Buwagin Ang Mga Prangkisa Ng Bus

Buwagin Ang Prangkisa! 


Bwisit sa buhay talaga ang mga putanginang mga bus na ito. Sa EDSA ang trapik-trapik dahil sa mga franchise ng bus na naguunahan sa pasahero. Sa intersection titigil ang mga gagong ito at magtatawag ng pasahero, hindi aalis hangga't hindi napupuno ang bus or hindi sinisita ng MMDA. Makikita ang mga putanginang yan sa may Shaw Blvd na hinaharangan ang ibang mga motorista, kaya nagkakaroon ng bottleneck at bumabagal ang usad ng mga sasakyan.

Tsk Tsk. ESO-Nice pa pangalan ng bus. ESO Nice day to die.
Bulok ang ganitong sistema ng bus transportation system kasi nagcocompete ang mga bus, nag aagawan ng pasahero, nagkakarerahan sa kalye. Araw-araw nagkakarera ang mga putanginang yan sa EDSA, yung mga mabubundol buti nga. Pag may nabundol sila, at nakita na buhay pa yung nabundol nila, inaatrasan nila yan para tapusin yung naumpisahan nila. Magbabayad na lang sila ng panglibing, kesa magbayad habang buhay kung mag survive yung biktima nila. Ang gastos kaya non. Totoo yan. Mga walang awa ang mga putanginang yan. Mga halang ang bituka, walang konsensya.

May nakwento nga sa akin yung kakilala kong bus driver. Meron daw mag-asawa nakasakay sa motor na nasagi ng bus. Sumadsad sa kalye yung dalawa, buntis pa yung babae. Nangingisay pa sa sakit yung mag-asawa, inatrasan ng bus driver! Para makaiwas sa gagastosin sa ospital! Kahit buntis yung babae! Kabaong showcase na lang, mas mura pa! Mga demonyo! Putangina niyo!

Ang solution dito ay pagisahin na ng goberno ang lahat ng mga franchise ng bus. Kagaya ng London Transit Commission (LTC) at State Transit ng Australia - gobyerno may hawak ng bus transportation service sa city.  Bilhin na ng gobyerno sa kanila, gobyerno na ang humawak. Magkakaroon ng oras ng pagbiyahe, kung ilang bus ang bibiyahe papunta sa isang lugar. Hindi kagaya ngayon na hihintayin pa dumami pasahero bago bumiyahe mga putanginang yan! Tagal-tagal mo naghihintay mahuhuli ka na sa trabaho nandoon pa rin kayo sa istasyon ng bus. Mapipilitan ka ba bumili sa mga naglalako ng tubig at mani, napagastos ka pa. Hassle yan! Tapos sabay-sabay lulusong sa kalye kaya ang sikip-sikip. Yung ibang bus na nakikita ko wala pang laman!


Tsk Tsk. Kelan ba kayo matututo mga Pinoy?
At dapat hindi na yung kung saan-saan lang magsasakay at magbababa ng pasahero ang mga bus. Nakakaburat din ang mga yan sa kalye. Meron dapat mga bus stops at maging strikto ang mga drivers na doon lang mag load at unload ng pasahero. Gawaan din ng malaking waiting shed na may mga upuan para naman sa ikagiginhawa ng mga pasahero. Tangina ang laki ng buwis na binabayaran natin kaya dapat lang makita natin kung saan napupunta ang mga buwis na kinakaltas sa mga sweldo natin.

Tingnan niyo na lang ang mga progresibong bansa gobyerno ang may hawak ng bus transits, kaya organized at on time lagi.  Ang mga drivers may fixed salary, hindi kagaya sa mga swapang na franchise na may boundary-boundary pa na nalalaman. Kaya ang mga drivers nila parang mga demonyo sa kalye ang bilis magpatakbo kasi nakikipag unahan sa ibang bus drivers na may hinahabol din na boundary-boundary bwisit sa buhay! Sa Australia well compensated ang mga drivers. May holiday pay, sick leave, overtime pay. Diyan sa Pinas tangina maging bus driver ka kawawa ka putangina backwards na third world country proud to be Pinoy pweh! Putangina niyo!

Yung mga drivers ng bus pwede silang mag apply sa bus transit ng gobyerno. Dadaan sila sa series of training - knowledge ng road signs at road conditions, proper road courtesy at etiquette, customer service skills, safe driving, timekeeping etc. That way matatanggal ang mga balasubas at kupal at mapapalitan ng mga matitinong drivers na may good professional attitude. Hindi kasi naiintindihan ng mga bus drivers kung ano ang role at responsiblidad nila. Basta lang kumita, ok na. Dapat alisin yan ganyang attitude na nagpapatayan sa kalye. Putangina nila.

