Bakit ang Baduy ng mga Pelicula na Gawa sa Pilipinas?

O mga bakya! Ito na ang pelicula niyo! Pila na, pila na.


Baduy ang mga pelicula sa atin. Nakakasuya at nakakaasar panoorin. Minsan ang ganda ng cinematografia pero walang kwenta ang storia. Kung maganda naman ang storia, ang mga artista na gumanap ay mga mahihina umarte. May artistang kilala at respetado, overacting naman! May pelicula naman na malaki ang production at kakagatin ng masa pero walang kwenta ang script at puro baduy na one-liners. Wala ka talaga maaasahan sa peliculang Pilipino kaya ito ako gumawa ng listahan ng mga dahilan kung bakit ang baduy-baduy ng peliculang Pilipino.

Overacting na Artistang Nanggaling sa Teatro

Nababadtrip ka sa veterano at sikat na artista na maraming awards na nakuha sa teatro dahil sa lakas ng boses niya at sobrang OA na pag-arte. Yan ang dahil ang mga artista na yan ay nagmula sa teatro. Sa teatro ang actor ay kailangan lakas ang boses nila at gumalaw ng malaki para marinig at makita ng mga nanonood sa malayo. Hindi kasi makita sa malayo ang facial expression mo kaya kailangan ikumpas mo talaga ang kamay mo o lumuhod ka para malaman ng mga nasa likod kung ano ang nararamdaman mo. Kailangan din nila lakasan ang boses nila para marinig ng mga nasa likuran. 

Sa pelicula, kung talagang marunong ang director at may matinong script writer, idadaan nila sa facial expression sa halip na isasama sa dialogue. Halimbawa nabasted ka, close up na lang ng camera ang mukha ng artista na parang baklang nalugi sa palenque. Kung gago ang director, bibigyan pa ng linya nag artista kagaya ng "Oh kay sakit naman mabasted." Kadalasan yan ang nangyayari sa mga peliculang Tagalog kasi mga ogag ang mga film makers natin. Yung mga director kasi nanggaling din sa teatro yang mga yan at hindi alam ang pagkakaiba ng stage at film. Ganon din ang mga script writers pinagsisimula muna sila sa teatro.

Ang example ng effective na acting ay yung kay Coco Martin sa Kinatay ni Brillante Mendoza. Ang character ni Martin ay napasali sa trabaho involving ang pagkatay sa isang babae. Gusto niyang tumakas doon at nagpaalam siya na bibili lang siya ng makakain. Sumakay siya ng bus na nagiintay pa ng ibang pasahero. Ang sakayan ay hindi malayo sa lugar na may sinasalvage ang mga kasama niya. Umupo siya sa loob ng bus at ang camera ay nakaanggulo sa mukha ni Martin na pinapawisan sa stress at pagod. Kita naman sa labas ng bintana yung mga goons na tinatakasan ni Martin at sa isang instance ay parang makikita mo yung isang goon na nakatingin sa kanya. Hindi mo masasabi kung nakikita nga ba siya, pero makikita mo sa expression sa mukha ni Martin na nagdadalawang isip na siya. Ang tagal lumarga ng bus kaya ang nerbyosong si Martin ay bumaba na sa bus at bumalik sa piling ng mga goons para ipagpatuloy ang pagchopchop sa isang babae.

Yun ang magandang acting. Wala nang dialogue. Mahusay din ang director dahil nakuha niya sa kanyang actor ang gusto niyang sabihin nang wala nang salita-salita pa o pag momonologue. Sa ibang direktor siguro kumuha sila na kasama para yung nararamdaman ni Martin ay idadaan na lang sa exchange ng dialogue ng dalawang actor. Pinakita ni Brillante Mendoza na hindi na kailangan.

