Gawin na lang penal colony yang Spratly's

Kakasa ba tayo sa Tsina? Inagaw nila Spratlys, diba sa atin yan? May magagawa pa ba tayo? Tayo ba talaga ang nagmamay-ari nyan? 




Kung tutuusin kasi, Tsina ang unang nakadiskubre nyan. Isa sa mga oldest civilizations ang Tsina. Noong unang panahon habang ang mga ninuno natin ay busy makipagpatayan sa mga kaaway nila sa LOOB ng Pinas ay nakakagawa na sila ng mga books at kung ano ano pang mga sulatin. Nagkalat ang kanilang mga philosophers, at artist habang ang mga Indio na ninuno natin ay busy sa kamang-mangan. Magaling lang tayo sa ubusan ng lahi, pero sila marunong lumikha. May mga artist sila, poets, musicians. Advanced sila in every way sa atin. At now we have the audacity to claim a part of those group of islands? Ano kayo hilo? Nadiskubre na nila yan noon pa dahil madami silang explorers, habang tayo hindi makapunta sa kabilang probinsya dahil siguradongg magugulpi tayo ng mga sanggano doon.


At paano na kung tinayuan nila yan ng long range missile platforms at refueling stations? Diyan na tayo mag-alala dahil aggressive ito in nature. Ok pa lang yung sa ngayon na defensive structures lang. Lalaban ba tayo dyan? Sino tutulong sa atin? America na naman? America na pinatalsik natin noon, salamat kay Jovito Salonga, ang magaling na senador na magaling mag ingles! Isa pa, ang mga Kano hindi nila tataluhin yang Tsina. Hindi nila sisirain ang US-Tsina Trade Partnership. Ang Tsina ang number creditor ng America at pinakamalaking exporter. Asa pa kayo. Kanino tayo gagapang ngayon?


Wala imik sa ngayon ang CPP NPA? Shempre, gusto nila para tumaob na ang gobyerno natin, na madali naman talagang pataubin kasi pinamumunuan tayo ng isang abnoy. Hindi rin sila iimik sa Tsina, tatay yan ng mga komyunista eh. Yang mga putanginang yan. Kaya lang nila mga magsasaka na walang kalaban-laban!


Kalayaan Airstrip
Wag na tayo lumaban pa dahil wala tayong ibubuga sa mga yan. Watak watak tayo mashado. Kagaya noon na hirap tayong paalisin ang mga Kastila, dahil di naman tayo nagtutulungan. Pag may uprising sa Ilocos, walang pake mga Caviteno. Pag may uprising sa Cavite, walang pake mga Bicolano. Reactionary tayo. Kailangan maapektuhan muna tayo bago tayo kikilos. Akala nyo mga hunghang kayo na matulungin at nagkakaisa mga Pinoy? Mga gago! Bobo tanga ulol!
Example ko na lang yung bagyong Ondoy. Ang drama drama pa natin noon, nagtutulongan. Wow, yung mga mayayaman tumutulong sa mahihirap. Lumulusob sa baha para magbigay ng damit, pagkain. Touched akech. Pweh! 


Kaya lang nagtulungan mga taga Maynila nyan, dahil apektado na rin sila! Apektado mag kamag-anak, mga kaibigan, katrabaho. Dagdagan mo pa ng padrama ng media, talagang naapektuhan nga lahat gustong tumulong at mag volunteer. Parang first time lang na bahain ang Pinas. Ows? Ilang beses na bang nalandslide sa Ormoc wala naman akong nakitang tumulong. Binagyo din ang Panay a year before nangyari ang Ondoy, hindi naman gumawa ang Sandwich ng kantang Putik? A week after ng Ondoy binagyo din Northern Luzon, may landslides pa nga sila pero wala naman sa inyong tumulong or nag volunteer doon?


At iipunin natin ang lakas natin pag tayo ay sinugod na ng mga mapapanghe na yan? Tutulong ba mga Caviteno this time? Baka mamaya sabihin nila si Aguinaldo lang ang authority nila. Ako handa akong lumaban sige! Laban kahit abnoy pa mag utos sa akin. Eh mga Caviteno? Yung mga Bicolano? Bisaya? Davaoenos? Magkakaisa ba talaga tayo? Alam ko na magiging strategy ng Tsina… isa-isahin ang mga probinsya. Cebu muna bombahin natin. Di naman tutlong mga Manileno kasi di naman sila apektado. Mga Caviteno? Ahhh wala yan. Basta friends muna tayo kay Aguinaldo, di tayo gagalawin ng mga yan. At lalong hindi tutulong mga Boholano sa mga yan, magkagalit yang dalawang yan eh! At pagkatapos nating bombahin ang Cebu, Bohol naman. Tapos Marinduque, Quezon, Batangas! Yippee! Mag island hopping tayo! Tapos balikan natin yang Mindanao, baka medyo mahirapan tayo doon dahil matitigas mga tao doon eh.


Kaya tama na itong kalokohan ninyo. Hindi tayo tatagal kung gegerahin tayo ng Tsina. Asa pa. Mabuti pa talaga dyan gawing penal colony na lang. Dyan natin itapon yang mga pusakal, bakla at cheap pinays. Baka pag nangyari yan, madiri pa itong Tsina at di na nila pag interesan yan. Inyo na lang yan! Pweh!

Comments

  1. Totoong totoo ito! Bakit pa makikipaglaban ang Pilipinas sa mga teritoryo na ito. Ang Pinas mismo di maayos-ayos ang mga panloob na problema tulad ng sanga-sangang kurapsyon at malalim na ugat ng kasakiman sa kapangyarihan.

