Monday, December 29, 2025

Ang Pagkakapaslang Kay Antonio Luna Sa Cabanatuan - Wrong place, wrong time.

 




https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2987296

Ito na ang ating articulo. Pero pakinggan niyo rin yung radio. Parehong mensahe, iba lang ang atake.

June 5, 1899 dumating sa Cabanatuan si Antonio Luna para tagpuin ang presidente, Emilio Aguinaldo, pero ang nadatnan niya ay mga kaaway - Kawit Brigade at si Felipe Buencamino. Nagkita-kita ang mga taong may malaking galit sa isa't-isa. Pagkatapos ng rambulan, si Antonio Luna at ang kaniyang aide na si Paco Roman ay wala nang buhay, habang si Capitan Eduardo Rusca, na kasama din ni Luna, ay tinamaan ng punglo sa binti pero nakaligtas nang magtago sa nalalapit na simbahan.

Ito ang kwento na alam natin. Ito rin ang kwento na hanggang ngayon ay hindi pa rin natin maunawaan. Ang kwento na sanhi ng mga alitan at pilit na naghihiwalay sa isa't-isa. Matagal ko nang ninanais na isulat ang articulo na ito para himayin ang mga naganap at maintindihan ang bawat isa sa mga personalidad tulad nila Emilio Aguinaldo, Antonio Luna, Apolinario Mabini, Pedro Janolino (lalo na, ang kontrabidang walang background) at si Felipe Buencamino. Pagusapan din natin ang Unang Republica ng Pilipinas at kung ano ang ginampanan nilang katungkulan para mabuo ito. Nararapat na maintindihan natin ng lubusan ang mga pangyayari sa pamamagitan ng pagbuo sa pira-pirasong larawan.

Asasinasyon ang pinakapopular na teoriya sa pagkamatay ni Luna. Si Aguinaldo daw ay natatakot sa husay ni Luna kaya ito ay pinapatay. May nagsasabi din na si Aguinaldo ay traydor at binenta ang bayan natin sa mga kalaban kaya pinapatay si Luna na sagabal sa kaniyang mga plano. Isa pang umiikot at laging bukang-bibig ng mga netizens ay si Aguinaldo nagpadala ng telegrama kay Luna para pumunta sa Cabanatuan. Nang dumating si Luna, wala si Aguinaldo doon dahil isa palang ambush ang magaganap. At naroon ang Kawit Brigade, yung mismong grupo na hindi sumunod kay Luna noong Battle of Manila kaya nabigo ang counterattack na pinaghandaan ni Luna. 

Lahat ng mga teoriya na iyan ay mga myth at kathang isip, naging popular kaya nagpersist hanggang ngayon. Assassination kasi and pinaka-popular na naratibo dahil may conspiracy, pagpaplano, merong  contrabida, kumpara sa simpleng homicide na boring at predictable. Ang naratibo na yan ay unang lumabas noong 1930's nang maglaban sa election si Emilio Aguinaldo at Manuel Quezon sa Presidential Elections. 

Noong 1930's nangako ang mga Americano na bibigyan na nila tayo ng kalayaan. Gusto maging pangulo ni Manuel Quezon pero ang makakalaban niya ay ang mabigat na living legend na si Emilio Aguinaldo. Alam na Quezon na wala siyang panama kay Aguinaldo. Buhay na buhay pa sa ala-ala ng mga tao ang Revolucion ang Gera ng Pilipino-Americano. Si Aguinaldo ang Unang Pangulo, revolutionary hero, battlefield victories, charisma. Si Quezon ay aide de campe ni Aguinaldo. Sikat pa ang mga parada tuwing aniversario ng ating kalayaan, ang mga bayani ay dumadalo sa parada at ang mga tao ay nag-aabang na makita ang mga bayani. Lalo na si Emilio Aguinaldo.

Kailangan sirain ang pangalan ni Aguinaldo dahil si Quezon ay walang kwenta ang pagkatao. Kailangan pabagsakin ang imahe ni Aguinaldo, para piliin ng mga botante si Aguinaldo. At pagkatapos ng WW2, wala nang parada para gunitahin ang Revolucion at Labanan ng Pilipino-Americano. Wala na rin karamihan ng mga veterano at mga nabubuhay noong panahon ng Revolucion at limot na ng mga Pilipino ang mga naganap noong Revolucion at Labanan ng Pilipino-Americano. Tamang panahon na rin para mag imbento ng mga bagong bayani.

Isa-isa natin silipin ang mga personalidad at mga kaganapan bago napatay si Luna para malaman talaga natin kung totoo ba na si Luna ay pinagplanuhang patayin ni Aguinaldo o isa itong homicide?

Felipe Buencamino

Si Felipe Buencamino, foreign affairs secretary ni Aguinaldo, ang nadatnan ni Luna nang siya ay pumasok sa opisina ni Aguinaldo sa Cabanatuan. Wala si Aguinaldo doon dahil nagtungo sa Pampanga, bagay na kinainit ng ulo ni Luna dahil hindi siya naabisuhan na aalis pala. Nagkasagutan ang dalawa sa opisina nang may narinig silang putok ng riple. Yan ang huling pagkikita nilang dalawa dahil paglabas ni Luna sa opisina, ay may encuentro.

Kilala ni Luna at Buencamino ang isa't-sa. Ilang beses na silang nagkasagutan - pinakamakasaysayan diyan ay ang sagutan at pagtatalo nila sa cabinet meeting ni Aguinaldo kung saan ay itong si Luna ay muntik na nang sampalin si Buencamino sa harap pa mismo ng pangulo! Napigilan lang ng hawakan ni Aguinaldo ang braso ni Luna. Pinakulong pa ito ni Luna dahil pinagsuspetsahan si Buencamino na nakikipag-sabwatan at tinatalikuran ang pakikipaglaban na tinanggi naman ni Buencamino. Pinautos ni Luna na ikulong si Buencamino at siempre hindi naman sinunod ni Aguinaldo dahil wala namang dahilan para ipakulong. Hindi lang nagkasundo sa plano o gustong mangyari sa gera ay ipapakulong na?

Inakusahan ni Luna na ang anak ni Felipe Buencamino na si Joaquin Buencamino ay lumipat na daw ng panig. Pinabulaanan ito ni Felipe kay Aguinaldo sa isang mahabang sulat, at ibinalita niya na sa katunayan ay nasawi ang buhay ng kaniyang anak, na may rangong major, sa Labanan ng San Fernando. Sinumbong din ni Buencamino na ang kaniyang pamilya at mga kaanak ay nagtatago na rin dahil sa pang-ha-harass ng mga taohan ni Luna. Katulad ng mga naranasan ng pamilya ni Paterno, na ni-ransack ang bahay ng mga mabibilang sa mahigit 100 sundalo na nilooban sila at pinagkukuha ang kanilang mga kagamitan.

