 |
| And the winner is --- China! |
Kahit umiyak na si Chot Reyes sa Tokyo habang binabasa ang kanyang emotional na argumento kung bakit dapat Pilipinas ang piliing host ng FIBA 2019 ay hindi pa rin nakumbinsi ang FIBA Central Board. Sinama na ang lahat ng mga sikat na personalidad katulad ni Manny Pacquiao, Lou Diamond Philips ay semplang sa kangkungan pa rin ang kinalabasan. Hindi kasi nadadaan yan sa pasikatan. Hindi yan kagaya sa Pilipinas na kapag hindi ka pinapasok ng sikyu sa isang eksklusib subdibisyon ay dadaanin mo sa sindak at sisigawan si manong gard ng, "Hindi mo ba ako nakikilala? Saan ka nagaral? Ateneo ka ba? UP ka? Magkano sinasahod mo?" Akala kasi ng tarantadong mga gagong bugok na ito na mauuto ang FIBA Central Board ng mga emotional na pagtatalumpati. May pakabog-kabog pa ng dibdib ang mga gago doon, PUSO! Kung ang puso niyo sana ay nasa tamang lugar, pagmamahal sa bayan, pagmamahal sa kapwa niyo Pilipino, ay sana may infrastraktura na sa bayan natin at MATAGAL NA TAYONG NAGHOST NG FIBA WORLDS, OLYMPICS AT WORLD CUP!
Talagang sneaky strategy ang ginamit ng mga hudas. Ang gaganda ng mga supporting videos nila at ang representatives sa bid team ay batikang aktor at sikat na boxingero. Alam kasi natin na kahit may mga sapat na venue ay wala pa rin infrastraktura para serbisyohan ang mga tao na magpupunta sa venues. Tingnan natin ang mga burat na infrastraktura natin:
Airport - Ang airport ng Pilipinas ay bulok. Alam niyo ba na walang flights na direkta sa Europa? Kung hindi mo alam yan, ikaw ay isang skwater. Dahil ang runway natin ay maikli at hindi safe para gamitin ng mga modernong eroplano na mas mahaba at mas malaki. Pang DC10 lang talaga. Hindi ma-expand ang runway dahil sa... you guessed it... mga putris na skwakwa. Oo, nasa tabi ng runway nakatirik mga bahay ng mga tarantadong yan. Habang lumilipad ang eroplano makikita mo nakasampay pa ang butas-butas na brip na may tae-tae pa. Yan ba gusto niyo makita ng mga turista? Ano kaya mangyayari kung litratuhan yan ni Lebron James at ipost sa Twitter at biglang mag-viral? Siguradong pagtutulungan siya ng mga Pinoy basketball fucktards na mga fans daw ng Golden State Warriors. Ewan ko na lang kung kailan ba sumikat ang Golden State Warriors sa Pinas. Dami kasing mga bandwagon, kung makipag away akala mo long time Warriors supporters, mga poser naman pala.
Makita pa lang nila ang toilet na walang tubig, mabaho at madumi. Hindi pa nga nila nakikita ang skwaters area, sa airport pa lang mandidiri na sila. Kawawa sila pag natatae na sila at makikita nila ang inidoro kulay dilaw ang tubig at may tae pa na nakabara. Malaking tae. Putanginang bansa ito sino ba nagpapatakbo nito?
Ang haba pa ng pila sa customs lalo na pag nagsabay-sabay ang dating ng mga eroplano, iinit ulo mo sa kakahintay. At pagtingin nila sa luggage carousel makikita nila ang maleta nila umiikot doon nakabukas na! "What the fuck happened to my luggage? What kind of shit country is this?" Yan ang magiging familiar na iyak ng mga turista habang kinokolekta ang kanilang mga bagahe. Hindi pa sila nakakalabas ng airport niyan. Hindi pa nila namemeet sila manong taxi drayber na handang manloko sa kanila, na dadalhin sila sa liblib na lugar sa Mt Buntis at doon sila iiwanan tangay ang kanilang mga pera at mamahaling damit. Kung babae naman malamang pagsasamantalahan pa ng mga hudas kababayan natin.
