Tuesday, September 29, 2020

Bakit Ayaw ng masa kay Alan Peter Cayetano?


Padre Damaso o si Bongbong Marcos?

Kakaiba din ang memory ng mga Pinoy ano. Parang kailan lang minumura ng mga tao itong si Alan Peter Cayetano dahil sa kasali siya sa listahan ng mga nabiyayaan ni Napoles tapos biglang naging santo kasi dikit nang dikit kay Digong. Biglang naging Mr Clean, burado mga katanungan dahil sumuporta kay Duterte. Puede ka pala gumawa ng kagaguhan at kademonyohan pero yan ay biglang malilinis basta itaas mo ang iyong mga kamao kasama si Tatay Digong. Suportahan mo lang ang mga panukala ni Digong, absuelto lahat ng kademoniohan na nagawa mo. Yan si Cayetano.

Matagal ko na din pinagiisipan kung ano ba talaga ang deal nito. Noong 2015 ay lumuhod yan kay Duterte para pumayag na tumakbong pangulo at siya ang kuning ka-tandem niya bilang bise presidente. Pahayag pa nga ni Duterte noon na naawa lang daw siya kay Cayetano kaya pumayag siya kasi mabait naman daw. Loco din eh.

Pero kung trapo ang paguusapan, itong si Cayetano talagang sukdulan. Kahit si Satanas kabado diyan. Demoniong panot ang putanginang yan.

Kung naaalala niyo yung Vice Presidential debates noong 2016 ay wagas ang pang-babastos ni APC kay BBM. Madami siyang binitiwang salita kagaya ng "ibalik ninyo ang mga nakaw na yaman" at "humingi kayo paumanhin sa mga biktima ng Martial Law." Walang tigil ang pangbabatikos ni APC kay BBM nang live sa ating mga television.

Ano kaya ang pinaghuhugutan ng galit niyan kay Bongbong Marcos? Hindi naman binalasubas o inagrabyado ni dating si Ferdinand Marcos ang mga Cayetano. Identified sila with Enrile noong bumalimbing na si Enrile at nasisante siya bilang defense secretary. Kapiling sila ni Enrile noong pinaplano ang coup d'etat laban sa gobierno ni Marcos pero walang dahilan para gawing personal ni Cayetano ang galit niya kay Bongbong Marcos. Hindi kagaya ng mga Pimentel na talagang may paghuhugutan yan. Pero si Cayetano? Wala.

Ayaw ko naman kay Duterte noon dahil barbaro ang mga pamamalakad niya sa Davao. Nakita ko noon kung paano niya pinapatay ang mga asong gala sa ciudad niya, binabaril nila mga kawawang askal. Walang awa itong hudas na ito. Kaya nang makita ko paunti-unti na naglalabasan ang mga post sa Facebook na Duterte for President, tinawanan ko lang yan. Yung mga paunti-unti ay biglang dumami hanggang sa nililigawan na siya ni Marcos. Parang may pera na biglang pumasok para mag viral ang mga Pro Duterte content sa Facebook. At isa pa, hindi kilala si Duterte sa Luzon kaya madaling pagandahin ang imahe. Kung ano man ang ginawa niya noon bigyan mo lang ng sampung taon at malinis ka na ulit. Fuera lang siempre kung ang apeliedo mo ay Marcos. Nakatulong din na late na nag declara na tatakbo si Digong, wala nang oras para sa demolition job ang mga karival niya sa pagka presidente. 

Hindi kagaya ng bobong si Jojo Binay na premature nangampanya, ayan tuloy nagtambak ang mga caso laban sa kanya. Sobrang daming distractions. Si Digong, hindi kinailangang ipagtanggol ang sarili tungkol sa Davao Death Squads na maaaring ibato sa kanya sa campaign period dahil mautak siya na hindi maagang nag declara o naglabas ng intent na gusto niyang maging Pangulo ng Pilipinas.