May mga historiador na ginagawaan ng intriga ang pagkamatay ni Joaquin para gawing angulo ng paghihiganti ni Felipe Buencamino. Kung paniniwalaan yan, paniniwalaan mong si Buencamino ang nag-assassinate kay Luna. Si Buencamino ang nagpadala ng telegrama kay Luna na pumunta sa Cabanatuan at gumamit lang ng presidential seal para isiping si Aguinaldo ang nagpatawag sa kaniya. Nagkakasundo si Aguinaldo at Buencamino, kaya ginagamit ang storya na ito para palakasin ang naratibo.

Pero ito ang katotohanan. Walang kakayahan si Felipe Buencamino na ipapatay si Luna. Bukod sa kanilang girian kung paano ididirekta ang gera, wala tayong makikitang iba pang dahilan para si Luna ay ipapatay. Hindi rin para paghignatihan ang anak niya, dahil wala namang ebidensya na may sama ng loob si Buencamino sa pagkamatay ng anak niyang si Joaquin at hindi niya sinisisi kay Luna kaniyang pagkasawi. Sa mga liham niya kay Aguinaldo, siya ay nagsusumbong sa mga pang-aabuso na dinaranas niya at kaniyang pamilya pero walang indicasion na siya ay palaban at gumamit ng karahasan laban kay Luna.

Sa Cabanatuan, nandoon nga si Buencamino pero naniniwala ako na kung alam niya lang na si Luna ay darating, eh siguradong hindi yan magpapakita at lalayo doon. May utos si Luna na ipakulong siya, paano kung sumabog si Luna sa harapan niya? Baka mangyari na nga ang sampalan na yan at wala si Aguinaldo para awatin ang kamay ng kinikilalang, "First Rate Face Slapper." At ang proteksyon niya ay maliit na guard detachment lang? Mahina ang argumento na yan.

Si Buencamino, kahit malalim ang galit kay Luna, ay hindi uri ng tao na magpaplanong pumatay ng isang tulad ni Luna. Maingat gumalaw ang kagaya niya — masyadong maingat para sumugal sa isang asasinasyon laban sa isang heneral na kinatatakutan niya, at malamang ay kakatakutan din ng sinumang uutusan niyang pumatay. At kung sakaling tamaan nga si Luna at mapatay, ano ang mangyayari sa Republica? Siya lang ang nag-iisang propesyonal na heneral natin noon. Pero kung hindi naman nila mapatay si Luna, siguradong malalaman ni Buencamino kung bakit si Luna ay tinawag na ‘Heneral Artikulo Uno.'

Pedro Janolino

Naroon din si Pedro Janolino, na kilala sa bansag na Pedrong Kastila, dahil sa kaniyang Spanish features. Siya ang Capitan ng Kawit Battalion, grupo na dinisarmahan ni Luna at sinisisi niya sa pagkabigo sa tinatawag na Battle of Manila. Yung malakihang counterattack ng Pilipinas para mapalayas ang America sa Manila. Ito ay nabigo dahil sa skills at marksmanship ng mga Americano at naval bombardment. Pero sinisi ni Luna ang Kawit Battalion sa ilalim ng pamumuno ni Janolino dahil hindi sila sumali sa atake.

Totoo na hindi sumunod kay Luna si Capitan Janolino. Noong naganap ang Battle of Manila (Luna Counterattack), ang Kawit Battalion ay line unit at sila ay nakaposition malapit sa unahan. Inutusan sila na kumilos para suportahan si Malvar, pero hindi nila sinunod kasi walang utos ni Aguinaldo. Sabi niya pa, si Aguinaldo lang ang kanilang susundin. Ibig sabihin, ang kanilang katapatan ay personal at para lamang kay Aguinaldo. Pero kahit ganon, wala sila sa chain of command ni Luna, kahit technically parte sila ng sandatahan o army.

Pinarusahan ni Luna si Capitan Janolino at ang mga kasamahan niya dahil sa insubordination. Sila ay dinisarmahan at pinadala sa rear. Matapos niyan, si Aguinaldo ay tahimik na binalik ang maliit na detachment na yan ni Janolino at ginawang kaniyang presidential guards. 

Sa Cabanatuan ng June 5 1899, habang nagsisigawan sila ng Buencamino sa opisina ng pangulo, nakarinig si Luna ng putok at inimbestigahan ang pinanggalingan ng putok para disiplinahin ang sino mang sundalo na yan. Paglabas ni Luna, namukhaan niya ang isa sa mga presidential guards. Isa ito sa mga dinisarmahan niya noong Battle of Manila. Miembro ng Kawit Battalion. 

Kung gagamitin natin ang deduction, base sa structure at context, ang taong sinasabing namukhaan ni Luna ay walang iba kung hindi si Pedro Janolino na capitan ng Kawit Battalion na dinisarmahan niya at ni-demote matapos ang Battle of Manila. Dahil wala nang ibang haharap at sasagot kay Luna kung hindi ang capitan ng Kawit Battalion na si Janolino. At malamang sa malamang ay sinampal pa niya noon kaya paano ba naman niya malilimutan? At sa araw na yun sa Cabanatuan, bilang capitan ay siya ulit ang haharap kay Luna, nang makita niya na ang heneral ay umuusok ang ilong at nag-aapoy ang mga mata nang magtanong kung sino ang nagpaputok. Hindi na natin kailangan ng kasulatan para patunayan yan, lalo na at inamin naman ni Janolino sa isang reporter ng El Renacimiento nang kaniyang ibigay ang sarili niyang salaysay sa nangyari.

Nang makilala ni Luna ang kaharap niya, pagalit na tinanong na, "Hindi ba pinakulong na kita? Bakit nandito ka?" Hindi alam ni Luna na si Janolino at mga kasama niya ay ginawang presidential guards. Sasampalin na ni Luna si Janolino nang biglang hinawi ni Janolino ang hawak niyan itak sa ulo at talagang napuruhan ang heneral.

Ayon sa salaysay ni Janolino, nakita niya na sasampalin siya ni Luna at inunahan na niya. Itong salaysay ni Janolino ay nagkukumpirma na ang pangyayari ay homicide at hindi assassination. Ang pagkakabaril naman kila Roman at Rusca ay consistent din sa angulo na homicide ang nangyari kasi nag react ang mga sundalo at halata na hindi ito planado. Mukhang hindi rin inaasahan ng mga presidential guards ang pagdating ni Luna sa kanilang headquarters. Kung ito ay asasinasyon, alam nila ang mga kilos ni Luna. Hindi makakapasok si Luna sa loob ng HQ, hindi nila papapasukin ang tao na pinaghihinalaang nagpaplano ng agaw gobierno. Kahit wala doon si Aguinaldo ang presence ni Luna ay isang threat. Malayo pa lang ay niyari na nila yan sa kalsada pa lang o sa ilog na tatawirin niya, o sa bundok, kagubatan. Hindi na paaabutin sa presidential headquarters. At hindi lang kakarampot na presidential guards ang makikita mo doon. May access sa cavalry, sharpshooters, buong Kawit Brigade, Si Mascardo at kaniyang mga taohan, si Gregorio del Pilar at buong brigada niya at field artillery. May powers and presidente at magagawa nila ng malinis ang asasinasyon ni Luna. Hindi kakarampot na guard detachment na madaling maagawan ng situacion. 

