Tuesday, September 29, 2020

Bakit Ayaw ng masa kay Alan Peter Cayetano?


Padre Damaso o si Bongbong Marcos?

Kakaiba din ang memory ng mga Pinoy ano. Parang kailan lang minumura ng mga tao itong si Alan Peter Cayetano dahil sa kasali siya sa listahan ng mga nabiyayaan ni Napoles tapos biglang naging santo kasi dikit nang dikit kay Digong. Biglang naging Mr Clean, burado mga katanungan dahil sumuporta kay Duterte. Puede ka pala gumawa ng kagaguhan at kademonyohan pero yan ay biglang malilinis basta itaas mo ang iyong mga kamao kasama si Tatay Digong. Suportahan mo lang ang mga panukala ni Digong, absuelto lahat ng kademoniohan na nagawa mo. Yan si Cayetano.

Matagal ko na din pinagiisipan kung ano ba talaga ang deal nito. Noong 2015 ay lumuhod yan kay Duterte para pumayag na tumakbong pangulo at siya ang kuning ka-tandem niya bilang bise presidente. Pahayag pa nga ni Duterte noon na naawa lang daw siya kay Cayetano kaya pumayag siya kasi mabait naman daw. Loco din eh.

Pero kung trapo ang paguusapan, itong si Cayetano talagang sukdulan. Kahit si Satanas kabado diyan. Demoniong panot ang putanginang yan.

Kung naaalala niyo yung Vice Presidential debates noong 2016 ay wagas ang pang-babastos ni APC kay BBM. Madami siyang binitiwang salita kagaya ng "ibalik ninyo ang mga nakaw na yaman" at "humingi kayo paumanhin sa mga biktima ng Martial Law." Walang tigil ang pangbabatikos ni APC kay BBM nang live sa ating mga television.

Ano kaya ang pinaghuhugutan ng galit niyan kay Bongbong Marcos? Hindi naman binalasubas o inagrabyado ni dating si Ferdinand Marcos ang mga Cayetano. Identified sila with Enrile noong bumalimbing na si Enrile at nasisante siya bilang defense secretary. Kapiling sila ni Enrile noong pinaplano ang coup d'etat laban sa gobierno ni Marcos pero walang dahilan para gawing personal ni Cayetano ang galit niya kay Bongbong Marcos. Hindi kagaya ng mga Pimentel na talagang may paghuhugutan yan. Pero si Cayetano? Wala.

Ayaw ko naman kay Duterte noon dahil barbaro ang mga pamamalakad niya sa Davao. Nakita ko noon kung paano niya pinapatay ang mga asong gala sa ciudad niya, binabaril nila mga kawawang askal. Walang awa itong hudas na ito. Kaya nang makita ko paunti-unti na naglalabasan ang mga post sa Facebook na Duterte for President, tinawanan ko lang yan. Yung mga paunti-unti ay biglang dumami hanggang sa nililigawan na siya ni Marcos. Parang may pera na biglang pumasok para mag viral ang mga Pro Duterte content sa Facebook. At isa pa, hindi kilala si Duterte sa Luzon kaya madaling pagandahin ang imahe. Kung ano man ang ginawa niya noon bigyan mo lang ng sampung taon at malinis ka na ulit. Fuera lang siempre kung ang apeliedo mo ay Marcos. Nakatulong din na late na nag declara na tatakbo si Digong, wala nang oras para sa demolition job ang mga karival niya sa pagka presidente. 

Hindi kagaya ng bobong si Jojo Binay na premature nangampanya, ayan tuloy nagtambak ang mga caso laban sa kanya. Sobrang daming distractions. Si Digong, hindi kinailangang ipagtanggol ang sarili tungkol sa Davao Death Squads na maaaring ibato sa kanya sa campaign period dahil mautak siya na hindi maagang nag declara o naglabas ng intent na gusto niyang maging Pangulo ng Pilipinas.

Si Mar Roxas naman sirang-sira na pangalan din dahil sa sunod-sunod na kapalpakan ng kanyang BFF na si Haring Abnoynoy. Palpak na siya, kilalang talunan at mahirap na baguhin ang kanyang imahe. Tandaan niyo na tayo ay may sabong culture - ang manok na natalo ay ginagawa nang tinola. Kahit ano pa gawin ni Mar kahit mag buhat pa siya ng sibuyas, magbuo ng ataol, maglinis ng inidoro, sumipsip ng tae sa poso negro, magpakain ng baboy at magtrapik sa EDSA wala nang mangyayari sa imahe niya. Siya ay isang talunan.

Ganon din ang nangyari kay Miriam Defensor Santiago. Brenda nga ang tawag sa kanya - Brendamage. Nag originate yan dahil sa mga kasinungalingan na pinakalat ni Maceda noon, naniwala ang mga tao na baliw ang kawawang si MDS. Isa pa, alam na din ng lahat na may cancer siya at hindi siya tatagal. Kung mananalo man siya, hanggang kailan lang? Alam na natin ang sagot diyan dahil sumalangit na ang kanyang kaluluwa. At hindi rin si MDS ang kinakailangan natin na maging pangulo.

Kaya natural na si Duterte ang masarap na ikampanya dahil fresh na fresh at walang bahid. Siempre, meron yan baho. Mautak lang talaga. Alam kung paano ikubli. At kagaya ng nasabi ko, hindi siya maagang nangampanya kaya hindi nakapaghanda ang kalaban ng mga putik na ibabato sa kanya. Posible din na dahil siya ay taga Mindanao ay na-underestimate siya. Hindi nila alam na may taglay na wit at master ng sarcasm ito na talagang nag click sa masa.

Siempre hindi umubra yung Duterte-Marcos tandem dahil ayaw ng mga Pimentel kay Marcos for obvious reasons. Pero kung engot ka at hindi mo alam, si Nene Pimentel na tatay ng gagong si Koko Pimentel ay pinakulong noon ni Marcos. Makulit kasi yung gunggong na yun kagaya ng anak niyang si Koko na may mukhang masarap suntukin. Matindi ang galit nila kay Bongbong. 