Si Mar Roxas naman sirang-sira na pangalan din dahil sa sunod-sunod na kapalpakan ng kanyang BFF na si Haring Abnoynoy. Palpak na siya, kilalang talunan at mahirap na baguhin ang kanyang imahe. Tandaan niyo na tayo ay may sabong culture - ang manok na natalo ay ginagawa nang tinola. Kahit ano pa gawin ni Mar kahit mag buhat pa siya ng sibuyas, magbuo ng ataol, maglinis ng inidoro, sumipsip ng tae sa poso negro, magpakain ng baboy at magtrapik sa EDSA wala nang mangyayari sa imahe niya. Siya ay isang talunan.

Ganon din ang nangyari kay Miriam Defensor Santiago. Brenda nga ang tawag sa kanya - Brendamage. Nag originate yan dahil sa mga kasinungalingan na pinakalat ni Maceda noon, naniwala ang mga tao na baliw ang kawawang si MDS. Isa pa, alam na din ng lahat na may cancer siya at hindi siya tatagal. Kung mananalo man siya, hanggang kailan lang? Alam na natin ang sagot diyan dahil sumalangit na ang kanyang kaluluwa. At hindi rin si MDS ang kinakailangan natin na maging pangulo.

Kaya natural na si Duterte ang masarap na ikampanya dahil fresh na fresh at walang bahid. Siempre, meron yan baho. Mautak lang talaga. Alam kung paano ikubli. At kagaya ng nasabi ko, hindi siya maagang nangampanya kaya hindi nakapaghanda ang kalaban ng mga putik na ibabato sa kanya. Posible din na dahil siya ay taga Mindanao ay na-underestimate siya. Hindi nila alam na may taglay na wit at master ng sarcasm ito na talagang nag click sa masa.

Siempre hindi umubra yung Duterte-Marcos tandem dahil ayaw ng mga Pimentel kay Marcos for obvious reasons. Pero kung engot ka at hindi mo alam, si Nene Pimentel na tatay ng gagong si Koko Pimentel ay pinakulong noon ni Marcos. Makulit kasi yung gunggong na yun kagaya ng anak niyang si Koko na may mukhang masarap suntukin. Matindi ang galit nila kay Bongbong. 

Itong si Cayetano naman, strategy niya na siraan si BBM dahil mas gusto ng masa si BBM kaysa sa kanya. Kahit magpasikat pa siya at maging stooge ni Duterte na nirerepeat ang mga talking points ni Digong, sumangayon lagi sa mga sinasabi ni Digong, magkunwaring batang uliran, pa-good boy effect at kumain ng tae ng mga DDS ay ayaw pa rin ng masa sa kanya!

Sobrang suklam ang masa sa kanya na kahit mag arkila na siya ng mga social media influencers - Mocha, Sass at TP - ay hindi pa rin siya gusto ng masa! Bakit? Dahil ayaw ng masa mga tisoy na kagaya niya. Sa tingin niyo ba iboboto ng masa ang mga Zobel de Ayala? Aboitiz? Concepcion? Hindi ah. Nakaimplante na sa utak ng mga masa na ang mga Castila ay hindi mapagkakatiwalaan at mapang-alipin! Mukha pa naman ni Cayetano yung mukhang masarap suntukin. Kamukha ni Padre Damaso kulang na lang abito.

Naalala niyo ba yung nangyari sa We Are Collective? Ito yung grupo ng mga anonymous na jornalista na naglabas ng maraming articulo noong 2016 na nagexpose sa lahat ng mga katiwalian ng mga Robredo at politica sa Bicol. Sobrang takot ni Leni Robredo na pinapasara niya ang Facebook page ng We Are Collective. Sobrang in depth at mahusay ang pag research ng mga nilalabas nilang content. Pero hindi sila nagtagal dahil hindi lang campo ng LP at mga Dilawan ang kalaban nila kung hindi pati sila Sass Sasot (yung tranny na pro Duterte) at Thinking Pinoy.