Napatay si Luna dahil kinonfronta niya ang isang unit na hindi nirerespeto ang posicion niya, grupo ng mga sundalo na kaniyang hiniya at nilapastangan at mga die hard ni Aguinaldo. June 1899 nang si Luna ay pumasok sa isang lugar habang siya ay nagliliyab at lahat ng nasa paligid niya at naghihintay na sumabog, kailangan lang ng maliit na apoy-pagbuga. 

Sa normal na military structure, dapat sila ay sumunod sa mga plano ni Luna, may chain of command. Pero importante na maintindihan ang pagkakaiba ng legal authority sa social-political authority sa Pilipinas. Director of War si Luna at lahat ng line battalions, kasama ang Kawit Battalion ay nasa ilalim ng pamamahala niya. Obligado sila sundin si Luna. Pero ang realidad ay hindi karaniwang unit ang Kawit Battalion. Sila ay mga kanayon at kababata ni Aguinaldo at mga personal na die-hards niya. Dahil sila ay malapit kay Aguinaldo, special unit ang status nila na exempted sa pagdidisiplina. Mga proven na rin ang mga ito dahil mga veterano at malaki ang kanilang naitulong sa rebolusyon. At ang rebolusyon din ay isang digmaan na tinakwil ni Luna, yung boss na nila ngayon. At parang personal bodyguards na rin sila ni Aguinaldo kahit hindi pa pormal na bodyguards yung title nila.

Isipin niyo rin yung kultura natin na mas pinahahalagahan ang personal na katapan. Kasi noong panahon na yan mas higit na mahalaga ang personal na katapan sa katapatang institutional. May utang na loob din na mas mahalaga pa sa chain of command. Anong malay nila diyan? At katumbas ng ano mang mataas na position mo ayon sa military hierarchy ang pinagsamahan niyo bilang mga magkababata at kanayon. Bakit sila susunod kay Luna? Yung bagong salta na mayabang.

Ulit-ulitin man natin, oo dapat sila sumunod kay Luna pero hindi ganon ang sistema. Ang mga sundalo ng Republica ay nagmula sa mga rebolusyonaryo. Hindi sila mga professionals na highly trained at disciplined. Sila ay mga magkababata, dating guro, dating abugado, dating magsasaka.

Huwag din natin kalimutan na ang Unang Republica ay sanggol pa lamang ng mga araw na yun. Kahit anong parada at proclamation ang gawin, hindi agad-agad makakalimutan ang mga bagay na nakasanayan na. Magkakaroon ng mga pagkakamali at maaari kahit sino ay magkamali. Hindi pa tayo fully formed nation state, isa tayong bagong bansa na nagsasanay maglakad sa sariling paa at makakita sa sariling mga mata. At puede tayo magkamali, magaway-away, magbuo ng factions. Natural yan na proceso.

Bagong institution tayo niyan 1899. Unang republica sa Asia. Kahit may modernong sandatahang lakas, ang mga sundalo natin ay sumusunod sa sistemang feudal. May patron. May boss. Ang recruitment process? Magdala ka ng mga taohan mo gawin kitang heneral. Ganon ang ginawa ni Bonifacio. Ganon ang kalakaran sa rebolusyon. Ang isang heneral may unit yan na binubuo ng kanilang mga kapatid, kapitbahay, kaanak, katrabaho. Si Luna gusto kaagad baguhin yan at ipilit yung modernong pamamaraan. Gusto ni Luna disiplina, hierarchy, professionalization. Pero hindi pa yan nauunawaan ng mga kasama niya.

Sa ganitong contexto natin dapat unawain si Pedro Janolino. Hindi siya propesyonal na sundalo; siya ay produkto ng rebolusyon, ng personal na katapatan, at ng kulturang feudal na bumabalot sa Unang Republika. Si Luna ang bagong salta na may dalang modernong disiplina; si Janolino ang veteranong Caviteño na ang tanging sinusunod ay ang Pangulo. Sa araw na nagtagpo sila sa Cabanatuan, nagbanggaan ang dalawang mundong ito — at sumabog ang karahasan.

Incidente Sa Presidential Train Sa Calumpit

Dumating si Luna at General Alejandrino sa Calumpit para salubungin si Aguinaldo na sakay ang presidential train galing Malolos. Nang makita niya na ang mga pasahero - babae at mga bata, mga kaanak ng mga sundalo at karamihan ay may sakit na bulutong, sumabog sa galit si Luna at pinaghahataw niya ng kaniyang latigo at pinagmumura. Kung nakita niyo sa pelicula noong 2015, ginawang light-hearted ang eksena pero malayo ito sa totoong pangyayari. Health hazard daw para sa mga sundalo. At walang awang pinagpapalo ni Luna ang mga pasahero.

Nasaksihan ni Aguinaldo ang buong eksena at ayon kay General Alejandrino, hindi kumibo si Aguinaldo pero mababasa sa mukha niya na hindi niya nagustuhan ang naging asal ni Luna. Sabi ni Alejandrino na nakahanap ng mas maraming kagalit at kaaway si Luna sa mga pinuno ng sandatahan natin na nasaksihan din ang ginawa niyang pananakit sa kanilang pamilya.

Ang mga pasahero ng tren ay mga asawa, anak at mga magulang ng mga veteranos. Mga alsa-balutan mula Cavite na lumisan sa kanilang mga tahanan. Mga gutom, pagod, nangangamba at umaasa na matapos na ang labanan at makabalik na sa dating pamumuhay. Ito na ang missing piece na nagpapaliwanag kung bakit karumal-dumal ang pagpatay kay Luna. Kinatay si Luna nila Janolino dahil sa tindi ng galit nila sa pangaabuso sa kanilang mga mahal sa buhay. 

Kung meron magpaplanong patayin ang heneral, buong sandatahan ng Republica na yan puera na lang yung mga criollo na pinapaboran niya at mga natitirang officers ng España na nanatili sa Pilipinas. Kahit hindi Caviteño siguradong naawa sa mga victima sa pangyayaring yan at makikita nila na si Luna ay isang malupit at salbaheng tao. Hindi ako magugulat kung may mga hindi ginanahan at kinahiya ang nangyari na yan sa mga circle ni Luna. Mismong mga Pardo de Tavera na naging victima din - namatay ang kapatid at ina sa kamay ng kapatid ni Antonio Luna, ang pintor na si Juan Luna. Hindi nakakamit ng justicia, kaya yan ay masakit sa kanila. Sa sobrang asar ng mga Pardo de Tavera, lalo na itong si Trinidad, ay pumanig sila sa mga Americano. Hindi siya papayag na magtagal sa kapangyarihan si Antonio Luna, kapatid ng criminal na si Juan. Sampal sa mukha niya na ang despota na ito ay naging heneral at puede pa maging presidente balang araw kung magtatagumpay ang Pilipinas laban sa mga Americano. Nagtayo ng Partido Federal na pro annexation, pro America at kalaban ng independencia! Hindi sila naniniwala na handa na ang Pilipinas na makamit ang kalayaan at magkaroon ng self-governance, lalo na kung magkakaroon ng malaking tungkulin si Antonio Luna.