Itong si Cayetano naman, strategy niya na siraan si BBM dahil mas gusto ng masa si BBM kaysa sa kanya. Kahit magpasikat pa siya at maging stooge ni Duterte na nirerepeat ang mga talking points ni Digong, sumangayon lagi sa mga sinasabi ni Digong, magkunwaring batang uliran, pa-good boy effect at kumain ng tae ng mga DDS ay ayaw pa rin ng masa sa kanya!

Sobrang suklam ang masa sa kanya na kahit mag arkila na siya ng mga social media influencers - Mocha, Sass at TP - ay hindi pa rin siya gusto ng masa! Bakit? Dahil ayaw ng masa mga tisoy na kagaya niya. Sa tingin niyo ba iboboto ng masa ang mga Zobel de Ayala? Aboitiz? Concepcion? Hindi ah. Nakaimplante na sa utak ng mga masa na ang mga Castila ay hindi mapagkakatiwalaan at mapang-alipin! Mukha pa naman ni Cayetano yung mukhang masarap suntukin. Kamukha ni Padre Damaso kulang na lang abito.

Naalala niyo ba yung nangyari sa We Are Collective? Ito yung grupo ng mga anonymous na jornalista na naglabas ng maraming articulo noong 2016 na nagexpose sa lahat ng mga katiwalian ng mga Robredo at politica sa Bicol. Sobrang takot ni Leni Robredo na pinapasara niya ang Facebook page ng We Are Collective. Sobrang in depth at mahusay ang pag research ng mga nilalabas nilang content. Pero hindi sila nagtagal dahil hindi lang campo ng LP at mga Dilawan ang kalaban nila kung hindi pati sila Sass Sasot (yung tranny na pro Duterte) at Thinking Pinoy.

Bakit sila pinabagsak ng mga pro Duterte bloggers? Dahil si Sass at Thinking Pinoy ay mga alaga ni Cayetano. Kahit kaalyado ni Duterte ay tinitira ng mga yan fuera lang si Cayetano. Yan ang mga attack dogs ni Cayetano. At kung magkakaroon ng traction ang efforts ng We Are Collective, babango lalo si Bongbong Marcos. Sa efforts nila ay magkakaroon ng momentum si BBM na maaaring maging daan para maging Pangulo ng Pilipinas sa 2022. Ayaw ni Cayetano niyan! Gusto niya siya ang fair haired boy ni Duterte! Hindi siya magbebenefit diyan! At masisira lahat ng mga plano niya! Kaya ginamit niya si Thinking Pinoy at Sass Rogando Sasot na mga attack dogs niya. Hindi na sumali si Mocha sa demolition job laban sa We Are Collective dahil mapaghahalata sila pero hindi naman sinuportahan ni Mocha ang We Are Collective kaya hindi nakakuha ng simpatiya ang We Are Collective sa mga DDS.

Kailangan niya talagang siraan si BBM. Dahil balang araw, gusto niyang maging Pangulo ng Pilipinas. Si BBM lang ang tao na kahit matalo sa pagka bise presidente, (dinaya siya ni Robredo) ay may malakas na chansa na manalo kung tatakbong Presidente sa 2022. At yan ang ayaw na mangyari ni Cayetano. Dahil kung manalo si BBM, tiyak na sa kangkungan ang bagsak ng panot na gago na yan! 

Cayetano! Ayaw sa iyo ng mga tao! Corrupt ka, bantay-salakay, kamukha ni Padre Damaso na walang abito at mukhang mapang-alipin! Pweh! Putangina mo!


Monday, September 28, 2020

DENR ay Pugad ng mga Ungas


Ang buhangin sa Manila Bay ay natural na maitim at halos kakulay na ng buhangin sa tabi ng vulcan. Kaya ano na naman itong naisipan ng mga magagaling na scientist ng administracion ni Duterte at tinambakan nila ng dolomite yan para gawing Boracay? Isang malaking aksaya ng pera at katontohan yan maniwala kayo. Bigyan niyo ng isang taon at ang buhangin na yan na hinahangaan niyo ngayon ay mangingitim ulit na parang kili-kili ng bakla.

Alam niyo ba ang erosion? Ang alon ay kakainin yang buhangin na yan at hihilahin papunta sa laot. At habang dumadating ang alon ay may dala rin itong mga buhangin. Ang buhangin na ito ay itim kasi yun ang natural na kulay ng buhangin diyan. Gamitin niyo ngayon ang mga utak biya niyo. Isang taon lang tapos na yan at mas mapapabilis yan pag bumagyo pa.

Siguro kung ang pera na ginastos diyan ay pinambili na lang ng transistor radio na sinasabi ng Pangulo para sa home schooling ng mga mahihirap na estudiante nakatulong pang tunay. Biro lang, walang quenta na suggestion din yun. Ang pera na yun na aabot sa P389 million ay nasayang lang talaga. Sino mga kumita? Sino pa eh di ang mga mining corporations. Hindi nga nagdaan sa bidding yan. Sigurado tiba-tiba sila at tumatawa papunta sa banco. Tawa ng tawa din ang putangina Alan Peter Cayetano na may investments diyan.

Sabi nga ng isang bobo na nakausap ko, bakit sa Dubai wala naman nag rereklamo sa reclaimed area nila. Wala naman nagrereklamo kasi marami sila buhangin. Tayo, kinuha natin yung dolomite sa bundok. Tinapyas ang bundok, pinutol mga puno at sinira para pagandahin ang isang mabasurang lugar sa Manila! Kasi wala nang gumagamit ng utak ngayon sa Pilipinas!

At bakit naniniwala ang mga DDS na environmentally safe itong proyekto na ito? Ano ngayon kung sinabi ng DENR na safe ito? Hindi ba nila naisip na ang mga decision makers sa DENR ay hindi naman mga environmental scientists? Puro sundalo diyan! Ginagawa lang nilang gatasan ang mga agencia ng gobierno! Walang alam sa siyensiya ang mga yan dahil ang sinasamba lang ng mga ulol sa DENR ay pera!

