Kung Ano Ang Tinanim Mo, Yan Ang Aanihin Mo Gago Ka


Ang mga Pinoy pagdating sa pagpili ng presidente talagang gago-gago. Hindi nagiisip basta kung sino na lang iboto ang iba naman binebenta mga boto nila. Marami din diyan parang multiple choice na lang kung mamili, walang alam sa background ng kandidato basta may ok na gimmick pag nangangampanya tapos bahala na si Batman.

EDSA Revolution? Kailan? Para kanino?
Subukan mo matalino, pag nangurakot eh di pili ulit ng iba. Artista, dating sundalo, housewife, retarded. Pero hindi pagaaralan ang plataporma nila. Hindi marunong mangilatis, tama ba itong plataporma ng kandidatong ito? Kailangan ko ba ang mga programa na pinapangako niya? Ano ba makakabuti para sa akin? Makakabuti rin ba ito para sa lahat? Ah, iboto ko na lang artista kasi idol ko siya. Or, iboto ko itong anak ng dating mayor kasi may pangalan na eh.

Sinubukan na natin ang isang housewife pero ano nangyari? Ni-reinstate niya ang mga oligarchy sa bansa. Yung predecessor niya, nag attempt na gamutin ang Pilipinas sa sakit na oligarkiya - pinakulong niya ang mga balasubas na ito, inagawan ng negosyo, pinatapon sa ibang bansa, inetsepwera, binuga sa pwet pero ano nangyari? Nag people power ang mga pasaway, makukulit at walang disiplinang mga Pilipino at nag install ng presidente na walang kaalam-alam sa pagpapatakbo ng bansa.

Nang maupo si Santanas Cory Aquino, binalik niya ang mga negosyo ng mga kamag anak niya. Binigay din niya ang ABS CBN sa mga Lopez. Hindi dapat nangyari ito kasi lugi na ang ABS CBN noong binili sa kanila ito ng Philippine Government, pero ayan sa kanila na ang ABS CBN kahit na wala silang nilabas na singkong duling para mabawi ito.

Pinakawalan din ni Santanas ang satanas ng bansa. Ang prinsipe ng mga demonyo na si Joma Sison, ang nagtatag ng CPP NPA (kasama ang basbas ng demonyong si Ninoy). Pinsan din niya itong ahas na ito, at dahil naupo na ang pinsan niya na Santanas Cory, abswelto na ang mga kasalanan niya sa bansa. You are a free man now! Bwahahahahaha! Hiiiissssssss!

Kinansela din ng Dona Demonya ang Bataan Nuclear Power Plant. Dahil lang may bahid ni Marcos, kinansela na. Ayaw daw ng Dona Demonya na maging operational ang nuclear power plant natin kasi maaalala lang daw ng mga tao si Marcos. Kaya ito tayo ngayon ang taas ng kuryente, pinakamataas sa buong Asia at sa buong mundo. Instead na maging energy sufficient, lalong nabaan ang Pilipunas dahil sa pride ng Santanas.

Bawal ang mga mahihirap. 
Sinubukan na din natin ang dating heneral at leader ng coup na nag oust kay Marcos na si Fidel Ramos. Walang kwentang tao ito pinagbebenta ang mga lupa na pagaari ng gobyerno, petron, at Philippine Airlines. Lecheng tao ito, nandaya din ito sa election kaya ito nanalo. Noong election laging nagbrownout sa probinsya, pagbalik ng ilaw pinagpalit na yung mga ballot boxes. Itong pandaraya na ito ang naging dahilan din kung bakit nasiraan ng bait si Miriam Defensor Santiago. Talagang umiikot ulo niya sa mental hospital dahil hindi niya matanggap ang pagkatalo niya.

After ni Ramos, sinubukan natin si Erap. Dating artista, champion ng mga mahihirap. Sa kanyang mga pelikula binubugbog niya ang mga mapang-api, pero sa tunay na buhay yosi, sugal, babae at alak ang interes niya. Oo, marami siyang programa na nakakatulong sa mga mahihirap. Mga housing projects, skills workshop. May karpintero nga ako noon na nakuha, pinaayos ko yung pinto ko. Eh kailangan ko rin ng electrician para ipaayos yung mga wiring sa bahay ko. Siya na nagayos. Nagulat ako, sabi ko saan ka natuto niyan ang dami mo namang alam. Sabi niya, nag attend daw siya ng skills workshop sa baranggay nila. Libre lang daw dahil programa daw ni Erap.