Bagamat meron posibleng motivo para si Luna ay patayin - ang pagmamaltrato at pananakit ni Luna sa mga pasahero ng tren na mga asawa, anak, magulang at kaanak pala ng mga veteranos, ang pananampal at pamamahiya sa Kawit Battalion - hindi ito sapat na evidencia para ako makumbinsi na ang Kawit Battalion o si Janolino ay may kakayahan na mag mastermind ng isang asasinasyon. Pero itong mga atraso ni Luna, ay maaaring maging dahilan para si Luna ay patayin nila sa oras na magtawid and kanilang mga landas. At yan ay malinaw na malinaw at pasok na pasok sa definicion ng homicide.

Kung si Aguinaldo ay umakto at pinigilan si Luna, mapapahiya si Luna sa harap ng kaniyang mga taohan. Dahil ang kapangyarihan ni Luna ay hiram lamang. Si Aguinaldo, ang kaniyang kapangyarihan ay dahil binigay ito sa kaniya ng taong bayan. Sa sandaling magbangaan ang dalawa, ang Pangulo ay malalagay sa alanganin sapagkat ang pagpili ay mangangahulugang pag-guho ng Republica. Importante na ito ay ating maunawaan: Sa isang Republica na kaniyang binabalanse, ang bawat kilos ay may katumbas na panganib. Atsa sandaling iyon, ang pananahimik ay hindi kahinaan, kundi ang trahedyang bunga ng isang pamunuang nagkakahati-hati.

Nagalaw pa ba iyan?

Habang nakahiga ang mga labi ni Antonio Luna at Paco Roman, dumungaw sa labas ng bintana ang isang matanda at narinig na nagtanong, "Nagalaw pa ba iyan?" Nakilala ng ibang mga saksi na siya ay ang nanay ni Emilio Aguinaldo na si Doña Trinindad Famy Aguinaldo. Ito ay totoong nangyari dahil may tatlong nakasaksi. Ngunit, hindi nagtutugma ang narinig nilang sinabi niya. May isang bersyon na ang sabi daw ay "Bakit ninyo pinatay ang heneral? Mga masasama kayong tao!"

Maraming nagsasabi na ito daw ay patunay na may asasinasyon na nangyari at parang pinapalabas pa na mastermind ang nanay ni Aguinaldo dahil ang interpretacion sa phrase na "Nagalaw pa ba iyan," ay masama. Sa modernong interpretacion at dahil sa pag evolve o shift ng Tagalog language, naging masama na ang kahulugan niyan. Kapag may taong nawalan ng malay at magtanong ka ng "nagalaw pa ba iyan," ikaw ay kaiinisan at iisipin ng mga makakarinig sa iyo na ang gaspang ng ugali mo.

Ang "Nagalaw pa ba yan," noong 19th century Tagalog ay hindi masama ang kahulugan. Ibig sabihin ay nagaalala ang matanda sa kalagayan ng heneral. Hindi dahil salbahe siya at mastermind sa pagpatay. May mga phrases na hindi na ginagamit ngayon. Kaya nang mabasa ng ibang mga historiador yan ay pinagkasya nila sa naratibo na gusto nila - asasinasyon na ang mastermind si Aguinaldo. Binigyan ngayon nila ng kulay ang pangyayari.

Ano ba talaga ang sinabi ni Doña Trinidad? "Nagalaw pa ba iyan?" o "Bakit ninyo pinatay ang heneral? Mga masasama kayong tao"? Maaaring pareho. Maaaring isa lang ang naaalala ng bawat saksi, depende sa layo nila at gaano kaingay sa paligid. Ang mahala: alin man ang sinabi, parehong nagpapakita ng pagkabigla at pag-aalala, hindi kasamaan o sabwatan.

Ang dalawang parirala ay hindi masama. Ang "Nagalaw pa ba iyan" = nagaalala siya sa isang tao. At ang "Bakit ninyo pinatay ang heneral? Mga masasama kayong tao!" = Gulat at pighati. At kapag binasa ang unang parirala gamit ang modernong kahulugan nito, magkakaroon ng maling interpretacion. Magiging masama ang intencion ng nagsabi. Pagsususpetsahan tuloy na mastermind. Ang pangalawang parirala ay hindi naman naiba, ganon pa rin ang kahulugan at yan ay natural na magiging reaksyon ng tao na nakasaksi ng isang crimen na karumaldumal, lalo na kung ito ay matandang ale.

Sa libro ni Manuel F. Martinez na Assassinations & Conspiracies, binanggit niya itong pangyayari ito matapos kunin ni Buencamino ang telegrama kay Luna. Hindi siya nagbigay ng interpretacion - narrative framing ang tawag diyan. Ang kaniyang katahimikan, hindi pagbibigay ng interpretacion matapos itabi ang pagpapakita ng matanda sa pagkuha ni Buencamino ng telegrama, ay nagpapahiwatig ng masamang kahulugan sa pangyayari. Maaaring nagiingat siya at ayaw niyang sabihin ng diretsahan, pero ang kaniyang katahimikan ay nagtutulak sa mga makakabasa sa maling direksyon. Alam ko, dahil naligaw na ako doon. Yan ang kapangyarihan ng narrative framing.

Ang mga salita Doña Trinidad ay dapat unawain ayon sa wika at sensibilidad ng kaniyang panahon. Mali na bigyan ito ng kahulugan moderno at pilitin sa naratibong hindi umiiral noon. Ito ay ituwid natin, hindi upang ipagtanggol ang sinuman, kundi para maging tapat sa pagaaral ng ating kasaysayan.

Mas lalong nagpapalakas ito sa evidencia na hindi asasinasyon ang nangyari dahil kung si Aguinaldo ay may balak na ipapatay si Luna sa Cabanatuan, ilalayo niya ang kaniyang nanay niya. Anong klaseng anak ka kung ang nanay mo ay iiwanan mo sa lugar na alam mong may mangyayaring kaguluhan? Kahit ang sinabi ng matanda na "Nagalaw pa ba iyan", ay binigyan ng masamang kahulugan at maling interpretacion. Nilagyan ng modernong interpretacion na ang ibig sabihin ay maliciosa at masama. Sa lenguahe natin ngayon pag narinig ka nagsabi niyan ay parang sinabi mong "Siguruhin niyong patay na yan." o kaya ay "Tagain niyo pa para siguradong hindi na mabuhay yan."

Basag talaga ang assassination narrative. Pero bakit ang mga historiador natin nag-dedefault sa assassination plot?

Sa libro ni Alfredo Saulo na The Truth About Aguinaldo and Other Heroes, ang hinala niya ay mga Americano. Marami daw pinadalang pekeng telegrama ang mga Americano para lituhin at guluhin ang mga Pilipino. Sila Mabini may reports na nakatanggap ng telegrama na sinasabihan ang ibang heneral na sumuko na at ang telegrama ay galing sa presidente. Sa San Mateo nakatanggap ang detachment doon na ikansela mga military operations, galing daw sa presidente ang telegrama kaya sinunod nila. Galing pala sa mga Americano kaya nakuha nila ang Marikina.