Kailan ba inaalang-alang ng DENR ang kalikasan? Punta kayo sa Camiguin makikita niyo mga natural spring na ginawang swimming pool ng mga bobo sa DENR. Punta kayo sa Rizal para makita niyo ang mga burol na pinatag. Lagay lang ang habol ng mga gago diyan. Wala namang naitalaga diyan na environmental scientist. Lahat ng mga nagdaang pangulo, nilalagay ang mga taong pinagutangan nila ng pera para sa campaña nila sa mga not so importante government agencies para diyan sila makapangulimbat at mabawi ang mga ginastos nila. Yan ang totoo! 

Ang daming species ng mga hayop sa Alcoy, Cebu ang nawalan ng habitat para lang hukayin ang mga dolomite na dudurugin at gawing buhangin para sa pagpapaganda ng Imperial Manila. Wala ba nag aalang-alang para sa mga hayop natin? Iba kasi ang utak ng Pinoy, mga utak biya.

Kawawang mga Cebuano na galit na galit sa Manila. Tinapyas ang mga bundok nila para pagandahin ang Imperial Manila. Ano kaya masasabi nila ngayon? Ito ang masasabi nila - may probe ngayon ng mga oficiales sa Cebu na ayon sa kanila ay walang pahintulot ang pag extract ng dolomite sa Alcoy. Kasalukuyang iniimbestigahan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ang issue na ito. Ayon sa provincial board member na si John Borgonia ay aalamin nila kung may permit ba ang mga nag extract at nag supply ng dolomite sa Imperial Manila at kung paano ito nakalusot sa ilalim ng ilong nila nang hindi nila nalalaman!

Basahin niyo dito kung ayaw niyo maniwala - https://www.cnnphilippines.com/news/2020/9/4/Cebu-local-officials-demand-probe-dolomite-extraction-Manila-Bay-.html

Sobrang asar nila ano ha?

Sabi naman ng mga DDS ay mapapaganda daw ang Manila Bay at mawawala na daw ang mga basura. Tingnan niyo pagka-utak biya nila. Ang basura sa Manila Bay ay nagmula sa inland Manila. Madaming batis at ilog diyan. Sa pangpang ng mga batis at ilog na yan ay nakatira ang napakaraming squatter na mga walang diciplina at mga utak biya kagaya ng mga DDS. Sila ang nagtatapon ng basura sa mga tubig at ang mga basura at lulutang at dadaloy papunta sa Manila Bay. Kaya kahit tambakan niyo ng tone-toneladang dolomite yan, babaho at dudumi pa rin yan kung ang ugat ng problema ay hindi nahahanapan ng tamang solucion!

Ngayon, kung ang pera na ginastos sa pagtambak ng dolomite sa Manila Bay ay ginamit na lang sa mas makakabuting proyekto, sana wala ang issue na ito. Kung tinabi na lang ang pera para pambili ng vaccine kung sakaling may madevelop na at maging available, may pondo na tayo para madistribute na sa ating mga kababayan at maumpisahan na ang herd immunity. Huwag niyo sabihing matagal nang na-approve ang project na yan sa Manila Bay dahil binigyan ng emergency powers ang Pangulo para mag realign ng budget kaya bakit yan hindi kinansela? Kinansela dapat yan dahil walang quenta! O hindi maikansela dahil sasama ang loob ng mga stakeholders sa proyekto na walang quenta? Involved ba ang China diyan?


Wednesday, September 9, 2020

Pilipinas ang Original Bully sa South China Sea




Walang duda na ang China ay bully. Ginagamit ng China ang lakas ng kanilang navy at ang higanteng economia nila. Wala na tayong laban dahil talagang kulelat ang ating mga lumulatang na lata. Pinabayaan talaga ni Cory Aquino at lahat ng mga sumunod na presidente natin. Kahit isigaw pa natin na naging panalo tayo sa Court of Arbitration, wala naman tayong magagawa dahil mahina ang ating NAVY compara sa China.

Bully nga ang China, yan ang totoo. Pero alam niyo ba na ang Pilipinas ang unang bully sa region natin? Kailangan balikan natin ang naging ugali ng Pilipinas pagkatapos ng WW2. Tayo ang original bully sa South China Sea. Ang lahat ng kakupalan na ginagawa ng China ngayon sa South China Sea, ay una na nating ginawa pagkatapos ng WW2. Ang yayabang talaga natin noon dahil katabi natin si Uncle Sam. Pilipinas at America ang original kupal. Oo, bully ang Pilipinas noon at yan ang totoo!

Sino unang nang-angkin ng isla sa Spratlys Islands at nagtayo ng infrastructures diyan? Pilipinas. May mga claimants na noon kagaya ng Vietnam, Taiwan at Indonesia pero kahit na disputed yung islands gumawa pa rin tayo ng infrastructures diyan. Nainis siempre ang ibang bansa lalo na mga claimants pero may nagawa ba sila? Wala, dahil malakas pa ang Pilipinas noon at may backing ng America. Tayo talaga ang original na kupal diyan.

Ang China at ibang claimants sa Spratlys ang tumalima sa international law. Tayo, hindi natin pinapakinggan ang UNCLOS noon kasi malakas ang NAVY at Airforce natin at may backing ng America. Isa pa, gaya nga ng nasabi ko, mayabang pa tayo noon. Tayo ang unang nag militarize ng Spratlys. Tahimik lang ang China noon at ibang claimants.

Ngayon, nakatulog kasi tayo sa kangkungan at ang mga kagamitan natin na pandigma ay luma na at bulok. Napag-iwanan na tayo habang ang mga kapitbahay natin sa ating region ay lumakas na at umunlad. Hindi na natin kayang magsiga-sigaan diyan dahil pinatalsik natin ang mga Americano noong 90s.

Kabobohan ni Abnoynoy


Malaking kabobohan ang ginawa ni Abnoy. Noong 2012 ay nagkaroon ng *stand-off sa Spratly Islands involving mga mangingisda natin. Ayon sa kanila, hinaharrass daw sila ng mga malalaking fishing vessels na Chinese. Itong gagong Abnoynoy, nagpadala ng 2 NAVY ships natin. Pinadala pa mismo yung BRP Jose Rizal. Tangang Abnoy hindi alam ang rules of engagement - para siyang naghahamon ng gera. Ayun ang China nagpadala ng pitong naval ships nila. Dahil doon, hindi tayo nakabalik ng Scarborough Shoal.