Bakit sila pinabagsak ng mga pro Duterte bloggers? Dahil si Sass at Thinking Pinoy ay mga alaga ni Cayetano. Kahit kaalyado ni Duterte ay tinitira ng mga yan fuera lang si Cayetano. Yan ang mga attack dogs ni Cayetano. At kung magkakaroon ng traction ang efforts ng We Are Collective, babango lalo si Bongbong Marcos. Sa efforts nila ay magkakaroon ng momentum si BBM na maaaring maging daan para maging Pangulo ng Pilipinas sa 2022. Ayaw ni Cayetano niyan! Gusto niya siya ang fair haired boy ni Duterte! Hindi siya magbebenefit diyan! At masisira lahat ng mga plano niya! Kaya ginamit niya si Thinking Pinoy at Sass Rogando Sasot na mga attack dogs niya. Hindi na sumali si Mocha sa demolition job laban sa We Are Collective dahil mapaghahalata sila pero hindi naman sinuportahan ni Mocha ang We Are Collective kaya hindi nakakuha ng simpatiya ang We Are Collective sa mga DDS.

Kailangan niya talagang siraan si BBM. Dahil balang araw, gusto niyang maging Pangulo ng Pilipinas. Si BBM lang ang tao na kahit matalo sa pagka bise presidente, (dinaya siya ni Robredo) ay may malakas na chansa na manalo kung tatakbong Presidente sa 2022. At yan ang ayaw na mangyari ni Cayetano. Dahil kung manalo si BBM, tiyak na sa kangkungan ang bagsak ng panot na gago na yan! 

Cayetano! Ayaw sa iyo ng mga tao! Corrupt ka, bantay-salakay, kamukha ni Padre Damaso na walang abito at mukhang mapang-alipin! Pweh! Putangina mo!


Monday, September 28, 2020

DENR ay Pugad ng mga Ungas


Ang buhangin sa Manila Bay ay natural na maitim at halos kakulay na ng buhangin sa tabi ng vulcan. Kaya ano na naman itong naisipan ng mga magagaling na scientist ng administracion ni Duterte at tinambakan nila ng dolomite yan para gawing Boracay? Isang malaking aksaya ng pera at katontohan yan maniwala kayo. Bigyan niyo ng isang taon at ang buhangin na yan na hinahangaan niyo ngayon ay mangingitim ulit na parang kili-kili ng bakla.

Alam niyo ba ang erosion? Ang alon ay kakainin yang buhangin na yan at hihilahin papunta sa laot. At habang dumadating ang alon ay may dala rin itong mga buhangin. Ang buhangin na ito ay itim kasi yun ang natural na kulay ng buhangin diyan. Gamitin niyo ngayon ang mga utak biya niyo. Isang taon lang tapos na yan at mas mapapabilis yan pag bumagyo pa.

Siguro kung ang pera na ginastos diyan ay pinambili na lang ng transistor radio na sinasabi ng Pangulo para sa home schooling ng mga mahihirap na estudiante nakatulong pang tunay. Biro lang, walang quenta na suggestion din yun. Ang pera na yun na aabot sa P389 million ay nasayang lang talaga. Sino mga kumita? Sino pa eh di ang mga mining corporations. Hindi nga nagdaan sa bidding yan. Sigurado tiba-tiba sila at tumatawa papunta sa banco. Tawa ng tawa din ang putangina Alan Peter Cayetano na may investments diyan.

Sabi nga ng isang bobo na nakausap ko, bakit sa Dubai wala naman nag rereklamo sa reclaimed area nila. Wala naman nagrereklamo kasi marami sila buhangin. Tayo, kinuha natin yung dolomite sa bundok. Tinapyas ang bundok, pinutol mga puno at sinira para pagandahin ang isang mabasurang lugar sa Manila! Kasi wala nang gumagamit ng utak ngayon sa Pilipinas!

At bakit naniniwala ang mga DDS na environmentally safe itong proyekto na ito? Ano ngayon kung sinabi ng DENR na safe ito? Hindi ba nila naisip na ang mga decision makers sa DENR ay hindi naman mga environmental scientists? Puro sundalo diyan! Ginagawa lang nilang gatasan ang mga agencia ng gobierno! Walang alam sa siyensiya ang mga yan dahil ang sinasamba lang ng mga ulol sa DENR ay pera!

Kailan ba inaalang-alang ng DENR ang kalikasan? Punta kayo sa Camiguin makikita niyo mga natural spring na ginawang swimming pool ng mga bobo sa DENR. Punta kayo sa Rizal para makita niyo ang mga burol na pinatag. Lagay lang ang habol ng mga gago diyan. Wala namang naitalaga diyan na environmental scientist. Lahat ng mga nagdaang pangulo, nilalagay ang mga taong pinagutangan nila ng pera para sa campaña nila sa mga not so importante government agencies para diyan sila makapangulimbat at mabawi ang mga ginastos nila. Yan ang totoo! 

