Wednesday, April 24, 2024

Digong Nilaglag Ng China - Mga DDS Hindi Maunawaan Implikasyon Nito


https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2430970

Totoo talaga na itong mga Duterte at DDS bloggers ang nagbaba ng diskurso sa politica. Maghanap ka ng DDS na nakikipag-tagisan sa mga forums at social media makikita mo ang kababawan sa pagunawa sa mga bagay na politica. Litaw na litaw ang utak biya at mahinang reasoning. Sobrang hina talaga nang pagprocesso ng DDS talagang wala kang makikitang signs na may intelligence ba talaga. Hello? Tao po? Walang tao, ang madadatnan mo lang ay isang hurumentado at sira-ulong DDS. At pag matatalo na sa debate ay biglang ibabato sa iyo ang issue ng drugs or mag red tag ng kung sino sino. Akusahan ka na drug addict o communista. Yan ang fall back ng mga bugok.

Dapat para ma-corner itong mga DDS, dikdikin niyo sa usaping WPS dahil sa bagay na yan sigurado wala silang nalalaman. Mas concern ng mga DDS ang inflation at trabaho kaysa makisawsaw sa usapin ng South China Sea or WPS conflict. Sa tingin nila umunlad talaga ang Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng Digong-niyo. Kahit na naging trilyones ang utang ng Pilipinas at malaking teritoriyo natin ang nawala sa South China Sea. Trabaho ni Digong yan na pangalagaan ang mga teritorio natin pero inalang-alang ang China kapalit ang pledges na mga big ticket infrastructure projects na kahit isa ay hindi natupad. 

May nakita ba tayong big ticket infrastructure project na ka-deal natin ang China? Wala. Isang diehard DDS na nagtatrabaho din na advisor ng PDP Laban ang tinanong ko kung may naging resulta ba ang pag-dila ni Digong-niyo sa mabahong pwet ni Xhi. Wala. Kahit may tae-tae yung butas ng pwet ng mabahong intsik na yan, wala pa rin natupad na isang project. Aba, sinisi ba naman ni adviser si BBM at ang media ng Pilipinas. Kesyo daw napaka-anti China, madaming batikos sa China at puro angal sa bullying na ginagawa ng China sa South China Sea. Sinisi pa rin kay BBM. Kahit isang contrata hindi napirmahan sa ilalim ng pamumuno ng minamahal fentanyl addict.

ICC o ako? 

Yung cancellation ng Mindanao Rail ay sinisi na rin kay BBM. Anak ng tinapa. Yan ay mula sa isang top official ng PDP Laban ha? Sinisi pa rin si BBM. Hindi pa nauupo si BBM, kinansela na yan Mindanao Rail na yan. Mula noon pa ay wala na talagang balak ang China na tuparin ang kahit isa sa mga pledges nila dahil tayo ay nagpaka-puta sa China. Ikaw ba seseryosohin mo isang puta?

At yan ang tingin ng China kay Digong-niyo, isa lang puta. Tingnan niyo kung paano nila ilaglag yan poon nang ibisto nila na aalisin ni Digong o sa ilalim ng kaniyang pamamahala ay aalisin niyo ang nagiisang structure natin sa Ayungin Shoal - ang BRP Sierra Madre. Yan ang isang hadlang sa China para matuloy nila mga plano nila na i-dominate ang area sa WPS na sinasakop natin. Kaya nga noong panahon ni Digong-niyo ay pinabayaan niya na mabulok yung BRP Sierra Madre diyan. Pag nabulok yan at mapagpasyahan na unsafe para tirahan ng mga marines natin, aalisin na sila diyan at hahayaan na lang ang kalikasan na wasakin ang barko na yan para tuluyang sakupin na ng China ang lugar na yan. 


Yang ginawa ni Digong-niyo ay isang act of treason. Noon na tutol ako na pumasok sa atin ang ICC, ngayon ako ay atat na atat na sa kanilang pagdating. Para makita natin ang tapang ni Digong-niyo. Siya ba ay haharap o siya ba ay makikisiksik sa pinagtataguan ni Quiboloy? Sigurado pipiliin niya kasama si Quiboloy dahil sigurado may supply ng batang-bata na mga chicks. No brainer yan kahit sa mga DDS.

Hindi maunawaan ng mga DDS ang kahalagahan ni Digong sa China. Alam niyo ba implikasyon ng paglaglag ng China kay Digong - na ang China at si Digong ay may kasunduan na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal? Sige, i-corner mo isang DDS diyan at panoorin mo na bumula ang bunganga ng hayop na yan.


Sunday, April 21, 2024

Ang Coup Plot ni Antonio Luna

Bakit ka galit? May bigote ka rin ba?