Gaya-gaya, Putomaya

Walang orihinal na material ang mga film makers ngayon dahil wala na silang pagkukunan ng mga magagandang storia para gawing pelicula. Ang mga script writers pa na graduate kuno sa mga film academies sa atin ay puro pulpol. Noong decada 60 at 80 maraming mga pelicula na pinapalabas na masasabing fresh at orihinal dahil marami tayong source material. Ang source material noon ay ang komiks. Tarzan at Barok, Captain Barbel, Darna at Panday ay iilan lamang mga mabibigay kong halimbawa ng mga pelicula na nagmula sa komiks. Kaso matagal nang namatay ang industria ng komiks ngayon kaya ang mga script writer sa atin ay nandudugas na lang sa mga Korean, Chinese at Taiwanese.

Idagdag niyo rin ang mga gagong producers sa atin na gusto nila ay siguradong kikita sila kaya pag ang script mo ay hindi kilala sa kangkungan ang bagsak niyan. Kaya ang mga script writers nandudugas sa mga obscure na pelicula sa ibang bansa at nagdadasal na sana hindi sila mabisto. 

Director na Masarap Suntukin sa Mukha

Ang mga director sa atin ang yayabang akala mo kung sinong nanalo ng Oscars eh putangina yung mga pelicula nila pang Oscar The Grouch lang pala. Kung umasta akala mo kung sinong mga bigatin akala nila sila na yung Steven Spielberg ng Pilipinas pero yung pelicula nila ang daming plot holes, goofs at bloopers.

Panoorin niyo yung peliculang Pridyider ni Rico Maria Ilarde dahil ito ang magandang halimbawa ng plot hole. Sa pelicula yung character ni Baron Geisler ay nilamon ng fridge ni Andi Eigenmann. Nagsisisigaw si Baron at nakita ni Andi na hinihila siya ng mga tentacles na nanggagaling sa kanyang fridge. Nilamon ng fridge at puro dugo-dugo ang kanyang kusina. Pero sa halip na ma-trauma ay nakipag date si Andi kinabukasan sa character ni JM de Guzman. 

Hindi ba kakila-kilabot ang plot hole na yan? At kung umasta itong si Rico Maria Ilarde akala mo na kung sino. Pweh!

Ang ganda na sana ng production at set design pero nasira dahil sa poor acting at estupido na screenplay. Sayang talaga kasi ang ganda ng peliculang Babaeng Putik pero itong Pridyider talagang letdown at mula noon ay iniwasan ko na ang pelicula na may pangalan niya. Wala rin naman siyang ginawang pelicula mula Pridyider, salamat naman.

Isa pang halimbawa ay ang peliculang Ouija ni Topel Lee. 

Nakaka-insulto talaga ang pelicula na ito dahil gagawin ka niyang tanga. Sa isang eksena tumalon sa balconaje ang isang babae sa hindi pa rin maipaliwanag na dahilan (tatlong beses ko pinanood ang bulok na pelicula na ito). Patay ang babae pagbagsak niya pero walang nagsigawan na mga nakasaksi kahit na may babae na lumapit sa bangkay. Hindi realistic ang eksena na ito lalo na ang mga lumapit na babae sa bangkay ay mga professionals na alam naman nating mga maseselan. Makakita nga ng daga at ipis nagtatakbuhan na pero bangkay, wala lang?

Sa airport naman papasok na ng gatehouse ang character ni Juday at ang nagkokolekta ng kanyang tiket ay si Ryan Agoncillo. Pagdaan ni Juday ay kinilig siya at mga kasama niya. Alam naman natin na mag-asawa sa tunay na buhay ang dalawa kaya ginawang pagkakaton ni Kupal Lee este, Topel Lee na magkaroon ng kilig moment ang kanyang napakaboring na pelicula. Nakakasira yung ginawa niya dahil hindi naman comedy ang pinapanood mo. Gusto mo matakot pero ito ginagawa kang gago ng Topel na ito.

Sabi sa Wiki page ni Topel  siya daw ay acclaimed film director with strong female characters. Sirain niyo ang Wiki page niya at sabihin niyong isa siyang bugok. Sabihin niyo ang totoo at ipaalam sa kanya na siya ay isang tanyag na ogag. Lahat ng pelicula na ginawa niya ay walang kalatoy-latoy kagaya ng White House, Sundo, Tumbok at yung Engkanto segment ng Shake Rattle & Roll 9. Yuck talaga.