Punta ngayon ang Pilipinas sa Court of Arbitration, siempre wala nang cuenta ang bansa natin. Yung gagang nanay niya na si Cory binawasan budget ng military kaya ayan mga kagamitan natin naging bulok. Hindi niya alam na ang gagong anak niya ay mag inherit ng kanyang kapalpakan. Mahina na tayo kaya ito na tayo lumalapit na sa Court of Arbitration at nananawagan sa ibang bansa na tumalima sa International Laws, bagay na hindi natin pinapansin noong malakas pa tayo at mayabang.

Pinalabas ng administracion ni Abnoy na panalo tayo sa Court of Arbitration pero ang totoo ay 12 lang ang inaksyonan sa 24 caso na sinampa natin. Talo pa rin kung ganon! Pinalabas pa rin na panalo tayo dahil hindi sumipot ang China. Eh gago pala sila! Hindi kailangan sumipot ng China dahil may provision sa UNCLOS na hindi puede puersahin ang bansa na dumalo sa isang pagdinig.

Isa pa, ang mga adjudicators ay galing sa mga na may matinding economic ties sa China. Kaya ano pa ba aasahan mo? Sa tingin mo ba ay papanig ba talaga ang Court of Arbitration sa atin?

Digong Jetski - Naniwala ka naman?


Ang daming bobo sa atin na naniwala na mag jetski si Digong papunta sa Spratly Islands. Pinapakita niyo lang ang katontohan niyo pagdating sa political science. Sinabi ni Digong yan para makuha ang boto niyo. Ganon lang kasimple yun. Alam niya ang sentimiento ng karamihan ng Pilipino - atin ang Spratlys kaya bawiin natin yan. Ang katotohanan, hindi basta-basta mababawi yan kung wala kang malakas na barco na pangdigma.

Sa paningin mo siguro ay malambot ang galaw ng administracion na ito pero ito ay resulta na ng mga circumstansya na noon pa nangyayari. Wala na magagawa si Digong kung hindi damage control. Mashado na tayong nakalubog sa kumunoy ng kumukulong tae para makaahon ngayon. Kung tayo ay papalag, tatapatan lang ng China ng economic pressure. Naaalala niyo yung mga saging na export natin na pinabayaan ng China mabulok sa ports nila? Binalik sa Pilipinas at pinakain lahat kay Abnoynoy.

Noong nakipag negotiate si Duterte sa China para i-ease ang tensions at papasukin ang mga mangingisda natin, ito ay naging tagumpay. Wala tayo mapapala sa Court of Arbitration na yan sa totoo lang.

Ano Gagawin Natin Ngayon? Nganga?


Sa playground noong bata pa tayo doon tayo natuto ng life skills na ginagamit natin ngayon kagaya ng negotiation. Kung may bully, makipagsuntukan ka para hindi ka na apihin. Kung mashadong malaki, makipag kaibigan ka sa ibang mga bata para may alliance ka at madami kayo. 

Ganyan din sa international politics. Bakit ang North Korea hindi pa rin masugod ng America? Dahil sa ties nila with China at Russia.

Tayo rin puede natin laruin yan. Japan, South Korea at Russia ay palapitin natin. At palayuin natin ang America sa atin. Yan America na yan ang nambubuyo sa atin noon pa. Sa America tayo ay customer lang. Hindi naman tayo na uplift ng America. Customer lang tayo na bumibili ng foodstuff nila mula noon pa. Tayo ay ginagawang pawn lang sa mga gera nila. Noong WW2 tayo ang mga pawns nila na ginagamit para sumugod sa mga kaaway, pero tayo ang huling binalikan nila at inuna muna ang Europa. Pagkatapos ng WW2, hindi naman nila tayo tinulungan para i-rebuild ang Manila na winasak nila. Sinong gago ang pumayag na bombahin ng mga Americano ang Escolta at Intramuros? Bakit hindi umimik sila Osmeña o Roxas na i-spare nila ang Manila? At pagkatapos walang repatriation, magkano lang binigay. 

Wala tayong napala sa America. 

Pero maganda hinaharap natin kung makikipag kaibigan sa Russia, Japan at South Korea. Humingi tayo ng tulong at discount sa mga military weaponry para mapalakas ang militar natin. 

Huwag na tayong bibili ng mga bulok na kagamitan sa America. Binibenta lang nila sa atin mga WW2 era na warships, kakalasin pa nila mga sonar at radar, tapos sa kanila lang tayo makakabili ng bala at sobrang mahal pa. Anong klaseng kaibigan yan? Ok lang kung ibigay nila ng libre pero bakit binebenta nila ang mahal at kakarag-karag na? Tapos yung Pakistan binigyan nila ng barco libre, tayo na long time ally nila kailangan magbayad? Anong klaseng kaibigan yan?

Palakasin din natin ang ating Coast Guard, Maritime Policy, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources dahil sila ang magbabantay ng borders natin. Bilhan ng maraming malalaking barco para hindi mamilitarize ang Spratlys. Dapat puro white ships or civilian enforcement ships lang. Kapag ang EEZ natin ay punong-puno ng mga barco nila, hindi tayo basta-basta mapapasok ng sino man.

Tandaan mo, pag pinangtapat natin blue or grey ship, naval ships yun kaya ang interpretation niyan ay naghahamon ka ng gera.

Tama na yung victim mentality natin na tuwing binabangga ang de-katig na bangkang bulok ng mga mangingisda natin ay awang-awa tayo. Tama na yan! Tingnan niyo Vietnam, alam nilang lagi silang binabangga kaya pinalakas nila ang Coast Guard nila at ang mga mangingisda nila binigyan ng mga modernong banca na yari sa bakal. Hindi nga matatawag na banca yun. FISHING VESSEL po yun! Yung sinasagwan ng lolo mo, yun ang banca. Pweh!

