Showing posts with label PBA. Show all posts
Showing posts with label PBA. Show all posts

Monday, August 18, 2025

Mga Dapat Gawin Ng SBP


Ngayong tapos na ang FIBA Asia Cup ay pagusapan na natin kung ano ang mga natuklasan natin sa ating sarili sa larangan ng basketball. Makikita din dito ang kalagayan ng bansa natin at ang thought process ng maraming mga Pilipino. Matagal na din nating alam na ang mga Pilipino ay mga siraulo na walang kadala-dala dahil paulit-ulit na uulit-ulitin ang mga maling pamamaraan para makakuha ng tagumpay sa kahit anong larangan. Kung ano nakikita natin sa pamamalakad sa basketball ay ganon din ang nangyayari sa pang-araw araw na pamumuhay mapa-politica, edukasyon, environmental, government, local government, business atbp. Iisa lang pilosopiya - inuulit-ulit ang mali at walang natututunan sa mga kapalpakan!

Sa basketball nakita natin kung paano ilampaso ang mga uugod-ugod at banban players natin. May pagkakataon na nga gumamit ng important, hindi pa ginawaan ng paraan na kumuha ng mas nakakabata. Hindi rin pinaghahandaan ang hinaharap dahil walang nakalinya na mga bata na malalaki na puede na ipalit sa mga gurang na napipilitan na lang maglaro sa bansa kahit na wala na talagang maibubuga. Iniiwan na tayo ng ibang bansa pero ayaw talaga natin matuto at wala talaga kadala-dala. 

Ilang beses ko na sinabi na hindi angkop ang triangle offense sa international games. Maikli lang ang window ng FIBA at hindi ito sapat para magensaya at magsanay sa sistema na napaka-complicado na mismong Chicago Bulls ay inabot ng 3 taon bago hustong nakabisado. At ang Chicago Bulls ay professional team na laging nageensayo buong taon hindi katulad ng national team na magsasama-sama lang tatlo o apat na lingo bago magumpisa ang liga. Mas mainam na gumamit ng simpleng sistema na madaling ituro sa mga bagohan.

Ang tendency ni Cone dahil sa complicado ang kaniyang sistema ay kumuha ng mga manlalaro na alam ang kaniyang sistema. Natural. Kaya nandiyan lagi sila Fajardo at Aguilar etc. Hindi rin ako magugulat kung pipiliin muli si Brownlee kahit maging available si Clarkson o sino mang NBA player diyan na may dugong Pinoy na biglang susulpot. Bakit? Dahil sa familiarity sa triangle. Lumiliit ang options natin dahil diyan.

Ito ang mga dapat natin napulot na aral sa nakaraang FIBA Asia Cup:

  1. Ang FIBA Asia Cup ay practice tournament - Ito ay oportunidad para ipadala ang mga developmental players natin. Magandang environment ito dahil mataas na level ng competition at magbebenepisyo ng husto ang mga batang manlalaro at tataas ang level ng competition sa domestic league natin (PBA). 
  2. Ang mga powerhouse teams ay nagpadala ng B Team - Pasalamat tayo sa kanila ay pinapakita nila sa atin kung paano mag develop at evolve into a powerhouse. Kaso mahina kukote natin. Sila, lumalakas ang kanilang developmental players kasi binibigyan natin ng challenge - professional kinalaban nila. Tayo naman ay nag stagnate kasi ang mga amateur players natin ay hindi nabibigyan ng pagkakataon na maglaro sa ganito kalakas na liga. Kaya aakyat sa PBA mga banban!
  3. May problema ang PBA - Alam na nating lahat yan. Kung nilalampaso mga PBA players natin ng mga B-Team ng ibang bansa, ano pa ilalabas natin kung mas imporanteng tournament na kagaya ng FIBA World Cup Asia Qualifiers? Doon siguradong ipapadala na mga NBA players. Paano na bukod sa mga bansot na, tatanga-tanga pa ang mga decision makers ng ating basketball federation? Kailangan magkaroon ng rebolusyon sa PBA. Magbago sila or else ay maglalaho sila. At pag nangyari yan, mas banban ang mga players natin dahil kukuha tayo sa MBA na puro ogag ang mga coach at basagulero mga players.
  4. Kailangan may bagong import na tayo - Tandang na si Brownlee. Salamat sa contribution, pero kailangan na natin ng panibago.
  5. Counterproductive ang pagkakaroon ng import - Bagamat tayo ay nagpapasalamat sa contribution at pagmamahal na pinakita ng mga naging imports natin, ito ay counterproductive sa evolution at growth ng basketball sa atin bansa. Nagkakaroon tayo ng tendency na kumuha ng import para takpan ang anong butas na meron tayo. PBA mentality ito na dapat ay matigil na.
  6. Ang triangle offense ay complicado - Complicado mashado para matutunan ng mga kabataan at developmental players. Kahit siguro may sumulpot na super tangkad, athletic, talented at eligible Pinoy player ay siguradong hindi makakalaro kung hindi makuha ang sistema. Kailangan talaga ng sistema na simple at madaling pagaralan na kayang matutunan sa loob ng tatlong lingo.
  7. Kailangan i-develop ng husto ang mga kabataan - Pinakita ni Quiambao ang kaniyang potential na maging elite player sa team. Deep threes, off the ball movements, defensive versatility. Pero dapat hindi lang si Quiambao ang binababad at binibigyan ng maraming pagkakataon. Exciting din ang future kay AJ Edu, Tamayo at Ramos. Pero mas nakita natin ang potential nila sa ibang sistema. Itong apat na ito kasama si Kai Sotto ang magiging foundation ng pambansang koponan sa basketball.
Sabi nga ni Cone tungkol sa triangle offense at kaniyang pilosopiya,"That is all I know, I will have to live and die with that." 

