Mga Dapat Gawin Ng SBP
Ngayong tapos na ang FIBA Asia Cup ay pagusapan na natin kung ano ang mga natuklasan natin sa ating sarili sa larangan ng basketball. Makikita din dito ang kalagayan ng bansa natin at ang thought process ng maraming mga Pilipino. Matagal na din nating alam na ang mga Pilipino ay mga siraulo na walang kadala-dala dahil paulit-ulit na uulit-ulitin ang mga maling pamamaraan para makakuha ng tagumpay sa kahit anong larangan. Kung ano nakikita natin sa pamamalakad sa basketball ay ganon din ang nangyayari sa pang-araw araw na pamumuhay mapa-politica, edukasyon, environmental, government, local government, business atbp. Iisa lang pilosopiya - inuulit-ulit ang mali at walang natututunan sa mga kapalpakan!
Sa basketball nakita natin kung paano ilampaso ang mga uugod-ugod at banban players natin. May pagkakataon na nga gumamit ng important, hindi pa ginawaan ng paraan na kumuha ng mas nakakabata. Hindi rin pinaghahandaan ang hinaharap dahil walang nakalinya na mga bata na malalaki na puede na ipalit sa mga gurang na napipilitan na lang maglaro sa bansa kahit na wala na talagang maibubuga. Iniiwan na tayo ng ibang bansa pero ayaw talaga natin matuto at wala talaga kadala-dala.
Ilang beses ko na sinabi na hindi angkop ang triangle offense sa international games. Maikli lang ang window ng FIBA at hindi ito sapat para magensaya at magsanay sa sistema na napaka-complicado na mismong Chicago Bulls ay inabot ng 3 taon bago hustong nakabisado. At ang Chicago Bulls ay professional team na laging nageensayo buong taon hindi katulad ng national team na magsasama-sama lang tatlo o apat na lingo bago magumpisa ang liga. Mas mainam na gumamit ng simpleng sistema na madaling ituro sa mga bagohan.
Ang tendency ni Cone dahil sa complicado ang kaniyang sistema ay kumuha ng mga manlalaro na alam ang kaniyang sistema. Natural. Kaya nandiyan lagi sila Fajardo at Aguilar etc. Hindi rin ako magugulat kung pipiliin muli si Brownlee kahit maging available si Clarkson o sino mang NBA player diyan na may dugong Pinoy na biglang susulpot. Bakit? Dahil sa familiarity sa triangle. Lumiliit ang options natin dahil diyan.
Ito ang mga dapat natin napulot na aral sa nakaraang FIBA Asia Cup:
- Ang FIBA Asia Cup ay practice tournament - Ito ay oportunidad para ipadala ang mga developmental players natin. Magandang environment ito dahil mataas na level ng competition at magbebenepisyo ng husto ang mga batang manlalaro at tataas ang level ng competition sa domestic league natin (PBA).
- Ang mga powerhouse teams ay nagpadala ng B Team - Pasalamat tayo sa kanila ay pinapakita nila sa atin kung paano mag develop at evolve into a powerhouse. Kaso mahina kukote natin. Sila, lumalakas ang kanilang developmental players kasi binibigyan natin ng challenge - professional kinalaban nila. Tayo naman ay nag stagnate kasi ang mga amateur players natin ay hindi nabibigyan ng pagkakataon na maglaro sa ganito kalakas na liga. Kaya aakyat sa PBA mga banban!
- May problema ang PBA - Alam na nating lahat yan. Kung nilalampaso mga PBA players natin ng mga B-Team ng ibang bansa, ano pa ilalabas natin kung mas imporanteng tournament na kagaya ng FIBA World Cup Asia Qualifiers? Doon siguradong ipapadala na mga NBA players. Paano na bukod sa mga bansot na, tatanga-tanga pa ang mga decision makers ng ating basketball federation? Kailangan magkaroon ng rebolusyon sa PBA. Magbago sila or else ay maglalaho sila. At pag nangyari yan, mas banban ang mga players natin dahil kukuha tayo sa MBA na puro ogag ang mga coach at basagulero mga players.
- Kailangan may bagong import na tayo - Tandang na si Brownlee. Salamat sa contribution, pero kailangan na natin ng panibago.
- Counterproductive ang pagkakaroon ng import - Bagamat tayo ay nagpapasalamat sa contribution at pagmamahal na pinakita ng mga naging imports natin, ito ay counterproductive sa evolution at growth ng basketball sa atin bansa. Nagkakaroon tayo ng tendency na kumuha ng import para takpan ang anong butas na meron tayo. PBA mentality ito na dapat ay matigil na.
- Ang triangle offense ay complicado - Complicado mashado para matutunan ng mga kabataan at developmental players. Kahit siguro may sumulpot na super tangkad, athletic, talented at eligible Pinoy player ay siguradong hindi makakalaro kung hindi makuha ang sistema. Kailangan talaga ng sistema na simple at madaling pagaralan na kayang matutunan sa loob ng tatlong lingo.
- Kailangan i-develop ng husto ang mga kabataan - Pinakita ni Quiambao ang kaniyang potential na maging elite player sa team. Deep threes, off the ball movements, defensive versatility. Pero dapat hindi lang si Quiambao ang binababad at binibigyan ng maraming pagkakataon. Exciting din ang future kay AJ Edu, Tamayo at Ramos. Pero mas nakita natin ang potential nila sa ibang sistema. Itong apat na ito kasama si Kai Sotto ang magiging foundation ng pambansang koponan sa basketball.
Comments
Post a Comment