Sunday, November 19, 2017

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?

Ito yun o.

Ang Manila ay infested ng mga squatters. Sila ay makikita sa mga estero, bakanteng lote o ilalim ng tulay. Sila ay mga 2nd or 3rd generation ng mga pamilyang nag migrate sa Manila noong decada 60 at 70 para matakasan ang kahirapan ng buhay sa probinsya nila. Ngayon, sila ang source ng trabahante sa Manila mula construction, transportation, security guards, kasambahay etc. Huwag kakalimutan diyan din galing ang mga professionals kagaya ng mga therapist, nurses at agents - therapist sa SPAkols, nurse ng titi sa sauna bath at PSP mga agents ng kalibugan. Kung walang skwater todas ang tatay niyo dahil walang agogo. Siguradong si Inday na katulong niyo ang bubwisitin sa kanyang mga sexual demands at abuse.

Mabilis ang pagdami nila dahil shempre walang nagpapractice ng safe sex at proper family planning. Pinagbabawal ng simbahan ang paggamit ng condom. Putanginang mga pari ito kung makialam sa pamamalakad ng gobyerno akala mo may naitutulong. Wala namang kwenta dahil hindi nagbabayad ng buwis kagaya ng mga anak ng tupang mga skwater na ito. Mag brownout lang magkakantutan na. Pag walang pera pambayad ng puta ang pobre, kakantutin ang asawa kahit na walang ipin at ang kepyas ay amoy daing. 

Gusto ko sana ipaliwanag kung paano talaga nagkaroon ng skwater. Sabi ko nga sa unang paragraph ang mga skwater ay mga nag alsa balutan galing sa probinsya. Wala kasing oportunidad doon kaya lumuwas sila sa Manila para hanapin ang kanilang kapalaran. Shempre ang Manila noong decada 60 at 70 ay hindi sila kayang i-accomodate - underdeveloped pa para suportahan ang malaking influx ng mga tao.

Kailangan natin balikan ang pagdating ng mga Americano noong 1898. Maraming mga unggoy Pinoy diyan ang nagpapasalamat sa pagdating ng mga Americano. Dahil sa kanila natulungan nila tayo na patalsikin ang mga Castila. Para sa mga unggoy Pinoy ang pagdating ng mga Americano ay isang love affair. Dapat sa mga tarantadong romantico na ito saksakin sa likod ng punyal na kinakalawang. At mamatay sa tetano ang mga putangina!

Dahil sa digmaan maraming mga Pilipino ang nadisplace. Alsa balutan at iniwan ang mga tahanan nila kapag umabot na ang barilan sa bayan nila. Ang mga pamilyang ito na napilitang lisanin ang kanilang probinsya ay napadpad sa Manila. Wala silang kakilala sa Manila, wala silang kamaganak doon o kaibigan. Kaya nagtayo sila ng barong-barong. Sila ang mga unang iskwater sa Manila.

Mga bayani natin.
Ang bukid at palayan ay naiwanan. Ang kalabaw ay kinatay para may kakainin sila. Kahit mga Americano ay walang patawad sa mga kalabaw, binabaril nila ang mga ito para walang katulong sa pagsasaka ang mga Pilipino. Ang iba namang bilang ng mga kalabaw ay namatay dahil sa kumalat na epidemic. Ganyan sila kalupit. Na-decimate ang bilang ng mga kalabaw sa bansa natin. Bago dumating ang mga hudas na yan ang mga kalabaw ay lampas isang milyon. Pagkatapos ng digmaan, mahigit kumulang 100 libo na lang ang natitira.

