Saturday, February 21, 2026

Sara Duterte - Napaaga Ang Anuncio Ng Pagtakbo Para Sa 2028 Elections

 


Pakinggan din ang ating podcast - https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/3039235

Dahil sa pressure at pagtanggap na wala nang pag-asang makalaya ang kanilang ama, ito na si Sara Duterte nag anuncio na ng kaniyang intensyon na tumakbo sa pagka-presidente sa 2028. 

Sa history ng bansa natin, wala pang candidato na unang nagdeclara ng kanilang intensyon na tumakbo ang nanalo sa pagka-presidente. Dahil ang maagang tumatakbo ay hindi umaabot sa homestretch ang kanilang budget. Mas napapagastos pa sila para sa PR at damage control dahil sila ang unang inaatake ng mga magiging karibal nila. Pag nasira na ang kanilang imahe, nahihirapan na makakuha ng donasyon at iniiwanan ng mga sponsor.

Pero si Sara ay walang choice. Kaaway niya ang administrasyon, kaaway niya ang mga makakaliwa, nakadetain sa The Hague ang tatay niya. Habang wala si father dearest, humina ang kanilang pwersa. Muntik pa nga mawala ang Davo sa control nila, kung hindi lang tumakbong mayor ulit si Digong, baka napunta na yan sa bagong dynasty. Ang makakasalba sa kanila, ay manalong presidente si Sara Duterte. Siya na lang ang best bet nila dahil marami na siyang naipuhunan diyan. 

Asahan natin na makakita ng mga political realignments at factional shifts. Maraming balimbing sa senado at congreso. Ang talagang atencion ni Duterte ay sa congreso — pigilan ang pagakyat ng impeachment sa senado. 

Kawawang taong-bayan din pag manalo itong siraulo dahil wala namang plano yan para sa bansa. Hindi yan systems thinking, hindi yan institutional architect. Politica lang ang alam ng mga Duterte. At tayong mga Pilipino, dalawang archetypes lang tinitingnan natin tuwing election. Good vs Bad. Masama at mabuti. Moral laban sa imoral. 

Ang mga campaign messages ay puro personal stories ng candidato. Ang mga karibal ay pagatake ng personal at political. Batuhan ng putik, labasan ng baho. Dahil walang institutional awareness ang mga tao, illiterate pagdating sa usapang systems or structures at policy ay parang mga bakyang gago na nagaaway-away at nagtatanggol sa kani-kanilang manok. Sa bandang huli, sino man ang manalo ay iisa ang resulta — nganga, tanga, banban, baha, patay, hirap, palpak at burat.

Mahirap talaga maghanap ng mabuting candidato kung ang tinitingnan natin ay moralidad. Unpredictable yan. Hindi natin lubusang nakikilala ang tao. Mabait man ang isa, maaari pa rin ma-manipulate ng mga nakapaligid sa kanila. Nakita niyo na yan nangyari kay Cory, kinontrol ng mga kamaganak niya ang gobierno. Kay BBM na conflict averse ay pinagsasamantalahan pa rin ng mga taong inaasahan niya. Ganiyan din mangyayari kay Leni. 

Kailangan natin matutong kumilatis. Hindi sa pagkilatis sa kaugalian ng isang tao. Lagi tayong nagkakamali pagdating sa kaugalian dahil yan ay nagbabago. Kagaya ng siyota mo, kapitbahay mo, kababata mo, pinsan mo at sarili mo. Dahil ang personality traits o mga kaugalian ay unstable at magbabago depende sa mga naging karanasan at mga bagong natutunan. Magbabago din depende sa stress at pag may kinakaharap na crisis. Kaya ang bansa natin nagrereset kada 6 na taon kung ang criteria natin ay honest, mabait, may malasakit. Walang kwenta yan!

Ang mga institution ay stable variables yan. Hindi yan magagalit at hindi nagiging emotional. Hindi yan magmamaktol at magwawala dahil may PMS. Ang institusyon ay gumagawa ng patakaran. Yan ang importante. Hindi mo na kailangan ng strong man. Kailangan natin ay mas malakas na institution. At yan ang dapat na hinahanap natin sa mga kakandidato.

