https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2886031
Makinig na!
https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2872205
Isumbong mo Pangulong Marcos Jr ang sarili mo dahil wala ka naman ginawa sa pag control ng mining. Baka yan mga yan nag contribute din sa iyo sa campanya mo? Yan ang sanhi ng lahat ng pagbaha at mga pinsala sa bayan. Saan ba tayo magsusumbong pangulong Marcos Jr? Ha? Ano itong mining na ito paano ba gagawin natin diyan? Cornerstone pa rin ba ng ekonomiya natin yan?
Ngayong tapos na ang FIBA Asia Cup ay pagusapan na natin kung ano ang mga natuklasan natin sa ating sarili sa larangan ng basketball. Makikita din dito ang kalagayan ng bansa natin at ang thought process ng maraming mga Pilipino. Matagal na din nating alam na ang mga Pilipino ay mga siraulo na walang kadala-dala dahil paulit-ulit na uulit-ulitin ang mga maling pamamaraan para makakuha ng tagumpay sa kahit anong larangan. Kung ano nakikita natin sa pamamalakad sa basketball ay ganon din ang nangyayari sa pang-araw araw na pamumuhay mapa-politica, edukasyon, environmental, government, local government, business atbp. Iisa lang pilosopiya - inuulit-ulit ang mali at walang natututunan sa mga kapalpakan!
Sa basketball nakita natin kung paano ilampaso ang mga uugod-ugod at banban players natin. May pagkakataon na nga gumamit ng important, hindi pa ginawaan ng paraan na kumuha ng mas nakakabata. Hindi rin pinaghahandaan ang hinaharap dahil walang nakalinya na mga bata na malalaki na puede na ipalit sa mga gurang na napipilitan na lang maglaro sa bansa kahit na wala na talagang maibubuga. Iniiwan na tayo ng ibang bansa pero ayaw talaga natin matuto at wala talaga kadala-dala.
Ilang beses ko na sinabi na hindi angkop ang triangle offense sa international games. Maikli lang ang window ng FIBA at hindi ito sapat para magensaya at magsanay sa sistema na napaka-complicado na mismong Chicago Bulls ay inabot ng 3 taon bago hustong nakabisado. At ang Chicago Bulls ay professional team na laging nageensayo buong taon hindi katulad ng national team na magsasama-sama lang tatlo o apat na lingo bago magumpisa ang liga. Mas mainam na gumamit ng simpleng sistema na madaling ituro sa mga bagohan.
Ang tendency ni Cone dahil sa complicado ang kaniyang sistema ay kumuha ng mga manlalaro na alam ang kaniyang sistema. Natural. Kaya nandiyan lagi sila Fajardo at Aguilar etc. Hindi rin ako magugulat kung pipiliin muli si Brownlee kahit maging available si Clarkson o sino mang NBA player diyan na may dugong Pinoy na biglang susulpot. Bakit? Dahil sa familiarity sa triangle. Lumiliit ang options natin dahil diyan.
Ito ang mga dapat natin napulot na aral sa nakaraang FIBA Asia Cup:
Mabuhay ka General Torre. Ikaw na ang hinihintay namin.
Alam niyo nawala na mga frayle pero ang kanilang ugali at pagmamaltrato ay minana ng mga mestizo. Gising na at makinig putangina mo.
Pramis sundan ko ng articulo para sa mga utak buris diyan.
https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2861099
Sa kalaunan, kawawa ang taong bayan. Naging laruan lamang ng mga tarantado at gagong bugok ang bayan natin. Ayaw natin sa Duterte, ngayon ka...