Noong mapaslang si Antonio Luna sa Cabanatuan, hindi alam ng modernong historiador ang totoong pakay ni Luna. Ang alam natin ay may natanggap siyang telegrama mula kay Aguinaldo, na tinatanggi ni Aguinaldo na pinatawag niya si Luna, at tatlo lamang sila Luna ng kaniyang mga aide de campe ang kasama niya. Nasaan si Aguinaldo? Nasa Pampangga dinidisarma ang mga taohan ni Heneral Concepcion. Si Heneral Concepcion ay kilalang loyalista ni Antonio Luna. Ang mga magkakapatid na Bernal naman ay humiwalay sa grupo ni Luna para sunduin ang ilang mga taohan na maagang na-disband ng grupo ni Aguinaldo. Si Luna ay nagpapakana ng isang coup d'etat. 

Samahan niyo kami ni Sumaquel Hosalla (historiador at researcher na naging consultant sa pelikulang Heneral Luna) na tatalakayin ang kwentong ito - Ang Coup Plot ni Antonio Luna.

https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2429314

Sunday, April 14, 2024

Mga Artistang Pinoy Hindi Makasakay sa Woke Train sa Hollywood


https://indiosbravos.mixlr.com/events/3339454 - Live Tayo Dito

Tayo pa naman ang pinakamayabang na bansa sa totoo lang. Tayo yung gusgusin na kamaganak niyo tuwing may family reunion tapos saksakan ng yabang. Ang mga taong mapagmalaki kadalasan ang may pinakamalaking baho na tinatago. Nagmamalaki tayo para pagtakpan ang mga bagay na hindi maganda at nakakahiya.

Lagi nating pinagmamalaki na tayo ay masayahin at laging nakangiti. Pero ang totoo, tayo ay mga inggitero at yung ngiti na yan kadalasan ay ngisi pala. Isang senyales din ng kabobohan ang pangiti-ngiti kahit na napapaligiran ng basura. Ang taong nakangiti sa gitna ng kahirapan ay isang tamad na tinanggap na ang kaniyang kalagayan at wala na siyang balak na ayusin ang kaniyang kapalaran. Tingnan mo mga holdaper at rapist, ngumingiti din mga yan. At kung sino man nagsabi na ang Pilipinas ang pinakamasayahing bansa ay nanlilinlang sa atin. Tayo ang bansa sa Asya na pinagtatawanan ng ating mga kapitbahay. Kahit China na ilang beses nang pinuri ni Digong-Niyo, ngayon ay nilalaglag na ang poon ng mga DDS. 

Ano ba pinagmamalaki natin na ngayon eh bagsak na bagsak tayo? Ang antas ng educasyon natin ay bagsak na din, nasa ilalim na tayo malapit na tayo maunahan ng Camdodia. Daming bobo sa atin makikita ninyo na mawawala mga investors sa atin. Bakit sila magtayo ng hub sa bansa na kulang sa talino ang workforce? At ang matatalino natin lumalayas, sa ibang bansa nagpupunta at doon napapakinabangan ang kanilang husay. Sa atin ang mga trabaho na nakukuha natin ay mga call center lang para sa mga taong ayaw gumamit ng utak. Mawawala din yan kasi ang Pinoy walang customer service puro masusungit mga tao sa atin kaya sino ba gagong nagsabing masayahin tayo? Walang empathy mga tao sa atin kaya paano masisiyahan sa trabahong customer service? Subukan mo tawagan telco mo at magreklamo sa bill mo wala kang makukuha at agents na makakausap mo mga walang kwenta kausap.

Magiingat din sa Pinoy na umiiyak. Tignan ng maigi baka mamaya yan pala ay iyak buwaya. Madami niyan mga nag iiyak buwaya sa show ni Tulfo. Yung mga ang tatapang akala mo tigre nung wala pa sa Tulfo ang storya niya pero pagdating doon eh nagiging maamong tupa. Madami din makikita mo mga pulitikong nagiiyak-iyakan lalo na pag may nakapaligid na mga miembro ng media na may mga dalang camera. Magiiyak-iyakan mga yan pagbumisita sa mga biktima ng mga sakuna na kadalasan ay kasalanan ng mga pulitikong namamahala sa lugar na yan. Sari-sari pa namang mga trahedya ang nangyayari sa atin na madali naman talaga maiwasan kung may malasakit at karunungan lang ang mga nakaupo. Pero ano ba aasahan sa mga animal na yan eh mga dynasty lang yan na ang bibigyan ng importansya ay protektahan ang puesto nila.

Aminin natin sa ating sarili na tayo ay walang kwenta na talaga. Hindi na tayo pinapansin ngayon ng international community. Kahit nga America walang pake-alam kung may magpasabog ng atomic bomb sa atin dahil tingnan mo aggression na ginagawa nila sa teritoryo natin talagang inaasar ang China. Ok lang sa America yan kasi kung magalit ang China ang theatre of war ay sa Pinas gaganapin at sigurado tayo na naman ang bida.