Inasinan din ng mga Americano ang mga lupain para hindi makapagtanim ang mga Pilipino. Ginawa nila ito nang matuklasan nila na ang mga magsasaka ay sikretong naghahatid ng mga pagkain sa mga guerillas. Hirap ang mga Americano na habulin ang mga guerillas dahil sa hindi nila kabisado ang terrain. Kaya kailangan putulin nila ang pagdating ng pagkain at nagawa nila ito sa pamamagitan ng paglagay ng asin sa lupang tinataniman para walang ano man ang tutubo dito. Dahil wala nang mataniman ang mga Pilipino nagkaroon ng famine at napilitan silang mag alsa balutan na naman at pumunta sa Maynila. Kaya sumuko si General Miguel Malvar, na nagtago sa bundok at nag engage sa mga bantay salakay tuwing nagsasalsal ang mga Americano, dahil hindi na niya nakayanan ang paghihirap ng mga kababayan niya.

Ito ang parte ng historia ng bansa natin na hindi tinuturo sa mga escuela. Nakasulat naman sa history books pero laging namimiss out ng mga historiador. Tuwing skwater at kahirapan ang paksa, si Marcos ang laging sinisisi. Kasalanan ni Marcos, ninakaw ni Marcos, inutang ni Marcos, pinatay ni Marcos, Martial Law this, Martial Law that, bitch this, bitch that, nigger this, nigger that!

Kaya bago pa dumating si Marcos, marami nang squatters sa Manila. Lalo din dadami dahil sa apekto ng scorched earth policies ng mga Americano para tapusin kaagad ang digmaan. Hindi nga nila kinaya ang guerrilla tactics ng mga Pinoy, pinatay nila ang lupang tinataniman. Pagdating ni Marcos inayos niya ang agriculture industry, hinikayat niyang buhayin ito sa pamamagitan ng mga policies niya. Diyan pumasok yung IRRI - International Rice Research Institute sa Los Baños. Naging advanced tayo sa research sa agriculture. Sa atin nadiskubre ang Jasmine rice, yung fragrant na rice na ngayon ang number one exporter ay Thailand. Sa atin yan ginawa kaya nga ang pangalan niyan ay Jasmine.

Pero balik tayo sa usaping squatter.

Isa pang dahilan ng pagdami ng squatter ay land reform or the lack of it. Pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Americano ang mga lupain na kinamkam ng mga fraile na dapat ibalik sa mga Pilipino ay binenta sa mga mayayaman. At ang mayayaman ay mga Kastila, Intsik. Ang mga Kastila na kumampi sa mga Americano kagaya ng mga Zobel de Ayala, Ortigas, Roxas, Araneta - lahat ng mga tycoons na may lahing Español ngayon ay nakinabang diyan. Binigyan din sila ng loans kaya madami silang nakuha. Yang gagong Zobel de Ayala kinuha nila yung buong lupain na tinatawag na Ayala Center ngayon. Yan mga Ortigas yung buong lupain na tinatawag na Ortigas ngayon kung saan nakatirik yung Mega Mall at mga call centers. Araneta sa Cubao at Farmer Plaza kung saan pinanganak yung pangalawang pinaka-pangit at pinaka-bobong politico sa Pilipinas na si Mar Roxas. Ang pangit ng mukha niya! Pweh!

Itong mga Insects naman na kagaya ng mga Cojuanco ay hindi lumaban sa digmaan laban sa mga Americano. Hindi sila nagmalasakit sa mga Pilipino. Ang mga tindahan at tahanan nila ay tinayuan nila ng bandila ng China para hindi sila galawin ng mga Americano. At pagkatapos ng gera, sila ang umani ng lahat ng mga pinaghirapan at pinagpaguran ng ating mga ninuno. Yang mga Cojuanco biglang yumaman yan sa Tarlac dahil yung pondo ng revolucion na dapat ipangbayad sa mga sundalo ng Republican Army natin ay ninakaw ng tiyahin nila na si Ysidra Cojuanco.

