Sino Ang Matapang Na Lalaban Sa Akin Ng Pustahan Na Mananalo Si Bongbong Marcos Sa Darating Na Halalan?

BBM!

Ang pinakamagandang pelicula ay yung mga may cuento ng redemption. Mga inaapi na biglang bumabangon sa huli at nag-wawagi. Diyan nakaka-relate ang maraming tao lalo na tayong mga Pilipino. Parang kwento ni Bongbong Marcos na matagal nang ginagawang punching bag ng mga Dilawan. Itong mga morally prude na mga Dilawan na kung magsalita akala niyo mga banal pero sila pala itong maraming tinatagong kabahuan.

Nasa Biblia ang mga ganyang kwento. Kagaya ni Job na binawi ng Diyos ang lahat sa kaniya para subukan ang kaniyang pananampalataya. Nang mapatunayan ni Job ang kaniyang pagmamahal sa Diyos siya ay binigyan ng malaking gantimpala. Hindi kailan man sinisi ni Job ang Diyos at hindi siya nagtanim ng sama ng loob at galit dito. Ganyan din si Bongbong na ngayon ay isang hakbang na lamang at nasa MalacaƱang na ulit siya. Siya na kaya ang inaantay ng Pilipinas? Pagkakataon na niya para magkaroon ng redemption at ayusin ang pagkakamali ng kanyang Ama.

Kahit anong pilit ng campo ni Leni ay hindi siya mananalo. Sasabihin ko sa inyo kung bakit wala silang kakayahang manalo. 

Unang-una, hindi nila kaya maipanalo ang election kung kaliwa't-kanan ang mga kalaban nila. Nasa kaliwa nila si Duterte at nasa kanan naman si Bongbong. Wala silang sapat na resources para manalo sa ganitong klaseng laban. Kailangan nila ng limpak-limpak na salapi at impluwensya para manalo sa war of hearts and minds. Ilang trolls ang kayang bayaran ng pera nila? 

Pangalawa, wala silang totoong plataporma. Kung ang plataporma mo lang ay puro "Never Again" o kaya "Martial Law Atrocities" eh kalimutan mo na lang ang election at huwag ka lang tumakbo. Hindi ka mananalo. Ang mga masa ay hindi prioridad ang Martial Law o kahit ano mang social justice na importante sa mga Americano. Mga Pilipino tayo at hindi yan ang social justice na importante sa atin ngayon. Dahil sa sobrang elitista ng mga Dilawan na ito eh hindi nila alam kung ano ang pangangailangan ng mga Pinoy.

Pangatlo, bumenta na ang mudslinging nila at ngayon ay sawa na ang mga tao sa mga kalokohan nila. Natatandaan niyo noong Halalan ng 2010 eh siniraan nila si Villar dahil sa sobrang ganda ng campaign ad niya? Natakot ang mga Dilawan sa plataporma ni Villar kaya binuhos nila ang pera para siraan si Villar pero sila ba may nilabas na plataporma? Ano daw? Kung Walang Corrupt, Walang Mahirap? Ano nangyari pagkatapos ng administracion ng Abnoy? Nakita ng lahat kung gaano sila kaswapang at mga ganid! Yung Yolanda funds saan napunta? Hindi na sila nahiya!

Ang ganyang estratehiya ng campo ni Leni ay hindi maghahatid sa kaniya ng panalo. Hindi rin makontrol ni Leni ang mga elitistang taga suporta niya sa pangiinsulto sa mga taga suporta ni BBM at sino mang ibang pangulo na napupusuan nila. Mas lalo silang mag dig in at mag-fortify sa posicion nila at mas lalong titibay ang paniniwala at magiging masigasig ang pagtatanggol sa kanilang candidato kung iinsultuhin at mamaliitin mo ang mga masa. Hindi sila tanga na kagaya ng iniisip nila. Alam ng masa kung sino gusto nila at kung hindi niyo kayang mag engage sa kanila sa isang paguusap ay wala silang mararating. Ang election ay paramihan ng boto. Kung ma-alienate ang ibang tao, kayo-kayo lang ang boboto sa bobong candidato niyo. 

Tingnan mo sa umpisa pa lang lagpak na si Leni. Yung pink ribbon na simbolo na ginamit niya sa kanyang campaƱa ay inabandona na kaagad dahil umangal ang Breast Cancer awareness campaigners, Ang pink ribbon pala ay apolitical at agaran nilang binara ang bobong campo ni Leni at nakiusap na huwag itong gamitin sa politica. Ayan sampal kaagad sa kanila. Puro kasi ogag nasa likod ni Leni.

Totoo nga na ang EDSA 86 ay hindi cuento ng mga Aquino. Ito pala ay panimula ng cuento ni Bongbong Marcos. Tapos na ang story arc ng mga Aquino at nakita natin ang naging resulta ng katangahan ng Abnoy. Na-unravel ang mga bulok na tinatago ng kaniyang mga magulang at ito rin ang nagbigay daan at pagkakataon para kay ayusin ni Bongbong Marcos ang lahat ng kapalpakan ng Familia Aquino.

Itong 2022 Halalan ay magpapatunay kung sino ang nandaya at sino ang mahal ng masa. Cuento ito ni Bongbong Marcos. Kwento ng redemption at tagumpay. Sana ay maging tagumpay din ng buong Pilipinas. 

Mabuhay si Bongbong Marcos! Mabuhay ang Pilipinas!

Comments

  1. Matagal ko ng inaabangan itong blog mo since last year, ayaw ko lang mag comment kaagad pero ngayon lang ako mag co comment dito... Malakas talaga ang pakiramdam kong mananalo talaga si BBM this May 2022 Presidential Elections dahil lahat ng baho ng mga Pink/Dilaw unti unti ng nabubulgar eh pero di pa tapos yan... For sure more to come lalo na't palapit na ng palapit ang eleksyon at si BBM na ang bukam bibig ng majority ng mga botante at mga tao na gusto nilang manalo. Sa malamang kung majority din ng mga Pink/Dilaw ay susubsob na naman sa inidoro at kangkungan ang mga yan... nakahanda at nagiimpake na dahan dahan ng 5 malalaking maleta patakas ng Pilipinas ang mga yan na sina Drilon, Hontiveros, Trillanes lalong lalo na si Robredo. Siguradong didikdikin si Robredo nyan ni BBM oras na maupong Presidente ng Pilipinas yan sa kaso ng dayaan ng 2016 Vice Presidential Elections, kala niya siguro makakaligtas siya dyan.

    ReplyDelete
  2. Hayop nagbalik ka Clocks! namiss ko ang mga tirada mong panay katarantaduhan pero may laman! bwahahah taena ka mabuhay ka Clocks hanggang gusto mo!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?