Sa China, state of the art ang kanilang airport. Moderno, bago at malinis. Walang hassle.
Transportation - Paano mo bibigyan ng maayos na transportation ang mga turista papunta sa pinagmamalaki nilang Philippine Arena? Magmula sa Pasay kung saan ang mga hotel, pasasakayin mo ng LRT at bababa sa Baclaran para holdapin. Hindi na makakatuloy sa venue kasi natangay na ng mga holdaper ang kanilang tickets at pitaka. Wala na silang pera kaya magtutungo sila sa presinto para pagkwartahan pa doon ng mga walanghiyang mga pulis patola, the Philippines' finest. Kung hindi maholdap, mamamatay dahil ang MRT ay nahulog sa tulay. Nahulog dahil kulang-kulang ang mga piyesa at hindi pa rin naupgrade ang mga riles at tulay. At kasalanan ng putanginang Mar Roxas na nagpalayas sa Japanese company na nagmamaintain ng MRT. Ano papasakayin mo na lang ng jeep?
 |
| Los Baños College Station |
Nakikita ko na ang modus ng mga kababayan nating magna - magnanakaw. Mag-aabang sila malapit sa mga hotel na may special karatula na maghahatid sa venue. Express service po! Pag puno na ang jeep ito ay lalarga na ngunit may pipick-uppin lang na mga pasahero sa Caloocan, ang pugad ng mga halang ang bitukang magnanakaw. Itong mga tarantadong putris na mga putanginang mga drug addict na ito ay hoholduppin ang mga turista at saka iiwanan sila sa gitna ng highway. Ngayon si boy adik may bagong relo at celphone na naman para ibenta at makabili ng shabu.
Kung sasakay naman sila ng bus, baka diyan na bawiin ni satanas ang buhay nila. Siguradong aatakihin sila sa puso sa sobrang bilis ng pagmamaneho ng mga bus drivers sa atin. Dapat lang na bilisin nila dahil ang karibal nilang bus driver ay mabilis din nagmamaneho at nakikipag unahan sa pagkuha ng mga pasahero. Lalong-lalo na at maraming turista na manonood ng basketball, madami silang turistang maloloko. Ikaw turista ka galing ka ng Serbia? Triple ang babayaran mo dahil hindi ko alam kung saan ang Serbia malamang mayamang bansa yan. Americano? Triple ang babayaran mo dahil mani lang sa iyo ang pera namin.
Sa China may trains at maayos na transportation system. Moderno, bago at malinis. Walang hassle.
Intenet - Ang bagal! Putnginang Ang bagal naman ng internet. Baka ibato ng mga foreign correspondents ang mga laptops at smart phones nila sa bintana sa sobrang bagal ng Smart, Globe at PLDT na magkakakutsaba. Ginagatasan lang ang mga Pinoy na magbayad ng mahal na internet bundles wala namang kwenta!
Noon pa 2012 binilhan ko ng Starcraft 2 ang pamangkin ko, hanggang ngayon hindi pa rin tapos mag download! Sumuko na ang bata dahil nagsawa na sa kakahintay, sayang lang ang binayad ko. Putanginang bagal ng internet diyan!
Sa China, mas mabilis at reliable ang internet service. Saan kaya nanggagaling ang Huawei modem?
 |
| Sayang talaga. |
Nakakapagtaka talaga kung bakit nakonsidera pa rin ang Pilipinas. Gusto yata ng FIBA Central Board ng konting entertainment. Alam naman nila na hindi prepared ang Pilipinas. Tatlo lang ang matinong venue at ang Cebu, Bacolod ay gagawin pa lang. Alam nila na konting ulan lang ang nagbabaha na at incompetent ang mga opisyales natin pagdating sa rescue operations. Idagdag pa ang corruption. Kaya bakit nila sinayang ang oras ng Pilipinas? Sigurado ako sumasakit ang tiyan sa katatawa nila Baumann sa hotel room nila habang nagiinoman sila doon at naaalala kung paano nagiiyagak si Chot Reyes na parang baklang nasunugan ng parlor. Nagtatawa sila kung paano kinaladkad pa ang isang washed up has-been kagaya ni Lou Diamond. Walang concrete na maipakita, puro emotion at puso.