Tangina naman bumibiyahe pa ito? Mahiya naman sila.
Tapos idemanda ang mga putanginang franchise owners at bus drivers na may ginawang katarantaduhan. Imbestigahan kung sino mga nabiktima at pagkatapos ng imbestigasyon at naidentify ang mga nabiktima nila (mga nasagasaan, nabangga etc) bayaran nila ang mga pamilya ng mga nabiktima nila tapos itulak na sila sa bunganga ng bulkan. Bayaran din nila ang gobyerno dahil sa dumi at baho na iniwan ng mga bus nila. Hindi naman nagpapaayos ng makina yan, puro pa mga bulok at lumang bus ang gamit nila, mga rejects ng ibang bansa. Kaya ang itim ng usok, nakapagpalala ng pollution sa atin. Maghirap sila!

Mawawala na rin ang mga putanginang bulok na bus na hanggang ngayon ay bumibyahe pa rin. May nakita nga akong bus panahon pa ni Marcos, hanggang ngayon nagsasakay pa rin ng mga pasahero. Nakakaawa naman. Nakasakay nga ako ng ganong bus, umupo ako sa likod pagtingin ko sa may gilid ang daming ipis. Putanginang bus may infestation ng ipis. Kawawa naman mga babae na naka-mini skirt papuntang opisina papasukan ng ipis yung mga puday nila, siguro matutuwa sila pag nag sumiksik ang ipis sa mga puki nila. Siguro yan dahilan kung bakit ang baho ng puki ng mga Pinay? Hmmmm.

Mas ok ganito gawin ng gobyerno. Maraming benefits kagaya ng mga nasabi ko sa itaas, pero kung bobo kayo at namiss niyo ililista ko na lang in point form mga putangina kayo.

Pros:


  • Magkakaroon ng fixed salary mga drivers - Hindi na nila kailangan makipagunahan sa kapwa driver nila. May contribution na rin sila sa bansa natin sa pamamagitan ng pagbayad ng buwis.
  • Matatanggal ang mga balasubas na drivers - Dahil sila ay magiging masaya sa trabaho nila. 
  • Magiging ligtas ang ating mga kalsada - Wala na nagkakarerang mga demonyo. Pwede ka na ulit magsalsal sa gitna ng EDSA.
  • Magmumura pamasahe - Dahil not for profit ang gobyerno, mag provide lang sila ng serbisyo sa mga tao kagaya ng ginagawa nila sa MRT.
  • Environmentally friendly - Emissions testing sigurado pag gobyerno may hawak. Konti na rin ang mga bus sa kalye kaya hindi na gaanong mausok.
  • Luluwag ang traffic - Hindi na kailangan ng mga bus drivers harangan ang mga intersections para kumuha ng pasahero. Kokonti na rin ang bus sa kalye.
  • Mawawala na ang mga bulok na bus - May susundin na certain standard ang gobyerno kaya sigurado magagandang bus na de-aircon lang ang babyahe sa kalye. Gawin nang tansan ng beer ang mga lumang bus na yan nakakahiya na ang mga putanginang yan!
  • Magiging more fun in the Philippines - Matutuwa mga turista!
Cons:


  • Mawawalan ng trabaho ang mga balasubas na drivers - Putangina ano ngayon? Hindi dapat sila nagmamaneho kung balasubas sila. Maghanap sila ng ibang trabaho na aayon sa pagiging balasubas nila. 
  • Mawawalan ng boto si Herbert Bautista at ilang mga Mayor sa Maynila, Pasay, Cavite at surrounding areas - So? Nagpapayaman lang naman ang mga gagong yan at walang contribution sa mga mamayan at sa bayan. Dapat sa kanila masunog na sa impyerno.
  • Dadami mga skwater - So what else is new? Kahit ano gawin natin dadami ng dadami mga skwater.
  • Dadami mga magnanakaw - Atleast na-eliminate natin ang isang problema sa traffic. Pulis na bahala sa kanila. 
  • Mawawalan ng hanap buhay mga franchise owners - Paki ko sa mga putangina? Wala naman silang pagmamalasakit sa mga drivers nila at mga commuters. Dapat nga sa kanila makulong dahil ang dami nilang mga kasalanan pero hanggang ngayon hindi sila nagbabayad. Ikalaboso ang mga putanginang yan!


There you go guys. Ito ha naghanap na ulit ako ng panibagong solution. Baka sabihin niyo na naman puro ako reklamo pero wala akong naitutulong. O, yan na ginawa ko na trabaho ng mga putanginang transport minister para sa kanila. Kung pwede nga lang bigyan ko sila ng bayag para magkaroon sila ng tapang na mag implement ng pagbabago, kaso hanggang dito lang kaya ko.

Next article ko ilalabas ko bukas - Phase out na ang mga jeepneys! Abangan.







