Bakit Walang Asenso Ang Basketball Sa Pilipinas?

Mamaya na linisin ang basura natin, basketball muna tayo.
Ilang beses ko ba sasabihin na ang basketball ay hindi para sa mga Pilipino? Sa sobrang pagpupumilit natin na maging dominante sa larangan ng basketball eh nagmumukhang mga asong ulol na dapat ipadala sa Ilocos para itali sa puno at paluin ng dos por dos ng mga Ilocano para may laman ang kanilang mga kumakalam na sikmura. Hindi ba pinagmamalaki natin na magaling ang mga Pilipino sa gulangan sa basketball? Tuwing balyahan ang paguusapan ay hindi mapipigilan ang mga kwento ng Crispa - Toyota rivalry. Mga siko na lumilipad at mga manlalaro na sinasahod. Mga player na naging baldado paglipas ng alikabok ng mga gulo at suntukan sa loob ng court. Kung papakinggan mo mga storya na yan iisipin mo talaga na matitibay ang mga Pinoy. Pero base sa reactions ng mga players at team officials ng Galis sa social media, hindi pala sila matitibay. Mga pikon lang talaga na hahanap ng dahilan para i-justify ang mga kalokohan nila.

Balikan natin ang laro ng Galis kontra sa Australia noong 8 ng Julio 201. Sila ay ginawang katawatawa sa loob ng court. Hindi makapasa ng maayos laging naiintercept, hindi makabuslo kahit simpleng free throw, nabubuta at umaaray pag binabangga ng mga mas malalaki at pisikal na mga mama ng Australian Boomers. Diyan pa lang eh magdududa ka na sa tigas ng mga kumag na Galis na ito. Totoo nga na naging mga pampered bitches itong mga primadona professional players ng Asia's first ever pay for play basketball loop. Pero bukod sa pagiging mga pampered dickheads ang Galis, diyan pumapasok ang height is might na adage. Kung gaano ka kalaki, ganon ka rin kalakas. Kaya kung ang babangga sa iyo ay mas malaki, natural na masasaktan ka. Agrabyado ka. At alam naman natin ang Pinoy na kapag natatalo sa pisikal ay madaling magalit. Ayun na nga ang nangyari at pinakita natin sa mundo kung anong klaseng mga abnormal tayo.

No rules, no blood, no foul.
Nakaabot nga ang Galis sa FIBA World Cup pero anong nangyari doon? Banban ng coach na walang solution at walang mahugot sa experience niya para lutasin at bigyan naman tayo ng magandang resulta. Walang naipanalo at ang pagkakatalo ay legendary. Tinambakan pa tayo ng Serbia sa isa sa mga pinaka lopsided na games sa history ng basketball. Alam namin nating dehado na tayo sa height pa lang pera sana naman para sa isang bansa na panatiko sa basketball ay ipakita natin na panatiko talaga tayo at pahirapan sila kahit malalaki. Eh ang nangyari ay paulit-ulit na play at stratehiya na parang ang dali-daling talunin ang bansa natin. Simpleng plays na hindi kayang depensahan at mga players na pinadala ay mga manlalarong kulang na kulang ang skill set. Kung wala tayong naturalized player siguradong hindi tayo makakarating doon. Sa laban natin sa Italy binigyan natin sila ng 15 three point conversions for 49% shooting sa three point area. Ano bang klaseng depensa yan?

Kung totoong magaling tayo sa basketball at dapat respetuhin, bakit walang kumikilala sa atin sa paborito nating sports? Sa NBA walang Pinoy. Huwag niyo isama si Clarkson kita niyo nga kahit FIBA hindi pumabor sa atin eh. Si Clarkson ay isang Americano kahit ang nanay niya ay Pinay, lumaki siya sa America, iba ang wavelength ng pagiisip niya kumpara sa atin na nagkamalay at natuto ng kalokohan sa Pilipinas. Kahit kumakain pa siya ng adobo at sinigang, si Clarkson ay Americano. At huli na para siya ay lumipat bakod para lang makapaglaro sa Olympics at Basketball World Cup. Ang isipin niyo ay kung bakit sa milyon-milyong mga Pilipino na naglalaro ng basketball ay wala ni-isa ang nakapasok sa NBA. Walang homegrown Filipino na natuto ng basketball sa Filipino basketball system. Kainin niyo muna yan.