Kayo ba, handa ba kayong magtiis at mamatay sa ganiyang paulit-ulit na pagkabigo?

Puede rin ninyo pakinggan yung ang podcast ko sa topic - https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2866369 


Saturday, September 16, 2023

Walang Kinalaman Ang Chemistry

Sino ang basketball megamind sa Pilipinas?

Itong chemistry ay hindi sanhi ng pagkabigo ng Pilipinas sa international tournaments. Ilang beses itong inuulit-ulit sa media at laging talking point ng kung sino mang mapipiling coach. Ito ay palusot na naka-laminate na at laging nilalabas na parang Get Out Of Jail card tuwing mabibigo at magpapakita ng super diyahe na display sa mga tournaments. The best explanation is the simplest one. Ayaw na kasi nating mag analisa at mag-isip dahil sa matinding katamaran na ingrained na sa ating cultura at dala na rin ng sobrang kabobohan.

Kaya tuwing olats ang laging talking points ay lack of preparation time, lack of team chemistry. Minsan nasasali pa ang officiating sa listahan ng mga grievances at palusot ng mga poncio pilatong coach natin na brilliant tactician at basketball mastermind sa isip lang nila. Akala mo naman kung pabor sa atin ang tawag ng mga referee ay mananalo pa rin tayo. Wala ka magagawa sa superior na offensive rebounding at outside shooting ng kalaban natin. At kung wala kang magandang defensive strategy eh mas lalong sasarap ang shooting ng kahit sinong makalaban natin.

Ito isipin niyo. Lahat ng bansa ay wala rin panahon at oras na mag-ensayo at magsanay ng matagal na panahon. Ang national team ay hindi kagaya ng basketball club na naglalaro sa isang tournament at magkakasama ng matagal na panahon at may oras para magamay sa mga complicadong offensive strategy kagaya ng triangle offense. Ang Chicago Bulls ay inabot ng tatlong taon para masanay at magamay ang strategy na yan. Sa international tournaments meron ka lang 3 lingo na pagkakataon para magsanay at 4 lingo para maglaro at gamitin ang inyong mga natutunan.

Yan ang realidad ng international basketball at magagawa mo lang ay kung ano mang humanly na magagawa mo. 

Ang Pilipinas kung tutuusin ay may naghahanda ng mas maaga kung ikukumpara sa ibang bansa. Itong nakaraang World Cup Basketball, sumali pa sa pocket tournaments sa China. Ginamit pa ang SEA Games para mag training. Ginamit pare-parehong players dahil may iisang pool na unti-unting binabawasan habang lumalapit ang tournament. May sapat na oras tayo na napaghandaan yan. Noong 1998 ay nagsama pa ng 2 taon.

Mas mainam na matuto ang team ng offensive strategy na makakabasag at sa mga defensive strategies na maaaring gamitin. Dapat may offensive strategy na magagamit laban sa 2-3 zone, 3-2 zone, man to man, full court press. Ang man to man at full court press ay ginagamit sa professional leagues kagaya ng PBA kaya madaling makakapag-adjust ang mga players ng Pilipinas lalo na at puro professional ang gusto nating ipadala.

Noong Jones Cup na sinalihan natin mga 2008 at ang ginamit ng basketball mastermind ay ang Megamind ng basketball sa Pilipinas na si Yeng Guiao. Yung sobrang galing na coach hindi naniniwala sa regular na starting five basta sino hugutin niya sa bench para mag start sa team niya yun na yun talagang Megamind naubos buhok sa sobrang tindi na radiation sa utak niya. Hindi niya kayang basagin ang zone defense ng kalaban kasi puro bwakaw pinadalang player kaya hindi makascore sa transition. Mga player niya kagaya ni Cyrus Baguio na inuuna porma ayaw ipasa ang bola sa una para maka-score sa fastbreak. Sobrang megamind talaga. Yan ang madami tayo mga basketball megaminds.

Sa nakaraang World Cup Basketball ang ating basketball genius na si Chot Reyes puro na naman chemistry ang palusot. Eh kung titingnan mo mabuti ang dahilan ng pagkatalo nila ay dahil sa individual errors. Walang kinalaman sa chemistry. Ang gusto ata ng basketball scientist na si Chot Reyes ay magsuot ng labcoat ang mga players at magtimpla ng mga chemical sa court eh. 

