Showing posts with label Gilas Pilipinas. Show all posts
Showing posts with label Gilas Pilipinas. Show all posts

Monday, August 18, 2025

Mga Dapat Gawin Ng SBP


Ngayong tapos na ang FIBA Asia Cup ay pagusapan na natin kung ano ang mga natuklasan natin sa ating sarili sa larangan ng basketball. Makikita din dito ang kalagayan ng bansa natin at ang thought process ng maraming mga Pilipino. Matagal na din nating alam na ang mga Pilipino ay mga siraulo na walang kadala-dala dahil paulit-ulit na uulit-ulitin ang mga maling pamamaraan para makakuha ng tagumpay sa kahit anong larangan. Kung ano nakikita natin sa pamamalakad sa basketball ay ganon din ang nangyayari sa pang-araw araw na pamumuhay mapa-politica, edukasyon, environmental, government, local government, business atbp. Iisa lang pilosopiya - inuulit-ulit ang mali at walang natututunan sa mga kapalpakan!

Sa basketball nakita natin kung paano ilampaso ang mga uugod-ugod at banban players natin. May pagkakataon na nga gumamit ng important, hindi pa ginawaan ng paraan na kumuha ng mas nakakabata. Hindi rin pinaghahandaan ang hinaharap dahil walang nakalinya na mga bata na malalaki na puede na ipalit sa mga gurang na napipilitan na lang maglaro sa bansa kahit na wala na talagang maibubuga. Iniiwan na tayo ng ibang bansa pero ayaw talaga natin matuto at wala talaga kadala-dala. 

Ilang beses ko na sinabi na hindi angkop ang triangle offense sa international games. Maikli lang ang window ng FIBA at hindi ito sapat para magensaya at magsanay sa sistema na napaka-complicado na mismong Chicago Bulls ay inabot ng 3 taon bago hustong nakabisado. At ang Chicago Bulls ay professional team na laging nageensayo buong taon hindi katulad ng national team na magsasama-sama lang tatlo o apat na lingo bago magumpisa ang liga. Mas mainam na gumamit ng simpleng sistema na madaling ituro sa mga bagohan.

Ang tendency ni Cone dahil sa complicado ang kaniyang sistema ay kumuha ng mga manlalaro na alam ang kaniyang sistema. Natural. Kaya nandiyan lagi sila Fajardo at Aguilar etc. Hindi rin ako magugulat kung pipiliin muli si Brownlee kahit maging available si Clarkson o sino mang NBA player diyan na may dugong Pinoy na biglang susulpot. Bakit? Dahil sa familiarity sa triangle. Lumiliit ang options natin dahil diyan.

Ito ang mga dapat natin napulot na aral sa nakaraang FIBA Asia Cup:

  1. Ang FIBA Asia Cup ay practice tournament - Ito ay oportunidad para ipadala ang mga developmental players natin. Magandang environment ito dahil mataas na level ng competition at magbebenepisyo ng husto ang mga batang manlalaro at tataas ang level ng competition sa domestic league natin (PBA). 
  2. Ang mga powerhouse teams ay nagpadala ng B Team - Pasalamat tayo sa kanila ay pinapakita nila sa atin kung paano mag develop at evolve into a powerhouse. Kaso mahina kukote natin. Sila, lumalakas ang kanilang developmental players kasi binibigyan natin ng challenge - professional kinalaban nila. Tayo naman ay nag stagnate kasi ang mga amateur players natin ay hindi nabibigyan ng pagkakataon na maglaro sa ganito kalakas na liga. Kaya aakyat sa PBA mga banban!
  3. May problema ang PBA - Alam na nating lahat yan. Kung nilalampaso mga PBA players natin ng mga B-Team ng ibang bansa, ano pa ilalabas natin kung mas imporanteng tournament na kagaya ng FIBA World Cup Asia Qualifiers? Doon siguradong ipapadala na mga NBA players. Paano na bukod sa mga bansot na, tatanga-tanga pa ang mga decision makers ng ating basketball federation? Kailangan magkaroon ng rebolusyon sa PBA. Magbago sila or else ay maglalaho sila. At pag nangyari yan, mas banban ang mga players natin dahil kukuha tayo sa MBA na puro ogag ang mga coach at basagulero mga players.
  4. Kailangan may bagong import na tayo - Tandang na si Brownlee. Salamat sa contribution, pero kailangan na natin ng panibago.
  5. Counterproductive ang pagkakaroon ng import - Bagamat tayo ay nagpapasalamat sa contribution at pagmamahal na pinakita ng mga naging imports natin, ito ay counterproductive sa evolution at growth ng basketball sa atin bansa. Nagkakaroon tayo ng tendency na kumuha ng import para takpan ang anong butas na meron tayo. PBA mentality ito na dapat ay matigil na.
  6. Ang triangle offense ay complicado - Complicado mashado para matutunan ng mga kabataan at developmental players. Kahit siguro may sumulpot na super tangkad, athletic, talented at eligible Pinoy player ay siguradong hindi makakalaro kung hindi makuha ang sistema. Kailangan talaga ng sistema na simple at madaling pagaralan na kayang matutunan sa loob ng tatlong lingo.
  7. Kailangan i-develop ng husto ang mga kabataan - Pinakita ni Quiambao ang kaniyang potential na maging elite player sa team. Deep threes, off the ball movements, defensive versatility. Pero dapat hindi lang si Quiambao ang binababad at binibigyan ng maraming pagkakataon. Exciting din ang future kay AJ Edu, Tamayo at Ramos. Pero mas nakita natin ang potential nila sa ibang sistema. Itong apat na ito kasama si Kai Sotto ang magiging foundation ng pambansang koponan sa basketball.
Sabi nga ni Cone tungkol sa triangle offense at kaniyang pilosopiya,"That is all I know, I will have to live and die with that." 

Kayo ba, handa ba kayong magtiis at mamatay sa ganiyang paulit-ulit na pagkabigo?

Puede rin ninyo pakinggan yung ang podcast ko sa topic - https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2866369 


Monday, September 4, 2023

Ang Taas Ng Pride Ni Chot Reyes


Ang dahilan kaya nagpumilit siya na magmando ng National Team ay dahil sa taas ng kanyang pride. Ayaw niya aminin na may mas mahusay mag coach sa kaniya at banyaga pa. Di niya matanggap yan siguro dahil na rin sa hindi siya umubra sa basketball noong kabataan niya kaya pinasok niya coaching na lang kasi matalino daw siya. Ayun, kulang sa karanasan kaya walang mahugot pag natatalo na sa isang encuentro at kalaban mas well trained, mas matatangkad at may mas mahusay na coach. Gusto niya lang na siya ang kilalanin na pinakamagaling na coach sa Pilipinas at makarinig ng papuri sa mga counterparts na coach. 

Kung hindi mataas ang pride niya sana naiwasan niya na humantong dito na iniinsulto siya at pinagtatawanan. Siya sana ay nagresign habang may panahon pa! Sana ay ipinaubaya niya sa iba ang trabaho na hindi na niya kayang gampanan! Mahirap man tanggapin, sadiyang hindi siya ang nararapat na mag-mando ng National Team dahil sa wala siyang sapat na karanasan at talino para dalhin ang Pambansang Koponan natin sa Basketball! Ngunit talagang pinilit niya ang gusto niya at talagang siya ay may nais patunayan! Ginusto niya yan tapos ngayon iiyak na siya?

At ugaling Dilawan na anihin ang ano mang tinanim ng iba. Maganda na takbo ng National Team sa pamamalakad ni Toroman, umepal siya. Ganon din nangyari nang hawakan ni Baldwin ang National Team at umepal na naman siya. May pattern eh hindi talaga maikakaila. 

Importante din na siya ay nasa SBP para sa kasiguruhan ng tagumpay ng anak niya na balang araw ay pinapangarap niya na malagpasan siya. Hinaharangan nila mga players na nais mag coach. Ang mga retired basketball players dapat ang nagco-coach dahil yan ang natural progression nila. Pag retiro ng isang dating manlalaro sila ay dapat nagtuturo. Ipinapasa nila ang mga natutunan nila at kung maaari ay magbigay at mag introduce ng bagong innovation sa laro. Eh paano mag progress ang mga kabataan kung ang coach ay walang alam? 