Dapat tinatanong natin sa mga candidato ay:

  • "Paano mo babaguhin ang sistema ng educasion?"
  • "Paano mo bubuhayin ang industriya?"
  • "Paano mo pipigilan ang pagbaha?"
  • "Paano mo matutulungan ang mga magsasaka at mangingisda?" 

Dahil ang mga institusyon natin ang mahina, asahan na natin na reset na naman tayo sa 2028. Walang magbabago Hindi rin malayong mangyari na ang administrasyon ay maparalyse ngayon at maagang mag election mode. Kikilos ang administrasyon para pigilan ang momemtum ng Sara presidency. Dahil ticking time-bomb yan. Pag 2028 at nakatayo pa rin yan, maghanda ka na BBM dahil mas masahol pa sa EDSA ang mangyayari sa inyo. 



Monday, February 9, 2026

Pilipinas Walang Kakayahan Mamuno. Palpak Talaga Kahit Kailan!



Totoo yan. Gusto mo malaman kung bakit lagi tayong palpak? Magaling tayo sa malls pero hanggang diyan lang. Magaganda mga malls, airconditioned, malinis at mabango. Pero bukod diyan, wala na tayong kwenta. Walang industriya kaya lahat ng mga producto ay galing sa ibang bansa. Ang China nilalait natin. Tangina, sino ba mga nanlalait sa China? Ano kaya maipakita ng mga taong mapanglait na ito? At huwag magyayabang dahil kakampi natin America. Alam niyo yung sa mga pelicula yung asungot na mayabang na walang ibubuga na laging pinapahamak yung kaibigan niyang bida na machong pogi? Tayo yung asungot na mayabang na walang ibubuga. 

https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/3021514

Sunday, February 1, 2026

Corruption Sa Pilipinas Ay Structural. Hindi Ito Isang Moral Defect.

Kahit sino ilagay mo gawing presidente sa atin ay masisira dahil sa tindi ng corruption sa bansa. Hindi ito moral defect na milagrong mawawala dahil sa presidente. Kailangan muna buwagin ang corruption na matagal nang naka-entrench sa bayan natin, panahon pa ng mga Kastila sa pamamagitan ng mga fraile hanggang ito ay ipasa sa mga elites, natutunan ng mga Chinoy at natutunan din ng mga Indio. Lahat tayo ay nasa survival mode dahil kung hindi ka sasabay sa agos, ikaw ay lalamunin ng buhay ng sistema.


Pakinggan ang Part 1. Salamat. 

https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/3015198

Ito naman ang Part 2: Structural Defect, hindi Moral Defect. Konting effort naman. Mga Damaso nag-iwan ng masamang ala-ala. 


https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/3017853

Part 3: 1986 Constitution

Bakit palpak ang Constitution natin na tinaguyod ni Cory? Kasi ang framers ng constitution ay mga taong hindi marunong magpatakbo ng bansa. Ang framers nito ay mga business elites, religious elites, martial law victims, oligarchs, anti-Marcos personalities at mga abugadong tabla-tablo. 
Ang constitution dapat ay binubuo ng mga institutional architects, engineers. Religious leaders? Wag kayo makialam sa politica. Mga martial law victims? Wala kayo karapatan kahit victima kayo.


Mashadong malala ang trauma niyo para consultahin kung ano ang ilalaman ng ating constitution. Mga oligarchs? Ayan ang sagot kung bakit iilang pamilya lang ang naghahati-hati sa 95% GDP ng bansa natin! 

https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/3019581



Classic Catch 22 - Kawawang Pilipinas Ang Bansa Ng Mga Ugok!

Sa kalaunan, kawawa ang taong bayan. Naging laruan lamang ng mga tarantado at gagong bugok ang bayan natin. Ayaw natin sa Duterte, ngayon ka...