![]() |
| And the winner is --- China! |
Talagang sneaky strategy ang ginamit ng mga hudas. Ang gaganda ng mga supporting videos nila at ang representatives sa bid team ay batikang aktor at sikat na boxingero. Alam kasi natin na kahit may mga sapat na venue ay wala pa rin infrastraktura para serbisyohan ang mga tao na magpupunta sa venues. Tingnan natin ang mga burat na infrastraktura natin:
Airport - Ang airport ng Pilipinas ay bulok. Alam niyo ba na walang flights na direkta sa Europa? Kung hindi mo alam yan, ikaw ay isang skwater. Dahil ang runway natin ay maikli at hindi safe para gamitin ng mga modernong eroplano na mas mahaba at mas malaki. Pang DC10 lang talaga. Hindi ma-expand ang runway dahil sa... you guessed it... mga putris na skwakwa. Oo, nasa tabi ng runway nakatirik mga bahay ng mga tarantadong yan. Habang lumilipad ang eroplano makikita mo nakasampay pa ang butas-butas na brip na may tae-tae pa. Yan ba gusto niyo makita ng mga turista? Ano kaya mangyayari kung litratuhan yan ni Lebron James at ipost sa Twitter at biglang mag-viral? Siguradong pagtutulungan siya ng mga Pinoy basketball fucktards na mga fans daw ng Golden State Warriors. Ewan ko na lang kung kailan ba sumikat ang Golden State Warriors sa Pinas. Dami kasing mga bandwagon, kung makipag away akala mo long time Warriors supporters, mga poser naman pala.
Makita pa lang nila ang toilet na walang tubig, mabaho at madumi. Hindi pa nga nila nakikita ang skwaters area, sa airport pa lang mandidiri na sila. Kawawa sila pag natatae na sila at makikita nila ang inidoro kulay dilaw ang tubig at may tae pa na nakabara. Malaking tae. Putanginang bansa ito sino ba nagpapatakbo nito?
Ang haba pa ng pila sa customs lalo na pag nagsabay-sabay ang dating ng mga eroplano, iinit ulo mo sa kakahintay. At pagtingin nila sa luggage carousel makikita nila ang maleta nila umiikot doon nakabukas na! "What the fuck happened to my luggage? What kind of shit country is this?" Yan ang magiging familiar na iyak ng mga turista habang kinokolekta ang kanilang mga bagahe. Hindi pa sila nakakalabas ng airport niyan. Hindi pa nila namemeet sila manong taxi drayber na handang manloko sa kanila, na dadalhin sila sa liblib na lugar sa Mt Buntis at doon sila iiwanan tangay ang kanilang mga pera at mamahaling damit. Kung babae naman malamang pagsasamantalahan pa ng mga hudas kababayan natin.
Sa China, state of the art ang kanilang airport. Moderno, bago at malinis. Walang hassle.
Transportation - Paano mo bibigyan ng maayos na transportation ang mga turista papunta sa pinagmamalaki nilang Philippine Arena? Magmula sa Pasay kung saan ang mga hotel, pasasakayin mo ng LRT at bababa sa Baclaran para holdapin. Hindi na makakatuloy sa venue kasi natangay na ng mga holdaper ang kanilang tickets at pitaka. Wala na silang pera kaya magtutungo sila sa presinto para pagkwartahan pa doon ng mga walanghiyang mga pulis patola, the Philippines' finest. Kung hindi maholdap, mamamatay dahil ang MRT ay nahulog sa tulay. Nahulog dahil kulang-kulang ang mga piyesa at hindi pa rin naupgrade ang mga riles at tulay. At kasalanan ng putanginang Mar Roxas na nagpalayas sa Japanese company na nagmamaintain ng MRT. Ano papasakayin mo na lang ng jeep?
| Los Baños College Station |
Kung sasakay naman sila ng bus, baka diyan na bawiin ni satanas ang buhay nila. Siguradong aatakihin sila sa puso sa sobrang bilis ng pagmamaneho ng mga bus drivers sa atin. Dapat lang na bilisin nila dahil ang karibal nilang bus driver ay mabilis din nagmamaneho at nakikipag unahan sa pagkuha ng mga pasahero. Lalong-lalo na at maraming turista na manonood ng basketball, madami silang turistang maloloko. Ikaw turista ka galing ka ng Serbia? Triple ang babayaran mo dahil hindi ko alam kung saan ang Serbia malamang mayamang bansa yan. Americano? Triple ang babayaran mo dahil mani lang sa iyo ang pera namin.