Individual errors, uulitin ko. At ang individual errors ay sanhi ng low basketball IQ ng mga player. Kung tutuusin ay hindi naman kasalanan ng mga basketball megaminds natin yan. Yan ang kasalanan basketball culture sa Pilipinas na dapat i-correct ng basketball governing body kagaya ng SBP. Balikan niyo grassroots at gabayan ng mabuti mga kabataan at coaches. Diyan manggagaling future players at balang araw maging totoong mga megaminds ng basketball ang mga hudas na yan. 



Tuesday, September 12, 2023

Ang Realidad Ng Basketball Natin


Matapos ang pagkabigo ng Team USA contra sa Alemania (Germany), isang local Filipino sports reporter ang nagtanong kay US coach Steve Kerr kung mas mainam ba na mag practice ng mas matagal. Sagot ni Steve Kerr ay unrealistic ang magsama-sama at mag practice ng mas mahabang panahon. 

Yan ang matagal ko nang sinasabi dito. Ang paniniwala natin na ang susi sa isang matagumpay na tournament ay isang napakahabang preparation mapa-Asian Games man or World Cup Qualifiers. Tayo lang sa buong mundo ang gumagawa nito. Ang ibang bansa na-mamanage na mag assemble ng competitive na team ilang lingo bago magumpisa ang tournament gamit mga amateur players at nilalampaso mga players natin na puro professional na naghanda ng dalawang taon. 

Ang resulta, super diyahe na laro, nagkalat ng tae parang mga hindi professional players, nabanat ng husto at nagmukhang uugod-ugod. Ang yayabang pa ng mga coaches na mo mga master tacticians sa basketball, todo ang marketing talagang may slogan pa, logo at sangkatutak na TV spots. Tapos resulta bokya. 

Tapos sisisihin ang kawawang PBA na naturingang the oldest pay for play basketball loop sa Asia. Matapos mag sakripisyo, nag adjust ng schedule, pagbibigay daan, tumuwad pwet para turbuhin ng mga gunggong ay siya pang nasisi at lahat ng hintuturo na may tae sa dulo parang nagkamot ng pwet mga naninisi ay nakaturo lahat sa PBA. Kawawa naman!

Pagbintangan kaagad ang PBA na kesyo hindi nagpahiram ng players ng mas maaga kahit na mahabang panahon na nga binigay para ipagamit ang top players nila o outdated na ang style of play dahil professional rules ang nakasanayan ng mga players natin eh ano pa ba inaasahan niyo mga gung-gong talaga namang pro league ang PBA ano ba magagawa niyo eh kayo naman ang gusto ng mga professional players in the first place, diba?

Yan kasi ang problema eh kung walang maka-identify ng totoong problema. Bukod sa pinaka-obvious na problema na puro mga pisot pinapadala. Alam na nga natin na mas pisikal ang laro sa international game tapos magpapadala ng mga undersized na players. Importante pa rin na ma-identify natin ang problema. At base sa sagot ni Steve Kerr, na-identify na natin ang isa sa mga problema. Ngayon, isa-isahin natin ang iba pang mga problema.

Bago tayo pumunta sa ibang issues, pag-usapan pa natin ang preparation time. Hindi talaga ito realistic. Kita niyo naman yung ibang players natin na naglalaro sa ibang bansa kagaya ng Japan at South Korea ay hindi makakasali sa Asian Games. Kung hindi tayo nag export ng mga players sa mga liga sa ibang bansa ay hindi natin makikita ito. Panahon natin para maintindihan na ang Asian Games ay sadiyang wala sa calendar of events ng FIBA. Hindi ito sanctioned kaya ang mga liga ay hindi obligado na magpadala ng players diyan. Akala niyo ba ang ibang bansa naghahanda ng kasing tagal natin? Nagsasama lang sila pag available na mga players nila mula Europe, NBA, Australia, South America etc. Ang Gilas Pilipinas na hinawakan ni Reyes ay taon nag practice yan. Malaking pool yan tapos nag-eensayo kahit off season. Sinakripisyo na nila mga vacation nila. Wala pa rin. Kaya puede ba maging realistic naman tayo?

