FIBA 2019 - Kangkungan Especial
And the winner is --- China! Kahit umiyak na si Chot Reyes sa Tokyo habang binabasa ang kanyang emotional na argumento kung bakit dapat Pilipinas ang piliing host ng FIBA 2019 ay hindi pa rin nakumbinsi ang FIBA Central Board. Sinama na ang lahat ng mga sikat na personalidad katulad ni Manny Pacquiao, Lou Diamond Philips ay semplang sa kangkungan pa rin ang kinalabasan. Hindi kasi nadadaan yan sa pasikatan. Hindi yan kagaya sa Pilipinas na kapag hindi ka pinapasok ng sikyu sa isang eksklusib subdibisyon ay dadaanin mo sa sindak at sisigawan si manong gard ng, "Hindi mo ba ako nakikilala? Saan ka nagaral? Ateneo ka ba? UP ka? Magkano sinasahod mo?" Akala kasi ng tarantadong mga gagong bugok na ito na mauuto ang FIBA Central Board ng mga emotional na pagtatalumpati. May pakabog-kabog pa ng dibdib ang mga gago doon, PUSO! Kung ang puso niyo sana ay nasa tamang lugar, pagmamahal sa bayan, pagmamahal sa kapwa niyo Pilipino, ay sana may infrastraktura na sa bayan natin at MATAG...