Kung gagawa ng tamang hakbang ang Pilipinas, nasisiguro ko na manunumbalik ang ating yabang. Naglalakihan ang mga betlog pero ang pipisot ng mga titi. Sana naman ay bumalik ang sigla ng dating kupal sa South China Sea. Ang mga hari ng bayag. Ang Pilipinas! The original bully ng South China Sea! Mabuhay!


Saturday, August 8, 2020

AFP Gusto Kontrolin ang Social Media

Ang balat-sibuyas na Lt Gen Gilbert Gapay ay nagpahayag na dapat isali ang pag-gamit ng social media sa scope ng Anti-Terrorism Bill. Parang ginagawa sa China na hindi puedeng sabihin na mukhang tae ng kambing si Xi. Sa Pinas naman hindi na puedeng sabihin gago si Bong Go at bobo si Bato. Balat-sibuyas. 

Naalala ko tuloy sinabi ni Bato sa isang drug lord na pa-drug lord, drug lord pero naduduwag naman. Ganon din siya pumasok sa politica pero balat-sibuyas. 

Suggestion ko kay Lt Gen Gapay ay ito: Alisin niyo na lang FB may Weibo naman. Tapos kung sino mag comment ng di niyo magustuhan, puntahan niyo sa bahay nila at galit na tadyakan ninyo pinto nila. Tapos suntukin mo mukha ng keyboard warrior kasi talagang napikon ka diba? Suntukin mo at sabihin mo tokhang lang. Durugin mo lahat ng ipin kasi nabadtrip ka talaga sa sinabi eh hindi mo talaga nagustuhan. Nasaktan damdamin mo. Sampalin mo nanay niya at saksakin yung aso niya. Talagang napikon ka diba? Sikmuraan mo pa. At pagkatapos non, suntukin mo yung dingding nila. Nakooo, bakit kasi nagsalita ng ganon sa gobierno! Suntukin mo ulit yung dingding at saka mo bigyan ng warning diba? 

Mga balat-sibuyas kayo mga putangina niyo. Naaasar ako sa mukha ninyo mga putris kayo. Ang tatapang magsalita pero mga balat-sibuyas naman. Gagawa ng kabalbalan at pag nabibisto magmamakaawa. Kagaya ng tarantadong Morales ng Philhealth na huwag na daw pagusapan ang corruption sa Philhealth at sa halip ay tumulong na lang tayo. Anong tulong? Tulungan kayo magnakaw?

Yan ba AFP mga balat-sibuyas? Sa panahon siguro ng gera magmamakaawa mga yan na huwag gumamit ng dahas sa gitna ng labanan. Yan ang hirap sa mga taong mayayabang mga wala palang binatbat. Mga ulol! Tangina niyo!

Thursday, July 30, 2020

Paano Ginuho ni Duterte si Grace Poe na Boba?

Gigising ako!

Naalala ko noong Presidential Debate nagtanong si Duterte para lang kay Grace Poe. Ang tanong ni Duterte ay "Ikaw ang presidente ng Pilipinas at sa disoras ng gabi ay ginising ka ng Defense Secretary mo para sabihin sa iyo na tayo ay inatake. Ano ang gagawin mo?" 

Si Grace Poe ay tatanga-tanga talaga at tulad ng inaasahan ay nagkalat. Nangangapa siya ng tamang maisasagot, nanginginig pa ang boses. Nataranta yung tarantada at balisang-balisa talaga kaya dinaan na lang niya sa biro at sinabing siya daw ay GIGISING. Walang kwenta ang delivery niya kaya plakda ang mukha niya. Pinagmukha siyang tanga ni Duterte para ma-expose ang katangahan niya at mawala ang tiwala ng mga botante sa kanya. Si Poe kasi ang isa sa mga popular na presidentiable at ang strategy ay nag-tagumpay!

Ang tanong ni Duterte ay political science question na alam niyang hindi kayang sagutin ni Grace Poe. Masasagot yan ng mga kagaya ni Randy David or mga taong may military background. Kahit yung ibang presidentiables ay kinabahan at natameme dahil hindi rin nila alam kung ano ang isasagot nila. Na-expose na mga weak fucks pala ang mga tumatakbong pangulo noong 2016.

Ano ba ang tamang sagot? Hindi sinagot ni Duterte dahil walang nagtanong sa kanya. Walang nag challenge kung ano ba gagawin niya kung siya ang pangulo. Sa sobrang takot ni Mar Roxas, hindi siya nakaimik. Nawala tapang niya na umentra at ibalik kay Duterte ang tanong. Kahit si Miriam hindi nasagot at mukhang kinabahan na baka siya ang sunod na tanongin. Natatakot din sila na baka masagot ni Duterte shempre assume na nila na alam ni Digong ang sagot dahil siya ang nagtanong diba? Kung masagot ni Duterte eh di dadami ang hahanga sa kanya.

Pero ano ba talaga ang tamang sagot?

Mashadong broad ang question. Inatake tayo, ano ang gagawin mo? 

Kung nakuha lang ni Poe ang bearings niya or may training siya sa mga situational questions at may political science background siya, nagtanong dapat siya kay Duterte para i-expand ang kanyang tanong. Anong inatake? Inatake ng alin? Alin ang inatake? Ginising mo ako ngayon so assume ko na kanina lang tayo inatake mga hating gabi kaya ginising mo ako? Bakit inatake? Sino umatake?

Mainit pa noon ang issue sa WPS at sariwa pa ang pagkakapabor sa atin ng ruling ng arbitration tribunal ng UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea).

Nang sumuko na si Grace Poe dahil hindi niya talaga alam kung ano ang kanyang gagawin, ngumiti lang si Duterte dahil mission accomplished at sinabing wala na siyang karagdagang itatanong. Lahat sa audience at sigurado maging sa mga bahay-bahay na nanonood ay tahimik at hindi makapaniwala sa naganap. Marahil ay iniisip din ng bawat isa na nakasaksi sa katangahan na tanga nga talaga si Grace Poe at hindi siya karapat-dapat na maging pangulo. At ano nga ba ang tamang sagot?

Hindi na mahalaga yun. Ang mahalaga ay gumuho si Grace Poe at yun talaga ang intencion ni Duterte. Boba kasi eh!