Low Basketball IQ

Isa sa mga obvious issues sa players natin ay ang low basketball IQ. Ang mga turnovers at errors na kino-commit ng mga players natin ay hindi resulta ng lack of preparation time. Ito ay resulta ng low basketball IQ. Mahina ang basketball instinct at abilidad na mag adapt sa iba't-ibang situation. Resulta ito marahil ng mahinang basketball foundation sa ating bansa. Masdan niyo mga naglalaro sa mga paliga sa atin, doon niyo malalaman ang sagot. May mga paliga na ang mga taong nanonood ng laro ay nakapalibot na sa loob ng playing court. Hindi ngayon magamit ng mga players ang buong court. May mga ring na tabingi. Akala niyo mahahasa kayo sa ring na tabingi? May mga court na hindi sumusunod sa regulations kagaya ng ibang court na mas malayo ang three point line, may iba naman na mas malapit nag three point line. May mga court na mas mababa etc. Tapos mga teams walang proper coaching. Si tropa lang nag co-coach o kung sinong mayabang na taga bario nila. May mga referee na walang alam sa rules, pito lang ng pito. Nasasanay sa one on one plays ang mga players at hindi napopromote ang team basketball. Yan po kaya mababa IQ. At yan ang grassroots natin. Pag akyat nila sa UAAP ay marami na silang bad habits na dala buhat sa paglalaro sa mga mabababang liga na pinanggalingan nila. At minsan ang mga bad habits na yan ay mahirap nang alisin. Kung ang mga players natin mataas ang basketball IQ ay magiging competitive tayo kahit paghandaan ang Olympics ng dalawang lingo lang.

Poor Scouting

May isang palusot si Banchot Reyes kung bakit natalo tayo sa SEA Games laban sa Indonesia. Tinago daw ng Indonesia yung import nila na si Marques Bolden. Isang search lang sa YouTube at lalabas ang mga clips ni Marques Bolden. Ang daming clips na lalabas lalo na sa college games niya. Mahina mag analyze ang PBA coaches ng scouting. Kahit mag scout mga yan, naka focus lang sila sa individual abilities ng isang player. Pustahan tayo hindi sila maka-basa ng mga tendencies ng isang team. Kaya nga noong laban contra sa Dominicana hindi nila alam kung ano gagawin pag full court press sila. Tatlong inbounding errors na commit natin dahil sa poor reaction sa mga defensive changes. Nagsayang pa ng pera para ipadala si Tim Cone sa Dominican Republic para mag masid doon. Baka ibang team ang pinakita sa kaniya. Siguro sa dami din ng mga laro ng Pilipinas bago dumating sa World Cup ay napadali ang scouting sa atin. Alam niyo na naman, 2023 kaya marami nang paraan para mag scout. Tayo lang yata ang hindi marunong.

Poor Coaching

Sinabi ko na noon ito at hindi ako titigil kakasabi nito. Banban mga coaches natin dahil sa walang karanasan sa basketball. Mga hindi naglaro ng basketball sa mataas na level pero sila magtuturo sa atin ng basketball. Ano pa ba aasahan mo? Si Josh Reyes ang naatasang magbigay ng coaching sa offensive strategy ng team? Ano alam niya? Pagdating sa international game, na alam nating wala siyang karanasan, saan siya huhugot ng karunungan? Huhugot siya ng tae sa tumbong niya?

Hindi rin uubra yung napaka-complicated na basketball tactics kagaya ng ginawa ni Tim Cone noon sa Philippine Centennial team kung saan nag triangle offense sila. Kaya dalawang taon naghanda ang team na yun, napa-away pa sa US dahil nilalampaso ng mga college teams. Tapos tuwang-tuwa na nung makapanalo laban sa isang college team din. 

Triangle offense? Hindi talaga puede yan kaya napipilitan maghanda ng matagal eh. Puede lang yan sa mga club teams na magsasama ng matagal at naglalaro lang iisang liga. Yung Chicago Bulls inabot ng tatlong taon bago nila nagamay yan. At pinatay ang triangle offense ng zone defense. Walang nangyari sa 2 taon na preparation ni Tim Cone. 

At yang small ball na pinipilit ni Chot Reyes. Ilang beses nang sinalpak yan sa mukha niya na hindi yan uubra! Pero pilit ng pilit! Ngayon, gusto na naman sumingit sa eksena, mang-susulsul na naman sa national team. Puede ba siyang lumayas na sa pag coach ng national team habang buhay? Napatunayan na niya na banban coach siya eh kaya puede ba ano pa ba ang kailangan niyang patunayan eh alam na nating lahat na banban siya?

Ang mga kalaban natin gumagamit lang ng simpleng offensive strategy. Fluid ang offense nila gamit mga players na sakto sa international game at may mataas na basketball IQ. Mga bagay na hindi natin ginagamit at sadiyang hindi kayang matutunan at maituro ng mga coach natin. Dagdag niyo pa na may SBP tayo na expert sa politica, yes politica lang ang kaya nila at walang totoong plano para i-uplift ang grassroots at tulungan ang coaches sa grassroots level.

Lack of Exposure 

Bigyan ng tamang exposure ang mga amateur players natin. Sa SEA Games at Asian Games at ano mang non FIBA sanctioned event, ipadala ang mga amateur players. Hindi na natin kailangan mga PBA players ay istorbohin ang mga schedule nila. Mag payoff din yan sa hinaharap. Tingnan niyo si Tab walang takot na gamitin mga amateur players. Mga prima donna PBA coaches na akala mo kung sinong mga master tacticians eh hindi makaporma pag hindi superstars hinawakan.

