Showing posts with label kanto basketball. Show all posts
Showing posts with label kanto basketball. Show all posts

Sunday, September 29, 2019

Bakit Walang Asenso Ang Basketball Sa Pilipinas?

Mamaya na linisin ang basura natin, basketball muna tayo.
Ilang beses ko ba sasabihin na ang basketball ay hindi para sa mga Pilipino? Sa sobrang pagpupumilit natin na maging dominante sa larangan ng basketball eh nagmumukhang mga asong ulol na dapat ipadala sa Ilocos para itali sa puno at paluin ng dos por dos ng mga Ilocano para may laman ang kanilang mga kumakalam na sikmura. Hindi ba pinagmamalaki natin na magaling ang mga Pilipino sa gulangan sa basketball? Tuwing balyahan ang paguusapan ay hindi mapipigilan ang mga kwento ng Crispa - Toyota rivalry. Mga siko na lumilipad at mga manlalaro na sinasahod. Mga player na naging baldado paglipas ng alikabok ng mga gulo at suntukan sa loob ng court. Kung papakinggan mo mga storya na yan iisipin mo talaga na matitibay ang mga Pinoy. Pero base sa reactions ng mga players at team officials ng Galis sa social media, hindi pala sila matitibay. Mga pikon lang talaga na hahanap ng dahilan para i-justify ang mga kalokohan nila.

Balikan natin ang laro ng Galis kontra sa Australia noong 8 ng Julio 201. Sila ay ginawang katawatawa sa loob ng court. Hindi makapasa ng maayos laging naiintercept, hindi makabuslo kahit simpleng free throw, nabubuta at umaaray pag binabangga ng mga mas malalaki at pisikal na mga mama ng Australian Boomers. Diyan pa lang eh magdududa ka na sa tigas ng mga kumag na Galis na ito. Totoo nga na naging mga pampered bitches itong mga primadona professional players ng Asia's first ever pay for play basketball loop. Pero bukod sa pagiging mga pampered dickheads ang Galis, diyan pumapasok ang height is might na adage. Kung gaano ka kalaki, ganon ka rin kalakas. Kaya kung ang babangga sa iyo ay mas malaki, natural na masasaktan ka. Agrabyado ka. At alam naman natin ang Pinoy na kapag natatalo sa pisikal ay madaling magalit. Ayun na nga ang nangyari at pinakita natin sa mundo kung anong klaseng mga abnormal tayo.

No rules, no blood, no foul.
Nakaabot nga ang Galis sa FIBA World Cup pero anong nangyari doon? Banban ng coach na walang solution at walang mahugot sa experience niya para lutasin at bigyan naman tayo ng magandang resulta. Walang naipanalo at ang pagkakatalo ay legendary. Tinambakan pa tayo ng Serbia sa isa sa mga pinaka lopsided na games sa history ng basketball. Alam namin nating dehado na tayo sa height pa lang pera sana naman para sa isang bansa na panatiko sa basketball ay ipakita natin na panatiko talaga tayo at pahirapan sila kahit malalaki. Eh ang nangyari ay paulit-ulit na play at stratehiya na parang ang dali-daling talunin ang bansa natin. Simpleng plays na hindi kayang depensahan at mga players na pinadala ay mga manlalarong kulang na kulang ang skill set. Kung wala tayong naturalized player siguradong hindi tayo makakarating doon. Sa laban natin sa Italy binigyan natin sila ng 15 three point conversions for 49% shooting sa three point area. Ano bang klaseng depensa yan?

Kung totoong magaling tayo sa basketball at dapat respetuhin, bakit walang kumikilala sa atin sa paborito nating sports? Sa NBA walang Pinoy. Huwag niyo isama si Clarkson kita niyo nga kahit FIBA hindi pumabor sa atin eh. Si Clarkson ay isang Americano kahit ang nanay niya ay Pinay, lumaki siya sa America, iba ang wavelength ng pagiisip niya kumpara sa atin na nagkamalay at natuto ng kalokohan sa Pilipinas. Kahit kumakain pa siya ng adobo at sinigang, si Clarkson ay Americano. At huli na para siya ay lumipat bakod para lang makapaglaro sa Olympics at Basketball World Cup. Ang isipin niyo ay kung bakit sa milyon-milyong mga Pilipino na naglalaro ng basketball ay wala ni-isa ang nakapasok sa NBA. Walang homegrown Filipino na natuto ng basketball sa Filipino basketball system. Kainin niyo muna yan.