Tingnan niyo ngayon sa Hollywood maraming mga artista ngayon na mula sa ibang lahi ang nabibigyan ng pagkakataon na masali sa mga pelikula. Nabibigyan ngayon ng exposure at representacion ang kanilang bansa. May mga artista na galing sa India, China, Japan at sari-saring mga Hispanics. Tayo na may mga kaibigan matalik ni Uncle Sam, laging handang sumali sa laban ni Uncle Sam at hinulma ang utak para ibigin at sambahin si Uncle Sam ay hindi kasali.

May kinalaman kaya ang hindi kaaya-ayang reputation ng bansa natin? Hindi naman siguro petty ang mga yan. Gusto nga nila mga mahihirap na bansa na may ginagawang maganda sa sining. Madaming mga pelikula na mula sa Afghanistan at Syria na kanilang nai-fefeature. May mga kababaihang director na mula sa Middle Eastern countries ang nabibigyan ng oportunidad pero bakit sila ang nauuna at hindi Pinoy na matagal nang kumakatok sa Hollywood?

Ok, aminin natin na ang ibang pelikula natin ay walang kalatoy-latoy at walang kwenta tayo pagdating sa casting. Mahilig tayo sa mga mestiso at mestisa na laging ginagawang lead sa mga feature natin pero ang mga yan nakuha lang na artista dahil ang masa nagagandahan sa mga may lahing puti. Walang acting talent. Matalas ang mata at mapanuri ang mga film critics sa ibang bansa sigurado naman makikita nila na ang acting ng mga artista sa atin ay walang latoy.

Tingnan niyo mga Pakistani at Indians nagkalat na sa Hollywood at may mga regular na trabaho na sa pelicula. Maraming Koreano na din at tinatangkilik ang Kpop. May mga Vietnamese at Cambodians at siempre hindi mawawala mga Thais. Madaming Africans, Afghans at Middle Easterns. Pinoy lang ang hindi nakasali sa train na yan dahil ang mga bansa nila at movie industry nila ay nakapag produce ng mga magaganda at makabuluhang pelikula. At ang kanilang mga actor at director ay nakapagpatunay na ng kanilang kakayahan sa sining at kultura.




Monday, April 1, 2024

Dapat Ang Mga Pilipino Ay Itakwil Na Ang Mga Duterte!

https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2411733


Patuloy pa rin ang bobong politica sa paglagay ng bobong politico. Ganon lang yan eh. Gusto mo maging lango-lango yung buhay mo? Eh di maghalal ka ng bangag na kagaya ni Baste. Lakas pa ng pintas ng mga DDS na bangag ang pangulo ng Pilipinas eh yung kanilang mayor at bangag at ang pamilya niyan ay mga bangag. 

Ano man yang girian ng China at America kanila lang yun. Pero tayo ay may karapatan sa WPS na dapat igalang ng China. Hindi dapat ang Pilipinas magpauto sa naratibo ng China. Ang kanilang naratibo ng China ay ang Pilipinas sa WPS ay walang karapatan diyan. Historically sa China yan kaya may 9 dash line sila diyan at tayo kasama ng US ay mayabang diyan na unang nagtayo ng structures diyan na labag sa karapatan ng ibang claimants. Ang US ay aggressor at ang China ay pinaglalaban lamang ang kanilang karapatan. At tayo ay dapat manahimik at huwag makisali dahil pag tayo ay sumali tayo ay mamamatay at magugunaw sa lakas ng puersa at kapangyarihan ng bansang China.

Yan ang naratibo na inuulit-ulit ng mga Duterte. Ito yung bed-time story na kinukwento sa atin para tayo ay matulog ng maaga at huwag malikot. Akala ng mga Duterte na lahat ng mga Pilipino ay tanga na kagaya ng mga DDS nila na patuloy silang niluluklok sa puesto kahit na walang magandang resulta ang naidudulot ng kanilang pamamalakad.

Ano pala naging resulta ng drug war ng Digong-Niyo? Wala. Hindi naman nawala ang drugs. Dami pa nga nakalusot. Baka sila ang mga drug lord protectors na sinasabi nila. Nasaan na yung mga pledges ng China noon matapos tumuwad ng tumuwad ang tatay niya para kay Boss Zhi? Zhi-Zhi nang zhi-zhi paulit-ulit pero bakit hanggang bumaba sa puesto tatay niya ay wala tayong nakitang kahit isang big ticket infrastructure project diyan? Kahit yung Mindanao Rail bakit wala? 