Mahal na mahal namin kayo Teodoro Asedillo!
Noong panahon naman din ng mga Americano nauso ang titulo. Ang mga kawawang magsasaka at maralita ay walang alam sa mga titulo-titulo dahil ang instruction sa escuela ay nasa wikang Ingles! Ano malay nila sa tinuturo sa kanila? Inalis ng mga Americano ang Español, walang dahan-dahan na transition basta biglang sa Ingles ang mode of instruction. Ano malay nila sa land title at kung ano ano pa? Kaya nga nagrebelde si Teodoro Asedillo. Isa siyang guro na nagmalasakit sa mga mahihirap. Nag rebelde siya at nilabanan ang mga Americano noong 1929 at sumapi sa Katipunan ng mga Anakpawis sa Pilipinas. Nahuli siya at pinatay at ngayon limot na ang kanyang pangalan. Sana sa tulong ng mga sulat ko ngayon ay mabuhay muli ang kanyang ala-ala. Huwag nating kalimutan ang kayang pagmamalasakit, pagmamahal sa inang bayan at mga mamayaman.

Dahil diyan sa titulo-titulo na yan ang mga kagaya ng lolo ni Cory Aquino na si Juan Sumulong ay nangamkam ng mga lupain sa Antipolo. Lahat ng makitang lupain na parang walang nagmamay-ari ay pinapatitulohan. Ang dami nilang lupain diyan, hindi na tama! Sobra-sobra na habang napakaraming mga Pilipino ang walang matirahan! Magtira naman kayo mga putanginang sakim na mga balasubas kayo! Ang kakapal ng mga putanginang pagmumukha niyo!

Kaya ang mga kaawa-awang mga magsasaka na lumaban para sa bayan ay walang lupain. Naging squatter sila hanggang sa apo ng apo nila ay naging squatter na din. Yan ang dahilan kung bakit maraming squatter sa Pilipinas. Displacement dahil sa gera, nawalan ng kabuhayan sa pinanggalingan nilang lalawigan at walang pagaaring lupain na kinamkam ng mga demonio. Hindi sila sumulpot na lang na parang mga kabute o kaya kasalanan ni Marcos. Ang pinakaimportante sa lahat, yung mga lupain na kinamkam ng mga fraile ay hindi naibigay sa mga Pilipino kung hindi ito ay pinagbebenta sa mga mayayaman at kinamkam naman ng mga nakakaintindi sa mga titulo.

Ano? Wala kayo lupain? Buhay pa naman kayo diba? At naglalakihan mga tae niyo.


9 Reasons Why Bonifacio Sucked


1. Si Andres Bonifacio ay nakatulog sa pansitan

Habang namumuti ang mata ng ibang mga commanders at heneral ng Katipunan sa Manila at Cavite, si Andres Bonifacio ay nakatulog sa may San Juan. Matapos na mag link up si Bonifacio sa mga taohan na nanggaling ng Santolan, sila ay nagkaroon ng maikling pamamahinga at paguusap-usap ayon sa memorias ni Santiago Alvarez. 

Sabi ng mga historiador na simpatetico kay Andres Bonifacio, imposibleng nakatulog ang Supremo dahil sa 800 na tauhan na kasama niya doon at wala ni isa ang gumising sa kanya. Ang sagot ko naman, may "K" ba ang mga taohan niya para bulabugin ang mahimbing na Supremo? Maipapaliwanag ba nila kung ano nangyari sa limang oras na nagdaan? May naguusap-usap ba ng limang oras nang di namamalayan na takdang oras na pala ng pagbibigay ng hudyatan?

Alas dose ng gabi 30 ng Agosto 1899 ang usapan ay magpapalipad ng mga lobo para maging hudyat ng mga taga lalawigan na umpisahan na ang sabay-sabay na pag-atake sa Intramuros ay mahimbing na natutulog ang Supremo. Nagulantang na lang ito nang magising pagtilaok ng manok, tingnan ang kanyang orasan, alas quatro na pala ng madaling araw. Ang manok na nambulabog sa kanyang pagkakahimbing ay ginawang tinolang manok.

Source: Santiago Alvarez - The Katipunan and the Revolution.



