Skip to main content

Poor man's copyright

So binambo ka ng banda mo? Bigla ka na lang pinalitan dahil daw sa ikaw ay laging late sa gigs, reheasals? Nagdadrugs ka daw at di mo mabigyan ng priority ang banda? Inaagaw mo ang mga groupies lahat ng makita mong groupie na lumalapit sa banda nyo ay kinakantot mo? Lahat ng tsongkee ay hinihithit mo wala nang natitira sa ibang bandmates? At ngayon binambo ka nila para mawala ka na sa group nila at may pinalit na mas gwapo at mas masunurin sa mga kagustuhan nila! Pero teka muna... AKO ANG SONGWRITER AT KANTA KO ANG MGA KANTA NINYONG MGA HINDOT KAYO! DUGO AT PAWIS KO YAN MGA PUTANGINA KAYO!

Hmmm... malaking problema nga yan... paano kung hindi nila isoli yung mga kanta na sinulat mo? Tapos biglang makakuha ng record deal at sumikat! Tapos iniwan kang kumakain ng putik sa skwaters area nyo?

Dont despair! May simpleng solusyon sa problema na yan! Gumawa ka ng poor man's copyright.

Record mo ang music mo at ilagay sa CD. Madali lang magrecord ng music ngayon kung may laptop ka o access sa computer na may recording software. Kung wala kang recording software mag download ka lang dito ng cool edit pro - http://www.toggle.com/lv/group/view/kl36218/Cool_Edit_Pro.htm ok na recording software yan. Medyo nakakalito sa umpisa pero user friendly naman sya kaya madali mo lang maiintindihan.
Gamitin mong CD yung magandang quality. Yung date na nomodify mo yung kanta mo, yan ang date ng copyright mo! So sana naman wag mawala o masira yang laptop mo.

Anyway, irerecord mo pa rin yung songs mo sa CD dahil in case na mabura ang contents ng laptop mo dahil sa virus sa kaka-download mo ng porn, manakaw, kumidlat at maincinerate ka pati mga important files mo.  Wag mo rin kalimutang pakinggan ang bawat track sa CD mo. Siguraduhin na walang sablay.

So nakarecord na sa CD ang mga kanta. Nice! Ngayon yung mga lyrics isulat mo sa isang papel. Kung marunong ka magbasa ng notes, isama mo na rin doon extra pogi points yan.

Ok so nasa iyo na lahat ng kailangan mo - yung songs sa CD mo at yung lyric sheets at music sheet na rin kung meron ka. Pumunta ka ngayon sa post office at ipadala mo sa SARILI MO ang CD at lyrics. Shempre magkasama yan sa isang envelope. Basta gawin mo lang yan. Ipadala mo sa sarili mo.

So lumipas ang isang lingo nagjakol ka na, kumantot ka inubos mo na porn mo at check mo yung mail box mo wow! May mail para sa iyo! Iyan na siguro yung CD at lyric sheets na pinadala ko last week sa sarili ko! Yan na nga yun. WAG NA WAG MONG BUBUKSAN. Bubuksan lang iyan sa korte pag kaharap mo na yung mga gagong nang-bambo sa iyo. Yung mga gagong kabanda mo na nagpatalsik sa iyo sa combo nyo at inangkin ang mga kantang pinaghirapan mo. Yup. Dahil ang mail na yan may seal. Ang seal meron yang petsa. Ang petsa na yan ang copyright date mo. At kapag binuksan yan sa korte, yan ang magpapatunay na ikaw ang totoong nagsulat ng mga kanta na pinaglalaban mo. At once na marealise ng mga walanghiyang yan na may hard evidence ka na, matatae yang mga putanginang yan sa kinauupuan nila.

Gets? Bubuksan nyo sa korte lang dahil kapag binuksan nyo yan ng maaga, magiging void na yan kumbaga. Pwede na nilang sabihin na "hindi naman yan ang laman ng envelope eh nilagay mo lang yan dyan kahapon". Yung seal ang magpapatunay, seal sa post office. Yung tatak at petsa! Ok? Sinisiguro ko lang at baka utak monggo ka pala. Kaya importante na ang magbubukas lang nyan ay yung judge sa korte at ipe-present mo yan na ebidensya mo.