Ok naman si Erap kahit na mabisyo. Kaso, ayaw siya ng mga elitista. Ayaw sa kanya ng Manila Business Club, ayaw sa kanya ng mga professionals kuno, ayaw sa kanya ng mga may pinagaralan kuno, ayaw sa kanya ng mga middle class, ayaw sa kanya ng mga social climbers at ayaw sa kanya ng mga putanginang leftist. Putanginang mga leftist yan lahat naman ayaw ng mga putanginang yan eh basta hindi komyunista ang nakaupo. Pweh!

Nagrally ang mga unggoy-Pinoy at binastos ang constitution. Ang leader nila? Si Santanas Cory. Binastos yung sariling constitution niya. Alam ba niya yung constitution na tinatag niya? Ginawa pa niya tayong sangkalan, tayo daw ay tumawag sa kanya para i-lead ulit ang bansa at paalis ang mga corrupt. Pweh! Demonyong mapanlinlang! May mandate yung tao pero pinalayas pa rin. Negative nga ang feedback ng CNN at BBC sa Pinas noon, kasi si Erap kahit na ayaw mo sa kanya ay binoto ng mga tao. Nanalo siya fair and square, hindi kagaya ng putangina Ramos na yan na nandaya pa. Dalawang taon na lang ang natitira, hindi pa makapaghintay ang mga kupal? Pweh!

You reap what you sow. Yan ang napala niyo. Yan ang nangyari sa Pinas. Napatalsik si Erap, pinalit si Gloria Macapagal Arroyo. Mas worse pa ang nangyaring nakawan. Namatay pa si FPJ dahil sa pandaraya na ginawa ni GMA nang tumakbo ulit siya para makakuha ng isa pang term. Pero ok lang daw sabi sa akin ng nakausap kong tibak. GMA is the lesser evil, kesa naman bumoto kay FPJ baka i-release niya lang sa kulungan si Erap. At narelease naman si Erap sa kulungan, pinardon ni GMA. Pinardon kasi wala naman talagang kasalanan yung tao in the first place. Kinulong kasi si Erap on trumped up charges. Shempre dapat may kaso para justified ang pagkakakulong. So with the help of the media, Cory at Cardinal Sin nabola nila ang mga tao na may kasalanan si Erap. Sa totoo lang, kung nagnakaw nga yung tao eh ano ba naman ang pinagkaiba niya sa mga nauna sa kanya? Mga magnakaw naman lahat sila. Ok lang maimpeach, kaso nagwalk naman mga prosecutors nang hindi payagang buksan yung envelope. Nag walk out, at dinala na lang sa kalye. EDSA 2 kuno. EDSA ng mga mob. EDSA ng mga elitista at gago.

At ngayon sumubok naman ng abnormal. Bumoto na lang ng bobo, tutal yung matalino uutakan ka, sundalo tatraydorin ka, artista magnanakaw rin pala, housewife naman walang alam. Eh di iboto na lang natin yung walang alam malay mo makachamba? Billionaire playboy naman diba?

Busy ang billionaire playboy sa paglaro ng Sim City. Siguro Sim City ginagamit niya para matuto kung paano magmanage ng bansa? Sabi niya kasi na magpasalamat tayo sa tindi ng traffic sa bansa, kasi sign ito ng progress at magandang takbo ng ekonomiya. Afford ng tao bumili ng gasolina, at bumibiyahe para pumasok sa trabaho. Traffic ay good indication ng good economy.

Parang si Boy Pick-up pala itong putanginang ito. Naghihirap na pala ang Singapore kasi walang traffic doon diba? Matindi naman ang traffic sa Bangladesh kaya ibig sabihin nito ay maganda rin ang ekonomiya nila? Gunggong! Magsalsal ka na lang, gago!

Ang bobo talaga ng abnoy na ito! Sa Sim City oo pwede pa yan maging indication na lumalago ang ekonomiya mo, pero kailangan mo rin magpagawa ng railway system para lumuwag ang traffic sa bansa mo. Traffic ay sagabal sa ekonomiya yan putanginang panot ka. Sagabal sa ekonomiya yan dahil sa delay na magiging cause nito. Babagal din ang production sa mga planta, lulubha ang pollution. Sa gabi nga lang nagdedeliver ang mga malalaking trucks sa Pilipunas dahil sa matinding trapik sa umaga hindi tulad sa South Korea, Singapore, Australia or Japan na may magandang railway system na may sariling riles ang mga freight  trains.

Hindi ba makahanap ng solution para malutas ang traffic? Hindi niya siguro makita sa Sim City ang solution. Kaya press release na lang, excuses at misdirection tapos utuin ang mga uto-uto na magandang senyales ang traffic tapos carry on mga Pinoys. Carry on, mga putanginang mga bobo kayo.