Artistang Hindi Marunong Umarte Pero pag nag-Porn Siguradong Dadanak ang Awards mula sa mga Gentlemenyaks

Kung hindi OA ang acting, artistang walang talent naman ang masasama sa cast. Ito ang kadalasang mangyari dahil sa hindi pa rin maipaliwanag na dahilan, ang mga masa ay mas nahuhumaling sa artista na maganda nga pero walang talento sa pag-arte. Mahina ang boses, nakakatawa ang facial expression, conscious sa harap ng camera at maldita sa set. May mga actress nga na dapat nag porn na lang dahil doon siguradong natural na natural sila at parang hindi umaarte. Basta tinotoro na ng nobio nila na mabaho ang hininga at humahalinghing na bibigyan ko sila ng Best Actress Award in a Scandal.


Tingnan mo acting ni Shaina Magdayao sa Villa Estrella, may pa-English-English pa. Ang alam lang niya na facial expression ay ang pagsusungit at pagtataray. Diyan magaling ang mga Pinay eh sa pagtataray at pagsusungit. Sa Hollywood puede sila ma-cast pag ang role eh yung mga nakasimangot sa ghetto dahil wala na silang food stamp at galit na galit na kay Trump. Hindi convincing ang acting niya na natatakot siya o naaawa. Ang acting quality niya ay pang porn lang eh. Hinihintay ko nga siya magtanggal ng saplot para magsalsal na lang ako kasi hindi naman nakakatakot ang pelicula, nakakalibog lang tuwing lumalabas si Shaina. At pag lumalabas si Shaina may lumalabas din sa pantalon kong masikip.

By the way, ang pelicula na ito ay nagkataon na dinirek din ni Rico Maria Ilarde! Ang galing mo talaga pre!

Screenplay na Napulot sa Basurahan sa likod ng Lugawan sa Cubao

Hindi na natin maibabalik ang mga araw na ang mga peliculang comedia sa atin ay punong-puno ng mga nakakatawang one-liners. Hindi kayo naniniwala na may mga pelicula sa atin na tadtad ng mga one-liners? Panoorin niyo ang pelicula ni Eddie Garcia - May Lamok sa Loob ng Kulambo. Ang pelicula ay sinulat ni Benjamin Pascual na isang tanyag na manunulat at maraming contribucion sa komiks. 

Ngayon ang mga scriptwriters sa atin ay mga nagkakalkal ng mga materiales sa Payatas. Kahit papel na may tae-tae ay papatusin basta lang may maipresenta sa studio at pagkakitaan ng pera. Manood ka ng comedy ngayon at kung hindi ka bakla ay siguradong mababadtrip ka sa mga kabaklaan na makikita mo. At kahit artista na mahuhusay ay mangangamoy tae ng aso sa sobrang baho ng mga linya na binibigay sa kanila. Sinisikmura na lang nila ang bulok na linya na nabigay sa kanila kesa naman sa sila ay mamatay sa gutum at kumain ng totoong tae.

Kahit sa drama wala na ang mga pamatay na linya, puro pa nagsasalita sa English ang mga artista. Sobrang insecure siguro ng mga writers sa atin ngayon na kailangan talaga ang mga pamatay na linya ay nasa wikang banyaga. Paano tatatak sa masa yan kung ang masa malalaglag ang maluwag na pustiso nila tuwing irerepeat nila mga paboritong linya nila sa mga bagong pelicula sa atin? Iiyak na lang mga gagong yan pag nalaglag pustiso at mabasag sa semento. Magpupulot ng ipin ang mga gago. Basta na lang nila hahaluan ng English ang script nila para naman hindi mahalata na napulot lang sa basura ang script nila.

May mga pelicula din ng mga writer director at kadalasan hindi maganda ang nagiging resulta. Hindi rin uso sa atin ang mga script doctors dahil sa pagtitipid o pagkukuripot ng mga producers. Ang script doctor kasi ang magaayos ng script kapag may nakitang plot holes o gusto lang ibahin ni direk kasi bakla siya at masungit.