Tuesday, July 28, 2020

Nakakahiya Naman Sa Mga Balat-Sibuyas

Tito, Vic and Joey with Ritchie Reyes


Talagang nabasag na ang pula ni Tito Sotto, Bong Go at Bato Dela Rosa kaya naman nakaisip silang gumawa ng walang kwentang resolution na Anti-Terror Law. Ito ay batas para protektahan ang pride ng mga gagong senador at ng walang kwentang administracion ni Duterte sa mga pambabatikos. Ngayon nga na litaw na litaw ang kapalpakan at pagka incompetent ng Duterte admin, kailangan nila ng Anti-Terror Law para macontrol ang pambabatikos at pamumuna. Sabi nga sa akin ng kilala kong abogado na huwag muna ako mambabatikos sa pamahalaan dahil delikado ang provisions ng panukala.

Kay Tito Sotto naman ang naging catalyst nito ay ang pagkabuhay ng Pepsi Paloma Rape Suicide. Noon na wala pang social media, ito ay napapagusapan lang sa mga inuman at pag tinulog na ng mga lasenggo paggising kinabukasan limot na. Hindi na ito nagkakaroon ng pakpak na nagiging national topic. Pero dahil sa social media, nagkaroon na ito ng iba't ibang anyo. Na-link na sa kanta ng Eraserheads at ginagawang topic pag nagiging topic ang mga katangahan ni Tito Sotto. Kailangan macontrol na ito kaya pasok ang Anti-Terror bill.

Maraming version na lumabas sa Pepsi Paloma Scandal.

Ang pinaka popular ay ginahasa daw siya ni Vic Sotto, Joey De Leon at Ritchie Reyes AKA Ritchie d'Horsie. Para manahimik, tinakot daw ng taohan ni Tito Sotto na si Ben Ulo. Sa sobrang sama ng loob ay nagpatiwakal.

May isa naman akong version na nadinig. Kwento ng isang dating director na si Bert De Leon. Ayon kay Bert De Leon, si Pepsi daw ay bayaran. Kinayog daw ni Vic at Joey sa hotel. Tapos yung bayad ay binigay daw kay Ritchie D'Horsie pero ito naman si Ritchie ay tinakbo yung pera. Lumabas ang version na ito pagkatapos na mamatay si Ritchie D'Horsie kaya wala na siya para ma-cross examine. Wala na din siya para tumanggi o tanggapin at aminin ang pagkakamali.

Itong si Tito Sotto na ito may propensity ito for draconian laws eh. Unang pumasok sa politica ito naging vice mayor ng Quezon City. Ang unang ordinancia niya ay ang anti-smoking law. Alam naman natin na walang nangyari at hindi nasunod. Hindi uubra ang mga draconian measures sa mga Pinoy. Magbuklat kayo ng history books at hanapin ang Basi Revolt sa Iloilo kung saan pinagbawal ng mga Kastila ang paginom ng basi. Nag rebolusyon ang mga Ilocano. Dumanak ang dugo. 

Ang mga taong walang abilidad at walang idea ay sa draconian law aasa. Pagbabawalin ang mag yosi, uminom ng alak, jaywalking, umangkas ng pasahero, tumawid sa kalsada etc. Ito ay mga walang kwentang batas na gawain ng mga amature. Unang sabak niya sa politica anti smoking ang advokasiya niya. Tapos naging senador siya pinaginitan niya mga imoral na kanta kaya napa senate hearing ang mga kagaya ng Eraserheads at Grin Department. Wala kasi siyang maisip na progressive na batas eh kaya draconian measures lang ang kaya.

Ganon din si Digong. Drugs, drugs, drugs. Puro drugs. Wala kasing idea. Walang ibang maisip. 

Para sa balat sibuyas na kagaya ni Bong Go na sa unang tingin akala mo makapal talaga ang pagmumukha laging nauuna ang baba tuwing may photo ops, surprisingly napaka nipis pala ng balat nito. Hindi makatanggap ng pamumuna at pangangantyaw! Halatang sipsip lang ang hinayupak na ito. Kung ang concern niya lang ay ang pangulo, huwag na siyang mag senador. Maging PA na lang siya o adviser tutal yan naman ang expertise niya. Ano maitutulong niya pag mag senador siya? Tonto naman siya. Hindi nga siya lumahok sa mga debate kasi hindi niya kayang depensahan ang position niya, wala siyang paninindigan, bobo siya at ungas. Halata naman diba?

Yung Balik Probinsya program niya ay bigtime fuck up ng administracion ni Duterte. Dahil dito ang mga probinsya na walang COVID, ngayon may COVID na. Maganda naman intencion talaga. Kasi ang mga OFW natin na stranded sa Manila, kailangan talaga makabalik sa probinsya may COVID man o wala. Ang problema ay nasa execution. Salain muna nila ang mga magbabalik probinsya at alamin kung sino may covid o wala. Mag quarantine muna ng 14 days bago sumakay ng barco at pagdating sa destination nila mag quarantine ulit para makasiguro na bago pauwiin sa kanilang mga bahay ay walang sakit. Dapat siguruhin din na handa ang probinsya nila para tumanggap ng COVID patients. Dapat up to speed sa testing, may facilidades etc. Ngayon dapat may listahan kung sino sino mga sumali sa Balik Probinsya program for contact tracing purposes. Dapat may coordination talaga with DOH, LGU at yung gagong senador na nakaisip nito. Kaso yung gagong senador na nakaisip nito, balat sibuyas at talagang tonto. SUKDULAN ANG PAGKA TONTO!

Kailan lang ay nag demanda si Bong Go laban sa isang estudiante na nagaaral sa isang colegio sa Manila dahil sa pambabatikos online. Anong klase yan? Magsesenador pero hindi makatanggap ng pambabatikos? Ang pambabatikos ay ginagamit in a positive way para mag improve ang serbisyo at trabaho pero itong tonto na ito ay hindi makatanggap. Balat sibuyas pala!  Gagawa ng katangahan pero bawal na magsalita at punahin ang katangahan? Maganda nga pinupuna ka para mapaisip ka at hindi mo na ulitin. Balat sibuyas!

Bwahaha mga buang kayo katulad ko!