Importante rin na gawin mo ito bago ka makick out sa combo mo. Bago mo pa ipakita sa mga ka-banda mo ang mga kanta mo, ipadala mo na ito sa sarili mo. Just in case lang.

Sana nakatulong ako sa inyo. 

Comments

  1. ang bangis... oo nga naman.

    pero pwede bang hindi na lang sa post office? mga putang inang buwaya doon na hinihigop yata ang bawat sulat na mga tinamaan ng mga leche na yan... christmas card lang ang puking inang pinadala mo hindi pa dadating.

    baka naman pwede sa ibang courier, may mga pagpipilian naman eh.. lbc, to go, wwwexpress.. may mga tatak din naman ng petsa yung mga yun diba?

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Sa sabungan lang nangyayari yan.

Masaya na ako sa mga nangyari sa football team natin. Kahit na hindi tayo nag-advance sa 3rd round ng FIFA World Cup Qualifiers, kontento na ako sa pinakita nila. Medyo malas lang at mashadong malakas ang team na nakaharap natin. Pinagdarasal ko noon na South East Asian team na lang sana kagaya ng Singapore or Indonesia. Phil Younghusband Mga walang kwenta naman yang Singapore tingnan mo mga players nila pinagbibili nila. 95% Chinese ang population ng Singapore pero sa team nila 2 lang ang Chinese doon, mga taga mainland China pa. Walang kwentang bansa yan maliit lang yan. Puro expats lang naman ang laman ng Singapore, tingnan mo nga na-outnumber ng mga Pinoy fans ang fans ng Singapore. Maski yung basketball team nila na Singapore Slingers pag may HOME game ang mga nanonood mga expats na kampi sa visiting team. Joke ang sports sa Singapore dahil ang mga Chinese Singaporean mas interesado sa pagpapayaman at pagnenegosyo. Kaya kailangan nilang bumili ng players para lang may mag rep...

Mga Tibo - May titi ba kayo?

Ang mga hipokritang babae na galit na galit sa mga lalake pero sila naman gustong maging lalake. May advantage nga sila pagdating sa pagpapaligaya ng mga babae dahil alam nila kung ano ang gusto ng babae. Dahil babae din sila eh. Kaya alam nila kung paano romansahin ang babae, kung nasaan ang kiliti, saan isusuot ang dila para hanapin ang tinggil. Marunong silang makinig sa mga sinasabi ng mga babae, yan ang isa pang advantage nila sa ating mga lalake. Tayo may selective hearing, maririnig lang ang gusto nating marinig. Wala tayong pasensya makinig sa pagngawangawa at kung ano pang mga reklamo nila sa buhay na pwede naman sila na ang kumilos. Ang tibo nakikinig yan, at kikilos pa sila para lang mapasaya ang babae nila. Kaya noon sa MIRC may nakausap akong tibo at nagpanggap akong babae. Sobrang dumi ng isip ng mga putanginang yan. Sobrang bastos din manligaw, talagang diretsahan sila. Sama daw ako sa kanya didilaan niya puki ko, paliligayahin ako etc etc. Putangina tinigasan din ako...

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Napanood ko Gilas Pilipinas Puso clip. Pweh. Pinapakilala nila sarili nila. Kung saan sila lumaki, saan sila galing at kung para kanino sila lumalaban. Panoorin niyo. Designed yung video para magpatindig ng balahibo at magpaalsa ng damdamin. Mga engot talaga mga Pinoy pagdating sa basketball. Mahilig mag-romanticize ng basketball exploits na puro kabiguan lang ang dinudulot. Parang yung "We Believe" na slogan noong 2007. Nike nag tapon pa ng pera para sa mga posters at promo gigs para i-promote ang we believe basketball journey nila. Maganda pa naman yung grupo na nakuha nila para sa tournament na yun tapos hindi man lang umabot ng semis! Tinawag pa nilang group of hope, hopeless pa rin sa bandang huli! Laban para sa bayan! Sabi ni Chot Reyes sa isang interview na handa daw magpakamatay ang mga players niya dahil para sa bayan na daw. Ano? Magda-dive sila para sa bola? Magpapasahod sila? Haharangan nila mga rumaragasang higante? Para saan? Para sa bayan? Wala mapapala a...