Si Luna ay nakatanggap daw ng telegrama mula sa presidente. Kaya pumunta si Luna sa Cabanatuan. Siguro alam ng mga Americano na ang Kawit Battalion ay galit kay Luna. Siguro alam ng mga Americano yung nangyaring pagmamalupit ni Luna sa Calumpit. Nalaman din ng mga Americano na kasama sa mga pinaglalatigo ni Luna ay pamilya ng mga presidential guards na nasa Cabanatuan. Nagkataon na nandoon din si Buencamino? Kaya pinadalhan nila si Luna ng telegrama na magpunta ng Cabanatuan at pagdating doon ay sana magpatayan sila? At sana ay huwag dalhin ni Luna ang buong batalyon niya para siguradong matodas siya at mawala ang nagiisang heneral ng Republica?

Nakita na ni Saulo yung incidente sa tren. Nagawaan na niya ng psychological analysis ang Kawit Battalion/Presidential Guards. Akala ko naintindihan na niya ang psychological triggers. Kita na niya ang galit, ang hiya at dahilan pero nahulog pa rin siya sa assassination plot? Ngayon mga Americano naman ang kaniyang suspects? Nag-imbento naman ng bagong mastermind si Saulo. Maganda sana kung pelicula na pang Hollywood, pero walang studio na kakagat sa script na maraming butas.

Si Saulo at iba pang mga historiador ay hindi matatanggap ang katotohanan na homicide and kinamatay ni Luna at hindi assassination. Kasi para sa kanila si Luna ay masiyadong importante para mamatay sa dahilan ng homicide. Hindi tingnan ang angulo na baka umakto sa self-defence si Janolino kahit nasa harap na nila lahat ng ebidensya para gawing plausible ito. 

Para sa kanila, masiyadong matalino si Luna para mapatay sa simple at disappointing na paraan - ang kuyugin ng sarili niyang mga kaaway. Hindi masyadong poetic at hindi mabigat para sa naratibo na gusto nila. Pero ang katotohanan ay mas mabigat pa at hindi na kailangan mag-imbento.

Ito ang mga dahilan ko kung bakit ko nasabi na hindi asasinasyon ang naganap na pagpatay kay Luna:

  • Hindi alam ni Janolino na darating si Antonio Luna - Nagulat nga yung guardia nang biglang magpakita si Luna. Sinampal pa bago pumanhik sa opisina para kausapin ang pangulo. Maraming nagsasabi na biglaan ang pagdating ni Luna sa Cabanatuan. Ang mastermind ay hindi nabibigla sa pagdating ng kanilang target.
  • Ang kaunti ng mga taohan ni Janolino (presidential guards/Kawit detachment) - Kakarampot lang sila doon. Kung may nag-mastermind niya, paghahandaan ng mabuti ang asasinasyon. Hindi yung haharap kay Luna ay kakarampot na tao lang. Si Luna may tendency magdala yan ng battalion, tapos kakarampot lang sila? Kailangan mo ng maraming tao at kailangan ng coordinacion at may timing. Nagulat nga sila diba?
  • Rambolan at kuyog ang nangyari - Ang asasinasyon ay mabilis at malinis. Hindi yung kuyog tapos ang iingay pa. Parang carton ng watusi na hinagis sa apoy at sabay-sabay na nagtalunan! Sobrang gulo at nagkaroon ng komosyon, naglabasan mga tao sa palagid. Talagang lahat ng hallmark ng pag-aamok nandoon. Sumabog ang galit. Hindi makontrol na kabadtripan. Talagang kahit patay na, binalikan pa at pinagtataga pa. 
  • Madaming saksi - Sa sobrang ingay nila, naka-attract ng mga miron Ang daming tao sa paligid at nanonood ng gulo. Kitang-kita sila na kinakatay yung kaaway nila. Nagtagal pa mga tao, nag chismisan pa ilang oras matapos ang pangyayari. Hindi it planado. Kung totoong asasinasyon ito, sa gubat pa lang doon na ambushin yan si Luna. Hindi paabutin sa plaza para sa entertainment ng mga tao doon.
  • Kung ito ay asasinasyon, mismong si Aguinaldo ang maghihintay kay Luna at magdidirecta ng operasyon - Si Aguinaldo and military strategist. Si Buencamino ay politico na walang alam sa military strategy. 

Lahat ng evidencia na nabigay ko diyan ay nagpapatunay na hindi asasinasyon ang nangyari kay Luna sa Cabanatuan. Pero kung homicide ang angulo, pasok na pasok. Importante din na balikan ang incidente sa tren sa Calumpit dahil ang mga pasahero ng tren ay mga mahal sa buhay ng guard detachment sa Cabanatuan na lahat ay lumahok sa pagpatay kay Luna. Kung maiintindihan mo yan, maiintindihan rin natin na ang poot at galit ng mga sundalong pumatay kay Luna ay personal. Conspiracy ba ang mapatay mo sa sobrang galit ang isang tao? Hindi, dahil yan ay nangyayari ng biglaan, walang plano, walang coordinacion at harap-harapang nangyayari.

Si Luna ay tinodas sa plaza, in broad daylight, malapit sa mga bahay-bahay. Maraming nakakita dahil matao at maingay ang lugar na yun lalo na naging headquarters pa ng Republica yung convento! May tatlong eyewitness accounts pa nga na nakuha tungkol sa appearance ng nanay ni Aguinaldo! Ganon kabilis ang pagdagsa ng mga tao dahil buhay na buhay ang lugar nang maganap ang rambol. Kung walang katao-tao noon, paano nakaabot mga saksi doon ng ganon kabilis para maabutang dumungaw ang nanay ni Aguinaldo na si Doña Trinidad? Nang magpakita siya kakatapos lang ng rambolan at gumagapang pa ang mga dugo ni Luna sa semento. 

Ang garrison ng Sandatahan ng republica ay nasa Cabanatuan. Maraming sundalo diyan at activo mga tao, labas pasok at daming nagkalat kahit saan. At dahil yan ay convento, may simbahan. At ang mga simbahan ay tinatayo malapit sa bahayan. Importante and cultural context. Kapag may simbahan, malapit sa bahayan, ibig sabihin maraming tao. Idagdag pa natin na mga chismoso pa mga Pinoy kaya makarinig lang ng nagsisigawan, lalapit agad mga kanayon para mag-marites. Paano pa kaya pag may nag-aaway na?

Kung isa itong asasinasyon, gagawin mo ito sa tahimik na lugar at lalong-lalong sisiguruhin na walang makakasaksi sa pangyayari. Sabi nga ni Aguinaldo nang tanongin siya ni Teodoro Agoncillo noong 1948, kung pinapatay niya ba si Antonio Luna:

"If I had wanted to have Luna murdered, do you think I would have been so foolish to have him liquidated right in my own headquarters and so draw suspicion on me?"