2. Pinapadala niya mga tauhan niya sa peligro kahit walang sapat na armas


Isa sa mga malas na binigyan ng suicide mission ayon kay St Clair ay si Teodoro Plata. Siya ay pinsang buo ng asawa ni Andres Bonifacio na si Gregoria De Jesus. Nang matuklasan ng mga Kastila ang Katipunan, nagpatawag ng pulong ang Supremo upang hingin ang pag-sangayon ng kanyang mga kasamahan na umpisahan na ang pakikipaglaban. Ito ay tinanggihan ni Teodoro Plata dahil sa kakulangan ng armas. Nanaig din ang pasya ng Supremo at si Plata ay inatasan ng Supremo na hulihin, commando style si Gov Blanco at iba pang matataas na opisyales ng pamahalaan! Dahil sa kahibangan ng suicide mission na binigay sa kanya, nagpasya si Teodoro Plata na tumakas na lang. Nang malaman ng Supremo (Andres Bonifacio) na nawawala si Plata, agad niyang pinahanap ito upang "paghiwalayin ang ulo sa balikat."

Isa pang kawawang binigyan ng suicide mission ay si Heneral Vicente Fernandez. Siya ay inutusan ni Bonifacio na kunin ang Manila Electrico para patayin ang mga ilaw sa Luneta. Ang pagpapatay ng mga ilaw sa Luneta ay magsisilbing hudyat para sa mga nasa lalawigan ng Cavite. Ang Luneta ay makikita sa isang elevated position - si Emilio Aguinaldo at kanyang mga kasama ay nagantay sa isang tulay sa Cavite kung saan namuti ang kanilang mga mata at naging pulutan ng mga lamok sa kakahintay. Ang nakita lang nilang nagpapatay-sindi ay mga alitaptap sa tabi ng maliit na punong kahoy.

Ang kawawang si Heneral Fernandez ay inaasahan ng Supremo na magdadala ng maraming tropa galing Laguna. Ngunit, hindi nakarating si Fernandez dahil walang gustong sumama kung walang sapat na armas. Hindi sila naniniwala sa plano ng Supremo na kayang ipanalo ang labanan. Huwag natin sisihin ang mga taong yan. Dahil mission impossible naman talaga kung wala kang sapat na armas at siege weaponry para atakihan ang Intramuros.

Sources: 
The Light of Liberty, Jim Richardson
Dr Pio Valenzuela and the Katipunan

3. Pinasubo ng Supremo ang kawawang mga pobre at maralita


Sa pamamagitan ng pagpupunit ng cedula ang mga kawawang pobre at maralita ay naging mga inducomentados. Ang cedula ay nagsisilbing identification card at proof of residency. Kung ikaw ay sitahin ng guardia civil at wala ka maipakitang cedula, ikaw ay maaring mabihag sa kulungan. Inuto ng Supremo ang mga ignorante na punitin ang cedula nila para hindi na sila magsiuwian sa kanilang mga tahanan at manatili na lang sa battle field at makipaglaban. Kaya pagkatapos ng debacle sa San Juan del Monte kung saan nadurog ang mga Katipuneros, ang mga walang cedula na hindi makauwi ng kanilang mga tahanan ay namundok na lang at naging mga tulisan. Natural, dahil ang mga guardia civil ay kumakatok sa mga bahay-bahay at pinaghahanap ang mga rebelde na lumahok sa uprising ng gabi ng Agosto 29 1896 at umaga ng Agosto 30 1896. Pagkalipas ng ilang mga araw, kumalat ang balita na malaya na ang lalawigan ng Cavite through the efforts of Emilio Aguinaldo. Nagsipuntahan sa Cavite ang mga ito kung saan binigyan sila ng refuge at renewed vigor sa pakikipaglaban.

Source: 
Dr Pio Valenzuela and the Katipunan
The Light of Liberty, Dr Jim Richardson




4. Hindi nagpunit ng cedula ang Supremo at kanyang mga BFF's


Maraming conflicting reports kung saan naganap ang Unang Sigaw. Hindi malaman ng mga historiador kung sa Pugad Lawin, Balintawak, Pasong Tamo, Bahay Toro etc. Ang totoo niyan kung susuriin mong mabuti sa lahat ng lugar na yan naganap ang sinasabing Unang Sigaw. At ang Supremo ay nagdadala ng kopya ng cedula niya na pupunitin sa mga meeting para himukin ang mga pobre na punitin din nila ang kanilang mga cedula.