Ang daming species ng mga hayop sa Alcoy, Cebu ang nawalan ng habitat para lang hukayin ang mga dolomite na dudurugin at gawing buhangin para sa pagpapaganda ng Imperial Manila. Wala ba nag aalang-alang para sa mga hayop natin? Iba kasi ang utak ng Pinoy, mga utak biya.

Kawawang mga Cebuano na galit na galit sa Manila. Tinapyas ang mga bundok nila para pagandahin ang Imperial Manila. Ano kaya masasabi nila ngayon? Ito ang masasabi nila - may probe ngayon ng mga oficiales sa Cebu na ayon sa kanila ay walang pahintulot ang pag extract ng dolomite sa Alcoy. Kasalukuyang iniimbestigahan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ang issue na ito. Ayon sa provincial board member na si John Borgonia ay aalamin nila kung may permit ba ang mga nag extract at nag supply ng dolomite sa Imperial Manila at kung paano ito nakalusot sa ilalim ng ilong nila nang hindi nila nalalaman!

Basahin niyo dito kung ayaw niyo maniwala - https://www.cnnphilippines.com/news/2020/9/4/Cebu-local-officials-demand-probe-dolomite-extraction-Manila-Bay-.html

Sobrang asar nila ano ha?

Sabi naman ng mga DDS ay mapapaganda daw ang Manila Bay at mawawala na daw ang mga basura. Tingnan niyo pagka-utak biya nila. Ang basura sa Manila Bay ay nagmula sa inland Manila. Madaming batis at ilog diyan. Sa pangpang ng mga batis at ilog na yan ay nakatira ang napakaraming squatter na mga walang diciplina at mga utak biya kagaya ng mga DDS. Sila ang nagtatapon ng basura sa mga tubig at ang mga basura at lulutang at dadaloy papunta sa Manila Bay. Kaya kahit tambakan niyo ng tone-toneladang dolomite yan, babaho at dudumi pa rin yan kung ang ugat ng problema ay hindi nahahanapan ng tamang solucion!

Ngayon, kung ang pera na ginastos sa pagtambak ng dolomite sa Manila Bay ay ginamit na lang sa mas makakabuting proyekto, sana wala ang issue na ito. Kung tinabi na lang ang pera para pambili ng vaccine kung sakaling may madevelop na at maging available, may pondo na tayo para madistribute na sa ating mga kababayan at maumpisahan na ang herd immunity. Huwag niyo sabihing matagal nang na-approve ang project na yan sa Manila Bay dahil binigyan ng emergency powers ang Pangulo para mag realign ng budget kaya bakit yan hindi kinansela? Kinansela dapat yan dahil walang quenta! O hindi maikansela dahil sasama ang loob ng mga stakeholders sa proyekto na walang quenta? Involved ba ang China diyan?


Wednesday, September 9, 2020

Pilipinas ang Original Bully sa South China Sea




Walang duda na ang China ay bully. Ginagamit ng China ang lakas ng kanilang navy at ang higanteng economia nila. Wala na tayong laban dahil talagang kulelat ang ating mga lumulatang na lata. Pinabayaan talaga ni Cory Aquino at lahat ng mga sumunod na presidente natin. Kahit isigaw pa natin na naging panalo tayo sa Court of Arbitration, wala naman tayong magagawa dahil mahina ang ating NAVY compara sa China.

Bully nga ang China, yan ang totoo. Pero alam niyo ba na ang Pilipinas ang unang bully sa region natin? Kailangan balikan natin ang naging ugali ng Pilipinas pagkatapos ng WW2. Tayo ang original bully sa South China Sea. Ang lahat ng kakupalan na ginagawa ng China ngayon sa South China Sea, ay una na nating ginawa pagkatapos ng WW2. Ang yayabang talaga natin noon dahil katabi natin si Uncle Sam. Pilipinas at America ang original kupal. Oo, bully ang Pilipinas noon at yan ang totoo!