Kasi ang China ay walang respeto sa Pilipinas dahil bully eh. Kung sasabog ang gera diyan sa WPS, ang Pilipinas ay kailangan maghanda. Hindi natin kagustuhan yan, hindi rin natin mapipigilan yan. Hindi ito dahil kampi tayo sa America at kaaway natin ang China pero ito ay para sa ating karapatan sa sarili nating teritoryo. Kahit nga mga Duterte hindi nirerespeto ng China. Tingnan niyo nilaglag nila si Digong. Binulilyaso na si Digong ay may agreement sa kanila na alisin ang BRP Sierra Madre na nakasadsad sa mga batuhan diyan sa WPS para may presence tayo. Ano tawag mo diyan? Nilaglag siya ng China at napatunayan talaga na traydor ang mga Digong-Niyo!

Ngayon pa lang ang mga private citizens ay hinihikayat na mag training sakaling mag escalate na nga at maglalabasan ang mga bayani natin. Ang mga Duterte ano gagawin ng mga yan? Diyan tayo mag-ingat dahil ang bala malamang manggagaling sa likod natin.

Andi Eigenmann ay Anghel sa Lupa

 


https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2409415

Bihira sa Pilipina ang makakita ng isang katulad ni Andi Eigenmann. Akala ko nga noon matapobre ito na mandidiri sa mga Indio. Karamihan kasi ng mga kababaihan sa atin kahit yung mga hindi tisay eh ang aarte. Akala nila tama ang ganong ugali - ang alipustahin tayong mga Indio pero ito si Andi Eigenmann na mestisa at parte ng mga mapagharing uri sa atin ay natuto kung paano magmahal. Ito ang dapat tularan ng mga Pinay.

Binabasa ko rin mga comments online dahil tuwing may status update si Andi ay sinusundan ito ng mga kuro-kuro. Napupunta pa ang mga usapan sa asawa niya na si Philmar at may mga di kanais-nais na mga salita mula sa mga ulol na nagagalit at pinili ni Andi ang isang Indio na tulad natin. Ang mga nagsasabi ng mga hindi kanais-nais ay ang mga sumusunod:

Fil-Chi - Marami sa mga ito ay mababa ang tingin sa ating mga kayumanggi. Siguro dahil may trauma pa dahil sa suffering na pinagdaanan ng kanilang mga ninuno. Mga sari-saring hinanakit na naipasa ng kanilang mga ninuno sa revolt ng mga Chino laban sa mga naghaharing Kastila, mga nakakaranas ng pangaalipusta noon sa mga Pilipino na original matapobre. Yung iba naman sa kanila ay likas na racist naman talaga. Lahat ng tao ay bigoted para malinaw ano, pero mas matindi ang bigotry na manggagaling sa mga nagdodomina ng media, ekonomiya at education. 

Pinoy Ogag - Ito ang tawag ko sa mga native na kababayan natin na may dugong Chino at Kastila. Shempre sa sobrang malabnaw na ng Kastila sa kanila ang features nila ay mas hawig sa Southeast Asian pero kinokonsidera ang sarili nilang mga superior lalo na pag Indio ang kaharap. Ayaw nila na nadadaigan ng isang Indio lalo na sa debate. 

Indios - Itong mga ogag na ito ay may tinatawag na Stockholm Syndrome. Talagang may trauma tayong mga Indio na hindi natin maipaliwanag. Buti na lang nandito ako para ituwid ang lahat sa inyo. Itong mga ugok na ito ay pilit na hinihila pababa mga kalahi nila pag nakita nilang masaya. Gusto nila may kasama sila sa kumunoy ng kumukulong tae na pinaglalanguyan nila. 

Halo-Halong Bakla - Itong mga halo-halong mga bakla na ito na karamihan ay mga nagtatrabaho sa mga tabloid magazines at walang magawa sa buhay ay isa sa mga patuloy na naninira at nanggugulo sa buhay nila. Hanggang ngayon ay pilit nilang binabalik yung dating ka-relasyon ni Andi na isang kupalin na wala sa kalingkinan ng idol nating si Philmar. 

Dapat ang mga kababaihan sa atin ay matuto kay Andi - paano maging masaya. At tigilan na katatawag nila sa buhay nila sa Siargao na simple lang. Hindi simple ang buhay na yan. Masarap ang buhay nila doon di kagaya niyo diyan sa Maynila, pa-tiktok-tiktok mga wala namang kisame ang bahay at walang palitada mga dingding. Tama na ang kaartehan at matutong magmahalan. 

PS - ang Filipino ay hindi lahi (race).

Matatalino Ba Ang Mga Egoy?


 https://indiosbravos.mixlr.com/events/3300756

Classic Catch 22 - Kawawang Pilipinas Ang Bansa Ng Mga Ugok!

Sa kalaunan, kawawa ang taong bayan. Naging laruan lamang ng mga tarantado at gagong bugok ang bayan natin. Ayaw natin sa Duterte, ngayon ka...