"It was easy to have him killed by the simple expedient of ordering my loyal men to shoot him in the midst of battle and then blame the Americans for his death. No, I did not even know of his death until General Bina (Venancio Concepcion) showed me Paterno's telegram announcing Luna's death."

Claro na ang nangyari sa Cabanatuan ay hindi gawa ng isang mastermind; ito ay pagsabog ng galit, takot at dating hinanakit. Sa ilalim ng lahat ng mga argumento na ito ay matatabunan ang theory na ang pagkamatay ni Luna ay assassination at ang mastermind ay si Aguinaldo. Guguho ang lahat ng mga kasinungalingan dahil mas malakas pa rin ang katotohanan.

Hindi ko tinatanggap na ang nangyaring pagpatay kay Luna ay isang asasinasyon. Walang sapat na evidencia para suportahan ito, ngunit maraming evidencia na nagpapatunay na ito ay simpleng homicide lamang. Nagrambolan ang mga kalalakihan, mga tunay na lalakeng Pinoy at dahil hindi na mapigilan ang kanilang sarili, dala nang matinding galit, na naipon sa mahabang panahon, punong-puno ng paghihiganti, bawat taga ng itak ay para sa bawat isang mahal sa buhay na nilatigo ni Luna sa tren sa Calumpit, bawat tadyak ay pang-bawi sa mga sampal at pangiinsulto na tiniis at binalikan pa para pagtatagain ulit ang bangkay para sa sarili nila. Higanti para sa sairli, dignidad, dangal, pagmamahal sa sarili. Dahil kahit sino man, lalo na sa kultura nating mga Pilipino, ang sampal ay matinding insulto at pagwasak sa pagkatao. Sa harap ng ganoong kahihiyan, lalo na sa panahon ng digmaan at matinding tensyon, ang marahas na tugon at hindi na nakapagtataka.

Sino ang nagpapatay kay Antonio Luna? Wala. Simpleng homicide lang. Walang nagplano, walang mastermind, at walang asasinasyon. Kung naghahanap ka ng contrabida na parang sa pelikula, ang sagot ay si Antonio Luna rin. Sabi nga niya, ‘sarili natin ang ating kaaway’ — at sa bandang huli, sarili niya pala ang naging pinakamalupit niyang kaaway. 

Upang maunawaan ang tunay na nangyari kay Luna, kailangan nating alisin ang mga kathang isip, alamat at mitos. Tingnan natin ang pagkatao niya, ang panahon at ang kulturang humubog sa sandaling iyon.


Monday, December 22, 2025

Pilipinas Daig Pa Ng Singapore Sa SEA Games.

 

Ang sick man of Asia. Guess the country?

Kung nahulaan mo kung anong bansa ang nasa litrato natin, isa kang ilustrado. Ikaw ay matalino talaga. Sige mag apply ka na sa San Miguel Corp siguradong pasado ka dahil ang talino mo.

Sa dami ng foreign trained at foreign born athletes na nakuha natin sa ibang bansa, 50 gold medals lang ang kaya natin? 6th place tayo! Yan ang tunay na katayuan natin sa Southeast Asia sa larangan ng palakasan. Paano pa kaya kung wala mga poached players natin ilang gintong medalya lang kaya makukuha natin?

Mag number one lang tayo pag tayo ang host. Ganyan naman sa Southeast Asia kung sino ang host siya ang number 1. Likas kasi na mga mandarambong ang Southeast Asians. Magulang pa ang mahusay sa politica. 

Ang totoong number 1 na bansa sa region natin ay Thailand at Indonesia lang. Sila kasi ang mga consistent na number 2 or 3 pag hindi sila ang host. Ang Pilipinas pag hindi host nasa mid-table lang. Pero pag walang foreigners, siguradong kulelat at nasa kabaong.

https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2981979

Monday, December 8, 2025

Gilas Pilipinas Sa South East Asian Games - Missiles In A Knife Fight

 


Talaga nga naman ang basketball crazy nation kasing baliw ng mga Duterte at ni Rowena Guanzon. Ang hihina ng kalaban, kahit Parañaque Jets puede isabak dito at mananalo pa rin, nagdala ng malalaking cañon. Talagang takot na takot matalo sa basketball dahil ang national mindset ay "Matalo Na Sa Lahat, Huwag Lang Sa Basketball."

Gusto niyo ng katotohanan? Alam ko magagalit kayo kasi mga siraulo na kayo. Pero eto na, kahit anong gawin niyo sa basketball, wala na talaga kayo pag-asa diyan. Pangmatatangkad yan eh. Siguro puede kayo makiusap sa FIBA na gumawa ng under 6'5 tournament kagaya ng ginagawang restrictions sa mga imports para puede maghari ulit mga Pinoy. Sa tournament na yan, patas lahat. Pero may isang catch. Dapat walang Fil-Am. Game?

At ano ba itong pagpapdala ng professionals sa sisiw tournament? Pilipinas, matuto tayo mag develop ng players. Ipadala niyo developmental players, maniwala kayo mas maganda yan para sa pagsasanay ng mga bata at maihanda sa malalaking tournament sa hinaharap. 

Maganda rin ang style ni Norman Black dahil ang philosophy niya ay nababagay - defense, discipline at fundamentals. Huwag yung triangle offense na mahirap matutunan ng mga bata. Makita kaya natin ang simple at disiplinadong offensive sets? Maaasahang defensa? Ang style ni Black puede sa mga bobong player.

Sa SEA Games, ipadala developmental players. Dito puede ang learning experience. Mag experimento sa strategy at bigyan exposure mga bagong players. Hindi yung magpapadala ng mga imports at vets. Ano ba kayo!

https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2971541

Sunday, November 30, 2025

Sunday, November 23, 2025

Kahit Nagsanib Na Ang Mga Kulto, Demonyo, Mamamatay-tao, Sinungaling, Blacksheep at mga Bopols, Hindi Pa Rin Mapatalsik Si BBM!


https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2958631

Yes. Si Imee ang black sheep sa kanilang pamilya.

Bagsak ang INC at exposed and kanilang katarantaduhan.

Pangulo pa rin si BBM and panggulo lang si Sarah Duterte.

Sunday, November 9, 2025

Bakit Ganito Na Kasama Ang Katiwalian Sa Pilipinas?

Pakinggan ang buong detalye dito - https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2947493

Huwag na kayo maghanap ng lunas o sagot sa katiwalian. Huwag na din kayo umasa na may magagawa ang ating gobierno at susunod na mga administrasyon sa mga sakuna na dadating sa atin taon-taon. Dahil sasabihin ko sa inyo na walang makakalutas niyan kung ang mga Pilipino ay hindi mag rerebolusyon o may mangyaring hard reset. Alam niyo ba kung bakit hindi na mababago yan? Ang kailangan lang natin maintindihan ay ang kasaysayan ng ating bansa. Kung bakit ang bansa natin ay hindi na makakaahon dito sa kumunoy ng kumukulong tae. At kung bakit ang bansa natin ay napangalanang "The Most Disaster Prone Country" at "The Most Corrupt." 

