Pweh!
Putanginang love team-love team na yan naglolokohan lang tayong lahat! Diyan mo makikita ang pagkatonto ng mga Pinay. Mga mahilig kasi mag ilusyon, managinip ng gising pero ang buhay naman nila ay isang matinding bangungot. Umaasa na sana balang araw ay matagpuan nila ang kanilang "Prince Charming." Isang gwapong lalaki na matangkad, matangos ang ilong, maputi, manipis ang labi at nakasakay sa kabayo. Pero ang nangyayari ay kinakabayo sila ng putanginang houseboy ng kapitbahay. Kung hindi houseboy, nililigawan ng engkanto kaya ang daming nawawala sa sarili. Nababasag ang pangarap kaya binabaling na lang nila ang kanilang pagkabigo sa panonood ng pelikula.
![]() |
| Toni Besugo Gonzaga |
So, ang second act ng pelikula ay nagaaway na parang aso't pusa ang dalawang magka-love team. Kilig na kilig na ang mga Pinay nito, nagtatalbugan na sila sa upuan ng sinehan at gumagawa ng ingay dahil sa pagbagsak ng pwet nila sa mga kinauupuan nila. Ingay na parang may kabaong na hinagis pababa sa hagdanan at pagdating sa ibaba ay may biglang tatalsik na bangkay. Naghihiyawan na sa sinehan parang may dumating na pagkain sa mga pusang gutom. Nakatihaya na sa sobrang excited at sumisipa-sipa na ang mga paa sa ere.
![]() |
| Tatlong beses ko pinanood sa sinehan! |
Paulit-ulit na away tungkol sa mga maliliit at hindi importanteng bagay. Hanggang sa magkaroon sila ng konting pagtingin sa isa't isa. Hanggang sa maguusap sila ng masinsinan, habang papalubog ang araw sa isang resort (Boracay, Tagaytay, Baguio). Yan ang gusto ng mga Pinay. Alangan naman magkaigihan lang sila iskwaters area, sa tabi ng nagtitinda ng sago. Or magkaigihan sa harap ng poso habang nagiigib sila ng tubig. Ayaw nila niyan. Dapat sa mga magagandang lugar na mahilig puntahan ng mga mayayaman. At bago lumubog ang araw, bibigkasin na ng lalaki ang hinihintay ng babae. Usually ito ay title din ng movie. Kaya halimbawa ang title ng movie ay "It has always been you", ang sasabihin ng lalaki ay parang ganito:
John Mongoloid Cruz - "Matagal ko na hinahanap ang pagibig, matagal na akong nagiisa. Kung saan-saan pa ako pumunta para hanapin siya. Nandyan ka lang pala."
Toni Besugo Gonzaga - "Tseh."
John Mongoloid Cruz - "What I'm trying to say is..."
Toni Besugo Gonzaga - "Is? Ano? Sabihin mo na!"
Baklang Extra - "Hooooy! Diyan lang pala kayong dalawa kanina pa namin kayo hinahanap!"
Mga Cheap Pinay Sa Sinehan Sabay-Sabay - "Ayyyyyy bwisit bitin naman ayyyyy hahahaha!"
Toni Besugo Gonzaga - "Nandito lang namin kami."
Baklang Extra - "Kakain na kasi ano, kanina pa nakahanda."
John Mongoloid Cruz - "Sige, I think we should get some dinner first."
Baklang Extra - "Tara na lalamig na yung pagkain ano."
Toni Besugo Gonzaga - "Ok."
Baklang Extra - "Ay oo nga pala Toni bakit nandito ka pa?"
Toni Besugo Gonzaga - "Eh bukas pa naman tayo aalis diba?"
Baklang Extra - "Ay? Hindi ba nasabi sa iyo ni John Mongoloid Cruz yung balita?"
Toni Besugo Gonzaga - "What balita?"
Baklang Extra - "Hindi mo ba nasabi sa kanya, John Mongo?"
John Mongoloid Cruz - "Ang alin?" (Paisip-isip kunwari)
Baklang Extra - "Oh my God, John Mongo! Kaya nga pinapahanap namin sa iyo si Toni eh para ihatid yung masamang balita leche ka tapos hindi mo pala nasabi eh kaninang tanghali pa yun! Oh my God!"
John Mongoloi Cruz - "Well, I dont remember you telling me about some bad news."
Toni Besugo Gonzaga - "What masamang balita ba tell me now naman eh naman eh."
Baklang Extra - "Yung Mommy mo na-aksidente kaninang umaga, sinugod siya sa ospital pinapabalik ka ngayon. Nagtext sa akin yung kapatid mo mga tanghali na dumating kasi lowbatt ako. Sorry ha." (Hiningal sa sobrang bilis ng pagkakasabi)
Toni Besugo Gonzaga - "What? Oh no! Saang hospital? Alis na ako leche kang mongoloid ka pweh! Kanina pa tayo magkasama wala ka man lang sinabi sa akin! You bastard!"
Baklang Extra - "Meron pa."
Toni Besugo Gonzaga - "What meron pa?"
Baklang Extra - "Eh nag text sa akin yung kapatid mo eh. Kaninang hapon lang. Patay na daw."
Toni Besugo Gonzaga - "Huwat?" (Sabay sampal sa mukha ni John Mongoloid Cruz)
Cheap Pinays Sa Sinehan Sabay-Sabay - "Ayyyy shet. Paano na sila?"