Ito puntahan niyo marami na akong nasulat tungkol sa coaching at grassroots development program natin - https://philippinesthesickmanofasia.blogspot.com/2023/08/bakit-wala-na-tayong-pagasa-sa.html

May mga nasabi din ako sa coaching at BCAP na talagang pahirap sa buhay natin noon pa - https://philippinesthesickmanofasia.blogspot.com/2022/07/wala-asenso-basketball-dahil-sa-bcap.html



Saturday, July 2, 2022

Ang Talambuhay ni Banchot Reyes


Nagagalit ang mga Pinklawan dahil daw sa dynasty na binubuo ng mga Duterte at Marcos sa larangan ng politica pero tahimik naman sa dynasty na binubuo ni Reyes sa basketball. Tila yata mga Reyes lang ang may alam sa basketball sa bansa kahit na alam naman natin na banban at archaic na ang style ni Banchot. 

Si Banchot Reyes ay nagumpisa bilang assistant coach ni Tim Cone sa Alaska at kapatid ni Jun Reyes. Naging instrumento si Banchot para makuha ng Alaska si Jun Reyes ngunit hindi na umangat sa pagiging back up point guard ang dating star player ng Ateneo.

Matapos ang ilang taon ay naging head coach si Banchot Reyes ng Sta Lucia. Nagpakita ng talas at abilidad sa coaching si Banchot. Hindi rin nagtagal ay lumabas ang mga ilang nakakadudang mga galaw itong si Chot Reyes. Nagiging animated ito sa sidelines at nagiging side show ng makulay na PBA. Agaw eksena ang mga pag mumura sa mga referees at pagtatatalon-talon na parang palakang gago tuwing may tawag ang referees na hindi niya nagustuhan. Sinabayan pa niya ito ng mga makulay na pananamit na talagang nakakasilaw at nakaka-distract kaya ang mga gagong players niya ay nagkakamali sa court. Malaki ang contribution ng mga unnecessary antics ng coach na ito sa mga sunod-sunod na pagkatalo ng Sta Lucia. Hindi nagtagal ay naka-apekto ito sa moral ng mga players. At dumating ang araw na talagang naubos na ang pasensya ni Banchot at binato niya si Jun Limpot ng upuan habang sinesermonan niya ang kaniyang mga players sa dugout matapos ang isang nakakahiyang pagkatalo. 

The next day pumunta si Banchot sa practice at iisa lang ang player na nadatnan niya - si Chris Jackson. Nagkaroon ng mutiny sa Sta Lucia sa pangunguna ni Gerry Esplana. Umaksyon ang kanilang management at agad na pinatalsik ang napaka-husay na coach. Bumalik ang sigla ng Sta Lucia at nagpapanalo na ulit sila ng mga laro.

Akala ko talaga noon na mahusay na coach si Reyes. 2003 si Reyes ay coach ng Coca Cola. Matibay at formidable ang Coca Cola at maganda ang sistema ni Chot Reyes sa koponan na yun. Sobrang disiplinado ng mga players lalo na sila Hatfield at Abuda at talagang napahanga ako sa kakayanan ni Reyes na mag coach ng isang koponan. Isa ang Coke sa mga teams na contenders noong 2003-2005 sa PBA. 

Ang BAP naman ay nagkagulo-gulo dahil sa kapalpakan. Matapos matalo ang RP Team na kinabibilangan ng mga hindi kilalang amateur players sa isang exhibition match laban sa Parañaque Jets na binubuo naman ng mga celebrities at ex-basketball players ay nagalit ang POC na pinamumunuan ni Babalu Cojuanco. Talagang bumulusok ang ilang ni Babalu Cojuanco nang gawing katatawanan ang RP Team na tinalo ng Jets niya talagang super diyahe sila! 

Nais buwagin ng POC ang BAP at bumuo ng panibagong association ngunit ayaw pumayag ni Joey Lina na head naman ng BAP. Ayon sa kaniya ay labag sa saligang batas ang binabalak na gawin ng mga basketball stakeholders na kinabibilangan ng PBA, PB:, UAAP at NCAA. Dahil dito nabigyan ng suspensyon ang BAP ng Pilipinas. Na-ban din ng mga dalawang taon ang Pilipinas kaya hindi makasali sa mga international tournaments. Nang matapos ang gulo ay nabuo ang SBP at si Banchot Reyes ang napiling coach ng Team Pilipinas. 

Mahusay ang presentation ni Banchot. May short term goal, may long term goal, claro ang concise ang plano niya. Siya ang napilling coach ng Team Pilipinas para sa darating na FIBA Asia 2007 na qualifying tournament para sa FIBA World Basketball. 