Ang Pilipinas ngayon ay isa nang clown show. Kung ang bawat institusyon ay bagsak, kapag ang katiwalian ay normal na parte ng buhay at kung ang ating namumuno ay walang solusyon, tayo ay magmimistulang mga payaso sa isang carnaval.

Pero hindi dapat ganiyan. Kung nasunod lamang ang blueprint ni Mabini na nakasulat sa kaniyang Dekalogo. Parang ten commandments ni Mabini na nakatutok sa mga sekular at mga virtud sibil ng isang bansa. Hindi lang ito mga moral advice - ito ay blueprint para sa isang republic na nakataguyod sa dignidad, sariling pananagutan at pagmamahal sa bayan. (Mababasa ang dekalogo dito - Apolinario Mabini's True Decalogue: A Moral Code for the Philippine Republic | Sinaunangpanahon)

Para naman hindi kayo mahilo, pumili ako ng mga importanteng kautusan ni Mabini sa kaniyang Dekalogo na related sa good governance at moral public service na nag-emphasize ng integrity, virtud sibil, meritocracia (pagpili ng tagapaglingkod sa gobierno na naaayon sa kaniyang talino at kakayahan) at pagmamahal sa bayan. Ito ang mga sumusunod:

  • Act according to conscience and reason - "Thou shalt not act without first thinking, nor speak without first reflecting." Sa Tagalog, "Huwag maging padalos-dalos." Itong kautusan ay mag encourage para sa ating mga pinuno na huwag maging kupal. Huwag maging taklesa at laging pinagiisipan ang isang bagay bago buksan ang mabahong bunganga. May isang dating pinuno tayo na tatay ng mga tabogo ang naiisip kong tao na hindi sasangayonan ng dekalogong ito.
  • Use your talents for truth and justice - "Thou shalt not waste thy time; time lost is lost forever." Ibig sabihin, ang ating mga mambabatas at maging efficient, truthful at justice oriented. May isang tatay ng mga tabogo na wala nang sinabi kung hindi mga innuendos at hyperbole. Puro pa-paninira. Gagawaan ng kwento ang mga taong hindi niya makakasundo sa prinsipyong demonyo. 
  • Love your country after God - "Thou shalt love thy country after God and thy honor and more than thyself." Ibig sabihin ay unahin ang iyong bansa at makakabuti sa mga kababayan mo, bago mo isipin ang iyong sarili. Hindi yung isang tatay ng mga tabogo diyan ang love niya ay China.
  • Strive for independence and self-rule - "Ayaw sa pangingialam ng mga banyaga sa affairs ng ating bansa. Hindi kagaya ng tatay ng mga tabogo na inaalay pa ang Pilipinas na maging probinsya nila. Secreto pa na naglagay ng pekeng mayor na Chinese citizen para umpisahan ang invasion.
  • Prioritize national happiness over personal ambition - Ito ang sinusunod ng isang namumuno na hindi na kailangan ipaliwanag pa. Hindi katulad ng tatay ng mga tabogo na gustong siguruhin ang sariling ambition niya at maging ang anak niya na sunod na mamuno para sa bayan. Kunwari lang ang kanilang kinikilos ay lahat para sa bayan.
  • Respect others' rights as your own - Basehan sa pamumuno ay ang katarungan at tinatanggi ang pag-aabuso sa kapangyarihan hindi katulad ng tatay ng mga tabogo na sobrang bastos at walang pag-galang sa karapatang pangtao puera na lang kung China ka.
  • Serve with loyalty and honor - Dahil ang pagsisilbi sa bayan ay isang sagradong tungkulin at hindi kailangan gamitin para payamanin ang sarili. Nako, yung tatay ng mga tabogo ang pinapalabas sa publico ay tapat siya sa tungkulin pero pag sinilip mo lahat ng mga baho hindi pala. Yung Special Assistant niya nagpayaman din sa sarili dahil sa dami ng kontratang nakuha niya sa gobyerno. Madami sa alipores niya ang yumaman mula nang mainvolve sa politica.
  • Value merit over privilege - Pinagbabawal ang nepotismo at dynastic politics at nagaadvocia para sa kahusayan sa trabaho at integridad. Hindi kagaya ng tatay ng mga tabogo na binibigay sa mga dating pulis at sundalo ang mga position sa mga ahencia ng gobierno. Mga taong walang alam kaya lalong humina ang mga institucion at sumabog ang katiwalian. Binibigay din mga contrata sa mga taga Davao kaya nga may tinawag na Davao Group na biglang yumaman noong panahon niya.
  • Uphold unity and solidarity - Encourages inclusive governance at national cohesion. Hindi kagaya ng tatay ng mga tabogo na ang gusto lang mamuno ay sila-sila. Dynastic ang style ng pamumuno at magaling manggalit.
Ang mga napili kong mga kautusan, at halos buong decalogo na rin naman, ay hindi lamang moral advice - ito ay strategic framework para ibuo ang isang republica na inagaw natin sa España. Kung magbubuo tayo ng gobierno, ito dapat ang sundin natin para hindi tayo masira. Pero si Aguinaldo mas naniwala sa mga elitista at mestizo kagaya nila Calderon, Paterno at Buencamino - mga taong ayaw na isali si Mabini sa cabinete ni Aguinaldo. Kung makita niyo listahan ng mga miembro ng Malolos Congress ay parang listahan ng mga mayayaman sa Manila. Sabi ni Ambeth Ocampo, parang society column ng panahon na yun. Ang mga taong yan ay hindi mga ilustrado. Mga mayayaman lang pero malayong-malayo sa tinatawag na ilustrado kagaya nila Rizal. Si Mabini at Antonio Luna, yan mga ilustrado yan - enlightened ones.

Kaya Bakit Maraming Tiwali Sa Pilipinas?


Sistematiko ang katiwalian sa Pilipinas at masasabi din natin na historikal na may nanggaling sa colonial legacies, elite capture and institutional failure. Ito ang mapait na katotohanan: ang katiwalian sa atin ay naging normal na pamamalakad na pero tandaan na hindi ito cultural destiny. Ito ay resulta matapos ang matagal na panahon na tayo ay nasa ilalim isang pamumuno na binuo para mag-extract or kumuha at hindi mag-empower.

Bago dumating ang mga Kastila, ang Pilipinas, na hindi pa bansa noon ay may existing barangay systems. Ang mga barangay ay pinamumunuan ng mga datu, may batas naman pero yan ay depende sa datu. At sa ibang barangay may datu na naman at may sariling batas na sinusunod, depende talaga sa datu kung ano trip niyang batas. Hindi ako magugulat kung may batas na tsupain ang titi ng datu, lalaki ka man o babae, bata o matanda. Sa dami ng gunggong sa atin, hindi ako magugulat. Kaya ang mga barangay system ay built on personalistic governance - basta tapat ka sa datu, ok ka ay hindi ito base sa abstract laws na consistent at ang pinagbabasehan ay shared values at justice oriented. Maging loyal ka lang sa datu puede na, depende kung sino ang datu. Kagaya ng style ng isang tatay ng mga tabogo sa Davao putangina.