![]() |
| I really loved the movie. I hope magkatuluyan sila. If not, magpapakamatay ako. |
Sa mga rom com ganito ang nangyayari:
Ruffa Bruneiyuki Guttierez - "Oh honey I missed you. I came back for you because I love you and I miss you so much. I was wrong to leave you."
John Mongoloid Cruz - "Ano pa ba ginagawa mo dito? Umalis ka na. I buried your memory a long time ago. I do not want you back in my life!"
Ruffa Bruneiyuki Guttierez - "I want us to have a life together. A life in the United States! Leave this pathetic country! Come away with me."
Ahh, ito ang luma pero effective na technique na ginagamit ng mga directors at scriptwriters. Ilalabas nila ang patriotism ng mga madlang bobo. Alam nila na mga balat sibuyas ang mga nanonood. Magagalit sila kapag nakakarinig ng mga panlalait sa Pilipinas. Gagalitin nila ang mga madlang bobo na nanonood nito. Mga madlang bobo na mahina ang chance na makalabas sa bansa at makapunta sa US. Nabubwisit na ang mga cheap Pinays na nanonood sa sinehan. Tahimik ang lahat.
Baklang Extra - "Ayyy, aalis na pala si John Mongoloid bukas. Pupunta na siya sa US!"
Toni Besugo Gonzaga - "Sana mawala na siya. Dapat lang."
Baklang Extra - "Magpapakasal na siya."
Toni Besugo Gonzaga - "Ha? Ano? Huhuhuhuhu. Kailangan ko mapigilan ang kasal na yan. Mahal ko siya."
![]() |
| Ang galing galing ni John Mongoloid at Toni Besugo! |
Pagdating nila sa airport may isa na namang hadlang. Pinapapasok lang sa loob ng airport ay ang may dalang passport at ticket. Eh ang ticket lang ng leading lady ay ticket niya sa lotto na may premyong limang piso. So gagawa ng imposibleng bagay na naman ang mga support actors. Ididistract ang guard, magpapanggap na importanteng tao para papasukin, bubugbugin ni Robin Padilla yung guard. Mamili na lang kayo. Makakapasok sa loob ng airport ang leading lady. Tapos biglang marerealise na may nakalusot, kaya hahabulin nila ang leading lady na mabilis palang tumakbo kahit na sa first act ng pelikula siya ay mahinhin at maarte na galit na galit sa pawis.
Si John Mongoloid Cruz at ang etsepwerang special guest star na si Ruffa Bruneiyuki Guttierez ay nakahanda nang mag board sa eroplano. Kakabigay lang ng boarding pass at papasok na papunta sa connecting bridge nang biglang....
Toni Besugo Gonzaga - "Mongol! Mongol!"
John Mongoloid Cruz - "Toni! Paano mo ako nahanap? I was lost without you."
Toni Besugo Gonzaga - "And now you are found."
Cheap Pinays Sa Sinehan Sabay-Sabay - "AYYYYYYY! AYYYYYYY! AYYYYY!"
Toni Besugo Gonzaga - "Ano ba yun sasabihin mo sana sa akin, na biglang naudlot kasi dumating si Bakla para ibalita na namatay na pala ang nanay ko na pinapasabi niya sa iyo na nakalimutan mong sabihin sa akin kaya nagalit ako sa iyo?"
John Mongoloid Cruz - "It has always been you."
Cheap Pinays Sa Sinehan Sabay-Sabay - "AYYYYYYY! AYYYYYYY! AYYYYY!"
At dahil dito sa eksenang ito nagkagulo sa sinehan. Nagtatalsikan ang mga pop corn, nag collapse ang mga upuan at ang mga batang galunggong na sinama ng mga iresponsable nilang ina ay nadaganan. Nadurog na ang kanilang mga buto at humihingi ng saklolo sa kanilang mga puki ng inang nanay pero todo pa rin sa panonood ang mga puki ng inang yan.
![]() |
| Ang ganda ng movie na ito. |
At diyan nagtatapos ang pelikula. Biglang pasok ang theme song ng pelikula na pinamagatang... you guessed it. It Has Always Been You, performed by the love team of John Mongoloid Cruz and Toni Gonzaga.
Ito ang lyrics:
It Has Always Been You
Mongoloid Girl, I have waited so long in this world
Ohhh Yeah, Now I find you here in my arms
You and me, now were together
Ohhh Yeah, And I aint letting go, hold on
Toni Boy, I have always been alone
And now that youre here
I wont have to be so alone
And you can count on it, I am not letting you go
Chorus Together
It has alwaaaaaayysss been you
I never thought that Id find someone to love me-hihihi
Right from the start, The search is over, and now theres two less lonely people
Cause.... it..... has...... always..... been.... you.
Dahil sa kapalpakan ng leading man, malabo na magkatuluyan sila ng leading lady. Sa totoong buhay, talagang malabo! Pero tandaan na ito ay fantasy love story. Kahit walang magic, diwata o milagro na involved sa storya, fantasy love story pa rin ito dahil ang situation at mga pangyayari ay talagang malayo sa katotohanan. Malabo pa sa inidoro ng skwater na de buhos. Puro coincidence at mga aksidenteng pangyayari lang. Ok lang yun sa mga bobong madla. Ang mahalaga ay magkatuluyan sila, wala silang pakialam kung paano mangyayari ito basta magkatuluyan sila tapos!
![]() |
| Exciting scene from the film. |
Next week ating hihimayin ang kabulukan ng Pinoy horror movies.