Ito namang si Bato Dela Rosa ang hari ng lahat ng mga bobo sa mundo. Yung bao ng ulo nito pag binasag mo maglalabasan mga anay. Kinakatakutan ang ulo nito parang nuno sa punso noon pero pag binasag mo hollow pala sa loob at minsan may anay. Itong putanginang bobo na ito pag pinukpuk mo ng itak yung ulo talagang tutunog na parang makunat na kahoy. Kaya dapat ilang hampas ka, hindi uubra yung bigwas. Dapat talaga hampas. Kumuha ka ng buelo at asinta ka ng mabuti para puruhan mo. Matigas kasi ang ulo ng gagong ito. Ewan ko ba kung bakit ito naging senador.

Itong ugok na ito yung tuwang-tuwa sa WFH set up nila sa senado. Nahuli yan na patawa-tawa pa kasi ang sarap pala ng WFH. Talagang naka jackpot ang tarantadong ito. Biruin mo, bobo ka na buong buhay mo tapos biglang may umutot lang eh senador ka! Saan ka pa? Tapos dahil sa kabobohan ng mga kaalyado niya ay nag lockdown at WFH silang lahat! Tawa ng tawa yung gagong 6mal. 6mal talaga! Nakuha pang magdiwang dahil fit na fit sa kanya ang WFH dahil tamad siya habang ang mga kawawang taong-bayan ay naghihirap. At karamihan diyan ay mga bumoto sa kaniya. Tapos ngayon dahil inuulan siya ng batikos, naki-ride on sa ginawang panukula na Anti Terror bill para mapanagot ang mga online bashers niya.

Talo sila ni Abnonoy at KriSTD na inulan ng panglalait, batikos at pangiinsulto pero ni minsan hindi nagpunta sa corte suprema para sampahan ng kaso ang mga bastos (kasama na ako) na bumabatikos sa kanila. Kahit anak ni Kris ay dinadamay na - may anak siyang tinawag na monggoloid at may anak na tinatawag na bakle - pero hindi nagsampa ng kaso kahit kailan. Nakakahiya naman kay Bong Go, Tito Sotto at Bato Dela Rosa. Nakakahiya naman sa mga balat sibuyas.

Ah, Basta Duterte Pa Rin!



Si Pangulong Duterte ay makaluma ang pamamaraan pagdating sa pag responde sa COVID 19 pandemic kaya nga naman lahat ng kapalpakan na maaaring mangyari sa kanyang pamumuno ay nangyari talaga. 

Ang mga DDS naman ay napatunayan ang kanilang pagkainutil. Live with the sword, die by the sword. Talagang hanggang sa huling hininga pagtatanggol sa kanilang Tatay ang mananalasa. Total devotion sa messiah. Delikado yan paano kung ang demonio ay magpanggap na messiah?

Ah, basta Duterte pa rin!

Himayin natin isa-isa ang mga solusyon ng pamahalaan at mga naging resulta nito.

Bago dumating ang COVID 19 sa ating bansa, nag anunsyo ang pangulo na tayong mga Pilipino ay hindi dapat mabahala dahil ang COVID 19 ay sasampalin niya lang. Tawanan ang mga DDS at buong suporta pa rin sa Tatay nila. Ang galing talaga ni Tatay! Sa harap ng adversidad, walang takot. Yan ang Tatay ko! 

May mga concerned na gusto malaman kung anong action ang gagawin ng gobierno para mapanatiling COVID free ang Pilipinas. Isasara muna ang mga borders natin lalo na sa mga manggagaling sa China? Sabi ng pangulo, hindi daw natin isasara ang ating borders dahil baka masaktan ang feelings ng China. Ganon din ang sinabi ng Health Secretary na si Francisco Duque. Hindi ko alam kung bakit concerned si Duque sa bagay na problema ng DFA. Health Secretary siya kaya ang dapat na pangunahing iniintindi niya ay ang kalusugan ng mga Pilipino. Kung kailangan niyang sabihin na dapat ipasara ang borders nang sa gayon ay hindi makapasok ang virus, wala na pake ang China doon. Hayaan niya ang DFA magpaliwanag niyan sa ambassador ng China. Basta ang concern niya ay kalusugan at kaligtasan ng mga Pilipino.

Sabi naman ng Pangulo ay sasampalin niya ang virus. Nakapasok ang virus sa bansa at mabilis na kumalat. Hulaan niyo kung sino ang sinampal?

At gaya ng inaasahan, kumalat nga ang virus sa Pilipinas at ang response ay sunod-sunod na kapalpakan at katangahan. Napilitang maglockdown ang Pilipinas para controlin ang virus pero mukhang wala nang back up plan. Paano kung hindi macontrol ang pagkalat ng virus? May mga Pilipino na nakatira sa mataong lugar na ang social distancing ay hindi option - paano lulutasin ang problema na yan? Kung mag lockdown, hindi makakapasok sa trabaho ang mga tao. May mga Pilipino na isang kahig, isang tuka. Paano kung hindi makatuka, ano na?

Isa sa mga solution na naisipan ng administracion ay ang pagbibigay ng ayuda. Nagrelease ng pondo ang gobierno para idistribute ito sa mga tao habang naka kulong sa bahay at hindi makalabas. Alam naman natin na maganda nga ang intencion ng gobierno, ito ay pulpol na decision. Sasabihin ko kung bakit.

Ang paraan ng pagbibigay ng SAP ay makaluma at walang kwenta. Pagkakuha ng gobierno ng pondo ito ay ni-distribute by cash sa mga baranggay. Maaaring dumaan muna sa governor, tapos mayors, tapos sa iba't-ibang baranggay captains na. Ngayon ikaw na patay gutom nakapila ka sasampalin lang mukha mo. Baka maasar pa sa pagmumukha mo yung mga alipores ni Baranggay Captain kasi magkano na lang natitira na makukulimbat nila eh ang laki ng binulsa ni Gov, Mayor at Capitan. Paano naman sila diba? Ngayon ikaw ito mukhang asong galisin lumalapit nagiintay na maabutan. Bwisit yang mukha mo! Patay gutom ka talaga!