Ang barangay system ay nagmula sa Austronesian settlers, kasi diba iisa bangka ng mga yan, tapos dadating sa isla para doon manirahan. Diyan na develop ang barangay system kaya maliliit at kinship-based ang communities. Hanggang ngayon may mga liblib na lugar pa rin sa mga probinsya natin.

Nang dumating mga Kastila, naintroduce ang encomienda system. Ito ang paraan para sa mga mananakop na ma-exploit ang mga natives sa pamamagitan ng pag-kolekta ng buwis at pilitin na magtrabaho para sa mga kanila, kapalit ay protection, basic needs at bigyan ng relihiyon. Nagkaroon ng exploitation dahil maraming encomienderos ay umabuso sa sistema - pinipilit tayo magtrabaho sa minahan, pataniman at construction at bibigyan lang ng maliit na sahod kung meron man. Kasi may cases na walang pasahod talaga. At kayod kabayo pa.

Ang encomienda ay ibibigay sa isang Kastila na settler bilang gantimpala sa kaniyang kagitingan sa labanan for example. Bigyan sila ng encomienda sa isang barangay halimbawa, hawak mo lahat ng tao diyan at lahat sila magbabayad ng buwis sa iyo. Ang ibabayad nila sa iyo halimbawa ay bigas, ginto o kaya ay libreng paninilbihan. Kapalit nito ay bibigyan tayo ng protection at bibigyan ng fraile para magmisa at turuan tayo ng Catolisismo. Sa katagalan, maski ang mga fraile ay naging encomienderos na din. 

Slavery ito in practice. Nagpayaman mga encomienderos gamit ang ating mga ani, likas na yaman, dugo at pawis. Ito ang naging umpisa ng land grabbing at control ng mga elites at pinagmulan din ng systemic inequality na ramdam pa rin natin hanggang ngayon.

Itong encomienda system, pinagsama ng barangay system ay nagbigay daan para sa political dynasty sa atin. Diba kayong mga tabogo ang gagawin niyo lang ay maging loyal kay mayor, iboto niyo sila, huwag papalitan, asawa, anak hanggang apo nila ay iluklok niyo kapalit ay puesto sa palengke, prangkisa ng tricycle, puesto sa bangketa, trabaho sa municipio atbp. Diyan nagmula yan sa encomienda system plus yung pre-existing na barangay system. Ang mga datu ay ginawang mga principales, na siyang nangongolekta para sa Crown.

Pagkatapos makamit ng Pilipinas ang independencia, ang mga institution natin ay sinalihan ng feudalismo. Kaya ang bawat election ay mainit, nauuwi sa patayan kung sino ang sunod na magiging encomiendero. Ang mananalo ay siguradong hindi na mapapalitan kasi babarahin na nila ang lahat ng position paglagay ng kanilang asawa, anak at kamag-anak hanggang sa lahat ng position sa LGU ay buong pamilya na nila. Mga putanginang baboy na abusado. Lately, maraming mga bagong dynasty ngayon ay may maiikling apellido kagaya ng - Co, Chua, Lim, Yu etc.

At kahit wala na ang mga fraile hindi naman nawala ang systema ng corruption ng simbahan na deeply embedded sa Philippine society. Ang buong istraktura, impluwensya at hawak nito sa ating kultura ay patuloy na nagdidikta sa pamumuno ng bansa natin at educasion. Hindi nagiba ang sistema ng mga fraile, pumalit lamang ang mga Pilipino na pari. Maraming ginawang pangingialam ng simbahan sa mga affairs ng gobierno. Gatekeepers ng morality kuno - hinaharang nila mga policy na makakatulong para maging mas maganda ang pagpapatakbo ng bansa kagaya ng mga programa para sa pag control ng populasyon. Kaya ito ang dami-daming mga patay gutom na palaboy dahil laging hinaharang ng mga obispo natin ang mga magagandang programa. Mga kantutero pa mga Pilipino kaya ang daming mga babaeng disgrasyada na may anak pero walang asawa. 

Huwag din kalimutan na ang simbahan ang original land grabbers. Kung ipamahagi nila mga lupa na ninakaw nila sa mga natives, sana hindi ganiyan kadami mga skwater sa atin. At mas naging maayos sana pamumuhay ng mga iskwater kung hindi sila nagaanak ng madami na hindi na nila kayang tustusan at ang mga anak nila ay dadagdag lang sa mga milyon-milyong palamunin na hindi naman nagbabayad ng buwis!

Hindi rin dapat makalimutan ang ibang mga relihiyon diyan, karamihan ay mala-kulto pa na malakas ang impluwensya sa politica. Nandiyan ang INC, Kingdom of Jesus Christ at Jesus is Lord na mga sponsor, endorser at pinagmulan ng napakaraming politicong tiwali at banban. Ang mga grupo na ito ginagamit din taguan ng pera ng mga magnanakaw sa kaban ng bayan dahil ang perang tinago mo sa bank accounts nila ay hindi masisilip at mabubusisi.

Ngayon ito namang mga Chinese immigrants sa atin na nagdatingan na noong 1700s pa, ay nakaranas ng discrimanasyon at dahil sila ay dayuhan noon, hindi sila nabibigyan ng lupa at hindi nakakasali sa politica. Dahil dito sa paghihirap na dinanas nila, wala naman silang mga ari-arian o tahanan sa China na pinagmulan nila, ay kailangan nila manatili dito at hindi nila matiis ang sistema na sila ay walang kwenta. Yan ang naging motibasyon nila para magpayaman, makakuha ng kapangyarihan at siguruhing mapanatili nila ito dahil kapag ito ay mawawala, mahirap na ulit maibalik. Upang mapanatili ang dynasty, sila ay mag-actong gatekeepers' ng karibal sa politica. Parehong philosopia ginagamit nila sa negosyo, mainly to keep start-up businesses na pagaari ng natives out!

Kahit ano man tahakin nila - lalo na sa politica at negosyo - sisiguruhin nila na walang makakalaban sa kanila at sila lang ang maghahari. Diba 85% ng mga malalaking negosyo sa bansa natin ay controlado ng iilang pamilya lamang. Marami sa kanila Chinoy. 90% ng GDP ng bansa natin noong 2023 ay napunta lamang sa 40 na pamilya. Isipin niyo yan.

Yan ang mga dynamics ng bansa natin, para maintindihan niyo ang behavior ng bawat Pilipino at kung bakit halos magpatayan ang bawat isa para lang mapanatili sa puesto na sila ay may kapangyarihan at kakayahang humakot ng pera at mangamkam ng lupa.

(Sa susunod na kabanata ay hihimayin natin ang Noli Me Tangere at kung bakit ito ay hindi naituturo ng maigi sa kabataan. Puro rote memorization lamang at nawala ang revolutionary fire.)

Classic Catch 22 - Kawawang Pilipinas Ang Bansa Ng Mga Ugok!

Sa kalaunan, kawawa ang taong bayan. Naging laruan lamang ng mga tarantado at gagong bugok ang bayan natin. Ayaw natin sa Duterte, ngayon ka...