Resorts World Manila - Kamusta Contingency Plan Niyo?


Dahil sa nangyaring terrorist attack sa Resorts World Manila, lumalabas na naman ang katontohan natin at pagka-reactionista. 2017 na at hanggang ngayon ay hindi tayo handa sa terrorismo. Hindi ba tayo puede matuto sa ginagawa ng ibang bansa kung paano nila protectahan ang mga mamamayan nila?

Kung nakita ninyo yung security video ng Resorts World Manila, ang gunman ay casual lang na pumasok sa gusali, hindi na dumaan sa metal detector. Ang security guard ay isang babae na walang baril. Paano ba naman matatakot ang mga masasamang loob niyan kung ang first line of defense mo ay isang nene? "Excuse me sir, hindi po kayo puede pumasok diyan sir kailangan niyo po dumaan sa metal detector namin, sir? Sir? Ayyy may baril!"

Dapat ang nakaharap doon ay mukhang MERC na may pagka goons ang dating at may hawak na malaking baril. Ang sino mang magtatangka na gagawa ng masama ay talagang magdadalawang isip. Yung mukha talagang hayop na bigyan mo lang ng dahilan eh babarilin ka kaagad!

Ngayon yung mga staff naman na natagpuang patay sa comfort room ay nagpapatunay na walang contingency plan ang Resorts World Manila. Dapat ang staff ay may sapat na training para alam nila kung ano ang dapat gawin kung may emergency. Lahat ng mga companies sa buong mundo ay meron contingency plan. Kung masunog ang gusali nila ang bawat staff ay alam ang emergency evacuation procedures. May naka-assign na warden sa bawat floor at ang mga wardens na ito ay may extensive training kung paano mag administer ng first aid, lead people to safety at identify threats and danger. Ginagawa natin yan sa escuela noon lagi tayong may fire drills. Bakit ang Resorts World tila wala? Kitang-kita naman ang kanilang incompetence dahil mga guard unang nagtakbuhan, mas nauna pa sila sa mga guest nila. Kung may training ang staff nila sigurado na hindi ganon kalaki ang mga napinsala at nasaktan. Hindi sana nataranta ibang guest nila kung may leadership na pinakita ang mga staff nila at hindi yung parang mga tarantado na natataranta at kung saan-saan tumatakbo!

Halos buong magdamag ako nakikinig sa DZMM at maski sila na radio presenters kagaya nila Karen Davila ay mga walang alam din. Buong magdamag ako nakinig at hindi dumaan sa isip nila na itanong kung may contingency plan ba ang Resorts World Manila. Nangangahulugan lang na tayong mga Pilipino ay hindi na maaalis ang "Bahala Na Mentality." Ang dami nang pinsala na dinulot ng bahala na mentality na yan. Hindi pa rin tayo natututo. 2017 na at ganon pa rin ang attitude natin - Bahala na.

Maraming pananagutan ang Resorts World Manila at dapat sila magbayad. Incompetence nila ito, katangahan nila kaya dapat matindi ang parusa sa mga putanginang mga walang pusong mga animal na ito!

Kung gusto niyo pakinggan yung broadcast ko sa Mixlr tungkol sa Resorts World Manila attack click niyo ang link na ito - http://mixlr.com/mang-temy/showreel/resorts-world-manila-kamusta-contingency-plan-niyo-mga-ogag-kayo/



Comments

  1. Clocks,

    Unang-una sa lahat welcome back. Ang tagal kong naghintay nung susunod mong article.

    Speaking of contingency plan, kung meron talaga sila nun, di na sana dapat magkakaroon ng ganyang mga casualties. Natawa talaga ako dun sa guard, tangina parang hindi guard. Naka-tsinelas pero may dalang armas pero fall back sya eh, which is di dapat ganun. Kung pinaputukan na nya yung tarantadong yun di na sana aabot dyan yung impiyerno. Either toy gun lang yun or di naman talaga sya guard at yung tipong mga pinabili lang ng suka sa tindahan tapos napadaan sa isang security agency at nag-apply na lang bigla.

    Yung Resorts World na napuntahan ko sa ibang bansa di ganyan kaluwag sa security. Kahit anu pang oras yan, mahigpit ang security procedures nila at may roaming SWAT team sa perimeter..pero dito wow..di pwedeng i-apply kung anu ang style ng Singapore dahil sa dami pa rin ng kawatan dyan na gagawa ng kagaguhan. SM nga eh nalulusutan pa..putragis naman o.

    Incompetence talaga on their part, to think na operational pa rin sila at di pa sinususpinde ang operasyon is what baffles me the most. Rest In Peace dun sa mga namatay, at dun sa gagong killer na di ko maimagine na paano sya nakapagdala ng ganung karaming gasolina at armas na dating opisyal ng Department of Finance..to think na binuhay pa namin ito sa mga buwis putragis talaga..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bro Sanzo

      Salamat pala sa pagtangkilik ehehe. Salamat talaga. Sensya na nawala din ng matagal dahil naging busy sa online radio.

      Hindi lang RWM ang may kakulangan sa contingency plan... sigurado lahat ng business establishments sa atin wala yan. Hindi tayo kagaya ng mga Hapon na automatic sa mga ganyan alam ang gagawin kasi may magandang sistema. Sa atin, wala yan... basta unahin si boss at mam bahala na kayong lahat.

      Ogag talaga bansa natin kung ganyan pa rin patuloy pa rin ang operation nila... akala ko ba stricto si Duterte bakit hindi niya sitahin ang RWM na yan? Anong ahensya ng gobierno ang dapat na sumita diyan? DOLE?

      Delete
    2. Pareng Clocks,

      Mabuti naman at nagbalik ka na, tagal naming naghintay sa bagong article. Ganun talaga pre, cash cow ng government natin ang mga casino at resorts. In addition, kumpleto itong RWM, may mall at cinehan din, kaya di basta2x mapapasara. Yung masama pa nito, ginamit ulit ng mga dilawan para sa political agenda nila, ayun lalong gumulo. Pero for sure magtatanda na sila nyan, balita ko nag overhaul na sila ng security at maliban sa mga normal na security guards at may mga mercs na rin silang naka standby..lol.


      P.S

      Baka makagawa ka ulit ng article patungkol sa mga bayani nating namatay, this time sa Marawi. Thanks and God bless.

      Delete
    3. Clockworks ikaw ay kakaiba mag sulat. Masyado nga lang maikli itong last 2 articles mo kasing ikli ng siling itim ko. Habaan mo naman clocks at lagyan mo ng madaming pics kasi mas ok yung mga nakaraan mong gawa. At saka yung cheip pinay of the months bakit alaws na? 🌚

      from-siling itim

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?