Pulpol na pamamaraan yan. Madaling makulimbat yan dahil wala nang money trail. Pag pasa ni gov kay mayor wala nang makakaalam kung may nakulimbat at magkano. Pagpasa ni Mayor kay capitan ganon din. 2020 ganyan pa rin pamamaraan natin? At pag mag imbestiga na mahihirapan sila na tukuyin kung sino kumulimbat sa mga pera. Palpak na pamamaraan yan. 

Dapat kasi yang DSWD kinuha mga bank account ng mga recipients at doon dinaan ang pera. Mas maganda yun dahil diretso sa recipient. Kung hindi matanggap, madaling imbestigahan at ma-rectify. Eh puro ogag nasa DSWD at wala nang gumagamit ng utak ngayon sa Pilipinas.

Ganon din nangyari sa mga delata at bigas na nadistribute ng mga LGU, kinupit ng capitan! Tingnan mo mga capitan nagtayo ng tindahan at punong-puno ng mga paninda. Ang nagbigay ng pang-capital ay tanog bayan. Gutom tuloy mga kababayan natin hindi pa puede makautang sa tindahan nila capitan at capitana. Mga maiitim ang budhi talaga kahit sa gitna ng pandemya at maraming naghihirap at walang patawad pagdating sa nakawan. Mga demonio.

Sunod na kapalpakan, noong nag lockdown lahat talaga ng trabaho tigil. Kahit mga public transportation sarado. Ang nagtatrabaho lang ay yung may mabilis na internet sa bahay nila kaya nakapag work from home. Patay ang ekonomiya! 

Ano dapat ginawa? Tinukoy muna kung ano ang trabaho na mag lockdown at alin ang hindi. Para mas madali, i-identify kung anong trabaho ang essential at alin ang non-essential. 

Example ng mga essential na trabaho ay yung groceries, bottleshops, butcher, pharmacy. Yan ang mga essential dahil kailangan ng mga tao. Dapat din hindi tinigil ang transportation. Essential mga yan para ang mga nagtatrabaho sa essential occupations ay may masasakyan papasok.

Non essential naman mga beerhouse, baklang nangunguplang, tindera ng candila sa labas ng simbahan etc. Putanginang yan. Puera biro, mga trabaho sa hospitality sector tulad ng restaurants, takeaway shops, beerhouse (nabanggit ko na) ay mga non-essentials. Puede itong itigil muna dahil ang mga trabaho din na ito ay magiging hotspot dahil sa close contact sa mga tao. Yung mga tindahan sa palengke puede sila magbukas pero limited capacity. 

PUMALPAK TALAGA SI DUTERTE. Nakita naman niya ang nangyayari sa ibang bansa lalo na sa China. Pero hindi pa rin siya umakto. Ang maagap ay daig pa ang masikap. Kaya kahit anong sabihin ng mga DDS ngayon na nagtatrabaho daw ang pangulo, pulpol pa rin dahil hinayaan niyang makarating dito ang veerus. Sinara lang niya sana ang borders natin - TAPOS! Paki niya sa feelings ng China? Ngayon sira na ang imahe niya at madaming mga sumusuporta sa kaniya noon ang bumaligtad at namulat na! 

Tingnan niyo kung gaano katonto ang administracion ni Duterte - noong nag GCQ na at pinayagan nang makapasok ang ibang mga tao ay wala naman masakyan dahil pinagbawal pa rin ang public transport dahil sa risk ng transmission. Bakit mo pa pinapasok ang mga tao kung wala naman masasakyan?

Yung mga nakamotor naman bawal angkasan kahit na ang ka-angkas ay asawa ng nagmamaneho. Kaya sa bahay puede sila mag tsupaan, magkantutan, lamunan ng tamod at talagang magkantutan na parang mga mababangis na hayop pero bawal sila magtabi sa motor? Kahit utak ng biya hindi sila nabiyayaan! Mahina logic. Siguro tanongin mo ng basic math mapipikon sa iyo mga decision makers sa atin. Talagang susuntukin yang nakakaasar na mukha mo pag mainsulto sa equation na pinapasagot mo sa kanya. Talagang bubunutan ka ng baril dahil napaka elitista mo!

Sa gitna ng lahat ng yan, ang Pangulo ay parang comediante lang. Sa kanyang mga late night speech wala siyang ginawa kung hindi magpatawa at magngawa-ngawa sa mga bagay na walang kalatoy-latoy. Walang leadership. Hindi siya maintindihan dahil hindi niya maintidihan ang problema. Sa ganitong situacion natin kailangan natin leadership pero wala talaga siyang maipakita na kahit katiting. Ang kaya lang niya i-resolva ay bagay na nalulutas ng karahasan katulad ng response niya sa terrorismo. Sa pandemic naman, hindi kumuha ng advise sa mga experts - hindi nag confer with doctors, virologists, scientists. Puro sundalo ang nag paplano at gumagawa ng decision. Ano malulutas ng pagkakatok sa bahay para damputin mga suspected COVID carriers? 

Ito namang si Duque hanggang ngayon hindi pa rin nagreresign! Hindi nga niya alam kung ano gagawin tapos nandyan pa rin siya! Balita ko nga may-ari daw yan ng funeral parlor kaya ata tuwang-tuwa sa dami ng namamatay kasi lumalago ang negosyo niya. Hindi nga niya maintindihan yung concept ng wave ng infection. 

Si Roque isa pang bugok. Dapat sindihan yung wig ng tarantadong yan para dumikit sa ulo niya ang natunaw na plastic wig niya. Sarap sampalin! 

Mark my words, pagkatapos ng pandemia sa buong mundo, Pilipinas na lang ang natitirang namomroblema kung paano lutasin ang pandemia. Tayo ang kahuli-hulihang bansa talaga. At sasabihin ng mga DDS - Ah, basta Duterte pa rin!




Classic Catch 22 - Kawawang Pilipinas Ang Bansa Ng Mga Ugok!

Sa kalaunan, kawawa ang taong bayan. Naging laruan lamang ng mga tarantado at gagong bugok ang bayan natin. Ayaw natin sa Duterte, ngayon ka...