Isang patunay na hindi nagpunit ng tunay na cedula ang Supremo ay ang pagkakaroon pa rin ni Dr Pio Valenzuela ng intact na cedula. Matapos ang failed uprising at San Juan debacle, sumuko si Pio Valenzuela sa mga Kastila at pinakita niya pa ang kanyang intact at buong cedula. Kung hindi nagpunit ng cedula si Valenzuela at katabi siya ni Bonifacio sa grand pagpupunit ng cedula event, hindi ba dapat sinita yan ni Bonifacio at "pinaghiwalay ang ulo sa balikat?" The fact na hindi nagpunit ng cedula si Valenzuela, na isa sa mga mataas na opisyales ng Katipunan, ay nagpapatunay na si Bonifacio ay hindi rin nagpunit ng cedula. Sila na mga opisyales ng Katipunan ay nag collude para utuin ang mga pobreng magsasaka. 

Huwag din natin kalimutan na si Bonifacio ay part time actor na nag appear sa mga moro-moro plays bago naging Freemason. Kaya kaya niyang maging convincing na nagpupunit ng totoong cedula for the first time para sa mga walang kaalam-alam.

Source: 
Dr Pio Valenzuela and the Katipunan

5. Walang naipanalong labanan ang Supremo


Kahit isa ay walang naipanalong labanan ang Supremo dahil sa kakulangan ng armas, kahinaan na mag kumbinsi ng mga tropang sasali sa labanan, hindi aral sa field tactics, mahinang field commander and walang alam sa coordination. 

Natalo sa San Juan del Monte na nagresulta sa pagkamatay ng mga 150 katao at pagkakadakip sa 200 na mga miembro ng Katipunan kabilang na dito sa mga nahuli si Sancho Valenzuela.

Ang mga naipanalong mga labanan ni Bonifacio ay mga skirmishes lang. Ang skirmish ay isang labanan na involved mga 20 hanggang 50 na tao. Magiging 'battle' lang kung ang involved ay lalagpas ng 100 tao, may kasamang cavalry, cañon, barko at talagang labanan labo-labo. Pero kung 50 bakla lang na nagsasampalan sa palengke at naghahampasan ng tinapa, ito ay skirmish. At yan lang ang naipanalo ni Bonifacio, skirmish. Panalo sa hampasan ng tinapa.

Pero pag mga brusko na ang katapat, ang nangyayari ay kagaya ng nangyari sa San Juan del Monte - Super diyahe na pagkakalampaso. Ang famous na battle cry ng Supremo kapag pinupulbos na ay "Magkanya-kanya na tayo ng ligtas."

Source:
Lahat ng libro tungkol sa Revolucion! Walang naipanalong labanan si Bonifacio! Ikaw ang maghanap ng source na may naipanalong labanan yan! Diba wala ka mahanap? Ito basahin mo ulit ang sinigaw ng Supremo na Magkanya-kanyang ligtas kayo!


Read them and weep. Ang tanga mo ano? Hindi ka kasi nagbabasa yan tuloy. Supremo was no military leader!

6. Pinabayaan ng Supremo ang mga Katipunero


Matapos ang labanan sa San Juan del Monte kung saan nagkawatak-watak ang mga Katipunero, ang Supremo ay biglang naglaho. Hindi alam ng mga Katipuneros sa Pateros, Mandaluyong, Makati, San Juan, Santolan, Morong at Pasig na ang Supremo at ilan niyang mga kasamahan ay nagtatago lang pala sa kanyang home base sa Balara.

Ang mga Katipunero ay napilitang magtago sa kagubatan dahil hindi sila puede makauwi sa bahay nila dahil sa pinaghahanap sila ng mga guardia civil. Ang iba naman ay walang mga cedula, kalaboso ang bagsak mo pag wala kang cedula. Naging tulisan na sana ang mga kawawang Katipunero kung hindi nagwagi ang rebolusyon sa Cavite. Nang mabalitaan na malayang lalawigan na ang Cavite nagkaroon ng mass exodus ng mga Katipunerong na-displace sa Manila. Mga Katipunero na nawalan ng kabuhayan at higit sa lahat nawalan ng leadership. Dahil ang Supremo ay naglaho ng mga tatlong buwan.