Sino unang nang-angkin ng isla sa Spratlys Islands at nagtayo ng infrastructures diyan? Pilipinas. May mga claimants na noon kagaya ng Vietnam, Taiwan at Indonesia pero kahit na disputed yung islands gumawa pa rin tayo ng infrastructures diyan. Nainis siempre ang ibang bansa lalo na mga claimants pero may nagawa ba sila? Wala, dahil malakas pa ang Pilipinas noon at may backing ng America. Tayo talaga ang original na kupal diyan.

Ang China at ibang claimants sa Spratlys ang tumalima sa international law. Tayo, hindi natin pinapakinggan ang UNCLOS noon kasi malakas ang NAVY at Airforce natin at may backing ng America. Isa pa, gaya nga ng nasabi ko, mayabang pa tayo noon. Tayo ang unang nag militarize ng Spratlys. Tahimik lang ang China noon at ibang claimants.

Ngayon, nakatulog kasi tayo sa kangkungan at ang mga kagamitan natin na pandigma ay luma na at bulok. Napag-iwanan na tayo habang ang mga kapitbahay natin sa ating region ay lumakas na at umunlad. Hindi na natin kayang magsiga-sigaan diyan dahil pinatalsik natin ang mga Americano noong 90s.

Kabobohan ni Abnoynoy


Malaking kabobohan ang ginawa ni Abnoy. Noong 2012 ay nagkaroon ng *stand-off sa Spratly Islands involving mga mangingisda natin. Ayon sa kanila, hinaharrass daw sila ng mga malalaking fishing vessels na Chinese. Itong gagong Abnoynoy, nagpadala ng 2 NAVY ships natin. Pinadala pa mismo yung BRP Jose Rizal. Tangang Abnoy hindi alam ang rules of engagement - para siyang naghahamon ng gera. Ayun ang China nagpadala ng pitong naval ships nila. Dahil doon, hindi tayo nakabalik ng Scarborough Shoal.

Punta ngayon ang Pilipinas sa Court of Arbitration, siempre wala nang cuenta ang bansa natin. Yung gagang nanay niya na si Cory binawasan budget ng military kaya ayan mga kagamitan natin naging bulok. Hindi niya alam na ang gagong anak niya ay mag inherit ng kanyang kapalpakan. Mahina na tayo kaya ito na tayo lumalapit na sa Court of Arbitration at nananawagan sa ibang bansa na tumalima sa International Laws, bagay na hindi natin pinapansin noong malakas pa tayo at mayabang.

Pinalabas ng administracion ni Abnoy na panalo tayo sa Court of Arbitration pero ang totoo ay 12 lang ang inaksyonan sa 24 caso na sinampa natin. Talo pa rin kung ganon! Pinalabas pa rin na panalo tayo dahil hindi sumipot ang China. Eh gago pala sila! Hindi kailangan sumipot ng China dahil may provision sa UNCLOS na hindi puede puersahin ang bansa na dumalo sa isang pagdinig.

Isa pa, ang mga adjudicators ay galing sa mga na may matinding economic ties sa China. Kaya ano pa ba aasahan mo? Sa tingin mo ba ay papanig ba talaga ang Court of Arbitration sa atin?

Digong Jetski - Naniwala ka naman?


Ang daming bobo sa atin na naniwala na mag jetski si Digong papunta sa Spratly Islands. Pinapakita niyo lang ang katontohan niyo pagdating sa political science. Sinabi ni Digong yan para makuha ang boto niyo. Ganon lang kasimple yun. Alam niya ang sentimiento ng karamihan ng Pilipino - atin ang Spratlys kaya bawiin natin yan. Ang katotohanan, hindi basta-basta mababawi yan kung wala kang malakas na barco na pangdigma.

Sa paningin mo siguro ay malambot ang galaw ng administracion na ito pero ito ay resulta na ng mga circumstansya na noon pa nangyayari. Wala na magagawa si Digong kung hindi damage control. Mashado na tayong nakalubog sa kumunoy ng kumukulong tae para makaahon ngayon. Kung tayo ay papalag, tatapatan lang ng China ng economic pressure. Naaalala niyo yung mga saging na export natin na pinabayaan ng China mabulok sa ports nila? Binalik sa Pilipinas at pinakain lahat kay Abnoynoy.