Dito na nakita ang eccentric, ineffective at walang kwentang antics ni Banchot. Ang nakikita natin na pagmamaktol niya sa sidelines ay pinakita niya sa buong mundo! Yung mga makukulay na polo niya at neck tie na parang borloloy sa jeep na Sarao. Natalo tayo sa importanteng laro laban ang Jordan dahil na-technical siya sa huling limang minuto ng 4th Quarter dahil sa kanyang pagtatalon-talon na parang baklang dinaya ng boypren! Si Queenito Henson pa nga sinisi niya yung Greek referee! That Greek referee!

Sa 2007 FIBA Qualifiers nakita natin ang pag-angat ng mga bansa sa Gitnang Silangan na noon ay nilalampaso natin. Ang istilo ni Chot Reyes at kahit sinong coach na kunin kagaya ni Yeng Guiao ay hindi na umuubra. Kailangan talaga ng basketball program na dapat ay sinimulan natin noon pa. Natuwa naman ang marami at dininggin ng SBP o Samahang Basketball ng Pilipinas ang dasal ng napakaraming basketball fantards sa bansa at naglatag ng kanilang long term program.

Una, kinuha si Rajko Toroman para maging coach ng Team Pilipinas. Kailangan baguhin ang istilo ng laro kaya nararapat na may foreign coach na magtuturo sa atin nito dahil aminado na ang SBP na walang kwenta ang mga local coaches.

Pangalawa, pinagtipon-tipon ang mga magagaling na batang players mula sa amateur ranks na magsasama sa mahabang panahon para mag representa sa Pilipinas sa larangan ng basketball. Hindi muna mag aapply sa PBA draft para may pool ng players na laging available pagkailangan na gamay ang larong pang international.

Pangatlo, mag naturalize ng 7 footer para punan ang position na wala tayo. Maiigsi ang biyas ng mga Pinoy kaya kailangan magbayad ng Americano na 7 footer kasi marami naman sila niyan.

Lahat ng iyan ay nagbubunga na, pipitasin na lang pero biglang umepal na naman si Chot Reyes. Pinatalsik si Toroman para si Chot Reyes ang aani sa lahat ng pinaghirapan ni Toroman. Balik na naman tayo sa dati na bara-bara dribble drive. Mas masaklap pa ay mga hindi marunong mag depensa. Nahilo sila sa sobrang bilis magpasahan ng bola ang kalaban! 

Nakalaban ng Pinas ang Australia sa isang qualifying tournament at dahil sa sobrang frustrated ang mga Pinoy na tinatambakan na ay nauwi sa suntukan. Ang mga kinuhang players ni Chot ay mga paborito niya na kagaya nila Pogoy at Abueva na mga undersized at ineffective na players na walang ibang alam na gawin kung hindi manggulo. Ayun si Pogoy naniko ng 6'10 na player at ginantihan siya ng isang malakas na siko nadurog lahat ng tigyawat niya at plakda siya sa sahig. Nauwi sa isang nakakahiyang rambulan at muntik pa ma-ban ang Pilipinas. Ang catalyst ng gulo ay si Chot Reyes na nahuli sa camera na inuutusan mga players niya na "put their ass on the floor." Ayun literal nga si Pogoy dinikit yung tumbong niya sa sahig sa isang nakakahiya at super diyahe na eksena. 

Pinalitan na naman ng SBP si Reyes at akala natin ay hindi na natin makikita ang nakakabwisit na kapalpakan niya. Pasok si Tab Baldwin na matagal na pinapanalangin ng mga Pilipino para baguhin ang kapalaran ng ating basketball team pero napakalaki talaga ng titi ng guardian angel ni Banchot at balik na naman siya. Pinatalsik si Tab at ang naging resulta ay silver medal sa SEA Games! Sa SEA Games na trono natin. Natalo tayo ni Rajko Toroman at ng Indonesia na hindi mahilig sa basketball! Itong SBP talaga naniniwala na ako na sila ang Samahan ng mga Bobo sa Pilipinas!

At yan po ang talambuhay ni Banchot Reyes. Ang pinakamasaklap diyan ay hindi pa diyan nagtatapos ang kaniyang talambuhay. Ito ay kasalukuyang sinusulat pa. Naka-line up din ang kaniyang anak para sa habang buhay na pang-eepal sa basketball natin. Saklap talaga.

Saturday, August 3, 2013

Philippines vs KSA Recap: Ano Ang Sakit Ng Pilipinas

Yung bola sa trophy mas malaki pa sa ulo ni Arwind Santos.
Nanalo ang Pilipinas laban sa banban na team ng Kingdom of Saudi Arabia. Lagpas ng sampung puntos din ang lamang ng Pilipinas sa final score kaso hindi yan ang tunay na reflection ng buong laro. Mula first quarter hanggang third quarter ang Pilipinas ay nagkakalat. Anong masasabi mo sa team na nagkakalat kahit banban ang kalaban? Ogag, bobo, bugok, banban at inutil.