Sa China may trains at maayos na transportation system. Moderno, bago at malinis. Walang hassle.
Intenet - Ang bagal! Putnginang Ang bagal naman ng internet. Baka ibato ng mga foreign correspondents ang mga laptops at smart phones nila sa bintana sa sobrang bagal ng Smart, Globe at PLDT na magkakakutsaba. Ginagatasan lang ang mga Pinoy na magbayad ng mahal na internet bundles wala namang kwenta!
Noon pa 2012 binilhan ko ng Starcraft 2 ang pamangkin ko, hanggang ngayon hindi pa rin tapos mag download! Sumuko na ang bata dahil nagsawa na sa kakahintay, sayang lang ang binayad ko. Putanginang bagal ng internet diyan!
Sa China, mas mabilis at reliable ang internet service. Saan kaya nanggagaling ang Huawei modem?
![]() |
| Sayang talaga. |
Ang representatives ng China sa bid team nila ay ang president ng basketball federation nila, Yao Ming na basketball ambassador at ang mga mayor ng mga city kung nasaan ang venue. Si Yao Ming lang ang kilalang personalidad dito. Ang presentation nila ay simple lang. China ang piliin dahil handa silang maghost FIBA Worlds. May facilidad sila, may transportation, modernong facilities at mabilis na internet. Isa pa, magalang ang kanilang media at supporters.
Sa Pilipinas ang media ay hambog at ang supporters ay mga jologs. Kung paano minamaliit ng mga jologs skwaters si Hamadi matapos ang FIBA Asia, nakakahiya. Inatake siya ng mga skwaters army matapos nilang talunin ang Pilipinas para kunin ang kampeonato sa Asia. Anong klaseng puso yan? Pinagmamalaki pa ng bid team natin ang kasikatan ng social media sa Pilipinas, the largest daw na Twitter at Facebook users ang mga Pinoy. Ano ngayon? Nakakain ba yan? Ano maitutulong ng Pinoy Twitter at Facebook users? Kahit magngawa-ngawa sila doon sa Twitter hindi pa rin papansinin ng buong mundo yan. May mga ugok pa nga gumagamit ng hashtags sa Facebook, para saan pa? Ang nakikita ko lang na epekto ng social media kung gaganapin sa Pilipinas ang FIBA 2019 ay negatibo. Makikita ng mundo kung anong klaseng sore losers tayo!
Tama na yang puso na yan! Ilagay natin sa tamang lugar ang puso. Pagmamahal sa bayan at sa kapwa Pilipino. Hindi ilagay ang puso sa pagpupumilit ng mga bagay ng kahit si Satanas ay hindi kayang gawin.
![]() |
| Dapat #Libog na lang eh. |
Puso para kanino at para saan? Dapat ang bid team ng Pinas ay nagiiyak na lang sa harap nila Abnoynoy at Mar Roxas. Iyakan niyo sila kung bakit walang magandang transportation system, infrastructure at kung bakit mahirap ang Pilipinas. Sila ang iyakan niyo at sigawan ng puso. Hindi ang FIBA Central Board.
Puso tuwing natatalo na sa basketball? Ang Pinoy ay pisot at maigsi ang biyas. Huwag maniniwala kay Chot Reyes na hindi naman talaga naniniwala sa puso. Dahil kung may puso siya talaga, hindi niya sisisihin si Marcus Douthit sa debacle ng Asian Games 2014. Sisihin niya sarili niya. Kinilabutan ba kayo sa mga videos na pinakita sa bidding? Kayo ay mga uto-uto at madaling maloko. Kaya pala hanggang ngayon ay naghihirap pa rin ang Pilipinas dahil sa malambot ang ating mga puso. Madaling matunaw at madala sa mga pambobola. Bolero ang mga kalalakihan sa atin kaya ayan ang daming mga babae ang nabubuntisan at magisang nagpapalaki ng bastardo. Live by the sword, die by the sword ang kasabihan. Magaling mambola, madali din mabola. Ang mga kalalakihan ay natutunaw at pinagtitindigan ng balahibo sa mga emotional na arguments nila Chot Reyes, Lou Diamond Philips at Manny Pacquiao. Utak naman sa susunod ang gamiting mantra, baka Olympics pa ang i-host natin.