Kung totoong magaling tayo sa basketball bakit wala tayo sa mapa ng basketball sa mundo? Ang mga Americano lalo na mga imports na nagpupunta ng Pilipinas ay nagugulat sa klase ng passion at fanaticism sa basketball. Hindi nila alam yan? Kasi walang representation ang Pinoy sa basketball sa world stage. At ang national team natin ay kahiya-hiya. Idagdag mo na din ang problema ng politica sa basketball kaya wala tayong sustainable na programa na kayang ipagpatuloy. At kamusta naman ang grassroots natin? Tingnan mo mga baranggay leagues natin, walang organization at hindi regulated ng SBP.

Kung totoong magagaling tayo sa basketball bakit hindi tayo nagpapadala ng coaches para sa employment opportunity sa ibang bansa? Kung walang Pinoy na coach sa NBA, bakit kahit sa neighboring countries natin kagaya ng South Korea at China ay walang Pinoy na coach? Dahil alam nila na banban ang mga coach natin. Wala kasi tayong programa at ang mga coach natin ay hindi intelehente at producto lang ng migo system - naging coach lang kasi ang daming mga kilala sa matataas ng puesto. Kagaya nila Yeng Guiao. Naglaro ba yan ng basketball on a professional level? Nirepresenta ba niya ang Pilipinas sa Asian Games man lang bilang manlalaro? Hindi. Diretso coach siya dahil ang tatay niyang Governor ng Pampangga ay maraming kakilala. Sa PABL yan unang nag coach at nang umakyat ang Swift sa PBA ay dinala siya kaya ayun PBA coach kaagad instantly. Nakita niyo naman kung gaano kalala ang performance ng Galis sa FIBA World Cup. Kung paano yan napiling coach ulit ay hindi ko na alam dahil sa Asian Games noon kulelat din tayo noong hinawakan niya ang coaching job ng national team natin.

Hindi ko nakikita na aasenso pa tayo diyan. Pero kung seryoso ang SBP ang una nilang gawin ay huwag ibigay sa negosyante na may vested interest ang pamamalakad ng SBP nang sa gayon ay maiiwasan ang favouritism sa pagpili ng player na magrerepresenta sa bansa. Maiiwasan ang damutan at petty bickering at inggitan. Gawaan din ng parang ng SBP kung paano bantayan ang nangyayari sa grassroots - mga baranggay leagues. Diyan maguumpisa ang mga future na players ng bansa. Ibig sabihin kahit mga coaches ng mga teams sa baranggay ay dapat na kumuha ng training at magkaroon ng lisensya para magcoach ng isang koponan. Hindi yung kung sino-sinong Poncio Pilato ang kukunin. Itapon ang lumang sistema na yan. Kailangan din bigyan ng training ang mga officials - mga kumukuha ng stats, referees at organizers. Mag establish dapat ang SBP ng club system dahil ito rin ang pagkukuhanan nila ng funds at hindi na aasa pa sa mga corporations na may pansariling interes lang.

Masunod man o hindi ang mga suggestion ko wag rin tayong umasa na may milagrong mangyayari at magiging world beaters tayo. Height is might sa basketball. Tayong mga Pinoy ay hindi nabiyayaan ng height kaya mag enjoy na lang tayo sa panonood at kagaya nga ng sinabi ni Jaworski - "Huwag ka nang umasa pa!"