Ating bilangin ang mga sakit na pinakita ng Philippines sa laro nila laban ang Saudi. Alam ko na kakatapos lang ng pangalawang laban ng Pinas kung saan natalo natin ang Jordan. Pero importante para sa mga scouts ang laro ng Pilipinas kalaban ang Kingdom of Saudi Arabi dahil sa larong ito pinakita ng Pilipinas ang kanyang mga grabeng sakit. Sakit na walang lunas. Sakit na noon pa problema na natin. Sakit na kusang lalabas kung mahusay at may pasensya ang kalaban.

Hindi Maka-shoot ng Free Throws


Ang free throws ay reward na binibigay sa player na nabigyan ng foul. Dalawang tira mula sa linya. Walang bantay, walang nakaharang, walang humahabol, walang sumasapal. Pero ang Pilipinas kung magtapon ng free throws ay parang skwater na biglang yaman kung mag waldas ng pera. Lustay ang pera sa pokpok, alak, alahas at mga luho. Sa bandang huli ubos na ang pera at pagsisisi na lang. Ganyan ang Pilipinas. Kadalasan natatalo ng mga 10 puntos, habang nagsayang ng 21 free throws. Kung naibuslo lang ang mga free throws lamang sana ng 11 puntos. Bakit hindi magpractice ng free throws ang mga putanginang players ng Pilipinas? Panay kasi yo-yo shots, acrobatic lay-ups, And1 dribbling skillzzzzzz at salsal. 

Noon naman na banban pa mga players ng PBA, maaasahan mo naman sa free throws. Maganda din perimeter shooting. Kahit nga si Pongkee Alolor maaasahan mo sa free throws. Ngayon ang poporma nga, athletic at mas matatangkad pero banban naman sa shooting. 

Sakit ng mga manlalarong Pinoy - hindi makashoot ng libre.

Unnecessary Fouls

Kakalabitan pa ang player na nag break-away lay up. Alam na ngang wala nang magagawa at sure lay up na, tatapikin sa balikat para bigyan pa ng extra points sa free throws. Kung nakalusot na, hayaan mo na. Gagawin mo pang three point play, nabigyan ka pa ng foul at nakadagdag ka sa team fouls. Anong klaseng sakit ito at kung paano nakukuha ito ewan ko. Kagabi dalawang unsportsmanlike fouls ang tinawag sa Pilipinas. Mas mabigat ito kasi bibigyan mo ng dalawang free throws ang kalaban kahit hindi act of shooting, tapos may ball possession pa. Tatanga-tanga lang ba mga players natin? Malamang. Sa mga nakaraang FIBA tournaments at Asian Games ang Pilipinas ay laging nag overlimit sa team fouls at mga key players natin laging nalalagay sa foul trouble. 

Sakit ng Pinoy - Unnecessary fouls!

Over-dribbling


May points ba ang dribble? Sana meron kung hindi World Champions na ang Pilipinas. Ang bagal sa pasahan. Ito ang sakit ng Pilipino na nakakabwisit! Kahit sa baranggay level talamak ito! Epidemic ito na hindi ginagamot. May gamot naman dito, kaso banban din mga nagpapalakad ng sports sa Pilipinas kaya walang proper training ang mga nasa grassroots, kaya pag akyat nila sa college at pros ay dala nila ang nakakahawang sakit na yan. Mas effective sana kung ipasa ang bola sa nauunang player sa fastbreaks at transition kaso ang may hawak ng bola ay showboat at bwakaw. May kakampi ako noon ang tagal talaga pumasa. Gumamit ka na ng pick, nagbigay ka pa ng pick, tapos lumabas ka na kaya open ka ng saglit na kung pinasa ang bola ay may oras ka pa na tumira kaso tiningnan ka lang niya tapos inisnab ka at tiningnan niya yung player na may dalawang bantay tapos tinira din niya! Pagkatapos ng laro sa sobrang frustration ko minusamos ko yung putanginang pagmumukha niya sa inidoro na may tae-tae! PUTANGINA KANG BWAKAW KA KUNG UMASTA KA AKALA MO KUNG SINO KANG MAGALING PUTANGINA KA. KANINA PA AKO GUMAGALAW NG WALANG BOLA NAGHIHINTAY LANG NG PASA PUTANGINA KA PINAPAGOD MO LANG AKO AT WALA RIN PALANG MANGYAYARI. PUTRIS NA PUTANGINA KA PUNGGOK KA PA NAMAN WALA KA NAMAN NALALAMAN AT HINDI KA MARUNONG BUMASA NG LARO. TUWING NAGIGING KAKAMPI KITA LAGING NABUBWISIT ANG ARAW KO PUTANGINA. ISANG ARAW BIGLANG PAGDIDILIMAN AKO NG PANINGIN MAPAPATAY KITANG PUTANGINA KA! HUWAG KA NA MAGPAPAKITA SA AKIN PUTANGINA KA! 

Sakit ng Pilipino ang overdribbling. Ang Saudi kahit banban maganda ang rotation nila ng bola. Lagi sila nakakahanap ng open man kaya kahit banban sila madami silang naipasok na tira sa labas. Kung wala sila Marcus Douthit siguradong talo ang Pilipinas. At kung wala si Marcus Douthit at may naturalized player ang Saudi, siguradong inimbakan ng basura ang Pilipinas kagabi na namatay dahil sa sakit na over-dribbling.

