Posts

Simbahan Magbayad Na Ng Buwis At Lahat Ng Kulto Buwagin Na!

Image
Ang may-ari ng mundo at anak ng diyos. Alam niyo ba kung bakit hindi nagbabayad ng buwis ang mga religious groups sa Pilipinas? Dahil sa separation of church and state. Oras na pagbayarin ng buwis ang mga yan ay binibigyan mo na sila ng pahintulot na makialam sa policia ng gobierno at magkaroon ng impluwensya sa kahit anong decision. At yan ang ayaw natin na sila ay magkaroon ng boses sa gobierno dahil wala naman silang qualification pagdating sa pagpapatakbo ng bansa. Ang tanging katungkulan ng simbahan at iba't-ibang relihiyon ay ang pagtuunan ng pansin ang pagbibigay ng sa mahihirap at magturo ng mabubuting kaugalian sa mga mamamayan. Hindi ang politica. Sa bansa natin, itong mga religious groups na ito lalo na ang Simbahang Catolica ay mabunganga pagdating sa politica. Mga homily ng mga hudas na naka-abito ang nilalaman ay politica. Nag eendorso pa ng gustong politico. Naka publico pa ang pag bendicion sa bobong politico na kanilang sinusuportahan. Kaya dapat lang na magbayad n...

Si Duterte ba ang pinaka-banban na naging Pangulo ng Pilipinas?

Image
Patayin ko ikaw https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2370282   Hindi maitatanggi na isang napaka divisive na tao si Duterte. Parang Jaworski yan eh - either you love him or hate him. At sigurado pag lumabas sa TV para magsalita, ikaw ay naka-abang sa mga sasabihin.  Crowd pleaser pagdating sa pagtatalumpati. Mahirap pumagitna dahil sa napaka-extreme at volatile na tao siya lalo na at tapos na ang termino niya. Marami nang data at evidencia para ikaw ay magdecision kung gusto mo ba siya o hindi. Marami din ang nagsasabing si Digong ang pinakamahusay na pangulo ng Pilipinas. Kadalasan na nakikita nating comento o meme sa socmed na pumupuri kay Digong na the best ever na Presidente ay nagmumula sa isang bayaran o fake account. Marami na rin ang nagbago ang isip sa kaniya dahil sa pagbuelta niya sa kasalukuyang pangulo na si Ferdinand Marcos Jr. Maraming maaanghang na salita na binitawan lalo na sa rally ng partido ni Duterte sa Davao para iprotesta ang sinusulong na Peo...

Political Dynasty sa Pilipinas at ang Panggagalaiti ng Warlord sa Davao.

Image
Matagal na established ang mga political dynasties sa atin na linked sa ating kasaysayan. Nang mawala ang mga Kastila ay umangat ang mga political dynasties na agad na kinontrol ang politica. Ito ay mga pamilyang Pilipino na may dugong Espanyol, mga Indio na may links sa mga datu at mga Intsik na walang contribution para mapalaya ang Pilipinas. Itong mga Intsik, special mention ko lang, ay talagang mga first rate bantay-salakay.  Centro sa isang political dynasty ay ang pamilya. Ang Pamilyang Pilipino ay nasa gitna ng lahat sa lipunan, kultura na humulma ng kahalagahan ng utang na loob at pakikisama at ang obligation sa ating mga magulang." May tatlong king makers pa nga - Imelda, GMA at Cynthia Villar. Ito ang mga tao na malakas ang impluwensya at kaya kang tulungan at maging pangulo ng pinakamalaking imbakan ng basura sa buong mundo - Ang Pilipinas! Obserbahan niyong mabuti din kung paano ang pamamalakad ng mga negosyo sa atin na mga family owned dahil maraming similaridad ito s...

Maging Japan, Hindi Singapore

Image
Para umunlad ang ating economia, lagi tayong tumitingin sa ibang bansa at gayahin ang kanilang mga policies at practices. Isang bansa na laging ginagaya at minimithi nating tumabasan ay ang Singapore. Kahit ang kanilang sistema ng gobierno ay nais nating kopyahin kung tayo ay magshift sa parliamentary system. Pero ang dapat nating tandaan ay bawat bansa ay may pagkakaiba depende sa pinagdaanan ng kasaysayan ng bansa, kultura at relihiyon. Halimbawa, may Sharia Law ang Singapore at naka-ayon sa Koran ang kanilang batas. Itong ganitong uri ng batas ay hindi matatanggap ng mga mamamayang Pilipino. Kahit mga Muslim ay siguradong mababadtrip dito. May isang bansa na talagang dapat nating gayahin at pamarisan. Disiplinado ang mga tao, well trained sa lahat ng aspeto, malinis ang kapaligiran nila, pasensyoso at ang mga local council nila alam ang ginagawa. Ito ang Japan.  Tayo na isang developing country ay magbebeneficio ng husto kapag matutunan natin ang policies na ginagamit ng Japan. ...

Monologue Ni Jo Koy sa Golden Globes

Image
At natupad ang inaabangan ng lahat ng mga hambog Pinoys na makita ang Pambansang Comediante natin na si Jo Koy na maging host ng Golden Globes. Bilang host siya ay obligadong magbigay ng monologue kung saan kanyang pagtitripan ang mga panauhin na binubuo ng mga who's-who ng industria ng pinilakang tabing. Mga taong kagaya nila Brad Pitt, Ben Affleck, directors, producers at writers. Mahirap na trabaho yan at talagang nakakanerbyos nga naman kahit ikaw ay batikang stand-up comic, ibang crowd na ito na siguradong pahihirapan ka. Susi dito ang pagiging matapang at matatag. Magtiwala sa materiales na meron ka, paghandaang mabuti at pagdating ng takdang oras hindi ka matitinag at kahit sandali hindi ka dapat mag alangan sa mga linya mo ito ay dapat mong ihatid ng walang hesitasyon.  Yun nga lang, pumiyok siya at yun ang kaniyang kinasira dahil yung ilang sandali na nagpakita siya ng kahinaan ang maaalala ng media. Maganda naman ang kabuuan, yun lang may ilang saglit na sinisi pa niya mg...

Live tayo mga urot

https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2334033 Kinig kayo dito kung tamad kayo magbasa.

Bakit Ang Daming Bopols Sa Pinas?

Image
Ang kaka-Ingles natin ang nagpapabobo sa atin. Ingles ang ginagamit na mode of instruction sa mga paaralan. Salita din ito na ginagamit sa mga pahayagan at sa telebisyon. Ito rin ang ginagamit na lenguahe sa Saligang Batas. Pinagmamalaki natin na tayo ay pangalawang bansa na maraming English speakers. Pagmagmalaki tayo akala mo kung sinong mga hari na may malaking corona sa ulo pero nakatayo naman sa mataas na imbakan ng basura. Eh ano ngayon kung tayo rin ang pinakabopols? Ayon sa bagong pagaaral na ginawa ng World Bank, 80% ng mga magaaral sa atin ay hindi bihasa sa kaalam. Sa madaling salita, ang mga kabataan ngayon ay mga utak buris. Mga Ompong Galapong, may ulo pero walang tapon! Masama yan para sa hinaharap ng ating bansa. Itong report na ito ginagamit ito ng mga investors para malaman kung maganda ba mag-negosyo sa bansa natin. Kung makita nila ang report na ito, hindi sila pupunta dito para mag set up kaya asahan niyo na magaalisan ang mga trabaho na nasa atin ngayon dahil baba...