Producers na Mukhang Quarta, Baon sa Utang

Maraming producers sa atin ang pumapasok sa Indie scene para kumita ng salapi. Pumasok sa film making sa lahat ng maling dahilan at hindi para palakihin ang industria. 

May mga producers na biglang namatayan ng magulang at ngayon nakatanggap ng limpak-limpak na salapi. Gusto nilang palaguin ang pera nang hindi naman masayang ang pera na namana, pumasok sa film sa pagaakalang nandyan ang kanilang mabuting kapalaran. Sa kasamaang palad, walang maraming options pagdating sa director dahil ang available lang na kaya ng kanilang budget ay mga kupal na galing ng Mowelfund. Ang hahangin ng mga tropa na ito!

Tingnan niyo mga galing Mowelfund naging comediante lang kagaya nila Ramon Bautista at Jun Sabayton. Charity ito eh! Kung ang magiging director mo ay manggagaling diyan, mabuti pang itapon mo na lang pera mo sa ilog baka mapakinabangan pa ng mga nakatira sa tabi niyan. O kaya ibigay mo sa adik para ipang bili nila ng rugby, ma-overdose at mamatay! Nakatulong ka pa sa lipunan.

Ang Mowelfund na yan ay tinaguyod ni Erap noong 1974 para tulungan ang mga kasamahan niya sa industria. Diyan nagbibigay sila ng acting workshop, writing at directing masterclass. Ang naging resulta lang ng mga lumalabas diyan ay mga sira ulo. Puro eccentric na tao ang pumapasok diyan na hindi naman talaga gustong matuto. Bukod pa diyan, uncoachable ang mga clase ng tao na pumapasok diyan at paglabas nila diyan ay nagiging rabid anti-Erap.

Yan ang mga clase ng tao na magiging involved sa kanilang Indie film. Sa oras na mabatid nila kung ano ang napasukan nila ay huli na ang lahat dahil sobrang dami ng napakain nila sa mga no talent, hopeless fucks at naglalakihan na ang mga tae nila. Ang kawawang si producer matataranta at madedepress. At paglabas ng finished product at ito ay bulok at nilalangaw sa takilya (kung makakarating sila diyan), sisisihin ang producer kasi pinagmamadali daw sila. 

Meron din namang matinong film makers sa atin na gustong gumawa ng de calidad na pelicula at totoong may mga producers na nakikialam sa kanila. Gusto ng producer ang artista na sikat kahit walang talent. May mga producer na pakikialaman ang script pag hindi nagustuhan ang ending at gusto sundan lang ang formula para siguradong kumita. 

Isang halimbawa niyan ay ang peliculang Tiktik: The Aswang Chronicles na lumabas noong 2012 at dinirek ni Erik Matti. Maganda naman sana nung umpisa pero letdown and final act dahil yung CGI ng boss Aswang ay nakakatawa. Totoong minadali sila ng producer na si Jose Mari Abacan dahil ang habol nito ay maipasok ito sa Metro Manila Film Fest.

May Pag-asa Pa Ba?

Wala nang pag-asa ito dahil hindi mo na mauuplift ang masa. Bulok nga ang mga pelicula natin para sa ating may mataas na standards pero ang masa ay walang pakialam basta ang mahalaga napasaya sila. May mga elitistang film makers sa atin na nagsasabi na sila daw ay mahusay at intelihente pero ang finished product nila ay walang kwenta. Lalo na itong mga elitista na nanggaling sa Mowelfund. 

Pero sige lang, mag reclamo tayo at ilabas natin ang saloobin natin. Huwag matakot at dapat mas lalo tayong maging mabusisi. Huwag tutulad sa mga movie reviewers sa diario at magazine na hindi nagbibigay ng criticismo sa mga pelicula dahil sa sila ay mga bayaran. Hindi nababayaran ang ating mga puso at pagmamahal sa peliculang Pilipino!

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?