Noong nakipag negotiate si Duterte sa China para i-ease ang tensions at papasukin ang mga mangingisda natin, ito ay naging tagumpay. Wala tayo mapapala sa Court of Arbitration na yan sa totoo lang.

Ano Gagawin Natin Ngayon? Nganga?


Sa playground noong bata pa tayo doon tayo natuto ng life skills na ginagamit natin ngayon kagaya ng negotiation. Kung may bully, makipagsuntukan ka para hindi ka na apihin. Kung mashadong malaki, makipag kaibigan ka sa ibang mga bata para may alliance ka at madami kayo. 

Ganyan din sa international politics. Bakit ang North Korea hindi pa rin masugod ng America? Dahil sa ties nila with China at Russia.

Tayo rin puede natin laruin yan. Japan, South Korea at Russia ay palapitin natin. At palayuin natin ang America sa atin. Yan America na yan ang nambubuyo sa atin noon pa. Sa America tayo ay customer lang. Hindi naman tayo na uplift ng America. Customer lang tayo na bumibili ng foodstuff nila mula noon pa. Tayo ay ginagawang pawn lang sa mga gera nila. Noong WW2 tayo ang mga pawns nila na ginagamit para sumugod sa mga kaaway, pero tayo ang huling binalikan nila at inuna muna ang Europa. Pagkatapos ng WW2, hindi naman nila tayo tinulungan para i-rebuild ang Manila na winasak nila. Sinong gago ang pumayag na bombahin ng mga Americano ang Escolta at Intramuros? Bakit hindi umimik sila Osmeña o Roxas na i-spare nila ang Manila? At pagkatapos walang repatriation, magkano lang binigay. 

Wala tayong napala sa America. 

Pero maganda hinaharap natin kung makikipag kaibigan sa Russia, Japan at South Korea. Humingi tayo ng tulong at discount sa mga military weaponry para mapalakas ang militar natin. 

Huwag na tayong bibili ng mga bulok na kagamitan sa America. Binibenta lang nila sa atin mga WW2 era na warships, kakalasin pa nila mga sonar at radar, tapos sa kanila lang tayo makakabili ng bala at sobrang mahal pa. Anong klaseng kaibigan yan? Ok lang kung ibigay nila ng libre pero bakit binebenta nila ang mahal at kakarag-karag na? Tapos yung Pakistan binigyan nila ng barco libre, tayo na long time ally nila kailangan magbayad? Anong klaseng kaibigan yan?

Palakasin din natin ang ating Coast Guard, Maritime Policy, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources dahil sila ang magbabantay ng borders natin. Bilhan ng maraming malalaking barco para hindi mamilitarize ang Spratlys. Dapat puro white ships or civilian enforcement ships lang. Kapag ang EEZ natin ay punong-puno ng mga barco nila, hindi tayo basta-basta mapapasok ng sino man.

Tandaan mo, pag pinangtapat natin blue or grey ship, naval ships yun kaya ang interpretation niyan ay naghahamon ka ng gera.

Tama na yung victim mentality natin na tuwing binabangga ang de-katig na bangkang bulok ng mga mangingisda natin ay awang-awa tayo. Tama na yan! Tingnan niyo Vietnam, alam nilang lagi silang binabangga kaya pinalakas nila ang Coast Guard nila at ang mga mangingisda nila binigyan ng mga modernong banca na yari sa bakal. Hindi nga matatawag na banca yun. FISHING VESSEL po yun! Yung sinasagwan ng lolo mo, yun ang banca. Pweh!

Kung gagawa ng tamang hakbang ang Pilipinas, nasisiguro ko na manunumbalik ang ating yabang. Naglalakihan ang mga betlog pero ang pipisot ng mga titi. Sana naman ay bumalik ang sigla ng dating kupal sa South China Sea. Ang mga hari ng bayag. Ang Pilipinas! The original bully ng South China Sea! Mabuhay!


Classic Catch 22 - Kawawang Pilipinas Ang Bansa Ng Mga Ugok!

Sa kalaunan, kawawa ang taong bayan. Naging laruan lamang ng mga tarantado at gagong bugok ang bayan natin. Ayaw natin sa Duterte, ngayon ka...