Comments

  1. Ewan ko ba kung bakit sa tinagal tagal ng napakahabang panahon na nagkandatalo talo na ang Pilipinas sa Basketball hindi pa rin ba sila nadadala sa mga kahihiyan na inabot nila, Tingnan mo nga ang PBA... at kahit MPBL pa... wala ng nagkakainteres at nagaaksaya ng panahon nila na manood ng mga laban, para saan pa? ubusin oras mong manood ng mga players na sa tuwing babalik ng bansa galing sa isang International stint o World Stage ay puro kahihiyan na lang inabot ng bansa natin dahil talunan ang Philippine Team. Hindi ba sila nahiya nyan sa nagyari sa FIBA World Cup!? Tambakan ka ng ganung kalaki na umabot ng 50 puntos ang lamang at malalaman pa ng mga ibang bansa na ilang dekada na pala ang Basketball sa Pilipinas at sabihing nagkakanda talo talo kayo. Malabo talagang umunlad ang quality ng Philippine Sports mapa Basketball o kahit ano pa yan gaya ng sinabi mo kung migo migo ang sistema ang umiiral palagi, puro lang payabangan, porma ang inuuna at inaatupag kesa pagaralan kung ano ang mga dapat gawin para masoluyunan ang napakalaking problema sa Philippine Basketball lalo na't paulit ulit na issue na lang palagi ang pagrecruit sa mga players lalong lalo na sa pagkuha ng mga matatangkad at walang katapusang pulitika. Sa malamang mapapailing na lang Team Australia nyan lalo na't hinding hindi nila malilimutan ang gulong inabot nila sa Pinas dahil sa kapikunan ng Exhibition game nila't hindi makaporma na talo sila dahil sa napaka walang kwentang sistema ng basketball.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Makikita kasi na bulok ang sistema sa bansa natin at ang nagpapalakad ay mga walang kwenta.

      Delete
  2. buong pinoy players ng PBA mga baranggay level mentality

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yan kasi dapat ang pagtuunan ng pansin ng SBP - ang baranggay basketball. Kasi yan ang grassroots eh. Pero pinauubaya lahat sa mga unibersidad ang paghahasa sa basketball kung saan lahat ng bad habits ay dala-dala ng player.

      Delete
    2. Ano pa ba aasahan mo sa mga baranggay, kaya balasubas ang asal ng karamihan ng mga Basketball players ngayon wag ka ng lumayo eh... Sinu sino ba ang mga namamahala sa mga barangay basketball pati na rin mga manlalaro..? Ano ba ang mga katayuan nila sa buhay..? May magandang breeding ba sa paguugali ang mga yan..? Mostly sa kanila dyan asal squatter mga yan!! Wala nga sa mentalidad ng mga yan na magtapos ng course na kinuha during College Days eh, mabibilang mo lang sa kanila ang determined na maka graduate at nagpa plano in the future na may fall back sila kapag wala na sa Professional Basketball, kaya marami sa mga mga yan walang assurance ang future kapag wala ng Ball club na kumuha sa kanila oras na binibitawan o nasa trading block na sila mapa bata pa yan o may edad na. Swerte sila kung makapasok kahit papaano sa MPBL pero wag sila magpakasiguro kahit maraming teams yan, dahil nowadays kahit MPBL palakasan na din sa pagpasok dyan saka naguumpisa pa lang yan. Mamaya matulad yan sa MBA (Metropolitan Basketball Association) na ilang taon lang ang binilang kaya nagsara na dahil sa hindi lahat ng may laro puno ang court ng nanonood at mahina ang sponsors (wag naman sana dahil mostly sa players na lumipat dyan pinatos na kahit hindi ganun kalaki ang sweldo kesa naman sa wala), isa pa marami ng ibang bagay pwedeng pagkaabalahan at libangan ang mga tao ngayon.

      Delete
  3. idol wala ka magawa? ano masasabe mo dun sa Teacher vs Tulfo? Merry Christmas!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?