    Typical pinoy, reactionary... kelangan hawakan sa tenga bago manuntok... at yung nanununtok eh patpating bata laban sa malaki at malusog na kalaban. At alam na natin ang out come sa parable na ito...

    Typical pinoy, laging may mga claim of greatness or ownership sa mga bagay-bagay na bunga ng ilusyon lamang... madalas mo rin ito mapapansin sa mga usapan sa inuman... bidahan!

    Pero ang katotohanan, ang Pinas ay walang ibubuga sa tunay na laban ng kasaysayan. Palaging bigo, watak-watak, kalunos-lunos at api.

    Walang Rennaisance era o social revolution na totoong nangyari sa Pinas. Binubuo lang ito ng mga pulo na puno na mararaming maliliit at sakim na tribo na hindi maaring pagbuklurin ng prinsipyong progresibo dahil bawat tribo ay may pansariling interes. Ganyan ang pinoy, husagahan ang mga Bisaya, Kapampangan, Ilokano, Ilonggo, etc. etc. iyan ang tinuro ng ninuno nila Regional Discrimination and Animosity, that's the tribal way - Pinoy style.

    ReplyDelete
  2. ha! nakuha mo pare ko! reactionary tayo mashado. dapat maapektuhan muna tayo bago kikilos. puro last two minutes, paspasan, bahala na si batman.
    yung sa ondoy... no offense sa mga matatamaan pero a week after puro marikina at cainta lang pinaguusapan habang nilalandslide na mga kapatid natin sa northern luzon. pero marikina at cainta pa rin ang bukang bibig... ay kawawa naman mga friends ko sa marikina. grabeng baha. donate tayo, donate tayo. MAY NAKAISIP BANG TUMULONG SA MGA NASA NORTH NA NAAPEKTUHAN NA DIN? wala!

    tama ka rin puro kanya kanyang yabang lang ang pinoy. kanya kanyang bidahan. lalo na sa inuman... at pag nagbida na ang mas mayabang pa, mapipikon at ayan na nagbabasagan na ng bote.

    hahahaha kaya magdusa tayo! magdusa tayo!

    ReplyDelete
  3. hahahaha reactionaryong mga unggoy tayo! narinig nyo na ba yung ilocos basi revolt? inaapi at inaalipin ng mga kastila ang mga indio sa ilocos... ok lang. susunod sila, walang lumalaban. pero nung ipagbawal ng mga kastila ang alak, aba... naghurumentado na! hahahahahahaha kaya nga naman ang mga cojuanco nilalasing ang mga tangang pinoy... para hindi magrebelde!

    ReplyDelete
  4. Clockworks, magandang halibawa iyang Basi Revolt sa kasaysayan ng Pilipinas. Nakakatawa at nalalamanan natin ang kakitiran ng pag-iisip ng Pinoy mula pa sa nakaraang siglo...

    Ikaw na ang mag-aklas dahil sa bisyong nakakalango at hindi dahil sa dignidad bilang tao... hehehe...

    Magagalit pa ang iba sa atin, itong pinag-uusapan natin litaw na litaw kung gaano kaliit ang pananaw ng pinoy sa mga bagay-bagay.

    Balat sibuyas ang tawag sa reactionary.

    ReplyDelete
  5. Eto pa pala!

    Headline ngayon ang mga yung mga "double dead" na bangus na ipinakalat sa mga palengke lalo na sa Kamaynilaan.

    Yung health authorities reactive, kung kailan kumalat saka lag kikilos. Imbes na magronda ng aktibo, proactive ika nga (pero hindi). Yan ang Pinoy.

    Yung mga taga-Pangasinan at mga nagtitinda sa palengke. Alam nila na mali ang ikalakal ang mga fish kill. Mamamatay kasi kabuhayan nila kaya nila itutulak kahit masama na ang produkto. Ang masama pa ay inihalo ang masamong tinda sa matino, madaya. Tribo-tribo at makasariling katangian ang mapapansin sa sitwasyon na ito. Gusto ng Pangasinan bangus trader kumabig sa loss nila kahit public safety ay malalagay sa masama, tribo-tribo.

    Ang Pinoy, in general, short-sighted -- gusto ng quick buck kahit unsafe at unethical ang kanilang ginagawa. Alam nilang hindi magtatagal ang ganun uri ng pamumuhay.

    This is a heritage of smallness. Mahina tayo sa business dynamics. Laging pakabig ang iniisip, kahit bukas ikababagsak ang hanap-buhay sa maling paguugali!

    ReplyDelete
  6. putang ina ayos to clockworks a. paingles ingles ka na ngayon hayop ka.

    more of these please!

    ReplyDelete
  7. Nagkukunwari pa kayong Filipino eh mga Chinese kayo. Sa mga Filipino wag kayong maniniwala sa mga sinasabi ng mga gago na ito mga Chinese yan na nagkukunwari lang na mga Filipino. Paraan lang nila yan para pabagsakin ang kalooban natin. Mas demonyo pa nga ang pag uugali at gawain ng mga Chinese na yan.

    ReplyDelete
  8. Nagkukunwari pa kayong Filipino eh mga Chinese kayo. Sa mga Filipino wag kayong maniniwala sa mga sinasabi ng mga gago na ito mga Chinese yan na nagkukunwari lang na mga Filipino. Paraan lang nila yan para pabagsakin ang kalooban natin. Mas demonyo pa nga ang pag uugali at gawain ng mga Chinese na yan.

    ReplyDelete
  9. why won't you do a research first? there is a predetermined rule on how far a country can extend it's territories. google it.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?