Kung totoong magaling tayo sa basketball bakit wala tayo sa mapa ng basketball sa mundo? Ang mga Americano lalo na mga imports na nagpupunta ng Pilipinas ay nagugulat sa klase ng passion at fanaticism sa basketball. Hindi nila alam yan? Kasi walang representation ang Pinoy sa basketball sa world stage. At ang national team natin ay kahiya-hiya. Idagdag mo na din ang problema ng politica sa basketball kaya wala tayong sustainable na programa na kayang ipagpatuloy. At kamusta naman ang grassroots natin? Tingnan mo mga baranggay leagues natin, walang organization at hindi regulated ng SBP.

Kung totoong magagaling tayo sa basketball bakit hindi tayo nagpapadala ng coaches para sa employment opportunity sa ibang bansa? Kung walang Pinoy na coach sa NBA, bakit kahit sa neighboring countries natin kagaya ng South Korea at China ay walang Pinoy na coach? Dahil alam nila na banban ang mga coach natin. Wala kasi tayong programa at ang mga coach natin ay hindi intelehente at producto lang ng migo system - naging coach lang kasi ang daming mga kilala sa matataas ng puesto. Kagaya nila Yeng Guiao. Naglaro ba yan ng basketball on a professional level? Nirepresenta ba niya ang Pilipinas sa Asian Games man lang bilang manlalaro? Hindi. Diretso coach siya dahil ang tatay niyang Governor ng Pampangga ay maraming kakilala. Sa PABL yan unang nag coach at nang umakyat ang Swift sa PBA ay dinala siya kaya ayun PBA coach kaagad instantly. Nakita niyo naman kung gaano kalala ang performance ng Galis sa FIBA World Cup. Kung paano yan napiling coach ulit ay hindi ko na alam dahil sa Asian Games noon kulelat din tayo noong hinawakan niya ang coaching job ng national team natin.

Hindi ko nakikita na aasenso pa tayo diyan. Pero kung seryoso ang SBP ang una nilang gawin ay huwag ibigay sa negosyante na may vested interest ang pamamalakad ng SBP nang sa gayon ay maiiwasan ang favouritism sa pagpili ng player na magrerepresenta sa bansa. Maiiwasan ang damutan at petty bickering at inggitan. Gawaan din ng parang ng SBP kung paano bantayan ang nangyayari sa grassroots - mga baranggay leagues. Diyan maguumpisa ang mga future na players ng bansa. Ibig sabihin kahit mga coaches ng mga teams sa baranggay ay dapat na kumuha ng training at magkaroon ng lisensya para magcoach ng isang koponan. Hindi yung kung sino-sinong Poncio Pilato ang kukunin. Itapon ang lumang sistema na yan. Kailangan din bigyan ng training ang mga officials - mga kumukuha ng stats, referees at organizers. Mag establish dapat ang SBP ng club system dahil ito rin ang pagkukuhanan nila ng funds at hindi na aasa pa sa mga corporations na may pansariling interes lang.

Masunod man o hindi ang mga suggestion ko wag rin tayong umasa na may milagrong mangyayari at magiging world beaters tayo. Height is might sa basketball. Tayong mga Pinoy ay hindi nabiyayaan ng height kaya mag enjoy na lang tayo sa panonood at kagaya nga ng sinabi ni Jaworski - "Huwag ka nang umasa pa!"

Classic Catch 22 - Kawawang Pilipinas Ang Bansa Ng Mga Ugok!

Sa kalaunan, kawawa ang taong bayan. Naging laruan lamang ng mga tarantado at gagong bugok ang bayan natin. Ayaw natin sa Duterte, ngayon ka...