Yan ang sagot ng Supremo sa mga taong naniwala sa kaniya. Hinimok na punitin ang kanilang mga cedula, pinasubo sa kapahamakan at sa oras na kailangang-kailangan siya ay biglang maglalaho na parang bula.

Source:
Isagani R Medina - Paghihimagsik nang 1896-97

Ito ang kasulatan kung saan lumabas sa pagtatago ang Supremo 3 buwan matapos ang San Juan debacle.

7. Ang Supremo sa Cavite walang inatupag kung hindi pulitika


Ang rebolusyon sa Cavite ay nagtagumpay dahil sa cooperacion ng lahat sa lalawigan na yan. Hindi lamang Katipunan ang lumahok sa pakikipaglaban at pagpapalaya ng kanilang lalawigan, lahat ng mga mamamayan ay may participacion.  Ang Magdiwang at Magdalo ay nagtutulungan, naghihiraman ng baril, nagpapadala ng ayuda pag kinakailangan at nagpapalitan ng informacion tungkol sa taktika.

Pero ang lahat ng iyan ay magbabago pagdating ng Supremo. Dahil nang dumating si Bonifacio sa Cavite ay parang pilit pa niya na pinaghahati ang Magdiwang at Magdalo. Oo may rivalry sila, pero ang rivalry na yan ay naisantabi nila nang nagtulungan silang palayain ang Cavite. Hindi totoo na pinapunta si Bonifacio para magsilbing arbiter na tutulong na magka-ayos ang dalawang factions. Magkasundo na sila eh. Nang dumating si Bonifacio, nagaway ang mga leaders ng dalawang faction na ito. Si Bonifacio pa ang nanggagatong at harap-harapan pa niyang kinakampihan ang Magdiwang dahil sa affiliation niya sa Magdiwang leaders na mga Alvarez na tiyohin niya sa kaniyang asawa. Ibang usapan naman sa mga sundalo ng Magdiwang, nirerespeto nila si Aguinaldo. Ang mga leaders lang nila na nakadikit kay Bonifacio ang nagpapadala.

Nangyari ang Tejeros Convention para ma-settle ang issue of governance ng Katipunan sa paraan ng election. Ang Tejeros Convention ay naganap sa San Franciso de Malabon at si Bonifacio ang nag preside at pinuno nila ang bahay ng mga Magdiwang. Obviously, naghakot ng mga botante si Andres Bonifacio. Pero nanalo pa rin si Emilio Aguinaldo.

Nanalo si Emilio Aguinaldo dahil alam ng mga Magdiwang na si Aguinaldo ay nasa labanan habang nagbobotohan sila doon sa Naic. Si Aguinaldo ay nakikipaglaban para protektahan ang mga teritoryo ng Cavite na hawak ng mga revolucionario, habang si Bonifacio ay inaatupag ang election. Politica muna kay Bonifacio.

Binoto din ng mga Magdiwang at mga Katipunero na nanggaling ng Manila si Aguinaldo dahil si Aguinaldo ang nagbigay sa kanila ng pagasa, refuge at nagligtas sa tiyak na kapahamakan. Displaced sila sa Manila dahil nga sa wala silang cedula, pinunit nila nang himukin sila sa Balintawak na punitin ang cedula para ipakita ang dedicacion nila sa revolucion. Pero nang bumagsak ang Manila Revolution sa San Juan del Monte eh biglang maglalaho ang Supremo. Sino ngayon ang iboboto nila? Sino ang tunay na may malasakit para sa kanila? Sino ang may kakayahan na ipanalo ang revolucion?

Wala nang iba kung hindi si Aguinaldo.