Ang representatives ng China sa bid team nila ay ang president ng basketball federation nila, Yao Ming na basketball ambassador at ang mga mayor ng mga city kung nasaan ang venue. Si Yao Ming lang ang kilalang personalidad dito. Ang presentation nila ay simple lang. China ang piliin dahil handa silang maghost FIBA Worlds. May facilidad sila, may transportation, modernong facilities at mabilis na internet. Isa pa, magalang ang kanilang media at supporters.
Sa Pilipinas ang media ay hambog at ang supporters ay mga jologs. Kung paano minamaliit ng mga jologs skwaters si Hamadi matapos ang FIBA Asia, nakakahiya. Inatake siya ng mga skwaters army matapos nilang talunin ang Pilipinas para kunin ang kampeonato sa Asia. Anong klaseng puso yan? Pinagmamalaki pa ng bid team natin ang kasikatan ng social media sa Pilipinas, the largest daw na Twitter at Facebook users ang mga Pinoy. Ano ngayon? Nakakain ba yan? Ano maitutulong ng Pinoy Twitter at Facebook users? Kahit magngawa-ngawa sila doon sa Twitter hindi pa rin papansinin ng buong mundo yan. May mga ugok pa nga gumagamit ng hashtags sa Facebook, para saan pa? Ang nakikita ko lang na epekto ng social media kung gaganapin sa Pilipinas ang FIBA 2019 ay negatibo. Makikita ng mundo kung anong klaseng sore losers tayo!
Tama na yang puso na yan! Ilagay natin sa tamang lugar ang puso. Pagmamahal sa bayan at sa kapwa Pilipino. Hindi ilagay ang puso sa pagpupumilit ng mga bagay ng kahit si Satanas ay hindi kayang gawin.
 |
| Dapat #Libog na lang eh. |
Puso tuwing umuulan at bumabaha. Magbabaha pa rin kahit ano pa gawin mo! Dahil ang mga estero sa atin ay tinambakan ng lupa at tinayuan ng malls at sinagasaan ng executive village. Ang mga kanal na ginagamit ng isang milliong Manileños ay parehong kanal na pinagawa ni Marcos noong 1960s pa na kaya lang suportahan ang 50000 Manileños noong panahon kapag sabay-sabay mag flush ng inidoro. Ngayon na dumami na talaga ang mga nakatira sa Manila, hindi naman pinalakihan ni Cory, Ramos at ilan pang mga presidenteng nagdaan. Kaya natural na magbaha, kaya walang magagawa ang puso.
Puso para kanino at para saan? Dapat ang bid team ng Pinas ay nagiiyak na lang sa harap nila Abnoynoy at Mar Roxas. Iyakan niyo sila kung bakit walang magandang transportation system, infrastructure at kung bakit mahirap ang Pilipinas. Sila ang iyakan niyo at sigawan ng puso. Hindi ang FIBA Central Board.
Puso tuwing natatalo na sa basketball? Ang Pinoy ay pisot at maigsi ang biyas. Huwag maniniwala kay Chot Reyes na hindi naman talaga naniniwala sa puso. Dahil kung may puso siya talaga, hindi niya sisisihin si Marcus Douthit sa debacle ng Asian Games 2014. Sisihin niya sarili niya. Kinilabutan ba kayo sa mga videos na pinakita sa bidding? Kayo ay mga uto-uto at madaling maloko. Kaya pala hanggang ngayon ay naghihirap pa rin ang Pilipinas dahil sa malambot ang ating mga puso. Madaling matunaw at madala sa mga pambobola. Bolero ang mga kalalakihan sa atin kaya ayan ang daming mga babae ang nabubuntisan at magisang nagpapalaki ng bastardo. Live by the sword, die by the sword ang kasabihan. Magaling mambola, madali din mabola. Ang mga kalalakihan ay natutunaw at pinagtitindigan ng balahibo sa mga emotional na arguments nila Chot Reyes, Lou Diamond Philips at Manny Pacquiao. Utak naman sa susunod ang gamiting mantra, baka Olympics pa ang i-host natin.