Sana ito ay magsilbing aral sa mga kagaya ni Chot Reyes at ng SBP na siyang tagapamahala sa lahat ng basketball affairs ng Pilipinas. Huwag mashadong ma-pride. Kasalanan yan, nasa biblia kaya yan! Sana ay may natutunan si Chot Reyes dito at magsilbing learning experience na kanyang susundin at hindi na niya ipipilit ang sarili niya sa National Team upang tayo ay muling bwisitin!

Mag-ingat din sa papuri sa Gilas Pilipinas sa kanilang tagumpay laban sa China dahil ang papuri ay nakakalasing sa mga taong kagaya ni Reyes na mataas ang pride at baka maisipang umisa pa. Baka magnasang maka-ulit. Sana talaga ay hindi na siya bumalik at araw-araw ating ulit-ulitin - siya ang pinakabobong coach ng basketball na nakita natin sa buong buhay natin mula ngayon hanggang sa susunod na buhay! Kaya sana ay huwag na siya mag balik at mag enjoy siya sa kaniyang pagretiro.

Pweh!

Friday, September 1, 2023

Sisihan Portion - Galis Pilipinas Nilampaso Ng South Sudan.

Boss, ito na tumbong ko. Madumi yan.

Kalimutan niyo na yang Olympic slot na yan. Dadaan na naman tayo sa mata ng karayom para makasali diyan. Hayaan niyo may pagkakataon tayo para diyan pero first things first - kailangan ng pagbabago sa SBP at alisin mga hinayupak na yan lahat diyan mula coach at mga assistants niya hanggang sa pamunuan kagaya nila Panlilio. Alisin ang Bobong Mafia sa SBP.

Dinala tayo ng South Sudan sa escuela at pinakitaan tayo ng fluid basketball at disciplined defense. NBA veterans ang iba sa line up ng South Sudan kaya alam na natin na mas lamang ang basketball program nila sa atin ng ilang taon. Hindi lang alam yan ng mga mang-mang sa bayan natin karamihan sa kanila mga Ginebra fans. 

Bobong supot talaga mga fans ng Ginebra. Nabubwisit ako makita mga comments nila na pakalat-kalat sa socmed. Malalaman mo na bobong Ginebra fan yan pag nag cocomment na ipalit si Cone na coach, si Brownlee na lang sana piniling naturalised player at ibabad si Thompson na walang ginawa sa court kung hindi magkalat.

Maaga pa lang sa laban ay hindi na makaporma ang Pilipinas. Natapos ang First Half na may lamang na 18 puntos ang mga bisita. Humabol sa 4th Quarter at naibaba sa 4 ang kalamangan matapos ang alley-oop dunk ni Sotto may 7 minuto pang natitira sa laban.

Pero katulad ng inaasahan pagpatak ng 6 na minuto sa 4th Quarter ay laging naglalaho ang Pilipinas dahil sa mga katangahan ni Banchot Reyes. Inalis si Kai Sotto at nag small ball na naman. Pag pinasok na si Pogoy, tapos na ang lahat. Tuwing nasa court si Pogoy puro kasamaan nangyayari sa atin. Ang team natin ay nagiging mga tarantadong super diyahe tuwing nasa loob ng court si Pogoy. Siya ang pinaka-mababa ang basketball IQ sa team natin. Yan ang laging umiiwan sa mga perimeter shooters ng kalaban at laging nagcocommit ng mga unnecessary fouls at errant passes. Sa susunod na international event kahit si Banchot Reyes ay wala na, mag protesta kayo pag makita niyo pangalan ni Pogoy sa line-up.

At ano ba itong sobrang bilib si Banchot sa small ball? Humahabol na tayo kasi naglagay tayo ng mataas na front line tapos pinasok si Pogoy para mag small ball ulit at yun naglalaho ang lahat ng mga pinaghirapan natin. Lagi yan. Review niyo ulit mga laban nila sa 4th Quarter tuwing 6 minutes pag nag shift tayo sa small ball nasisira ang lahat. Yan kasi gameplan ni Banchot. Mag small ball sa final 6 minutes. Hindi talaga puede pero pinipilit pa rin. 