Sources:
Santiago V Alvarez - The Katipunan and the Revolution
Isagani R Medina - Paghihimagsik nang 1896-97

8. Natodas si Rizal at iba pang mga ilustrado dahil pinahamak sila ni Bonifacio


Bad trip talaga si Bonifacio nang tanggihan ni Rizal ang alok ng Katipunan na suportahan ang pinaplanong revolucion. Nilapitan din ng Katipunan si Antonio Luna at ininsulto pa sila nang tanongin sila ni Antonio Luna. "At ano naman ang gagamitin nating panglaban - ang ngipin natin?"

Gumawa ng mga pekeng kasulatan si Emilio Jacinto para paghinalaan si Rizal, Antonio Luna at iba pang mga ilustrado para makaganti sa pagtanggi sa Katipunan. Nang halughugin ng mga guardia civil ang isang pagawaan ng diyaryo at pamphlets ng Katipunan ay madali nilang nakita ang ilang documento na naglalaman ng mga pangalan ng mga ilustrado na ito. Nang mga oras na yan, si Rizal ay nasa isang barko patungong Cuba. Pinabalik si Rizal sa Manila para humarap sa hukuman. Si Antonio Luna at kanyang mga kapatid ay nakulong si Intramuros ay tinorture para paaminin kung si Rizal nga ba ang nasa likod ng Katipunan. Nainis si Luna nang sabihan siya ng isang kawal na "Hoy, gago. Umamin ka na. Nagsalita na si Rizal at ikaw daw ang founder ng Katipunan." At sumagot si Luna, "Ah ganon ha? Yang gagong Rizal na yan ang may pakana ng Katipunan. Siya ang diyos ng mga gagong yan!" At dahil diyan nabaril sa Luneta si Rizal.

Hindi sana napatay si Rizal kung hindi siya pinahamak ni Andres Bonifacio at Emilio Jacinto. At may kapal ng mukha pa sila na magplano ng rescue mission kay Rizal? Ipapahamak pa ni Bonifacio ang buhay ng ibang mga Katipunero para sa Ninja-Commando suicide mission? Buti na lang at pinigilan sila ng nakakatandang kapatid ni Rizal na si Paciano.

Isa pa sa mga napatay dahil kay Bonifacio ay si Crispulo Aguinaldo, kapatid ni Emilio Aguinaldo at si Candido Tirona. Matapos ang Tejeros Convention, sinundo ni Crispulo ang kanyang kapatid na si Emilio Aguinaldo para ibalita ang kanyang pagkakapanalo bilang Presidente ng Revolutionary Government at pabalikin sa Tejeros. Hindi pumayag si Emilio Aguinaldo na iwan ang Pasong Santol dahil baka biglang sumalakay ang España. Nag offer si Crispulo na siya na lang ang bahala sa command ng Pasong Santol at nangakong hindi maaagaw ng mga kaaway ang kanilang position. Pumayag naman si Emilio Aguinaldo at nangakong magpapadala ng reinforcements. Ngunit, hindi nakarating ang pinangakong reinforcements dahil ang mga taohan na ito ay hinarangan ni Artemio Ricarte at Andres Bonifacio. Ang mga taohan ay kinulong ni Bonifacio sa kanyang headquarters sa Naic. Dahil walang dumating na reinforcements ang mga defenders ng Pasong Santol ay sinasagasaan ng Lachambre juggernaut. Nasawi si Crispulo, Candido Tirona. Kasama ding nasawi si Marcela Marcelo, kilala sa tawag na Selang Bagsik at Henerala Sela ng Malibay (ngayon ay Pasay City na).

Sources:
The Memoirs of Pio Valenzuela

9. Rags to riches to rags


Noong dumating si Andres Bonifacio sa Cavite ay masaya siyang sinalubong ng mga Magdalo at Magdiwang. Parang hari ang trato sa kanya at nirerespeto. Kahit saan magpunta ang Supremo laging handaan, maraming pagkain na nakahain. Fiesta especial, drinks all around! Ang Supremo at kanyang mga kasama ay napapaligiran ng mga opisyales ng Magdiwang at napapalibutan ng sumobra sa isang libong sundalo. Guardiado ang Supremo kahit langaw hindi makakadapo. Ang kanyang headquarters ay friar estate sa Naic at sa mga tabing bahay nakatira ang mga matataas na opisyales ng Magdiwang, mga heneral. Pero sa loob lamang ng tatlong buwan ang lahat ng ito ay magbabago.