Kahit sa ligawan sa Sims din ata kumukuha ng idea itong titing binurat na ito. Kaya laging nababasted kasi puro gibberish lang sinasabi. Marami pa siguro theatrics kagaya ng mga characters sa Sim, kaya natatakot mga babae sa kanya. Tapos biglang hahalikan akala mo may romantic background music, kaya yung nililigawan niya iniisprayhan siya ng mace sa mata.

Tuwing may sakuna naman ay laging absent ang billionaire playboy. Ayaw niya ng stress. At bahala na ang mga LGU diyan, trabaho naman nila yan. Bakit niyo pipilitin ang mahal na hari? Malulutas ba yan pag dumating ang mongoloid diyan? Himala ba na titigil ang bagyo, kapag nagpakita ang mukha niya na parang nahulugan ng langka?

Pero you reap what you sow. Kung ano ang tinanim mo, yan ang aanihin mo. Kelan niyo ba tinanim yan, Pinoy? 1986 pa ninyo tinanim yan. Pinabalik niyo ang oligarkiya, para maghari ulit ang mga kupal sa bansa at mawalan ng karapatan ang mga Pilipino. Binastos niyo ang constitution, na hindi niyo rin naman naiintindihan in the first place tapos pinalit mas worse pa na magnanakaw sa pinalitan niya. Ngayon naman abnoy niluklok niyo, sure na kaabnoyan din ang mapapala ninyo.

Kaya manigas na lang kayo mga putangina kayo.

Comments

  1. Putang ina talaga. Sayang. Sana Marcos na lang ulit ang Presidente. Puro kabobohan ang nagyayari sa bansang ito. Lugmok sa kamangmangan ang mga tao. NO IMPROVEMENT AT ALL AFTER 1986.

    ReplyDelete
  2. Unang-unang pamantayan ng pagpili ng kandidato sa pagka-presidente sa Amerika ay ang pagiging "patriotic," o "makabayan." Sa Pilipinas, ang sukatan ay kung magaling mag-ingles. Kapag magaling umingles, matalino daw. Kapag gradweyt ng university sa amerika, mas magaling. Hindi kailanman naging pangunahing requirement sa mga kandidatong presidente ng Pilipinas yung pagiging makabayan bago pa ang ibang kakayahang nito sa pamamuno ng bansa. Kaya ang eleksyon sa Pilipinas ay umiikot lang sa gimik at tahasang pandaraya.

    ReplyDelete
  3. kung napanood mo ang eyewitness tungkol sa daang bakal malamang mang hihinayang ka at matitikom galit mo sa putang inang gobyernong demokrasya na pinanalundakan ng mga aquinong busabos..

    Alam lang kasi ipamulat sa madlang bobo yung kasaysayan ng kanilang pamilya pwe

    ReplyDelete
  4. Bago kayo magtayo ng isang maunlad na Lipunan..

    Magtayo kayo ng sistemang daang bakal!!

    Hindi puro kalsada at expressways, Industriya ng kotse na gustong hawakan ng mga dmonyong putang inang kamaganak ni abnoy at kampi sa dilaw at kapitalista

    ReplyDelete
  5. i beg a differ sa panahon ni ramos....pinagbenta nga ang lupa ng government pinangbili naman ng armas ng bansa, nabuo ang AFP modernization law, bumili ng su211, MG250, dinagdagan ang M113, bumili ng Simba, binuhay anglumang programa ni marcos na patrol crafts, bronco propeller infantry escorts. sa panahon nya ang government nakafocus sa working class.lumakas ang mga middle class kaya 1994 hanggang matapos sya marami nagaaral sa kolehiyo biglang dami ang population ng mga studyante. nagkaroon ng mga economic zone (laguna, cebu, davao, batangas, pampanga), nagkaroon ng skyway, nagkaroon ng MRT 2 at 3, tumino konti ang corruption (LTO, Custom etc). nagsimula ang globalization sa panahon ni ramos...lumakas ang mga negosyo local.....ang nakikita ko lang kasalanan nya indi nya binago ang 60/40 law ng bansa o indi nya binago ang business law ng bansa...

    at dre...ang pagbebenta ng PAL ay sinimulan ni cory...and besides lugi ang PAL sa panahon na yun....pero oo approved ako sa mga commento mo sa panahon ni cory, erap...pero 50-50 ako kay gloria kahit nagnakaw kahit papanu stable ang economic performance ng bansa kahit papanu....at kay abnoy indi ko pa masasabi dahil indi pa tapos term nya....at sya ang presidente na binuhay ulit ang AFP modernization program ni ramos....