Sobrang bobo talaga. 

Kapag si Banchot Reyes pa rin ang coach huwag na tayong umasa. Boycott niyo na lahat ng mga actividades ng mga Galis Pilipinas. Yan na lang ang magagawa natin para makakita ng totoong progress.

Sunday, September 29, 2019

Bakit Walang Asenso Ang Basketball Sa Pilipinas?

Mamaya na linisin ang basura natin, basketball muna tayo.
Ilang beses ko ba sasabihin na ang basketball ay hindi para sa mga Pilipino? Sa sobrang pagpupumilit natin na maging dominante sa larangan ng basketball eh nagmumukhang mga asong ulol na dapat ipadala sa Ilocos para itali sa puno at paluin ng dos por dos ng mga Ilocano para may laman ang kanilang mga kumakalam na sikmura. Hindi ba pinagmamalaki natin na magaling ang mga Pilipino sa gulangan sa basketball? Tuwing balyahan ang paguusapan ay hindi mapipigilan ang mga kwento ng Crispa - Toyota rivalry. Mga siko na lumilipad at mga manlalaro na sinasahod. Mga player na naging baldado paglipas ng alikabok ng mga gulo at suntukan sa loob ng court. Kung papakinggan mo mga storya na yan iisipin mo talaga na matitibay ang mga Pinoy. Pero base sa reactions ng mga players at team officials ng Galis sa social media, hindi pala sila matitibay. Mga pikon lang talaga na hahanap ng dahilan para i-justify ang mga kalokohan nila.

Balikan natin ang laro ng Galis kontra sa Australia noong 8 ng Julio 201. Sila ay ginawang katawatawa sa loob ng court. Hindi makapasa ng maayos laging naiintercept, hindi makabuslo kahit simpleng free throw, nabubuta at umaaray pag binabangga ng mga mas malalaki at pisikal na mga mama ng Australian Boomers. Diyan pa lang eh magdududa ka na sa tigas ng mga kumag na Galis na ito. Totoo nga na naging mga pampered bitches itong mga primadona professional players ng Asia's first ever pay for play basketball loop. Pero bukod sa pagiging mga pampered dickheads ang Galis, diyan pumapasok ang height is might na adage. Kung gaano ka kalaki, ganon ka rin kalakas. Kaya kung ang babangga sa iyo ay mas malaki, natural na masasaktan ka. Agrabyado ka. At alam naman natin ang Pinoy na kapag natatalo sa pisikal ay madaling magalit. Ayun na nga ang nangyari at pinakita natin sa mundo kung anong klaseng mga abnormal tayo.

No rules, no blood, no foul.
Nakaabot nga ang Galis sa FIBA World Cup pero anong nangyari doon? Banban ng coach na walang solution at walang mahugot sa experience niya para lutasin at bigyan naman tayo ng magandang resulta. Walang naipanalo at ang pagkakatalo ay legendary. Tinambakan pa tayo ng Serbia sa isa sa mga pinaka lopsided na games sa history ng basketball. Alam namin nating dehado na tayo sa height pa lang pera sana naman para sa isang bansa na panatiko sa basketball ay ipakita natin na panatiko talaga tayo at pahirapan sila kahit malalaki. Eh ang nangyari ay paulit-ulit na play at stratehiya na parang ang dali-daling talunin ang bansa natin. Simpleng plays na hindi kayang depensahan at mga players na pinadala ay mga manlalarong kulang na kulang ang skill set. Kung wala tayong naturalized player siguradong hindi tayo makakarating doon. Sa laban natin sa Italy binigyan natin sila ng 15 three point conversions for 49% shooting sa three point area. Ano bang klaseng depensa yan?