Napalayas ang Supremo at kanyang mga kasamahan sa magandang bahay na ginawa nilang headquarters nang mahuli siyang nagpo-plot ng coup d'etat. Ito ang tinatawag na Naic Military Agreement. Dito din sa headquarters ni Bonifacio sa Naic binihag ang mga kawal na susuporta sana sa mga taga depensa sa Pasong Santol. Nagmamadaling tumakas si Andres Bonifacio, mga kapatid niyang si Procopio at Ciriaco at ilang mga sundalo galing Balara. Sa pagmamadali pa ni Andres Bonifacio ay muntik na siyang sumubasob pababa ng hagdanan una nguso, buti na lang ay nahawakan siya ni Artemio Ricarte.

Napunta sa isang bahay kubo sa Limbon ang Supremo at kanyang mga kasama. Dito sila maninirahan habang naghahanap ng guide na magtuturo sa kanila ng daan palabas ng Cavite. Ang Limbon ay isolated na lugar sa Magdiwang territory. Wala na ang mga heneral na nakapalibot sa kanya at ang mga kawal niya ay nabawasan na din. Sa Limbon walang makain ang Supremo kaya ang mga taohan niya nagnanakaw ng kalabaw sa Indang. Hindi na nagbibigay ng makakain ang dating nagbibigay ng suporta sa Supremo. Nagbanta ang Supremo na susunugin niya ang simbahan ng Indang kung hindi sila magbibigay ng makakain pero wala na rin talagang maibibigay sa kanya dahil may famine na sa Indang (kahit sa Batangas) dahil sa epekta ng gera. Nagreklamo si Severino delas Alas kay Emilio Aguinaldo at isa ito sa dahilan kung bakit pinahuli si Andres Bonifacio.

Sobrang desperado na si Andres Bonifacio na ninakaw niya ang pondo ng revolucion at balak na dalhin ang mga pera sa Batangas para doon magtayo ng sarili niyang gobierno. Confirmado na may nawawalang mga pera sa treasury ng Magdiwang. May mga tsismis din na kumakalat na si Andres Bonifacio ay secret agent ng mga fraile dahil ang kanyang kapatid na kabit ng isang fraile at siya ay pakawala para sirain ang revolucion. Hindi maiiwasan ang mga tsismis na kumalat dahil sa maraming galit kay Bonifacio. Ang mga tsismis ay nagoriginate sa mga taga Manila na nag migrate sa Cavite pagkatapos ng San Juan debacle. Ayon sa memorias ni Manuel Sityar, inutusan ni Aguinaldo ang mga taohan ni Tomas Mascardo na hulihin si Andres Bonifacio dahil baka ipresenta niya ang mga pondo kay Gen Lachambre.

Naka-enquentro ng mga taohan ni Andres Bonifacio ang pinagsamang puersa nila Lazaro Macapagal, Ignacio Paua at Agapito Bonzon. Napatay ang kapatid nilang si Ciriaco, nabaril sa balikat si Procopio. Nabaril din si Andres Bonifacio at nasaksak ni Ignacio Paua sa leeg. Dinala si Andres at Procopio sa Naic para humarap sa hukuman. Nahatulan ng kamatayan ng Consejo de Guerra.

Litrato ng mga Katipunero na nahuli matapos ang labanan sa San Juan del Monte.
Ang pinakamatangkad na lalaki na nakaputi ay si Sancho Valenzuela.


Classic Catch 22 - Kawawang Pilipinas Ang Bansa Ng Mga Ugok!

Sa kalaunan, kawawa ang taong bayan. Naging laruan lamang ng mga tarantado at gagong bugok ang bayan natin. Ayaw natin sa Duterte, ngayon ka...