    ReplyDelete
    Replies
    1. anong s 211? bumili nga tayo ng 25 niyan noong panahon ni Ramos, pero 2 na lang ang airworthy. walang kwenta yan. diyan ba napunta ang pera na binayad sa mga lupa na pinagbebenta niya? yung S-211 nga ng Haiti niretire na at binenta noong 1990. baka ito ito ang mga nabili ni Ramos. sa ibang bansa ang S-211 kina-cannibalise na lang ang mga eroplano na yan para kunin yung mga spare parts na gumagana pa.

      kung mga armored personnel carrier lang tulad ng M113, pwede naman gumawa ang pinas niyan. hindi ako natutuwa na pinambili niya ng mga lumang lata ng ibang bansa ang pera na nakuha nila sa pagbebenta ng mga property ng gobyerno.

      ok my bad 1992 pala naprivatise ang PAL bago naupo si Ramos... but still! madami pa rin siyang pinagbebentang mga property ng gobyerno kaliwat-kanan!

      isa pang disgrace na ginawa ni Ramos ay ang pagsali natin sa WTO. diyan nagumpisang malugi ang mga magsasaka natin. tingnan mo ngayon sa mga grocery ang daming imported products. kahit gulay binibili na natin sa ibang bansa, habang ang mga gulay na produce ng mga local farmers ay nabubulok dahil hindi makacompete...

      lumakas ang negosyo local.... dumami ang jollibee at 711.... namatay naman ang mga maliliit na mga entrepreneurs... nagsara ang paborito kong lugawan....

      Delete
  6. brod ang SU 211 ay angkop lang sa budget para sa phase 1 ng AFP modernization plan kasama na dyan ang OV10 bronco's at sole purpose SU211 ay para sa training ng PAF natin and so as ground support and interim fighter....sa AFP modernization plan sa panahon ni ramos may 3 phase yan na hanggang 20 years hango mula kay sa panahon ni marcos ika nga binubuhay ulit ang modernization program. Ngayon alam mo naman na ang mga jets ay may lifespan ngayon sa maintenance ng mga phase 1 program ay mapupunta sa phase 2 kasabay ng pagpasok ng 4th generation fighters pero gawa ng europe pa rin dahil sa agreement ng pinas at european nation. (ika nga ang SU211 natin ang kapalit nyan ay mga apparels).
    Ngayon yung mga government properties na benenta sa panahon nya talagang palugi at indi kaya suportahan ng government...wala naman matinong ginawa si cory bagkos sinarado pa ang economic policy natin at napunta tayo sa 60/40 filipino/foreign ownership....anu ang gagawin ng government???kagaya ng fort bonifacio....ok lang na buwagin yan pero tingnan mo kahit papanu napunta sa budget ng revival ng gamit ng navy at marines...nabuhay ang indigenious patrol craft natin (yun nga lang si erap nakinabang ang masaklap indi pa tinuloy na matapos ang 6 units)....
    Patungkol sa WTO anu gagawin ng presidente eh yan ang trend noon na kahit america sumunod kaya industrialization eh....o pumirma sya sa WTO ilang scince park ang nabuksan.....oo admitted na bumagsak ang local industries natin pero para sakin pilipino din ang may kasalanan dahil sa anu ang filipino mahilig sa mga bagay na gawa sa labas so ang local market natin unting unting humina....kung indi marunong tumangkilik ang mga pinoy sa sariling atin to what purpose pa...at indi lang yan isama mo pa illegal smuggler at corruption lumakas yan noong umupo si erap....
    kaya bakit ko nasabi yan dahil during ramos administration college ako sa province doon ko nakita ang pwersa ng peso marami ang nagaaral sa kolehiyo...walang masyadong fake na gamit dahil controlado ang custom....infrastructure development to the fullest at pulido dahil takot sila kay Ramos dati.....imagin mo sa visayas bago nya hawakan ang pamahalaan lubog yan dahil sa ruping pero sa panahon nya bumangon na parang indi dumaan ang delobyo....
    ang agriculture system sa panahon ni ramos lumakas kumpara sa panahon ni erap, cory at GMA...ang pagkalugi ng local farmers ay dahil na rin sa pinoy indi sa decision ni ramos....
    brod kahit ako nanghinayang na nagsara ang popeye fast food chain sa bacolod para sakin dyan ang masarap na hamburger.pero ngayon alam ko na kung bakit kasi dahil na rin sa decision ko na indi na kumakain doon at sa iba na kumain ...see kaya tanungin mo ako...ihahantulad ko si Ramos na kasing galing ni Marcos (sa first 8 years as a president).

    ReplyDelete
  7. 'Magtanim ay di biro, maghapon naka-upo.
    Di naman naka-upo, titi ko'y nakatayo.'

    Sums up ang buhay sa Pinas. Hehehe.

    +ur@gon

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?