Poor player rotation 


Ito ang isa pang bad trip na sakit ng Pilipinas. Ang bugok na player rotation. Ano ba itong ginagawa ni Reyes ang banban niya talaga. Kung kelan maganda na ang laro ng player niya bigla na lang ilalabas. Hindi ko makita ang logic niya. Hindi naman foul trouble, hindi naman umiinit ang ulo ng player, hindi naman injured. Ilalabas niya kahit na kakashoot lang ng pangatlo sunod-sunod na jump shots. Siya mismo ang sumisira sa momentum ng team. Aalisin yung nagbabaga ang kamay, para palitan ng player na lumobo ang betlog sa bench. Tapos yung player na kakapasok lang biglang magcocommit ng error. Ito ba ang paraan ni banban Reyes para kontrolin ang mga ego ng mga superstar players niya? Dapat meron siyang mga babad na players, at may mga role players. Itong mga hudas na role players na ito kahit superstar pa sila sa mabahong PBA dapat matuto silang tanggapin ang role nila sa team. Kung magmamaktol ang player na mababangko, eh di batuhin niya ng upuan kagaya ng ginawa niya kay Jun Limpot at Gerald Esplana noong naging coach siya ng Sta Lucia. 

Isa pang banban na ginagawa ni Reyes ay ang paggamit niya ng two guard combo. Nakakaasar talaga ang banban na Atenista na ito. Ok lang ang two guard combo kung ang point guard mo ay 6'5 at ang isa naman ay 6'4. Sa NBA pwede yan. Ginagawa yan ng Phoenix Suns para sa up tempo style nila. Pwede din yan sa PBA kung saan ang average height 6'3. Pero sa FIBA Tournaments hindi na uubra ito. Height is might, tapos mag small ball ka pa? Gusto na naman siguro ni Reyes maulit yung nangyari noong 2008 na pinopostehan ni Wright yung mga pandak na point guards niya. Nakakatawa talaga nautakan siya ng kabilang coach, alam na banban ang strategy kaya pag nag two guard combo na, popostehan yung guard na pandak na nagjijingle balls yung mga betlog tuwing kinakaldag na. Hay nako, poor player rotation sakit ni Chot Reyes.

Turnovers 


Mga inutil talaga. Ang bagal ng rotation ng bola kaya napipilitan sa minadaling tira. Kadalasan din dahil sa paubos na oras ay napepressure ang mga players natin kaya kung ano anong kalechehan ang nangyayari. Hindi sana mabagal ang rotation kung hindi puro dribble ang mga point guards natin. By the time na matanggap ang bola ay iilang segundo na lang ang natitira sa shot clock kaya bato-tae na lang. Ang sagwa panoorin ang ganyang laro. Yan ay kung swerte na maitira pa ang bola dahil kadalasan ito ay naaagaw, naitatapon, natatawagan ng travelling violation at offensive foul. Banban na team lang ang kalaban pero ginaya din nila sa kabanbanan. Buti na lang may naturalized player ang Pinas para may go to guy sila.

Bwakaw Mentality


Ang cancer ng mga Pinoy. Bad trip kakampi ang mga ganitong klase ng manlalaro. Alisin mo man si Mark Caguioa at James Yap sa team may bagong prinsipe ng kabwakan na papalit. Mga bwakaw na players ang abundant ang Pinas. Kung ano ang kinulang sa height, sobra naman sa bwakaw. Kadalasan pa sa mga bwakaw ay ang mga point guard. Kitang-kita ito kagabi sa laro ni Jayson Castro at LA Tenorio. Kung sino pa yung pinaka pandak sila pa ang mga gahaman sa bola. Ang hilig pa sumalaksak sa ilalim kung saan nagaabang ang mga higante ng kalaban. Wala na bang lunas ang sakit ng kabwakawan sa mga Pinoy? Nasa dugo na ba natin ang kadupangan?


So there! Pinakita lang ng Pinas sa Chinese Taipei kung paano sila mag self destruct. Magamot kaya ng Pilipinas ang sakit niya? Matatalo ba ako sa pustahan at umabot sa final 8 ang Pilipinas? Mag improve pa ba ang shooting ng Pilipinas? Mabawasan ang turnovers at maiwasan ang mga unnecessary fouls? Sana naman for the sake of the country, kahit kantutin pa ng iba ang shota kong nakakalibog, ay manalo ang Pilipinas! Dahil laban ito para sa bayan! Patayin ang mga kaaway! Patayin! Puso! Puso! Pweh!

Classic Catch 22 - Kawawang Pilipinas Ang Bansa Ng Mga Ugok!

Sa kalaunan, kawawa ang taong bayan. Naging laruan lamang ng mga tarantado at gagong bugok ang bayan natin. Ayaw natin sa Duterte, ngayon ka...