Comments

  1. nice one bro. kaso mejo malabo na mangyari yan. puro gahaman at bobo ang halos laha ng namumuno dito. kung si president marcos pa yan, malamang naipatupad yan. siya lang ang alam kong pinuno na may bayag.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo hahahaha. napaka simple naman ng gantong sistema eh. yan ang ginagamit ng mga mayayamang bansa. kaso sa atin, hindi kikita ang gobyerno diyan. malaki kikitain nila pag prangkisa... marami silang makokolektang pera sa registration hahahahha.

      banban talaga ang pinas. kaya kailangan lang ng bayag talaga. bayag lang.

      Delete
  2. Ganda ng suggestions mo. Kung matino lang ang mga nakaupo sa gobyerno, dun lang mangyayari ang mga sinabi ko. Pero dahil puros mukhang pera at sariling interes lang ang gusto ng mga pulitiko sa pinas, hanggang panaginip na lang ung mga gusto natin ipatupad na mga batas.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kagaya ng nangyari sa mekaniko na nakaimbento ng makina ng sasakyan na tumatakbo sa tubig. may senate inquiry noon... alam niyo kung ano ang tanong ng mga senador sa kanya? "magkano ba kikitain ng gobyerno diyan?" hahahahhaa mga gahaman nga.

      Delete
    2. bwhahaha! tang 'nang sagot yan oh. puro sila mga mukhang pera! pweh!

      sayang din ung nag-contribute ng water-power car. alang gustong mag-pondo at sumuporta sa ginawa niya. buti pa mga hapon at kano, na-recognize ung imbensyon nia. pero pag kapwa pinoy, iba ang habol nila pagdating sa mga imbensyong pinoy.

      Delete
  3. gahaman ang mga nakaupo talaga..ayaw sa pinoy craftmanship, ayaw sa kaunlaran ng daang bakal at pagpapalakas ng tanggulang bansa..


    Hindi dapat sila ginagalang..mas ginagalang ko mga public servant

    ReplyDelete
    Replies
    1. puros makikitid ang utak at may mga vested-interests. wag iboto ang mga kagaya nila. pero habang may mga BOBO-tanteng masang nagpapa-UTO at nagpapa-BAYAD, paurong pa rin ang pagpapatakbo sa pinas.

      Delete
  4. ‎"Ang tren ang pinaka-makapangyarihang instrumento ng Pagbabago" -Kara David of I-Witness - Daang Bakal

    ReplyDelete
  5. sorry ka clockworks ayaw ng mga komunista yan hahaha

    ReplyDelete
  6. Good idea talaga na buwagin ang mga franchise bus companies sa atin, lalo na sa Metro Manila. Pero di lang yan, dapat may mga scheme ang gobyerno na single operator lang na bus company ang tumatakbo sa bawat linya o lugar. Para di rin mahirapan ang mga private bus companies na bawiin ang investments nila. Every few years may review sa performance at ayos ng pagpapalakad nila. Yung mga bus na pang probinsya, ilagay ang kanilang mga stations sa labas ng Manila. Hindi sa Cubao, Pasay at Edsa.

    Sampahan ng murder ang mga driver na pumapatay. Institutional homecide sa mga operators kung ganito palakad nila. Manslaughter sa mga may-ari. It doesn't make sense na nagyayari pa rin and ganitong balasubas na systema.

    Higit sa lahat, dapat may sariling 'bus lanes' at may specific bus stops every few kilometers or popular na lugar(meron na ring ganito sa Edsa pero magulo pa rin). Dapat may ibang kulay ito sa kalsada. May CCTV monitor para pag multahin ang mga sasakyan na pumapasok dito.

    -urAgOn

    ReplyDelete
  7. dapat ang mga gilid ng mall o me provided loading bays ang gawing provincial bus station hindi puro nalang amenities para sa mayayaman..yung malaking lote sa alabang meron din pa norte at south sa may north malapit balintawak meron din pa south and pa north

    Ilalagay mo sa labas ng maynila...waw paano yung mga me daladalahan na pasahero...taxi palang libo na isisingil sayo sa pasay nga lang gusto pa ng 200 pa makati


    Me mga barumbadong bus driver nga naman na nanlalaban pa sa mga traffic enforcer abay ito masarap barilin e di umubra yung 3 enforcer sa mala pacquaio nyang liksi.ang kaso me violation ito sa may edsa caloocan abay siste pang nanlaban.dapat dito LONG STIK na yari sa bakal ipanglaban sa gago na ito..yung kinawawa nya na inforcer kung ako dun SA MATA ko tutusukin ng mabulag na..Yun lang dapat sa mga taong sisiga siga sa kalsada...Gusto nyo patulan nyo itong puchang bobong driver na ito. Jonathan Santiagodo driver ng DIVINE Transport TWS 899..Ingat kayo sa barumbado na yan

    ReplyDelete
  8. Mukhang kahit paano natutupad na mga suggestions mo rito. Binabasa rin siguro nila blog mo. Isa kang bayani.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?