihinatnan. Dapat maging matagumpay ang imbestigasyon ng independent commission na binubuo ngayon nang sa ganon ay matuloy ang tumbongan ni Hairy Roque at CLTG sa The Hague.

Comments

Popular posts from this blog

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Mga Tibo - May titi ba kayo?