Kung totoong magaling tayo sa basketball at dapat respetuhin, bakit walang kumikilala sa atin sa paborito nating sports? Sa NBA walang Pinoy. Huwag niyo isama si Clarkson kita niyo nga kahit FIBA hindi pumabor sa atin eh. Si Clarkson ay isang Americano kahit ang nanay niya ay Pinay, lumaki siya sa America, iba ang wavelength ng pagiisip niya kumpara sa atin na nagkamalay at natuto ng kalokohan sa Pilipinas. Kahit kumakain pa siya ng adobo at sinigang, si Clarkson ay Americano. At huli na para siya ay lumipat bakod para lang makapaglaro sa Olympics at Basketball World Cup. Ang isipin niyo ay kung bakit sa milyon-milyong mga Pilipino na naglalaro ng basketball ay wala ni-isa ang nakapasok sa NBA. Walang homegrown Filipino na natuto ng basketball sa Filipino basketball system. Kainin niyo muna yan.

Kung totoong magaling tayo sa basketball bakit wala tayo sa mapa ng basketball sa mundo? Ang mga Americano lalo na mga imports na nagpupunta ng Pilipinas ay nagugulat sa klase ng passion at fanaticism sa basketball. Hindi nila alam yan? Kasi walang representation ang Pinoy sa basketball sa world stage. At ang national team natin ay kahiya-hiya. Idagdag mo na din ang problema ng politica sa basketball kaya wala tayong sustainable na programa na kayang ipagpatuloy. At kamusta naman ang grassroots natin? Tingnan mo mga baranggay leagues natin, walang organization at hindi regulated ng SBP.

Kung totoong magagaling tayo sa basketball bakit hindi tayo nagpapadala ng coaches para sa employment opportunity sa ibang bansa? Kung walang Pinoy na coach sa NBA, bakit kahit sa neighboring countries natin kagaya ng South Korea at China ay walang Pinoy na coach? Dahil alam nila na banban ang mga coach natin. Wala kasi tayong programa at ang mga coach natin ay hindi intelehente at producto lang ng migo system - naging coach lang kasi ang daming mga kilala sa matataas ng puesto. Kagaya nila Yeng Guiao. Naglaro ba yan ng basketball on a professional level? Nirepresenta ba niya ang Pilipinas sa Asian Games man lang bilang manlalaro? Hindi. Diretso coach siya dahil ang tatay niyang Governor ng Pampangga ay maraming kakilala. Sa PABL yan unang nag coach at nang umakyat ang Swift sa PBA ay dinala siya kaya ayun PBA coach kaagad instantly. Nakita niyo naman kung gaano kalala ang performance ng Galis sa FIBA World Cup. Kung paano yan napiling coach ulit ay hindi ko na alam dahil sa Asian Games noon kulelat din tayo noong hinawakan niya ang coaching job ng national team natin.

Hindi ko nakikita na aasenso pa tayo diyan. Pero kung seryoso ang SBP ang una nilang gawin ay huwag ibigay sa negosyante na may vested interest ang pamamalakad ng SBP nang sa gayon ay maiiwasan ang favouritism sa pagpili ng player na magrerepresenta sa bansa. Maiiwasan ang damutan at petty bickering at inggitan. Gawaan din ng parang ng SBP kung paano bantayan ang nangyayari sa grassroots - mga baranggay leagues. Diyan maguumpisa ang mga future na players ng bansa. Ibig sabihin kahit mga coaches ng mga teams sa baranggay ay dapat na kumuha ng training at magkaroon ng lisensya para magcoach ng isang koponan. Hindi yung kung sino-sinong Poncio Pilato ang kukunin. Itapon ang lumang sistema na yan. Kailangan din bigyan ng training ang mga officials - mga kumukuha ng stats, referees at organizers. Mag establish dapat ang SBP ng club system dahil ito rin ang pagkukuhanan nila ng funds at hindi na aasa pa sa mga corporations na may pansariling interes lang.

Masunod man o hindi ang mga suggestion ko wag rin tayong umasa na may milagrong mangyayari at magiging world beaters tayo. Height is might sa basketball. Tayong mga Pinoy ay hindi nabiyayaan ng height kaya mag enjoy na lang tayo sa panonood at kagaya nga ng sinabi ni Jaworski - "Huwag ka nang umasa pa!"

Classic Catch 22 - Kawawang Pilipinas Ang Bansa Ng Mga Ugok!

Sa kalaunan, kawawa ang taong bayan. Naging laruan lamang ng mga tarantado at gagong bugok ang bayan natin. Ayaw natin sa Duterte, ngayon ka...